Hindi pa din makapaniwala si Ye Mu Fan sa mga sinabi ni Ye Wan Wan habang si Gong Xu ay nagsisimula ng mailarawan ang kanyang kinabukasan malaya sa mga balakid.
Ang dalawa sa kanila ay hindi makapag salita ngunit sa mga mata ni Ye Wan Wan ay kumikislap...
"Sige." Sabay na sumagot ang dalawa sa kanila.
Matapos nila mag-usap, napagdesisyonan ng apat na tao na magtayo ng kanilang kumpanya sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kabuuang pera.
Ngunit mayroon silang fatal flaw ngayon… sila ay walang wala...
Ginamit ni Ye Wan Wan ang lahat ng kanyang pera upang bayaran ang bahay at matapos niyang bayaran ang kanyang huling paycheck upang magawa ang final payment, wala ng masyadong naiwang pera sa kanya. Kahit na kumita ng marami si Gong Xu, gumagastos pa din siya ng marami - ang salitang "savings" ay wala sa kanyang diksyunaryo. Bilang si Luo Chen ay nagsisimula pa lang sa trabaho wala pa siya gaanong kinita...
Matapos ang maingat na pag-bibilang, kailangan pa din nila ng marami kapag pinagsama-sama nila ang lahat ng kanilang pera - kailangan nila ng pera para sa pagrehistro ng kumpanya at mamuhunan sa susunod na pelikula na pagkukunan ng kumpanya.
Ang parating na pelikula na kanilang kukunan ay napakaimportante. Kapag sila ay nabigo, ang kaperahan ng kumpanya ay mapuputol...
"Ang kaunting puhunan na ito ay siguradong hindi sapat. Maliban kay Gong Xu at Luo Chen bilang mga bida, kailangan pa nating kumuha din ng iba; ang kabayaran sa venue at special effects ay siguradong nagkakahalaga ng malaki...." Bulong ni Ye Mu Fan.
Walang pakialam na sinabi ni Gong Xu, "Kumita na lang tayo ng marami kung hindi na sapat! Mula ngayon, si Luo Chen at ako ay tatanggap ng assignments at endorsements. Magtatrabaho kami ng mabuti!"
Nagdududa si Ye Mu Fan. Hindi ganun iyon ka-dali. Siguradong hinadlangan tayo ni Chu Hong Guang at papahirapan niya tayo...
Kalahating oras pa lang ang nakakalipas, si Ye Wan Wan, Gong Xu, at Luo Chen ay inanunsiyo ang kanilang pag-alis mula sa Dazzling sa kanilang Weibo accounts.
Sa sandaling ito, mayroong isang malaking iskandalo sa Internet.
Nagtitingin si Gong Xu sa Weibo at biglang pinadyak ang kanyang paa sa galit. "P*ta, wala na tayo sa kumpanya, pero si Cai Yong Sheng, ang bobong iyon, ay ginagamit pa din tayo para sa ating kasikatan!"
Ang palabas na kinuha nila kasama si Lucy Yang, "Totally In Love," ay naibalita na at gumawa pa ng makatas na tsismis...
Ang usap-usapan sa Internet ay sinabi ngayon na ang dalawang taong ito ay natanggal sa Dazzling dahil kay Lucy Yang...
[Bwisit! Ang Lucy Yang na ito ay nakakaakilt, huh! Kadarating lang niya sa Dazzling ng nakaraang ilang araw at talagang nagdulot sa dalawang pinaka-sikat na artista ng Dazzling upang mag-away!"]
[Huwag mo na isipin Gong Xu - bakit gusto din iyon ni Luo Chen?! Ibalik mo sa akin ang akin malinis at purong Prince Charming!]
[Ngunit talagang kilala na si Lucy Yang - mataas ang pinag-aralan na may mataas na EQ, maganda siya at mahusay umarte. Walang gaanong maraming totoong diyosa sa industriya ngayon, at si Gong Xu ay isang lusting toad matapos ang laman ng swan!]
[Seryosong may hinala ako na ang dalawang taong iyon ay may ginawang napakasama sa ating Lucy at hinahabol tayo ng kumpanya!]
…
Ang mukha ni Ye mu Fan ay puno ng pangungutya habang siya binabasa niya - sobrang halata na talagang binayaran nila itong commentors. Ang mga comment ay binayaran lahat, at kapag may nagsalita ng masama tungkol kay Lucy Yang, ang comments ay mabilis na itutulak sa pinakalikuran ng mga bayad na commenters.
Galit na galit si Gong Xu. "Mga tanga! Ang young master (l) ay totoong swan, diba?!"
Ye Mu Fan: "..." Bakit ba lahat na lang pinapansin ng lalaking ito...
Sa parehong oras, naglabas ng pahayag ang Fashion magazine na naging hot topics list.
Naglabas ang beauty ng isang preview photo ni Gong Xu at Lucy Yang na magkasama.
Alam ng lahat na si Gong Xu at Lucy Yang ay nagsimulang bumuo ng relasyon nang sila ay nagso-shooting para sa cover ng Beauty. Ang cover ng linggong ito at mga interview sa loob ay patungkol ang lahat kay Gong Xu at Lucy Yang. Kaya naman, ang tsismisan ng marami ay kumuyog na parang mga bubuyog. Dinala nila ang buto ng kanilang melon at dumi, sa pagtatangkang humanap ng madaming malaman na tsismis…
Ang Beauty magazine ng linggong ito ay tiyak na mabibili sa sandaling ito ay maging sale.