Nagsalita si Ye Wan Wan habang pinakita kay Si Ye Han ang litrato.
Sa litrato ay may isang komedyanteng suot ang lumang pulang checkered shirt mula sa 80s, may berdeng padiretsong pantalon at may itim na malaking salamin, mayroon din siyang kayumangging balat, may buck teeth at kalbo ito; mahirap ipaliwanag ang kanyang itsura sa ilang mga salita lang.
Masayang tanong ni Ye Wan Wan, "Ano sa tingin mo? Sobrang ligtas, huh?"
Mas grabe pa sa ligtas - walang magkakagusto sa kanya kahit ipadala mo pa siya sa pintuan ng babae.
Perpekto!
Tsaka, walang makakakilala sa kanya!
Ang itsura ni Si Ye Han matapos tignan ang litrato: "..."
Nagising ang konsensya ni Ye Wan Wan ng naramdaman niya na ang pagbabago sa gwapong Si Ye Han sa ganitong tao ay matrabaho, kaya nagkompromiso siya at sabing, *cough* "Pwede kang magkaron ng buhok…"
"Kung sa tingin mo masyadong mahalay yung pulang checkered, pwede mong palitan ng berde?"
"Pwede mo ding alisin ang salamin-hindi, masyadong kaakit-akit ang mata mo, hindi pwede walang salamin…"
...
Nang makita na mas nangasim ang istura ni Si Ye Han, napalunok si Ye Wan Wan at seryosong sinabi, "Baby, ayoko din naman 'to eh, pero ang mukha mong yan ay mukhang…"
Nanlamig ang itsua ni Si Ye Han, "Na lolokohin ka?"
Madaling sinabi ni Ye Wan Wan, "Paano naman 'yon! Baby, alam ko ang nararamdaman mo para sa 'kin! Wala ka nga pake na ang panget ko dati! Natatakot lang ako na baka mag-alala ang magulang ko at kung ano sasabihin nila…"
Halos mapunit na ang mga labi ni Ye Wan Wan sa kanyang pamimilit, pero wala pa ding negosasyong nangyayari...
Grand View Park:
Nang makabalik sa apartment, ayaw pa ding sumuko ni Ye Wan Wan, at sumubok muli sa panghuling beses.
"Ay, sweetheart, isipin mo na lang ganito - kung sobrang panget mo tapos may maganda kang kasama, iisipin ng mga tao na tycoon ka! Hindi ba masarap sa pakiramdam 'yon! Uh, sandali, mali ito… sa una pa lang tycoon ka na…"
Nawawalan na ng pag-asa si Ye Wan Wan.
Matapos na samahan si Ye Wan Wan sa kanyang apartment, walang balak na pumasok si Si Ye Han, kaya agad na itong umalis.
Nataranta si Ye Wan Wan at hinarangan ang daanan ni Si Ye Han, at pinapasok siya sa kanyang apartment. "Bakit ba sobrang hindi ka makatwiran? Ilang beses akong nagdamit ng panget para sa 'yo pero hindi mo man lang magawa para sa 'kin ng isang beses lang?"
Natulak si Si Ye Han sa dulo ng sofa. Nanliit ang kanyang mata at bigla siyang hinarangan ni Ye Wan Wan bago pa siya makakilos, para bang masamang maniniil si Ye Wan Wan na tinutulak ang isang dalaga.
"Paano pag sinabi kong hindi?" mahinang pagtanong ni Si Ye Han, balot ng lamig ang nakakatakot na mga mata nito.
Saglit na nabighani si Ye Wan Wan sa magagandang mata nito pero mas determinado siyang 'wag hayaang makilala ng magulang niya gamit ang totoo mukha ni Si Ye Han. Kaya naman, mas itinulak pa ni Ye Wan Wan si Si Ye Han sa sofa at dinaganan ng isa niyang tuhod ang katawan nito. "Ngayon, kailangan mong pumayag kahit anong mangyari - kahit na ayaw mong pumayag, kailangan mo pa ding pumayag!"
Nang masabi iyon ni Ye Wan Wan, biglang may "clang"
Sumunod naman ang "pop"
Dalawang kakaibang tumunog ang nanggaling sa likod ni Ye Wan Wan.
Isang masamang kutob ang lumitaw sa isip ni Ye Wan Wan habang nanigas ang kanyang likod at tumalikod siya. At nakita niya...
Si Han Xian Yu, na naka-pajamas at naka-tsinelas lang na nakatayo sa pintuan. Gulat na gulat ito na may nahulog na kahon ng canned beer sa gilid niya.
Nawalan na ng pag-asa si Ye Wan Wan ng nakita niya ang mahinang teenager sa tabi ni Han Xian Yu… si Luo Chen...
Sa sobrang tuliro ng kawawang bata; nakakalat ang mga script niya sahig.
I... F***!
Anong nangyari!!!