Nalilito pa rin si Xu Yi sa sinabi ni Ye Wan Wan, "Ako ang haharap sa kanila!"
Nakatindig si Ye Wan Wan pagkatapos niyang magsalita at naglakad siya patungo sa pintuan.
Nang malapit na siya sa may pintuan, lumingon siya at makikita sa mukha niya ang pag-aalala nang tumingin siya sa lalaking nakahiga sa kama. "Maaga pa naman, matulog ka muna."
May galak ang tono ng boses ni Si Ye Han a tumango siya: "En."
Matagal at lutang na nakatayo si Xu Yi bago siya bumalik sa katinuan at tumakbo siya para makisabay sa paglalakad ni Ye Wan Wan pababa ng hagdan.
Sa likod nila, tiningnan ni Si Ye Han ang paalis na babae at makikita na para bang natunaw ang puso niya, madalang itong nararamdaman ni Si Ye Han.
Matapos umalis ni Ye Wan Wan, may tunog ng tahimik na hakbang ng hayop ang maririnig sa lapag.
May maputing hayop na naglakad patungo sa harap ng kama ng lalaki at tahimik itong humiga sa may kumot sa gilid ni Si Ye Han.
Ang kanina'y malambing na mga mata ni Si Ye Han ay biglang nanlamig habang nakatingin siya sa puting tigre, "Slaughter, kung… namatay na ako…"
Napayuko si Si Ye Han, hinawakan niya ang kanyang dibdib at medyo umubo siya bago niya haplusin sa likod ang tigre. "Kapag dumating ang araw na wala na ako, maging mabait ka sa kanya."
Iritadong humampas ang buntot ni Slaughter at umungol siya na para bang naiinis at nasaktan siya sa sinabi ni Si Ye Han...
...
Sa unang palapag.
Balisang naghihintay sa iisang pwesto si Qin Ruo Xi at isang may gulang na lalaki para kay Si Ye Han.
Napatingin sila sa may hagdan nang marinig nilang may mga taong humahakbang pababa.
Ngunit sa huli, hindi si Si Ye Han ang nakita nilang bumababa ngunit si Ye Wan Wan pala iyon. Sumunod si Xu Yi sa likuran ni ng babae.
Dumeretso si Ye Wan Wan sa sofa sa may salas, umulo siya at sinabi niya sa dalawa, "Maupo kayo."
Ang lalaking may hawak ng mga sangay ng kumpanya na si Xue Li ay nabigla at napatingin siya kay Qin Ruo Xi at sinabi, "Saan si 9th master?"
Ye Wan Wan: "Ididiretso niyo sa akin ang kailangan niyong sabihin sa kanya."
Lumaki ang mga mata ni Qin Ruo Xi nang marinig niya iyon.
Sumimangot si Xue Li at sinabi, "May mga importanteng at minamadaling dokumento na galing sa sangay ng kumpanya sa Shen City na kailangan ang beripikasyon at pirma ni 9th master."
Tumango si Ye Wan Wan. "Sige. Ibigay mo sa akin at iaabot ko ito sa kanya."
Ngumiwi ang mukha ni Xue Li kaya mahigpit at seryoso siyang nagsalita, "Napaka-importante ng mga kontratang ito at hindi rin siya pwedeng basahin. Hindi ko ito pwedeng iabot lang sa kahit sino at kailangang si 9th master lang ang kukuha nito."
Walang pakialam si Ye Wan Wan, gumalaw galaw siya sa kinauupuan niya at sumagot siya ng walang nagbabago sa kanyang itsura, "Simula ngayon, ako na ang hahawak ng mga ganitong dokumento."
Ano? Siya na ang hahawak?
"Director Qin, ito ay…" humarap si Xue Li kay Qin Ruo Xi at hinihingi niya ang opinyon ng babae.
Nag-iba ang kalmadong itsura ni Qin Ruo Xi. "Miss Ye, importante ito. Mas maganda nang konsultahin namin ang CEO kapag nagising na siya."
Tsk, nababahala na siguro siya?
Naisip ni Qi Ruo Xi ang kapangyarihan niya nang bigla siyang sinangga ni Ye Wan Wan.
Pangasar na nakangiti si Ye Wan Wan kay Qin Ruo Xi. "Pasensya na, Miss Qin, wala nang mas importante pa sa kalusugan ng boyfriend ko."
Arogante ang tono ng boses ni Ye Wan Wan at mukhang hindi niya inuunawa ang sinabi ni Qin Ruo Xi.
Gayunpaman, kung aangal si Qin Ruo Xi sa mga nakakatanda at kay old madam, mapangit pa rin ang magiging imahe ng gagawin niya.
Alam rin ni Qin Ruo Xi na wala siyang magagawa kay Ye Wan Wan kung lagi niyang ginagamit bilang sangga ang kalusugan ni Si Ye Han.
Tonong diplomatiko ang pagsagot ni Qin Ruo Xi, "May pakialam rin kami sa kalusugan ni CEO Si. Hindi naman namin siya iistorbohin kung hindi ito importante. Ngunit kailangang pirmahan ng CEO ang mga dokumentong ito bago mag tanghali ngayong araw at si CEO Si mismo ang nag-ayos nito noong nakaraang buwan pa, inaasahan ko Miss Ye na papahintulutan mo na si 9th master ang personal na makakita nito."