webnovel

Prologo

Ngayong araw ang schedule ng aking job interview sa inaplayan ko na trabaho. Nagbook na ako ng joyride kasi ginamit ng kapatid ko ang aking motorsiklo para mapabilis at hindi na ako maabala sa traffic ng hindi inaasahan na pangyayari ang naganap.

"Putang ina naman manong! Alam mo bang nagmamadali ako tapos hindi mo pa chineck ang gasolina mo?" Biglang sigaw ko sa driver ng huminto siya dahil naubusan ng gasolina ang aming sinasakyan na motorsiklo.

"Pasensiya na po sir. Wag niyo nalang po ako bayaran at hanap nalang din po kayo ng ibang masasakyan." Ang mahinahon at halatang kabado na sagot ng driver.

"Hindi talaga kita babayaran. Diyan ka na nga!" Ang galit kong wika sakanya saka ko siya iniwan na sakto naman may dumaan na bus kaya pinara ko ito saka ako sumakay.

Umupo ako sa tabi ng isang babae na mahimbing na natutulog.

"Alabang lang po." Ang wika ko pa sa konduktor na lumapit saakin saka ako binigyan ng ticket at nagbayad naman ako ng pamasahe.

Ilang sandali pa lang ang lumipas ay napasandal na ang ulo ng babae sa balikat ko habang mahimbing lang siya na natutulog.

Hinayaan ko lang kasi maganda naman ang itsura ng babae saka maputi.

Kinalikot ko nalang ang cellphone ko saka tiningnan ang messenger ko. May isang mensahe mula sa kaibigan ko.

(Mamayang gabi nalang tayo magkita, darating kasi ang kapatid ko.) Ang laman ng kanyang mensahe. Ni-like ko lang ito saka umayos ng upo na sakto naman nagising ang babae na katabi ko sa upuan.

Nagkatinginan kami ng ilang segundo ng bigla nalang siyang...

BUUWAAA!

Sinukahan ako ng babaeng katabi ko.

Natulala na lang ako habang nandidiri sa maasim na amoy ng kanyang suka na nasa dibdib ko.

"Sorry po. Manong para!" Ang paghihingi niya ng paumanhin saakin saka siya nagpara at nagmamadali na lumabas ng bus.

Wala na akong nagawa kundi ang punasin na lang ang suka niya sa damit ko habang tinatatak sa isipan ko ang mga salitang...

"Hindi ko kakalimutan ang mukha mo at ang ginawa mo saakin."

Mabuti nalang din kasi may panyo ako sa bulsa kaya may pangpunas ako.

Habang nagpatuloy na nga lang din ang driver ng bus sa pagmaneho.