webnovel

Pahiram si Misis

POGI_FERRER · Politique et sciences sociales
Pas assez d’évaluations
78 Chs

Pahiram si misis Part48

Mabilis kong tinawagan si misis at sa awa naman ng Diyos ay nakausap ko naman, ramdam kong nasa maayos naman siyang kalagayan kaya napanatag ang loob ko. Abala raw siya sa trabaho kaya hindi siya nakakatawag sa akin ng madalas.

Kilala ko si misis na ayaw niyang naiistorbo pagdating sa trabaho dahil mataas ang pangarap ni misis, nangangarap siya na sa mga susunod na taon ay nasa tuktok na siya ng kanyang career sa kanilang opisina, bagay na suportado ko naman.

Lumipas ang ilang araw at naging normal naman ang aking pamumuhay pero naroon pa rin sa aking isip ang tanong kung bakit nakasama si Tito John sa bangungot kong panaginip, kabago-bago ko pa lamang nakikila si Tito John pero ay bakit bahagi siya ng isang panaginip.

Araw ng Huwebes ay halos tapos ko na ang lahat ng kailangan sa opisina kaya naman naisipan ko ng puntahan si Parekoy para sa cctv na kanyang tinutukoy.

Naroon ang pangamba na baka na-record ang lahat ng ginawa ko sa kanyang asawa pero handa naman akong ibala ang nalalaman ko tungkol sa kanila ng batang si Dolly at ni Tricia, kaya hindi ako basta-basta magpapatinag.

Inayos ko na aking sarili upang umalis, sinasara ko na ang pinto ng aming unit ng makita ko sina Gener at Dante sa tapat ng kanilang unit, tila bigla nilang hininaan ang kanilang pag-uusap ng makita nila akong lumabas.

Hindi ko alam pero tila nanibago ko sa mga ikinikilos ng mga lalaki sa kabilang unit, tila may mga pahiwatig ang kanilang mga ikinikilos na hindi ko naman matukoy.

Lumakad na ko sa pasilyo ng apartment…

Hindi ko alam kung talagang nanandya na iparinig sa akin ang mga salita magpapagulo sa aking isipan tungkol kay misis, sa paglagpas ko sa dalawang lalaking nag-uusap ay may kataga na naman akong narinig na umagaw sa aking atensyon!

"Hehehe malapit na Sabado…"

"Yari na sa amin hehehe…"

Itinuloy ko na lamang ang aking paglalakad at ayoko nang bigyan ng kahulugan ang aking narinig. Sasakit lang ang aking ulo sa pag-iisip. Habang pababa sa hagdan ay saktong salubong naman ng malibog kong kaibigan! Si Pareng Fernan.

"Pogi! Sakto at nakita kita!"

"Mukhang problema dala mo ah?!"

"Haiiiisst sinabi mo pa Pogi! Galit na galit sa akin si misis at nagsumbong na ang pamangkin niya!"

"Ngayon ko na kailangan ang tulong mo, Pogi"

"Tang ina naman may lakad ako ngayon!"

"Pogi…akala ko ba ikaw bahala sa problema ko?!"

"Ngayon na ko kakatayin ni misis kapag hindi ko nalusutan, kaya sama ka na sa akin at ikaw na magpaliwanag sa sinasabi ng pamangkin niya"

"Tang ina talaga!"

"Promise Pogi last na 'tong hingi ko ng tulong"

"Gago ka talaga Fernan! Kung hindi lang kita kaibigan"

"Yown! Hehehe mauna ka na Pogi sa bahay at susuduin ko lang 'yung isa pang testigo"

"Testigo?! Gago! Sino na naman kukuntsabahin mo?"

"Basta Pogi hehehe, sige susunduin ko pa. Mauna ka na sa bahay!"

Gago talaga 'tong kaibigan ko! Ngayon pa ko inabala samantalang may probema kong dapat harapin kay Parekoy.

Inuna ko munang puntahan ang misis ni Pareng Fernan upang gawan ng lusot ang problemang kanyang ginawa, problema kung saan nagpakasarap sa piling ni Aling Lucida.

Madalang akong makapunta sa bahay ni Pareng Fernan dahil kapag may okasyon sila ay laging sa mga restaurant ang venue.

Alam kong sa isang sikat na subdivision nakatira si Pareng Fernan dahil mayaman ang gago, nang makita ko ang isang pamilyar na gate ay ipinarada ko na agad ang aking kotse sa harap ng bahay.

"Ito nga ang bahay ni Fernan"

Nag-doorbell ako ng ilang beses at nakita kong may isang matandang kasambahay ang lumabas at tinanong kung sino ang sadya ko?

Sumagot naman akong pinapunta ko ni Pareng Fernan kaya naman pinapasok na rin ako.

Sinabihan ako ng kasambahay na pumasok na at tatawagin lamang si madam, naupo ako sa sofa ng bahay at napansin kong mukhang pinaluwangan ang kanilang bahay.

Tumayo ako upang makita ang malaking pagbabago sa bahay ni Pareng Fernan, sa aking pagmamasid ay tila malaki ang nagastos dito ni Pareng Fernan. Halos mukhang bago lahat pati ang mga gamit sa bahay.

Nang biglang…

"Yes, sino kailangan nila?!"

Napalingon ako sa boses ng babae na tila kakaiba sa aking pandinig.

"Sino 'to?!"

Bigla akong napatanong sa aking sarili! Ngayon ay nasa harapan ko ang isang babaing buntis na bagong paligo. Pero putcha! Hindi ito ang misis ni Pareng Fernan! Kilala ko ang misis ni Fernan pero sino ang isang ito?!

"Sino kailangan mo Mr.?"

"Ah… ako si Pogi, kaibigan ni Pareng Fernan"

"Ah, ikaw pala ang sinasabi ng magaling kong asawa na talagang kumakantot don sa matanda?"

Tragis na Fernan! Mukhang nilaglag na yata agad ako ng hindi ko alam!

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at sino nga ba ang babaing ito?!

Lumapit ang babaing buntis at umupo sa upuan na nakatapat sa akin, wala naman akong magawa kundi ang umupo na rin.

Dahil nakasuot ng sexy na pambuntis ang babae ay halos nasa hita na niya ang laylayan ng kanyang damit, at dahil buntis ay halos nakabukaka siyang nakaupo sa aking harapan.

Ayoko mang mag-isip pero alam kong madalas na walang panty ang mga babaing buntis hehehe.

Malamang ay nasa walo o siyam na buwan na ang kanyang tiyan? Ewan ko, hindi ko alam kung tama ang hula ko dahil hindi pa naman nagbubuntis si misis hehehe.

"May nakahuling may kinakantot ang asawa ko na matandang babae sa unit ninyo? Pero sabi ng magaling kong asawa ay ikaw daw 'yong lalaking kumakantot?"

"Ikaw nga ba 'yon? O baka naman pinagtatakpan mo lang ang asawa ko?"

"Ah, eh…"

Tang ina talaga Fernan! Bakit ako nagigisa ngayon?! Hindi ko pa kilala 'tong babae na 'to!

Hindi ako makatingin ng diretso sa babaing hindi ko naman kilala, kaya minabuti ko na lang na tumingin sa sahig at manahimik hanggat wala si Pareng Fernan.

"Well, hintayin na lang natin ang magaling kong asawa para magkaalaman"

Tumango na lamang ako bilang tugon dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang babaing hindi ko naman kilala.

"Yaya, pakidala nga dito ang oil ko para sa binti"

Wow!

Syete mukhang may kakaiba hehehe…