Pagdating namin ay agad kaming sinalubong ng isang masigabong palakpakan. Isang welcome party ng mga Monteveros para sa akin. Nabalitaan na kasi ng lahat na nandito na ako. Ibinalita ng iba ang tungkol sa akin at binago nila ang ilang bahagi ng katotohanan. Ipinakilala nila ako sa lahat bilang si Catalina Vionne Wilson na nag-aral sa España at ngayon lang bumalik.
Ang tungkol naman sa kamatayan ni Vionne ay ginawan nila ng palusot. Sinabi lamang nilang isa iyong tsismis at hindi totoo. Sinasabi lamang nila yun dahil gusto lamang nilang siraan ang pamilya Bleuniue. Pero ang totoo, binayaran nila ang mga nakakaalam at binantaan. Buti na lamang at hindi nila alam ng lahat na matagal na talagang patay si Vionne. Buti na lang, ipinaliwanag ng author ng kwentong to, si Binibining A. , na kailanma'y hindi sinabi sa iba ang tungkol sa kamatayan ni Vionne. Tanging ang alam lamang ng mga 'ibang' characters dito ay hindi binanggit kailanman ang tungkol sa anak nila.
••••
Umupo na kami ngayon sa mesang inihanda nila para sa amin. Napakahaba ng mesang ito at tinambakan ng napakaraming palamuti at ilaw. Katabi ko si Mrs. Rosa at katapat ko naman ang mayabang na si Don Sicario. Tingin palang nya, naiirita na ako. Nagtaka ako dahil ayaw tumabi sa akin ng ibang bisita. May space pa naman dito sa kabilang upuan, wala naman yatang nakaupo dito. Nevermind. Katabi naman ni Don Sicario ang kanyang asawa na katabi naman si Elizabeth habang sa kabilang side si Binibining Cecilia. Nakayuko palagi si Elizabeth at tila ayaw ipakita ang hitsura. Palaging natatakpan ng pamaypay ang kanyang mukha. Umupo sa dulong bahagi ng mesa si Don Simon Monteveros at ang misis nyang si Donya Rosario. Sila lang naman ang mga biyanan ko este ang mga magulang ni Ginoong Mateo. Sorry, pasmado ang bibig ko.
Naramdaman kong tila gumalaw ang katabi kong upuan. Siguro ay uupo na yung dapat nakaupo dito. Nilingunan ko ito at tumambad sakin ang gwapong-gwapong main character—si Mateo Monteveros. Suot nya ang isang puting-puting damit na kadalasang sinusuot pag may prom night. Maayos ang kanyang buhok at kitang kita mo talaga na malinis sya sa katawan.
~ Mistulang artista ang aking nakita
Dahan-dahang lumalapit
May pa slow mo na moment
Pahangin effect pa na napakalupet
You're makin' me kilig
Kilig na kilig
You're makin' me kilig
Kilig na kilig
You're makin'me kilig
Kilig na kilig
Kilig sayo~
"Maari ba akong umupo, binibini?"tanong nya. Hindi ko namalayang kinakausap na nya ako. Bumalik ako sa aking katinuan at napatango na lang sa kanya. Nilabas na naman nya ang superpowers nya—isang nakakakilig na ngiti. Hindi ako makapaniwala na sa mga oras na ito, katabi ko ang main character sa istorya. Hindi ko mapigilan ang mapahawak sa aking dibdib. Para kasing may naghahabulang mga leon sa dibdib ko. Ramdam ko ang biglang pamumula ng pisngi ko. Dagdag pa ang napakabango nyang katawan.
Dumating ang ilang mga katulong at inilagay sa harapan namin ang mga plato, kubyertos, wine glass, platito, at kanin. Sumunod namang inihanda ang mga ulam. Namilog ang mga mata ko sa sobrang daming handa. Ngayon ko lang naranasang kumain sa ganito kaenggrandeng handaan. Never ko pang naranasang mapunta sa ganito. Inilagay nila ang sariwang mga gulay, adobo, caldereta yata yun o menudo, inihaw na isdang salmon na mukhang galing pa sa ibang bansa, longganisa pero antawag nila dito chorizo, may mga pasta at kung ano-ano pa. Nilagyan naman nila ng wine ang mga baso namin. Kinuha ko yun at inamoy, sigurado akong masarap to!
Syempre, hindi mawawala sa handaan ang lechon. Bata pa ang baboy na kinatay nila. Napatitig lang ako sa mukha ng baboy, naalala ko kasi si majimbo na pangalan ng alagang baboy ng isang sikat na character sa Wattpad. Napatitig lang ako nang matagal dahil imbis na masarapan ako sa nakikita ko, naaawa lang ako. Kawawa naman tong batang-bata pa na baboy, nilechon lang. Honestly, hindi talaga ako nasasarapan sa lechon. Oo, malutong ang balat pero yung laman, hindi masarap.
"Nais mo bang tikman ang iyong pinagmamasdan, Binibining Catalina?"tanong sa akin ng kung sino man. Binalik ko agad ang sarili ko sa aking katinuan at si Binibining Cecilia pala ang kumakausap sakin.
"Ha? Este, ano yun?"pagpapaulit ko. Lutang kasi ako, okay.
"Kanina ka pa nakatitig sa lechon, marahil ay nais mo nang kumain."sagot nya.
"Hindi pa naman,hehe"paglilinaw ko.
Tumayo naman bigla si Don Simon habang hawak-hawak ang kanyang wine glass. Tumingin sya sa akin at ngumiti. Grabe, gwapo pa din sya kahit na medyo matanda na sya. Parang si Gabby Conception ang hitsura nya.
"Buenas noches, Binibining Catalina Vionne Bleuniue! Ang unica hija ng mga Bleuniue. Gusto de conocerte!(Nice to meet you!) Ikinagagalak kong ika'y dumating na dito sa bayan ng San Jose. " sabi nya sa akin sabay pwesto ng kanyang kamay na may hawak na wine glass sa akin. Ngumiti ako at tumayo rin. Itinaas ko din ang aking wine glass at nagsitayuan naman ang iba pa, pati na si Ginoong Mateo.
••••
Nawalan ako nang ganang kumain dito dahil nakakawalang gana ang makitang nakikipagharutan ang katabi mo at katapat nya. Oo, katapat lang naman nya si Cecilia. Ayoko nang tawagin syang Binibini dahil mukha naman syang ewan! Maganda sya, oo, pero sa tuwing nagkikita kong naghaharutan sila dito, hindi ko maiwasang mainis.
Tipong maghihiwa ako ng karne tapos pag isusubo mo na, makikita mo ang dalawa na magtititigan tapos mag-iiwasan. Mga hangal!
Bilang ganti, sinadya kong ibinagsak ang hawak kong kuchara sa sahig.
"Oppppxxxx....sorry este paumahin"sabay tingin sa kanila na noo'y nagulat. Buti naman at kahit saglit ay napatigil ko ang dalawang mahaharot na to. Napatingin naman lahat sa akin ang ibang mga bisita na noo'y sarap na sarap sa pagkain.
"Binibini, nais nyo po baang ako na ang kumuha ng inyong cuchara?"tanong sa akin ng isang kasambahay.
"Kaya ko naman, salamat!"sabi ko sa kanya at nginitian ko naman sya.
"Kung gayun, kukuhanan ko na lamang po kayo ng panibagong cuchara."alok nya at napasige na lang ako. Umalis sya sa harapan ko at nagpunta sa kusina.
Tumayo naman ako at iniurong ang upuan para makuha ang nahulog este hinulog kong kuchara. Nakita kong napunta ang kuchara sa ilalim ng mesa kung kaya't kinailangan kong hawiin ang telang bumabalot sa mesa.
Pagkahawi ko ay nakita ko ang mga paa nilang naglalandian din. Makailang beses nilang sinipa-sipa ang isa't isa at pakipot pa ang paa nung bruhang si Cecilia. Pati ba naman dito!
Bumalik ako sa aking upuan at kasabay naman ang pagdating ng kasambahay dala-dala ang pamalit na kuchara. Sinimulan ko na namang kumain ng kanin at saktong isusubo ko na ang pagkain nang makiusap si ate mo Cecilia. Epal!
"Maaari mo bang iabot sa akin ang ulam na nasa iyong harapan, Binibining Catalina?"tanong nya. Ang tinutukoy nyang ulam ay ang hindi ko alam kung caldereta ba to o menudo, basta. Napatingin naman ako sa isang ulam na malapit sa kanya. Napataas naman ako ng kilay dahil, meron namang mas malapit sa kanya doon. Bulag ba sya o nakikipaghamunan?
Napapikit naman ako at napabuntong hininga. Ngumiti naman ako sabay sabing,
"Cecilia este Binibining Cecilia, may kapareho namang ulam diyan sa iyong harapan."sabay smirk. Parang napahiya sya nang sa kanya naman matuon ang atensyon ng lahat.
"Ako na lamang ang kukuha."sabi ni Ginoong Mateo. Gosh! Nakalimutan ko, katabi ko nga pala sya. Baka ma turn off sya sakin nito! Okay self, plastikan mode.
"Ayyy...hindi, ako na. Oh, Binibining Cecilia, ito na ang itong pinapaabot. Sana'y masiyahan ka sa pagkain."sabi ko with ngiting kaplastikan. Ikaw ba namang abalahin sa pagkain mo para lang ipaabit ang ulam na meron mas malapit sa kanya.
"Salamat"sabi nya sakin kasabay ng pabebeng ngiti. Nakakainis talaga ang mga pabebe,tss..
"Binibining Catalina.."sabi ni Don Simon, bigla naman akong napatingin sa kanya.
"Bakit po?"tanong ko. Patay! Q&A portion na this!
"Ilang taon kang namalagi sa España, hija? "tanong nya sa akin. Buti na lang nasabi ito sa akin ni Mr. Edward.
**flashback***
Nasa karwahe kami ngayon at abala ako sa pagmamasid aa mga view dito sa San Jose nang bigla akong tawagin ni Mr. Edward.
"Hija, handa kana ba?"tanong nya sa akin.
"Ihanda mo ang iyong sarili sa mga ibabato nila sa iyong mga tanong."dagdag pa nya.
"Mag-ensayo tayo, gaano ka katagal namalagi sa España?"
**end of flashback**
"Mula po noon ako'y magdalaga. Bale, otsong (8) taon po, Don Simon."sagot ko.
"Sa sobrang tagal, hindi ka man lamang ba dinalaw ng iyong mga magulang?" at nabaling ang tingin ko kay Don Sicario na noo'y nakasmirk. May balak yata aking ipahiya ako, tss..
"Isang beses sa isang taon lamang ako dinadalaw ng aking ama't ina. Sapat naman po iyon dahil nauunawaan ko pong sila'y may mga trabaho dito sa San Jose na dapat na unahin."sagot ko. Binawian ko naman ng masamang tingin si Don Sicario na noo'y nagsisimula nang magalit. Napasmirk na lamang ako.
"Isang beses sa isang taon? Ni hindi nga nila kayang lumisan dito sa bayang ito, kaya't paano mo nasabing dumadalaw sila sa iyo?" pahamong dagdag na tanong ni Don Sicario. Hindi ko siya magets. Napatingin na lamang ako kay Mrs. Rosa na noo'y parang hindi din alam ang isasagot. Nakita ko namang inaalog-alog nya ang wine glass nya at nakaabang sa aking pagsagot.
"Kapatid, huwag kang umasta nang ganiyan sa ating visitante (panauhin)."pag awat ni Don Simon kay Don Sicario. Nagsisimula na akong kabahan sa susunod na mangyayari.
"Alam mo ba na ako ang naatasang magbantay ng pantalan dito sa San Jose? Hawak ko ang listahan ng mga pangalan ng bawat aalis at pupunta dito sa San Jose. Kung kaya't alam ko kung sino ang umaalis at sino ang pumapasok."dagdag pa ni Don Sicario. Kainis! Pinipressure nya ko.
"Kapatid..."pananaway ni Don Simon pero ayaw paawat nitong unggoy na to.
"Alam mo din ba na ni minsan ay hindi lumabas ng Filipinas? At hindi rin naitala ang iyong pagdating dito sa San Jose? Kung kaya't huwag mong masamain subalit, nais kong malaman kung saan ka dumaan."
"Kapatid..."pananaway pa ni Don Simon.
"Lumipad ka ba? Gumapang ka ba?"
"Sicario..."pananaway naman ni Donya Rosario.
"Nagmula ka din ba sa kawayan gaya ng alamat ng mga Indio? Sirena ka ba?" Hindi ko na alam ang isasagot ko. Bakit parang naiba ang description nya? Parang binago ng author ang istorya sa libro? Hindi kaya, dahil sa pagpasok ko, nabago ang lahat? Ano bang isasagot ko? Isip, isip.....
"O hindi kaya... isa kang impostor na nagkukunwaring anak ng dalawang mayamang Americano na sinasabi mong magulang. Baka nga hindi ka marunong magsalita ng wikang Ingles at Español".
"Tiyo..."pananaway naman ni Ginoong Mateo.
Namilog ang mga mata ko sa sinabi nya at nagsimula nang dumilim ang paningin ko sa unggoy na to! Hindi ko sya pwedeng saktan sa harapan nila lalo na kay Ginoong Mateo dahil ayokong mabasa ng iba ang kwentong ito na may ginawa akong ikasisira ng lahat.
Napapikit na lang ako at huminga ng malalim. Muli kong iminulat ang aking mga mata at tinurn on ang pagiging Catalina Sonata, ang babaeng hindj nagpapatalo. Girl power mode.
"Don Cesario este Sicario...."panimulang pagtataray ko. Naramdama kong hinawakan ako sa kamay ni Mrs. Rosa at nakita ko ang mga mata nyang tila nagsasabing, "Wag mo nang patulan."
Hindi ko yun pinansin at agad kong itinuon ang aking atensyon kay Don Sicario.
" Lilinawin ko lamang po, isang beses sa isang taon nga pong dumalaw ang aking AMA'T INA. Hindi ko man po alam na kayo ang may hawak ng listahan ng mga pumapasok sa San Jose subalit alam nyo rin po bang may look ng Maynila na maaaring puntahan. Hindi po ako lumipad dahil wala naman akong pakpak."natawa naman ang lahat sa sinabi ko.
"Marahil ay hindi nga lumalabas ng San Jose ang aking mga magulang subalit tandaan nyo din na may daan din dito patungo ng San Francisco, San Diego, San Alfonso, San Lorenzo at Maynila. Abala din siguro kayo sa pantalan kung kaya't hindi nyo napapansing umaalis ang aking mga magulang. Kasama sila sa pagpunta sa ng Mejico (Mexico) sa pagdadala ng mga ubas at dumadaan sila sa mga nasabi kong bayan patungo ng Maynila. May personal na dahilan ang aking mga magulang kung kaya't ayaw nilang sa pantalan mo sila dumaan. Huwag nyo din po sana akong paratangan na ako'y isang ampon o impostor dahil ang taong hindi marunong umalam ng katotohanan ang sya pang may lakas ng loob na mambintang. Kaya't bago ka mambintang, siguraduhin mo munang totoo ang itong sinasabi. Marami ang namamatay sa maling akala, DON SICARIO. " Sabi ko in sarcastic way. Napatigil ang lahat sa pagkain at napatingin silang lahat sa akin. Maging ang mga nagbyo- byolin ay napatigil din sa pagtugtog. Lahat ng atensyon nila ay sa akin pati na si Ginoong Mateo. Hindi ko na pinansin kung matu turn off sakin ai Mateo dahil una sa lahat, kailangan ko ding ipagtanggol ang sarili ko.
Paratangan ay kasingkahulugan ng pagbintang, baka kasi lam nyo na hehe.
Tumayo si Don Sicario at pabagsak na ibinaba ang kanyang wine glass. Tingnan nya ako ng masama at kitang kita ko ang panlilisik ng kanyang mga mata dahil sa sobrang kahihiyan. Huh! Wag nya akong susubukan.
Napahawak naman sa braso ng kanyang asawa si Donya Rivera. Pinapakalma nya siguro. Well, ang pikon nga naman kung magalit.
" Kababae mong tao pero napakaipokreta mo."sabay smirk. Wala na akong balak pang malaman kung anong ibig sabihin ng mga sinasabi nya.
"SICARIO!! TUMIGIL KA NA! HINDI KA NA NAHIYA SA MGA PANAUHIN! IRRESPETUOSO (irrespectful) !!!!! Mga guardia personal, paalisin dito sa aking pamamahay ang aking lapastangang kapatid!"galit na galit na sigaw ni Don Simon kay Don Sicario habang nag-aalala naman ang kanyang asawang si Donya Rosario.
"Mahal, huminahon ka."pagpapakalma ni Donya Rosario sa asawa sabay hawak sa mga kamay nito. Lumapit naman ang mga guardia personal at balak sanang hawakan si Don Sicario para kaladkarin sya palabas pero hindi na nila to ginawa.
"Kaya ko ang sarili ko! Ito tandaan mo Binibining Catalina o kung sino ka man, ito ang tandaan mo, masilaw ka man ng keso sa iyong harapan subalit baka hindi mo alam, nasa loob ka pala ng isang bitag. Tandaan mo yan! Hindi pa tayo tapos!" at galit na galit syang umalis. Napatayo ang kanyang asawa at napatingin sa aming lahat. Dahil sa kahihiyan, dala-dala si Elizabeth, sinundan nila si Don Sicario at umalis.
Binalit ang paligid ng isang nakabibinging katahimikan. Walang ni isa sa amin ang nagsalita. Hindi ko naman mapigilang mailang dahil, kanina pang nakatitig sa akin si Ginoong Mateo. Binasag lang ang naghaharing katahimikan nang biglang bumukas ang pinto. Inakala namin ay babalik pa si Don Sicario at makikipagsagutan na namana sa akin. O di kaya'y may naiwan sya o nakalimutan.
"Nahuli ba ako?"at lahat ng atensyon namin at tingin ay nakafocus sa isang lalaking matangkad at blonde ang buhok. Sino to?
"What happened? Ang ibig kong sabihin ay nagulat ba kayo sa aking pagdating? Ginulat ko ba kayo? Matagal-tagal din tayong hindi nagkita mga kaibigan!"dagdag pa nya.
"Mr. Blythe!!!" salubong ni Don Simon. Ahhhhh.... Sya pala ang pinsan ko pwro syempre, kunyari lang yun. Si Ion Blythe na galing America. Hindi ko naman inaasahang ngayon sya darating. 24 years old na sya pero di mo mahahalatang sa edad nyang yun ay isa na syang successful businessman sa America. Hindi katulad kina Mr. and Mrs Bleuniue, iaa syang puti. White American kumbaga. May ari sya ng malaking taniman ng tabako sa America at isang bar sa Mexico. Kwento lang sakin yan nila Mr. and Mrs Bleuniue hehe.
"Natutuwa naman ako dahil ipinaghanda nyo pa ako ng isang malaking salo-salo."sabi nya. Kanya ba tong welcome party? Para ba sa kanya? Ibig sabihin, para akong tanga dito na umaasta na ako ang star ng gabing to.
"Kelan ka nga pala dumating?"dagdag na tanong ni Don Simon habang inaalalayan sya papunta sa isang available na upuan.
"Kanina lang, mahirap kasing makapasok ngayon dahil, malakas ang hampas ng mga alon. "sagot nya sabay upo sa inihandang upuan ni Don Simon. Pinaghandaan naman siya ng pagkain ng mga kasambahay.
"Buenas Noches sa inyong lahat! Don Simon, Donya Rosario, Ginoong Mateo, Ginoong Melvin , Binibining Cecilia Villanueva at sa pamilya Villanueva, gayun din sa mga pamilya Teodoro, Salazar, Villazamora, at Famodulan. Syempre, hindi ko malilimutan ang aking Tiyo't Tiya. Ikinagagalak kong makita kang muli aking prima (cousin)!"pagbati nya. Napabow naman ako bilang paggalang. Nagkunwari na lang akong kilala ko sya. Hindi ko alam kung go with the flow ba sya o ano.
"Napakalaki mo na pala, Prima! " sabi pa nya. Kalalaki nyang tao pero napakadaldal nya. Clingy siguro sya. Natawa na lang ako at pinilit na kumain sa kabila ng pangyayaring naganap kanina.
Napansin kong sinusubukan ng ilan na magbalik sa dati pero mapapansin mong naaalala pa rin nila yung mga pangyayaring yun. Napansin kong tahimik si Ginoong Mateo at tila pinipilit kumain. Pa'no na to? Masyado kasi akong nagpadala sa galit ko kanina kaya hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko.
••••
Tapos nang kumain ang lahat at ang mga kalalakihan ay nagpunta sa isang kwarto. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila pero parang magkwekwentuhan at mag iinuman.
Nakatambay ako ngayon sa azotea at pinagmamasdan ang madilim na palayan. Napakapayapa ng gabi. Ramdam ko na humahalik sa aking balat ang sariwang simoy ng hangin. Tanaw na tanaw mula rito ang ganda ng Bundok Pinangako. Ang nag iisang bundok na malapit sa San Jose. Nasasakupan ito ng kabilang bayan , ang San Lorenzo. Ito ang nagsisilbing barrier o boundary between San Jose and San Lorenzo.
Napansin ko ang isang mumunting alitaptap na lumilipad sa harapan ko. Umikot-ikot sya sa akin at lumilad-lipad sa harapan ko. Angcute nya sobra at ngayon lang ako nakakita ng alitaptap. Sa internet ko lang to nakikita pero ngayon, nasa harapan ko na.
Dumapo sya sa hawakan ng azotea, yung bahaging pinapatungan ng kamay, at saglit na tumigil doon. Lumipad syang muli at umalis. Lumipad sya papalayo sa akin. Sandali kong tingnan ang kanyang dinapuan at nakita ko ang isang itim na card na may kasamang sobre.
Kinabahan ako dahil, baka uuwi na ako. Dahan-dahan kong tingnan ang likod nito at nakita ko ang nakasulat dito.
"Mr. Ios"
Binuksan ko ang sobre at binasa ang nakasulat doon.
Catalina,
Ang buwan nagiging araw
Ang prutas ay nahihinog
Ang tubig ay naglalaho
At lahat ay nasa kamay mo.
—Mr Ios
P
Nang mabasa ko yun, nagsimula na namang akong mapaisip. Medyo langnaman ,medyo lutang ako ngayon. Hindi ko masyadong nagets. May letter P pa na naiwan ha, baka may isuslat pa sana sya pero di na nya nagawa. Ganun din ako e, pag may nakakalimutan akong word, naiiwan ko na lang yung isang letter. Bugtong yata itong binigay nya sakin. Pero parang kailangan ko lang tapusin ang kwento. Gagawin ko na lang na happy ending to.
____________________________________
************************************
—•••—
"Happiness does not come from having much, but from being attached to little."
—Mr.Ios
—•••—