webnovel

Our What Ifs (Filipino)

Si Jen ay isang sikat na photographer sa pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Halos nasa kanya na ang perfect life dahil sa kasikatan na tinatamasa. Pero pano kung may kulang parin? Kung maraming "What ifs" na walang kasagutan? at ang tanging kasagutan lang ay kung a-attend siya ng grand reunion ng highschool batch niya. ano ang dapat niyang click? "Attend" "Ignore" Ano ang dapat niyang sundin? Puso o isip?

LustinusWrites · LGBT+
Pas assez d’évaluations
8 Chs

What If: Same Feelings?

Jen's POV

"Kamusta ka, Jen?"

Tanong niya habang unti unting naglalakad palapit sakin.

Kamusta nga ba ako? Okay lang ba ako? Masaya? Ano ba nangyari sakin after ilang years na naglaho?

"I'm good" sagot ko dito

"Namiss kita" sabi nito at tsaka humarap sakin at ngumiti "Pero alam ko parin kung nagsisinungaling ka o hindi"

Ano pwede kong sabihin?

2007

"Pano mo sasabihin sa papa mo na yun talaga gusto mong kunin na course? Practice game!"

"Game, Hoo" huminga ako ng malalim at tsaka sinimulan praktisin ang mga gusto kong sabihin kay papa "Pa, gusto ko po sana mag fine-arts talaga. Ayoko po ng business admin... Ang hirap naman" sabi ko kay Bettina at tsaka umupo at nagpakawala ng buntong hininga

"Jen, mahal ka ng papa mo. Magalit man siya sayo sa magiging decision mo alam ko na sa huli magiging happy siya kapag nakita niya kung paano ka mag eexcel sa pipiliin mong path" ngumiti ito at tsaka pinisil ang pisngi ko "Kaya wag ka ng sad"

"Hindi naman ako sad" sabi ko dito at tsaka pilit na ngumiti

"Sino niloko mo? Alam na alam ko kung pano ka magsinungaling oh" natatawang biro nito "Di ka pwedeng magsinungaling at magtago ng secrets sakin" habol pa nito sabay kindat sakin

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang ngumiti ito. Bakit ganito? Ang perfect niya talaga lalo na kapag ngumingiti... yung secret ko kaya... alam niya na? O naitatago ko pa?

End of Flashback

Bettina's POV

"Well.... People change and I'm actually okay talaga" sabi nito at tsaka ngumiti at muling nagtake ng picture ng view

"Ang ganda ng view no?" Pag iiba ko ng topic  at tsaka muling tumingin sa kanya

"Nature" tipid na sagot nito habang nakatingin sa view

"Beautiful view" sabi ko naman pero nagulat ako ng bigla siyang lumingon sakin

OMG bakit ako biglang nakaramdam ng pagkataranta.

Jen's POV

"Beautiful view" sabi nito tumingin ako sa kanya para magpaalam pero nagulat ako nang makita ko siyang nakatulala sakin

Hindi naman na ko napagpaalam dahil bigla naman siyang naglakad palayo.

Bakit.... Ang bilis ng tibok ng puso ko?

"Jen! Halika na!" Aya ni Francis sakin

"Maginaw sira ka!" Sigaw ko naman dito at tsaka kumaway sa kanya

"Babe!" Nagulat ako nang biglang tumakbo si Amed papunta kay Bettina at tsaka ito binuhat papuntang beach

Masaya siya... Masaya sila... Ano ba ang dapat kong maramdaman? Galit? Parang ang sama naman nun.

"HULI KA!" nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Mark at si Francis naman kinuha ang camera sa kamay ko

"MALAMIG!" kinakabahan kong sigaw dito

"Ang sexy naman ni Bestie!" Sigaw ni Michy dahilan para mapatingin ako kay Bettina na nagtanggal na pala ng cover niya. Naka two piece siya and nag start na mag swim kasama si Amed

"Baka matunaw" bulong ni Francis sabay tawa nang malakas dahilan para mapatingin ako dito

"SIRA TALAGA ULO MO!" sigaw ko dito at tsaka siya hinabol

Buti na lang talaga kasama ko 'tong bruha na to kundi matagal na kong naloka sa project na to.

"Sino kaya satin sira ang ulo aber? Magrereklamo ka na malamig pero naka cover ka habang nag swswimming? Oh diba loka loka?" Pang aasar nito

Bettina's POV

"Let's join them babe" aya sakin ni Amed at tsaka kami naglakad papunta kina Michy at Jen na kabiruan si Francis

"Take it off na mars! Tara na't magswimming just like the old times paunahanan!" Aya sa kanya ni Francis

Kitang kita ko naman nag ngiti ni Jen... Yung ngiting totoo, yung hindi pilit... Yung totoong ngiti ni Jen... Bigla naman siyang huminto ng kakahabol kay Francis at tsaka nagtanggal ng cover niya. Naka two piece siya dahilan para makita ang maliit pero magandang tattoo niya sa balikat.

"Game!" Sigaw nito at tsaka sila sabay na tumakbo ni Francis palangoy

Sila talaga ang original BFF eh... Bakit hanggang ngayon may selos ako dun?... Dahil ba gusto ko ako lang ang BFF niya? Tinuturing parin ba niya akong ganun?

"Guys! BBQ tayo" aya ni Mike at tsaka tinuro ang inaayos ng crew niyang set-up na bonfire

"Hoo kapagod" sabi ni Jen habang umaahon kasabay si Francis

"Ang hirap mo talaga talunin serena ka!" Biro ni Francis dito

"Syempre" sabi naman nito at tsaka kumindat

Bakit ganun? Bakit ako ang natatawa? Pero bakit parang hindi naman tawa nararamdaman ko?

"Babe, here" ngumiti naman ako kay Amed at kinuha ang barbecue na binibigay niya "Thanks, babe"

Si Amed, maswerte ako sa kanya kasi siya lang may kabisado sakin as in lahat lahat. Ilang beses ko siyang tinaggihan, binasted at pinaasa pero hanggang huli hindi siya sumuko sakin. Kaya naman super swerte ko talaga na hindi siya sumuko at inantay niya ko.

"Kuya!" Sigaw ng isang babae na parang kakarating lang

"Pam!" Excited na sigaw ni Mike at tsaka tumakbo palapit dun sa babae at umakap

Maganda siya, mestisa parang foreigner pero never naman nagsabi si Mike na may kapatid siya?

"Guys, this is Pam, pinsan ko" naka ngiting pakilala ni Mike sa pinsan niya

"Hi" bati nito samin at tsaka siya tumingin kay Jen at lumapit "Hi, beautiful"

Huh? Bakit may special Hi???

Teka? Bakit kailangan sabihin Beautiful? Lahat naman ata ng tao dito alam kung gano kaganda si Jen pero bat kailangan pa niya batiin si Jen ng ganun?

To Be Continued...