webnovel

Epilogue

Esther's POV

"Anong ginagawa mo rito? Anong ginawa mo sa 'kin?!" Pinilit kong tumayo para lapitan s'ya. "This is not me!"

"Of course that's you, Esther," ngumisi s'ya. "In a different story or maybe in a different life."

"Simula nang dumating ka, nangyari na ang mga 'to! Kasalanan mo lahat!"

Tumawa s'ya ng malakas na mas lalong ikinagalit ko. "Kasalanan ko? I am here because of you. Hindi mo ba natatandaan? Ikaw ang may gawa sa 'kin."

Umatras ako dahil sa masidhing pagsakit ng ulo ko. "N-No..."

"Yes, Esther," Itinulak n'ya ako kaya ako napaupo sa kama. Tinitigan n'ya ako at puno ng saya ang mga mata n'ya. "Kung ikaw ang gumawa sa 'kin, may gumawa rin sa'yo para gawin ako. Pareho lang tayo."

"No!"

"Yes! Paano mangyayari ang lahat ng 'to kung isa kang totoong tao? Goodness, you're dumb! Gawa-gawa ka lang din! You're just a work of imagination! You have a role and your emotions, your words, and everything about you isn't real. Kathang-isip ka lang. Lahat ay dahil sa kagustuhan ng author. Gano'n din ako ang kaso lang, binuo ka para maging ganito!"

"I have my own life!" Itinulak ko s'ya palayo. "Hindi ako naniniwala sa'yo!"

"And what? You really do believe that you can talk to your own fictional characters? Nababaliw ka na kung gano'n. Ang author, s'ya ang masusunod. S'ya ang dahilan ng lahat. Tanggapin mo na lang. Sa kuwentong 'to, hindi ka sasaya!"

Tinakpan ko ang mga tainga ko at humiga sa kama. Tumalikod ako sa kaniya at umiyak. Ayaw kong makinig! Ayaw kong marinig ang mga sasabihin n'ya!

"Esther, huwag kang mag-alala. Naging masaya ka naman, hindi ba?"

Mabilis akong tumayo para saktan at sigawan s'ya, pero ang wala na s'ya. Wala na si Sigma.

Napahawak ako sa ulo ko at pilit na inaarok ang isipan ko kung bakit nangyayari sa 'kin ang mga ito.

I am a fictional character? I'm not! Malaya ako! Walang author na magdidikta sa 'kin!

Tumakbo ako papunta sa pintuan para buksan iyon pero naka-lock. Shit!

Kinalampag ko kaagad ang pintuan at sumigaw para marinig ako ng mga tao sa labas. Ilang minuto na yata akong nagsisisigaw, pero wala pa ring dumadating. Masakit na ang kamay ko dahil pagkalampag sa pinto pero wala pa ring dumadating na tulong.

Napaupo na lang ako sa sahig at napayakap sa sarili ko. Kung nasa kuwento ako, siguradong babalik dito si Anthony. Kailangan ko lang s'yang hintayin.

Lahat ng ito ay gawa lang ng iisang tao? Paano? Pati ba ang pag-iisip ko ay kontrolado? Lahat ba ay nakahanda na bago pa mangyari? Bakit ako? Bakit sa 'kin pa nangyayari ito?!

I just celebrated my birthday. Yael just told me that he likes me. Tapos biglang nagbago ang lahat. Isang pitik lang at biglang may asawa na ako. Sa isang iglap lang ay nawala na ang lahat. Napunta ako sa ibang lugar kasama ang ibang mga tao.

Gano'n ba talaga? An author can just flip everything and dictate the characters? Gano'n lang ba talaga kadali na sirain ang lahat ng naumpisahan na? Gano'n lang ba kadaling bitawan ang lahat? Basta gustuhin ng author na 'yon na baguhin ang lahat ay masusunod ang gusto n'ya?

Ang ilang minuto kong paghihintay kay Anthony ay naging ilang oras. Tumagal nang tumagal. Hindi ako makalabas. Kapag tinitingnan ko ang orasan ay hindi naman iyon gumagalaw. Hindi rin nagbabago ang itsura ng labas ng bintana. Hindi sumasapit ang gabi.

Did the author stop writing my story? Or this is also planned? To what? To make me suffer? To see me in the darkness?

Hindi ko alam. Hindi ko alam!

Naghintay ako nang naghintay. Pinili kong maghintay, pero gaano pa ba katagal bago matuloy ang kuwento? Gaano pa ko katagal na maghihintay?

TinTalim