webnovel

Chapter 19

Esther's POV

"Saya-saya mo, ah," sabi ni Perry habang pinapakita ko sa kaniya ang gawa kong portfolio para sa school. Kinukuwento ko rin sa kaniya ang mga ginawa namin ni Yael kahapon. "Usbong na usbong ang love life."

Sumimangot naman ako. "Hindi ko nga s'ya boyfriend. Bakit ba ayaw mong maniwala?"

Mapang-asar s'yang ngumiti. "Kasi hindi naman kapani-paniwala. Tuwang-tuwa ka habang kinukuwento s'ya," napatigil s'ya saglit. "Kagayang-kagaya sa isang scene namin ni Alessandra no'ng kinukuwento n'ya ang nangyari sa kanila ni Jordan."

Napanguso ako nang makita ang lungkot sa mukha ni Perry. "Pasensya na. Iyon kasi ang naplano ko, eh."

Tumalikod s'ya at sumilip sa bintana. Naisip ko namang palabasin si Jordan para makapag-usap sila. Konti lang din kasi ang scenes sa story na magkausap sila ni Perry, eh.

Bago pa makapagsalita ang bagong dating na si Jordan ay naunahan na s'ya ni Perry na nasa bintana pa rin ang tingin. "Hindi na nga ako totoo tapos sa hindi rin ako totoo nagkagusto. Imberyna naman."

"You like who?" Jordan asked. Agad namang napaigtad si Perry at napatingin sa puwesto. ni Jordan. "You like someone?"

Pinanlakihan ako ng mata ni Perry. "Bakit s'ya nandito?"

Napakamot na lang ako sa batok ko. "I want the both of you to talk. Lalabas na muna ako."

Nginitian ko silang pareho saka dali-daling lumabas sa kuwarto ko.

Jordan's POV

Napatingin na lang ako sa pintong linabasan ni Esther. She's weird today. Even Perry is weird today.

Tiningnan ko ulit si Perry. "Hey."

Umiwas agad s'ya ng tingin. "Masasayang lang ang oras mo sa 'kin."

I only have a limited time to talk to her outside the story Esther made so I will not waste any time. "Perry, I know you have something to say."

"Wala, okay?! Pupuntahan ko na lang si Esther para sabihing ibalik na tayo. Ayaw ko rito," iritado n'yang sabi.

My eyes looked at her with disbelief. "Don't do this, please? If you're mad at me, tell me."

"Why are you acting like you did something wrong?" she smirked. "We're not real. We're made to do what Esther wants. Bakit ako magagalit sa'yo kung sa una pa lang alam kong buhay lang naman ako mula sa imahinasyon n'ya? Wala akong karapatan dahil gawa-gawa lang din naman ako."

She disappeared right in front of me. I know what she's feeling. Fictional character lang din ako. Wala akong sariling buhay. Lahat ng mangyayari sa 'kin ay nakasalalay kay Esther. Kung gusto n'ya kong patayin sa susunod na kabanata ng kuwento ay mamamatay talaga ako.

Tanggap ko 'yon. Nagpapasalamat pa nga ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataong mag-exist kahit sa imahinasyon lang ni Esther.

But I know that something's up with Perry. She's mad at me for some reasons and she likes someone. Is it me? Or the guy who was with her in the last chapter?

Esther's POV

Bumalik ako sa kwarto ko nang marinig kong hindi na nag-uusap si Jordan at Perry. Nang pumasok ako ay si Jordan na lang ang nasa loob. Nakaupo s'ya sa kama ko at nakatingin sa 'kin.

"She disappeared already. Wala s'yang sinabi sa 'kin," sabi ni Jordan bago ang nagbuga ng malalim na hininga. "I think she hates me."

Pumamaywang ako habang nakatingin lang kay Jordan. Hindi ko rin maintindihan minsan si Perry. Halata namang may gusto s'ya kay Jordan. She's just holding back because they're fictional characters.

Pain crossed Jordan's eyes when he looked at me once again. "Maybe she likes someone. Remember the guy who was with her in the last chapter?"

Napaisip ako saglit.

Saka ko lang naalala si Rusty. Isa s'yang bagong character sa kuwento na ginagawa ko. Nakilala s'ya ni Perry sa isang restaurant kung saan nagsa-sideline si Perry dahil nga dakilang rekitera ang character ni Perry. Si Rusty naman ay isang college student. Mas matanda si Perry ng tatlong taon kay Rusty sa kuwento. Ang cute kasi magkatunog 'yong pangalan nila.

Dinagdag ko lang si Rusty kasi pansin kong bumibigat na 'yong mga tagpo sa buhay ni Perry. Silang dalawa kasi ang depiction ng realistic people sa mysterious at adventurous na kuwento ni Alessandra at Jordan.

Wala naman sa isip ko na gawing love interest ni Perry si Rusty. S'yempre dahil si Perry ay isang ulirang mamamayan sa kuwento pero baka p'wede naman.

"You gave me an idea, Jordan," sabi ko saka kinuha ang laptop ko. Umupo ako sa tabi ni Jordan at nagsimulang magtipa.

"What are you doing?" taka n'yang tanong.

"I'm writing a new chapter," I smiled. "Nabigyan mo kasi ako ng idea. Mukhang maganda na maging love interest ni Perry si Rusty."

"No!" malakas n'yang pag-alma na ikinagulat ko. "I-I mean, no. Base sa character ni Perry parang hindi naman bagay."

"Don't worry. Sila 'yong magiging side couple, " nginitian ko si Jordan. "Ang seryoso na kasi masyado ng mga nangyayari sa inyo ni Alessandra, 'di ba? Papagaanin ko lang ng konti."

Alangang umiwas ng tingin sa 'kin si Jordan. My forehead creased.

"Jordan, may problema ba?"

"W-Wala," pilit ang ngiti n'ya. "Masaya lang ako kasi nabigyan kita ng idea. Okay din siguro 'yon para kay Perry."

Tumango-tango ako. "Deserve n'yang sumaya sa kuwento na 'to."

"Marami pa bang madadagdag na characters sa story? I mean, mga ilan pa ba ang p'wedeng madagdag?"

Napaisip ako sa sinabi n'ya. "Hindi pa ko masyadong sigurado. Matagal akong makaisip kung anong susunod na gagawin, eh. Hindi ko pa nga alam kung paano magtatapos ang kuwento na ginagawa ko."

He finally smiled like how he used to. "Take your time. Mas maganda ang mga bagay na hindi minamadali. Excited na ko sa mga maiisip mo."

Napangiwi naman ako. "Uunahan na kita, ah. May chance na masaktan ka, kayo ni Alessandra."

Hindi naalis ang ngiti sa labi n'ya. "It's fine. Hindi naman p'wedeng palaging masaya ang isang kuwento, 'di ba? Walang thrill, walang mga pagsubok. Handa ako roon, handa kami roon."

Napangiti naman ako dahil sa sinabi n'ya. Ang bait-bait talaga ni Jordan. S'ya talaga 'yong character na ginawa ko para maging positive, mabait, at matulungin sa kapwa. 'Yong tipong madaling mahalin kasi ang ganda ng vibes. Tapos ang talino pa ni Jordan doon sa kuwento. Ang dami tuloy nagkakagusto sa kaniya.

"Jordan, kung papapiliin ka ng ending, anong ending ang gusto mo? 'Yong masaya ka na kasama 'yong mahal mo o 'yong hindi ka masaya pero malaya ka?"

Ngumiti lang ulit s'ya at nawala na sa paningin ko. Bakit ko nga ba s'ya tinanong? Sigurado namang ang sasabihin n'ya ay nakabase ang lahat sa mga magiging desisyon ko.

Tinuon ko ang atensyon ko sa laptop. Gumawa ako ng bagong chapter. Kasama na roon si Rusty. Sinulat ko na rin sa notebook ko na bigay ni Mama ang buo n'yang pangalan at mga characteristics n'ya. Dinescribe ko rin kung ano ang naisip kong magiging itsura n'ya. 'Yong detalyado talaga. Kasama na s'ya sa kuwento kahit ang plano ko lang talaga ay parang extra lang s'ya. Thanks to Jordan may bago na namang character.

Naghintay lang ako sandali at nakita ko na ang isang lalaki. Kasing tangkad ko lang s'ya, maputi, at medyo mahaba ang buhok. Sakto lang ang laki ng katawan n'ya base sa napili kong edad. Dark brown ang kulay ng mga mata n'ya at puro asul naman ang suot n'yang damit.

"Yow," nakangisi n'yang bati sa 'kin. "I'm welcoming myself to your world, Esther."

Ginantihan ko rin s'ya ng magaan na ngiti. "Hi, Rusty. Masaya akong makita ka."

Pabagsak s'yang humiga sa kama ko. "Thank you for creating me using your powerful mind. Ang gwapo ko pa. Mahilig ka siguro sa pogi, 'no?"

Sumimangot naman ako. "Yabang, ah."

Natawa naman s'ya. "Iyon ang linagay mo, eh. Ganito ako dahil sa'yo. Wala ka ng magagawa pagdating sa ugali ko."

Lumapit ako sa kaniya. "Kilala mo naman si Perry, 'di ba?"

Marahan s'yang bumangon saka umupo. "Yeah," he smiled. "She's beautiful."

Kumunot ang noo ko. "You know that she's older than you, right?"

Mabilis s'yang tumango. "Yes! Nang unang beses akong mag-appear sa kuwento, s'ya agad ang nakilala ko. Ang ganda-ganda n'ya, Esther. You made her so beautiful."

"Lahat ng babae maganda, 'no."

"I know," he chuckled. "But Perry's beauty is like a magnet to me. Sana sa susunod na chapter magkasama ulit kami."

Umiling ako. "Para kay Jordan at Alessandra na ang susunod na chapter. Ang konti na ng appearance nila nitong mga nakaraan."

Rusty just sighed. "Fine. Sila nga pala ang bida and knowing the story that you're writing, they're going to face new challenges."

"Alam mo na rin pala agad ang mga nangyayari?"

"Of course. Nang mabuo ako, nalaman ko na rin agad ang kuwento dahil parte na ko nito," ngumiti s'ya sa 'kin. "I never knew that my author will be as special as you. Nakakausap mo ako. Nakikita mo rin."

"Nakikita at nakakausap ko kayong lahat basta nakalagay kayo sa notebook ko," Tinuro ko ang notebook ko na katabi ng laptops. "Pero may oras lang. Hindi p'wedeng sobrang tagal."

Tumango-tango s'ya. "May alam ka ba kung bakit may ganiyan kang kakayahan?"

Agad akong umiling. "Hindi ko na rin masyadong iniisip ang bagay na 'yon. Masaya naman ako sa mga ginagawa ko. Hindi rin naman naaapektuhan ang normal kong buhay kaya ayos lang kahit kulang ang impormasyon na mayroon ako kung saan ba talaga nagmula itong mga nangyayari sa 'kin."

Humiga ulit s'ya sa kama ko. "I'm glad that you're not worried about it. Just enjoy every moment. We know that nothing lasts forever."

Nawala na rin s'ya sa paningin ko. Mabilis lang talaga ang thirty minutes.

Ako naman ang nahiga at yumakap sa unan ko. Kinuha ko na lang ang phone ko at saka ako nag-search tungkol sa kalagayan ko.

Noon wala talaga akong pakialam pero nang sabihin 'yon ni Rusty ay na-curious na tuloy ako. May iba pa bang kagaya ko?

TinTalim