webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
102 Chs
avataravatar

Chapter 21.0

Chapter 21:

Abby's POV:

"Pero ma'am, matanong ko lang po, bakit po ilang araw ko ng 'di nakikita ang boyfriend niyo? Nicholas ba ang pangalan ng batang 'yon?"

"Ahh Nicholai ang pangalan niya sir hindi po Nicholas." Napahalakhak ako sa sinabi ni manong, lagi niya kasing nakakalimutan ang pangalan ni Nich. "At opo, hindi siya nakakabisita dito sa opisina kasi nasa Texas siya ngayon at may inaasikaso." Hays, dahil sa tanong ni manong ay mas lalo ko nanamang namimiss si Nich.

"Gano'n po ba ma'am. Sana ay mabilis siyang matapos sa inaasikaso niya para may maghahatid sa inyo papauwi lalo na kapag nagagabihan kayo." Ito talaga si manong ginawa pang driver ko si Nich haha.

Hindi rin nagtagal ay natapos na ako sa pagliligpit ng mga gamit at sabay na kaming bumaba ni manong gamit ang elevator.

Ang sabi ni manong ay mag-oovertime muna siya ngayong gabi dahil nanganak daw ang asawa ng kapalitan niya sa shift, 9 am to 9 pm kasi ang shift ni manong pero ngayon ay mag-iistay siya na hanggang alas onse ng gabi.

Hanggang sa parking lot ay sinamahan ako ni manong. Hindi rin niya ako iniwan hangga't hindi ako nakakasakay sa sasakyan ko. Aww, ang sweet naman ni manong. No wonder ay ang tagal na niya dito sa kumpanya dahil hindi lang siya isang guard, kundi para na rin siyang tatay ng lahat ng nagtatrabaho dito. Hindi lang siya sa akin maalalahanin kundi sa lahat, kaya mahal na mahal siya dito ay ayaw siyang bitawan ng kumpanya. Ang alam ko ay iskolar din ng kumpanya ang kaniyang anak kaya mas lalo siyang ginaganahan sa trabaho.

"May-ingat ka po ma'am sa pag-uwi!" Ani manong habang kumakaway-kaway pa. Binusinahan ko naman siya bilang sagot.

"Good night manong." Usal ko kahit alam kong hindi niya ito maririnig.

~

Habang nasa biyahe ay ramdam ko pa rin ang antok. Damn, I must be so exhausted. Focus self, hindi ka pwedeng makatulog dahil baka diretso sementeryo na ang tulog mo.

Marahan akong luminga-linga sa sa loob ng kotse. Mabuti na lang ay may naitabi pala ako ditong coke na nasa plastic bottle, kaya agad kong itinabi ang kotse atsaka uminom ng coke. 

"Aack!" Letse, ang pangit ng lasa ng coke kapag hindi malamig. Pero no choice ako eh, kaya pinagtiisan ko na lang ito.

I also turned on the radio at sakto ay ang kanta ni Miley Cyrus na Party in the USA ang kasalukuyang piniplay, kaya napapasabay ako sa kanta habang may kaunting pa-headbang ng ulo.

"So I put my hands up. They're playing my song, and the butterflies fly away. Noddin' my head like, yeah. Movin' my hips like, yeah. I got my hands up, they're playin' my song. You know I'm gonna be okay. Yeah, it's a party in the USA, Yeah it's a party in the USA~" Damn, it feels so good. Parang namiss kong gumawa ng song cover. Magawa nga 'yon kapag may free time ako. Kung magkakaroon ako, ay kailan pa kaya 'yon. Damn, good old songs don't die.

Nang malapit na ako sa bahay ko ay napansin ko ang isang kotseng kulay itim sa tapat ng bahay ng kapitbahay ko. 

Seems like umuwi ang mag-asawang nakatira dito, pero ngayon ko lamang nakita ang kotseng itim na 'to. Iba kasi ang ginagamit nilang sasakyan kapag umuuwi sila. 

Well, may kaya naman sila kaya normal lang ang magkaroon sila ng hindi iisang sasakyan.

Pero ang ipinagtataka ko ang ang hindi pag-alis ng kotse sa tapat ng bahay hanggang ngayon. Nakabukas pa rin ang headlight nito gaya ng makita ko ito kanina nang malagpasan ko ito.

Mga 9:20 kasi ako nakarating dito sa bahay, pero nakapag-shower na ako't lahat-lahat ay hindi pa rin umaalis ang kotse.

Alas dyis trenta na ng gabi pero ang ilaw sa bahay ng kapitbahay ay bukas pa rin. Mula dito sa bintana ng kwarto ay tanaw ang liwanag na nanggagaling sa loob ng bahay nila. 

That's unusual, madalas kasi ay nasa ibang bansa ang mag-asawa dahil sa trabaho kaya laging madilim ang bahay nila sa gabi. Kung mayroon mang ilaw, ay ang iisang nasa labas sa tapat mismo ng pinto ng bahay.

Mga ilang minuto ko ring pinagmasdan ang bahay ng kapitbahay at ang kotse na nasa tapat nito. Nakapatay na ang headlight ng kotse sa ngayon, eh wala ba silang balak ipasok ang kotse sa garahe?

Pero 'yon na lang ang pagtaas ng balahibo ko nang may maaninag akong bulto ng kung sino sa loob ng kotse. Ilang beses akong kumurap pero wala na ang bulto ng tao sa loob ng kotse!

Fudge Abby, ayan kakachismis mo 'yan. Kaya kung anu-ano ang nakikita mo. 

Agad kong isinara ang bintana, pati na rin ang kurtina at nagdesisyong dumiretso na sa kama para matulog bago pa madagdagan ang nakikita ko.

~

Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa sofa habang pinanunuod ang shooting ng ginagawang product advertisement ng kumpanya. 

Medyo nalate nga ako ng dating dahil nanuod pa ako ng K-Drama kagabi, which I don't usually do.  Maaga kasi akong natapos sa trabaho kaya napagdesisyunan kong manuod muna ng isang episode ng pinapanuod kong K-Drama. Pero syempre, hindi natupad ang isang episode. I always say "Isang episode na lang, pagkatapos nito ay matutulog na ako." Pero hindi din lang nangyari dahil hindi isang episode ang natapos ko sa isang gabi, kundi isang series! 

Proud na proud pa naman akong magpuyat dahil sabado kinabukasan at alas dyis ang pasok ko, nakalimutan kong may ilo-look out pala akong ambassador ngayong umaga. Ngayon pala ang shoot ni Rigel ng commercial at print ads.

"Oh heto kape, para naman mabawasan ang kakahikab mo girl." Ani Joyce at saka umupo sa tabi ko. 

"Thanks." Maiksing sabi ko sabay abot ng kape at hinipan ito bago sumimsim.

Naalala ko, nasa studio nga pala ako ni Joyce kaya may libreng pa-kape. Ever since na nagkaroon ng studio si Joyce ay siya na palagi ang nagrerender ng service sa kumpanya namin mapa print ads man o tv commercial. Hindi gano'n kalaki ang business ni Joyce pero isa ito sa mga pinakasikat na studio sa Pinas. High quality ang service ni Joyce, so ba't pa ako lalayo at gagastos ng sobrang laki sa ibang kumpanya? 

Both parties benefit with each other; natutulungan ako ng studio ni Joyce na iadvertise ang kumpanya at produkto namin, at natutulungan naman din namin sila na iangat ang image nila sa industriya, idagdag pa na malaki ang ibinabayad namin sa kada service na naibibigay nila sa amin.

"Grabe naman kabigat 'yang dinadala mo girl, subsob ka nanaman sa trabaho buong gabi noh." Natatawang sabi ng katabi ko habang pinagmamasdan ako.

Ipinatong ko sa lamesa ang tasa at pinunasan ang aking labi ng tissue. "Hindi 'to dahil sa trabaho. Nag-binge watch kasi ako kagabi."

Napangiwi siya sa sinabi ko. "Nakalimutan mo sigurong may shoot ngayon ang ex mo kaya nagpuyat ka."

"What? Sinong ex?"

"Duh, si Rigel. Akalain mo yun, after all these years na wala kayong komunikasyon ay sa gan'tong pagkakataon pa kayo makakapag-krus ng landas."

"Take note girl, hindi ko siya ex at hindi ko siya magiging ex dahil hindi magiging kami."

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts