webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
102 Chs

Chapter 11.5

Chapter 11.5:

Abby's POV:

"My father died because of me." 

"H-ha?" Tila ba'y para akong natuyuan ng lalamunan dahil sa narinig ko. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin o isasagot sa sinabi niya. Is he joking or not? Ang daming pumapasok na ideya sa aking isipan pero naalala ko ay wala nga pala akong isip. Charot! 

Ano ba Abby, pati ba naman sa sitwasyon na 'to? Umayos ka!

"You heard it right. Dad died because of me." Hindi ako sumagot at hinayaan ko lamang siya na ituloy ay kaniyang sasabihin. 

"It was a sunny afternoon that day. My mom, dad, and I went to a campsite near a cliff on the beach. We were so happy at that time, my mom was cooking our dinner while dad and I were flying a kite. After we had dinner, I went to the edge of the cliff to pee. Dad told me not to go because it was dangerous but I insisted and didn't listen to him. I accidentally slipped and fell into the sea. I just screamed loudly and called my dad, and then I was wrapped in darkness. I just found out that Dad was dead. The day I woke up from a coma, my father was already lying on the ground.​​" Habang nagkukwento so Rigel ay nakatingin lamang ako sa kaniya habang siya naman ay nakatingin lamang sa kalangitan.

"I was an idiot that time, maybe until now. If I had only listened to dad, I would not have slipped and he would not jump down the cliff to rescue me. If my dad hadn't saved me, he would still be alive today. I-It's my entire fault actually. I knew it, the day that I woke up. 15 years had past, mom is still blaming me and I'm still suffering because of what happened." Nakita ko ang pag-agos ng kaniyang luha at kasabay no'n ay ang mapait na ngiti sa kaniyang mga labi.

Umupo siya at umubob siya sa kaniyang mga tuhod. Ginaya ko siya, umupo ako sa harapan niya at iniangat ang kaniyang ulo mula sa pagkakayuko.

"Rigel..." Pinahid ko ang walang sawang pag-agos ng kaniyang mga luha. I don't know why pero nasasaktan din ako, yung puso ka parang naninikip habang tinitignan ko siya. "I-I don't really know what to say. I'm not good at comforting people but you can have my shoulders that you can cry on." Dahan-dahan ay niyakap ko siya at naramdaman ko na lang ang pagmamasa ng damit ko sa bandang balikat.

Humagulgol siya sa balikat ko habang tinatapik ko naman nang marahan ang kaniyang likod.

Nang medyo kumalma na siya ay nagsalita na ako. "I know that I'm not in the position to say this but it's not really your entire fault. Oo nga't ang pagsagip sa'yo ang dahilan ng pagkamatay ng papa mo pero hindi mo kasalanan na namatay siya. Aksidente ang nangyari at bata ka pa no'n, wala ka pang masyadong alam sa mga bagay bagay. Hindi mo rin sinadya na mahulog sa bangin 'diba at hindi mo hiniling na mamatay siya. Niligtas ka ng papa mo kasi mahal ka niya to the point na hindi na niya inisip kung ano'ng pwedeng mangyari sa kaniya basta ang mahalaga ay masagip ka niya. Siguro ay malungkot siya ngayon sa langit kasi hindi na niya kayo nakasama pa ng mas matagal but at the same time masaya dahil naligtas ka mula sa aksidente."

Isang mahabang katahimikan ang bumalot bago ulit siya magsalita.

"Thanks for that. But still, I'm the reason why he died. And that fact will never change." Malamig na sabi niya.

Napitlag ako nang bigla siyang kumalas ng yakap.

"I-I'm sorry masyado ata akong naging madaldal ngayon." Aniya at dali-daling tumayo. "Good night Abby, thank you for listening." Tumalikod siya at saka na pumasok sa loob ng rest house.

"Good night Rigel..."

~

It's been a week since Rigel told me about his dad. The day after that night ay akala ko ay may magbabago sa ikikilos niya, but it's the other way around.

He acted like nothing's happened, like he didn't say anything. He just acted the way he used to, the usual maeksenang Rigel.

Though he's doing well these past few days ay ni minsan hindi namin napag-usapan ang nangyari. Siguro ay iniiwasan niya talagang ma-bring up ang bagay na 'yon kaya hindi ko na rin binabanggit ang tungkol do'n.

*Ding Dong*

"Rigel, may nagdodoor bell. Pwedeng ikaw muna ang tumingin." Sigaw ko mula dito sa kusina. As usual ay nasa sala siya doing his things, tamang edit lang ng videos.

*Ding Dong*

*Ding Dong*

Aish! Hindi pa ba lumalabas si Rigel? Hindi pa tumitigil ang door bell.

Pinahinaan ko ang apoy sa stove at pinuntahan si Rigel sa sala. At ang loko, naka-headset pala!

Dali ko siyang nilapitan at inalis ang headset mula sa kaniyang tainga.

"Hey, what's up?"

"Ano'ng what's up? Kanina pa kita tinatawag sabi ko punta ka sa labas kasi may nagdodoorbell." Masungit na sabi ko habang nakapameywang. Jusko, blood pressure ko tumataas nanaman ata!

"Okay, okay. Chill... Masyadong mainit ang ulo mo Abby, hindi healthy 'yan. I'm sorry okay? I didn't hear it, I'm doing my thing here so hindi kita narinig." Babatukan ko na sana siya nang dali-dali siyang tumakbo palabas ng rest house, bumalik na rin ako sa kusina at binalikan ang niluluto kong sinigang.

Ilang sandali pa ay pumasok na siya habang may dala-dalang box. Oh, it must be the one that I ordered. "It's the delivery man. Nabayaran na raw kaya pinapirma lang ako. Ikaw ba ang nagpadeliver nito?"

"Yes, you can just put it there na lang." Turo ko sa lamesa sa kusina. Tumango siya at inilagay ito doon. "Thanks Rigel!"

"No problem. Ahh, by the way, inom kang tubig para 'di ka mahighblood. Mainit pa naman ang panahon ngayon, hydrate yourself well." Aba't! Umeeksena nanaman ang loko.

Makalipas ang ilang sandali ay natapos na ako sa pagluluto. Hinanda ko na rin ang hapag.

Tinawag ko na rin si Rigel sa sala. Ako na mismo ang lumapit sa kaniya baka kasi hindi nanaman niya ako marinig dahil sa headset na nakasuot nanaman sa kaniya.

"What's this?" Tanong niya nang iabot ko ang box na idineliver kanina.

"Box."

"No, I mean, what for?" Sinipat sipat niya ang kahon.

"Buksan mo na lang." Nakangiting sabi ko.

"O-okay." Naguguluhan siya pero binuksan niya pa rin ang kahon.

"Happy... 1.5 million... Subscribers... On... Youtube... From Abby..." 

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts