webnovel

ONE SHOTS [tagalog]

daltsuki · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
21 Chs

[10] UNEXPECTED SURPRISE

[10] UNEXPECTED SURPRISE

"Love?" I called him but just like this past few days, I didn't get any response nor glance from him. Why is he like that? Hindi na ba niya ako mahal?

"Please look at me, talk to me, like we always used to do.. Please, My love." Pag mamakaawa ko dito pero walang epekto. Nakatulala lang s'ya at para bang hangin lang ako.

I don't remember doing anything wrong.

Napatigil ako sa pagtawag at pagmamakaawa sa kaniya nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Natauhan s'ya mula sa pagkakatulala at agad naman niyang sinagot ang tawag ng kung sino man iyon.

"Hello po." Saglit siyang natigilan. Sinong kausap n'ya? Anong sinabi nito sa kan'ya kaya s'ya natigilan?

Nakatayo lang ako malapit sa tabi n'ya at taimtim na nakatingin sa kan'ya.

"O-opo. P-pupunta na po ako.."

"Sige po. Salamat po."

Nang natapos ang tawag ay tulala lang siyang nakatingin sa aking harapan.

"L-love? Who's that? Is everything okay? Aalis kaba? Sama ako, oh. Pansinin mo na ako." I said sadly while waving my hand in front of his face.

Para siyang natauhan and agad na nagpunta sa kanyang kwarto upang magbihis.

"Saan ka pupunta, Love?"

Again.. Hindi nanaman niya ako pinansin.

Napabuntong hininga ako at I can't stop my tears from falling.

"Please, My Love."

What happened? Parang kahapon lang ayaw na ayaw mo akong umiiyak. Anong nangyari, mahal ko? May nagawa ba akong mali? P-pagod kana ba?

Naisip kong sundan siya kung saan man siya patungo. I swear. Kung may kabit siya, makakapatay ako. But I don't want to think na his a cheater. I know him. Cheating is not his thing. Matino siya. Oo. Matino s'ya. Matino s'ya Eve kaya h'wag kang mag-alala, ikaw lang ang mahal n'ya. Hindi ko maiwasang manginig sa mga naiisip kong maaring dahilan kung bakit hindi n'ya ako pinapansin.

Nagtaka ako ng huminto siya sa isang bahay.. Sa bahay namin. Oh. Baka naman may surprise s'ya sa'kin kaya hindi n'ya ako pinapansin ng isang buong week? Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil alam kong wala s'ya pwedeng maging kabit sa pamilya ko. Lalaki ang nagiisang kapatid ko. Unless nalang kung bakla s'ya.

Nakakapagtakang maraming tao at mga sasakyan. Grobing surprise 'toh? Mukhang malaking pasabog. Hindi ko maiwasan ang excitement na nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Sinalubong siya ni mama ng yakap at nag-iyakan sila. What's the meaning of this? Anong meron dito? Grobi grobing acting 'toh ah. Ano ba meron today at isu surprise nila ako? hihi. Pero hindi ko maiwasang kabahan kasi anong klaseng surprise ito? Grobi effort nila ah.

Lumapit ako sa kanila.

"Mom?" I called her. But just like him, she didn't even took a glance at me. Sus. Eto yata plano nila? Ang hindi ako pansinin for 1 week? huhu kahit masakit sa'kin na natiis nila akong hindi pansinin ng 1 week. Pero dahil may surpresa naman sila, keri lang.

"It's been a week. Mabuti naman at naisipan mong bisitahin siya."

Bisitahin? Sino? Hindi ko maiwasang kabahan. Grobi talagang surprise ito.

Pumasok sila sa loob kaya sumunod din ako.

Napasinghap ako ng pagkapasok ko sa loob ay puro mga taong nakaitim o puti ang nakikita ko at sa gitna ay may kabaong.

K-kabaong?

Bumilis ang tibok ng puso ko at agad na hinanap si papa at ang isa ko pang kapatid.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko sila. Kung ganoon.. Sino ang nasa kabaong? Or baka props lang at kasama 'to sa plano nilang surpersa. Pero masyado namang ma effort, ah?

Nakita kong papalapit doon ang mahal ko kaya lumapit din ako.

I was hesitant at first kasi iba ang kutob ko.

"W-why?. Why did you left me? Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo.."

Uhm. Parte parin ba ito ng plano?

Napahikbi siya. "Ang daya mo! Ang daya daya mo! Nangako ka sa'kin. Nangako kang hindi mo ako iiwan kahit ang mangyari. Pero anong ginagawa mo diyan? Bakit ka n-nakahiga diyaan? Nakakainis ka! A-akala ko.."

Then it hit me. I'm dead. I'm already dead. Why didn't I notice? Is it because I just can't accept the fact that I can no longer be with him? Talk to him? Grow old with him? W-why? Why me?

"I-I'm so sorry, My love. Even if I want to comfort you.. I can't. It's hard to accept my fate. I love you so much.. I promise.. Hinding hindi na kita iiwan. I promise.. P-please don't cry. I love you."

Kaya pala. Kaya pala hindi n'ya ako pinapansin. Kaya pala walang nakakapansin sa'kin pagkatapos kong magising sa hospital. Kaya pala the moment I woke up from that hospital bed ay wala na ang nakapansin sa'kin. Kaya pala ganito.

Nakatingin lang ako sa pamilya ko at kay Percy habang tumutulo ang luha mula sa aking mga mata.

This is really are a surprise. But not planned. So unexpected.

———

Akane Daltsuki