webnovel

ONE NIGHT WITH MY BOSS

Isang babae ang nabuntis ng kanyang Boss dahil sa kalasingan nito, ngunit pag gising kinabukasan ay hindi na sya maalala nito. At ang makamunduhang one night na ito pala ay magbubunga ng isang sanggol.

Tales_Of_Siren · Urbain
Pas assez d’évaluations
5 Chs

CHAPTER 2

Matapos nga ang pangyayari sa elevator, lungkot na lunkot padin si Cali, walang ibang laman ang isip niya kundi si Jacob. Naiinis siya dito dahil hindi man lang siya nito naaalala pagkatapos ng nangyari sa kanila.

Mangiyak ngiyak na lamang siya tuwing naaalala ang gabing sinuko niya ang lahat sa lalaki. Gusto na lamang niyang isipin na ito ay isang panaginip lamang. Ngunit paano kung ang lalaking pinipilit niyang kalimutan ay lalo pang mas mapalapit sa kanya ng maging personal assistant siya nito.

Dito kaya ay maalala na siya ni Jacob? O My amnesia boss padin ba ang drama nito?

Kasalukuyang kumakain si Cali ng tanghalian kasama ang mga katrabaho niya, balisa siya at walang ganang kumain ng dahil parin sa nangyari.

Naputol ang kanyang pagmuni muni ng tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag ang kanyang Boss na si Mr. Lao, isang chinese, na director ng kompanya, nagtatrabaho siya bilang sekretarya nito.

"Cali, Iha! I have good news! Come to my office-" masayang wika ni mr. Lao.

Bigla namang umaliwalas ang muka ni Cali ng marinig yon sa kanyang boss, magdadalawang taon na siyang nagtatrabaho bilang sekretarya nito at nagpapasalamat siya dahil isa itong mabuting tao at parang ama na ang turing niya dito.

Unang pumasok sa isip ni Cali na good news ay ang maa-approve ang increase sa kanyang sahod, kaya't masayang masaya siyang nagpaalam sa mga kaibigan niya at nagtungo sa kanyang boss.

"Iha, nirecommend kita na maging assistant pansamantala ni Jacob, ang ating CEO! Malaking oportyunidad iyon sayo at malaki din ang sahod! Pag magaling ka pwedeng pwede kang maging permanente sa posisyon-" masayang wika ni Mr. Lao!

Na tila ba proud na proud sa kanyang ginawa, ngunit kabaliktaran naman noon si Cali, na namutla ng marinig ang pangalang Jacob! At parang gusto na lang niyang maglaho pag naiisip niyang magiging assistant siya ni Jacob, halos maluha luha si Cali sa kamalasang nangyayari sa kanya, habang si Mr. Lao naman ay masayang masaya para sa kanya kaya't lalong di na siya makatanggi pa dito.

Kinabukasan ay nasa tapat na siya ng pinto ng Opisina ni Jacob, ngayon lamang siya makakapunta dito, nasa pinakang taas ng building ang opisina nito, at nag iisa lang doon. Pinindot niya ang doorbell, at bumungad sa kanya ang isang sopistikadang babae na sa palagay niya ay nasa 50's na.

"Ikaw ba si Cali?" Nakangiting tanong ng babae sa kanya, sumagot naman si Cali, at agad siya nitong pinapasok sa loob.

Nagpakilala ito sa kanya bilang si Madam Lyn. Ang assistant ni Jacob, na ngayon ay papalitan niya pansamantala habang di pa nakakahanap ng ipapalit. Magreretiro na kasi ito at matagal tagal narin kasi siyang naglilingkod sa pamilyang West!

Sekretarya pa siya ng naunang CEO, na tatay ni Jacob na limang taon ng patay. Dinala siya nito sa magiging upuan niya, pinaliwanag nito kay Cali ang kanyang mga dapat gawin at ang mga gusto at ayaw ni Jacob.

Nasa gitna sila ng pagkwkwentuhan ng dumating si Jacob na dere-deretsong pumasok sa opisina nito, at malakas sinara ang pinto at mukhang mainit ang ulo. Ni hindi nito napansin ang presensya ni Cali.

"Wag kang matakot sa ganyan, masasanay ka din iha, mabait na bata si Jacob kailangan mo lang siyang kilalanin–" wika pa ni Madam Lyn, halika at ipapakilala na kita sa kanya.

Mababakas sa mukha ni Cali, ang kaba ng pumasok sila sa opisina ni Jacob, nakaupo at nakatalikod ito habang nakatanaw mula sa labas.

"Iho, Andito na si Ms. Fernandez!" - wika ni Madam Lyn, sabay nun ang pag ikot ng upuan ni Jacob at ngayon ay nakaharap na ito sa kanila. Seryosong tinignan nito si Cali mula ulo hanggang paa.

"Is she the best one?" Tanong nito kay Madam Lyn at walang expression na tinignan si Cali.

"Yes iho, highly recommended by our company director, secretary siya ni Mr. Lao!" Sagot ng matanda.

"Okay, leave her to me-" wika ni Jacob kay Madam Lyn noon din ay lumabas ng pinto ang matanda at naiwan ang dalawa.

"Sit down please!" - seryosong wika ni Jacob sa kanya.

Ngayon ay mas kinabahan lalo si Cali, dahil totoong napakaintimidating ng kanilang CEO, ibang iba sa taong nakasama niya noong gabing lasing na lasing ito. Umupo siya sa harap nito.

"Okay, what's your name?" Tanong nito kay Jacob.

"Mary Calitha Fernandez, you can call me "Cali" sir." - matapang na sagot ni Cali, bagamat kinakabahan siya na makaharap muli ang ang lalaki ay hindi niya ito pinahalata.

"Okay so, You are recommended by Mr. Lao, I expect that you are the best for this position, I really hate stupid people, Cali! Show me, what you're capable of - understood?" seryosong wika ni Jacob sa kanya habang seryoso itong tinititigan siya.

"Noted sir! I'll do my best –" Sagot naman ni Cali, na nakipagtitigan din sa kanyang boss.

"And also, I want you to be presentable as always, I dont want you wearing skirt like what you're wearing now! Wala ka sa bar." Wika ni Jabob

"Madam Lyn will assist you with it." Dugtong pa nito

"Nice to meet you! Thats all. You may leave now, just be sure to come running when I need you! Ayaw ko ng pabagal bagal Ms. Fernandez!" Wikang muli ni Jacob.

Tumayo na si Cali, at lalabas na ito ng office ni Jacob, nakahinga siya ng maluwag ng matapos ang kanilang pag uusap. Inasahan niya na ang pagiging strikto nito. Pipihitin na sana niya ang pinto ng muling magsalita ang lalaki.

"I think I saw you somewhere! You look familiar."

Napatigil si Cali, sa pagbukas ng pinto, at parang na estatwa sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang sinabi ni Jacob!

Itutuloy...

Please follow Tales of Siren <3

Tales_Of_Sirencreators' thoughts