webnovel

One Night Stand - Season 1

Walang sapat na pera si Jenalyn para kaniyang pag aaral sa kolehiyo at bilang scholarship ay nagsusumikap siyang makapagtapos ng pag aaral at makatulong sa mga magulang niya. Mahigit limang daan lang ang allowance niya sa isang linggo kaya pinagkakasya niya itong maiigi. Minsan ay kapos pa ang limang daan sa apat na araw niya dahil sa mga projects nito. Hanggang sa isang araw may natulungan siyang binata na naaksidente sa pagmamaneho nito. Ang hindi niya alam ang binatang iyon ay mula sa angkan ng mga bilyonaryo na nag ngangalang Carllex de la Vega.

YhunaSibuyana · Action
Pas assez d’évaluations
45 Chs

(The Poor Girl)

Hawak hawak ni Jenalyn ang pitaka niya habang binubuklat ito.

Dalawang daan na lamang ang lama ng pitaka niya at marami pa siyang dapat bilhin. Mapapaupo na lamang sa tapat ng isang tindahan. Nang biglang kumulo ang kaniyang sikmura. " palibhasang buhay to oh! Dalawang daan nalang ang allowance ko. Eh miyerkules pa lang ngayon. " sikahos ng dalagang may balingkinitang katawan at mapupungay na mga mata.

Her Pov's

Pambihirang buhay to!

Anong gagawin ko sa dalawang daan na to?

Paano ko pagkakasyahin ang allowance na ito?

" oh Jen, kapos na naman ba ang allowance mo? " tanong ni manang Celia sa akin. Ang may ari ng tindahang inuutangan ko.

" oo nga po, ang hirap pagkasyahin tulad ngayon dalawang daan na lang manang ang laman ng pitaka ko. " sabi ko kay manang habang nakatingin sa malayo.

What a hard life is? Ang hirap nito mas lalo nang walang magulang na nasa tabi mo.

Fight lang self! Kaya mo ito! " Aling Celia baka may palalabhan kayo diyan? Free time ko mamayang hapon. " sabi ko kay Aling Celia. Kailangan ko kasing madagdagan itong allowance ko. Graduating pa naman ako at Educ ang Proffesion ko. Sana naman mayroon siyang palalabhan para may kikitain ako ngayon araw.

" eha, wala pa kaming palalabhan sa ngayon kasi umuwi yong anak ko kaya siya muna ang naglaba. Kung gusto mo eh magbantay ka nalang sa dito sa tindahan ko dahil may pupuntahan lang ako. " hayyst, salamat naman lord ay may mabuting puso para madagdagan ang allowance ko ngayon.

Napapasok ako bigla sa tindahan ni aling Celia, " thank you talaga Aling Celia hulog talaga kayo ng langit! " yapos ko sa kaniya. Since kasi na nag aral ako dito sa San Veneracion ay siya na ang takbuhan ko at laging sumasalo sa akin kapag kailangan ko ng tulong. " walang anuman, Jen. Ito nga pala ang price list ng mga paninda ko. Saka kapag may umutang sabihin mo hindi pwede. Teka, kumain ka na ba eha? " tanong ni Aling Celia sa akin.

Oo nga pala, wala talaga sa bokabularyo ko ang pagkain kasi wala naman akong pera.

" punta ka na sa kusina eha at kumain. Ella, pakainin mo nga itong si Jen at sigurado akong wala na namang umagahan to! " tawag ni Aling Celia sa anak niyang kararating lang galing ng probinsya. Hulog talaga siya ng langit para sa akin. " thank you po talaga, Aling Celia. Hayaan niyo po pag nagkatrabaho na ako ay mababayaran ko na kayo. " sabi ko habang niyayakap siya na parang mama ko.

" ate Jen, hali kana! " tawag ni Ella sa akin. Ang mala abanos niyang kutis at singkit na mga mata. " anak, busugin mo itong si Jen kasi siya ang pinagkakatiwalaan ko dito kapag wala ka. Saka bigyan mo na din ng bigas saka yong sa ref na isda ibigay mo na rin. " dagdag pa ni Aling Celia. Napalukso na lamang ako sa tuwa. " sobrang sobra na po yon! " sabi ko na tila nahihiya na sa ginagawang kabutihan ni Aling Celia sa akin. Hinawakan na lamang niya ang mga kamay ko. " parang anak na rin kita. Sige na pumasok kana sa kusina at kumain kana doon. " ani Aling Celia. Niyapos ko uli siya bago pumasok sa kusina.

Ang bait bait niya sa akin at hindi ko na mabibilang ang mga tulong niya. Pagpasok ko sa kusina ay agad kong naabutan si Ella na nag hahain na. " upo kana ate at may ibibigay ako sayo. Pansin ko kasi na iilan lang ang damit mo. Kaya pinagbalutan kita ng mga damit kong hindi naman nagagamit. Sandali ate, kain ka muna at kukunin ko lang sa taas. " lapag niya ng pagkain sa harap ko at umakyat sa hagdan. Hayyst, ang bait ni Ella sa akin. May kaya naman ang pamilya ni Aling Celia at may Sari sari store saka second floor ang bahay. Sana all talaga may magarang bahay.

Umupo na ako at saka kumain. Adobong manok ang ulam ko ngayon dahil sa mabubuting puso ng mga taong nakapaligid sa akin. Pagtapos kong kumain ay naghugas na lamang ako ng pinggan nang maabutan ako ni Aling Celia. " si Ella na ang bahala diyan, eha. Ang mabuti pa umuwi ka muna at ipagbabalot ko na iyong ibibigay ko sayo. Sandali lang eha. " tungo ni Aling Celia sa bigasan habang may dalang plastic bag. Kitang kita ko kung paano siya tumakal nang bigas na hindi man lang binibilang. " eha, heto oh! " abot niya sa akin ng bigas na parang limang kilo ang bigat.

Napatingala ako sa hagdan ng marinig ang mga yabag na pababa. Si Ella pala may dalang bag na puno ng damit. " ma, ibibigay ko na ito kay ate Jen hindi ko naman kasi nasusuot. " paalam ni Ella kay Aling Cellia. " sige anak, tutal marami ka namang damit sa aparador at inaamag na. " tugon ni Aling Celia na naroon sa ref may kinukuha.

" nakakahiya naman ata Ella saka ang dami na ng tulong niyo sa akin. " ani ko habang nakatayo sa gilid ng mesa. " wag ka nang mahiya ate sige ka magtatampo ako! " abot niya sa akin na parang ate talaga niya akong tunay. " maraming salamat talaga, Ella. Balang araw makakabawi din ako sa inyo. " yakap ko sa kaniya ng pasasalamat.

Isinara na ni Aling Cellia ang ref niya at may iniabot. " eha, ito oh lutuin mo na yan. Heto din manga hindi kasi mahilig si Ella diyan. " abot ni manang Celia ng tatlong pirasong mangang hinog na hinog na at isang kilong isda. " maraming salamat ho Aling Celia. Malaking tulong na ho ito sa akin. " yapos ko uli sa kaniya at nagpaalam na.

Paglabas ko ng bahay nina Aling Celia at tumakbo agad ako sa kabilang kalye at lumiko sa isang eskinita. Iisang daan lang kasi ito patungo sa boarding house. " Jen, musta! " tawag nong nag iinuman sa nadaanan kong bahay. Hay naku Jen, mag ingat ka sa kanila baka ikaw ang gawing pulutan ng mga yan. Gusto ko pa kayang maka akyat sa entablado at kunin ang aking diploma.

Ilang hakbang nalang at narating ko na ang hagdan ng inuupahan kong bahay. Mainit dito at parang skwater ang stilo. Buti nga nasa taas ako nakakuha ng pwesto kaya medyo mahangin at walang ingay. Papaakyat na ako ng hagdan at nadadaanan ko iyong mga batang may hawak na rugby. Diba, nakakatakot talaga ang tumira dito pero sa awa ng diyos. Heto safe pa rin naman ako. Nasa huling hakbang na ako ng hagdanan kaya kinapa ko na ang susi sa bulsa ko at binuksan ang pinto.

Ito ang bording house ko. May sofa na para lang sa dalawahan. May mesa na yare sa kahoy. May carpet na plastic sa lapag at kulay brown na medyo luma na. May ref na akala mo naman may laman. May isang electric fan at maliit na tv. May kusina na kompleto naman sa gamit. Pero hindi ako gumagamit ng stove kasi nga dagdag pa sa gastusin at nakatiwangwang lang ang rice cooker kasi kaldero ang ginagamit ko. What a poor Jen?

Gusto niyo bang makita ang kwarto ko?

Actually maliit lang siya at sinalansan ko ng maayos ang mga damit ko sa kabinet. Yong kama kong hindi malambot at murang kutson lang ang inilagay. Ayos na yan, gusto ko lang naman makapagtapos ng pag aaral. May bintana ako rito at sa kwarto ko lang talaga. Natatanaw ko rito yong mga bahay sa loob ng masikip na looban ng iskinita. Kapag umaalis ako ng bahay ay dapat naka lock lahat ng pinto dahil uso ang nakawan ngayon. Kawawa naman ako kapag ninakawan diba? At ano naman ang nanakawin nila? Maliban sa mga gamit dito na nakatiwangwang at sa dalawang daan kong allowance ngayon. Poor na poor talaga si Jen!

@YhunaSibuyana