webnovel

One Night Stand - Season 1

Walang sapat na pera si Jenalyn para kaniyang pag aaral sa kolehiyo at bilang scholarship ay nagsusumikap siyang makapagtapos ng pag aaral at makatulong sa mga magulang niya. Mahigit limang daan lang ang allowance niya sa isang linggo kaya pinagkakasya niya itong maiigi. Minsan ay kapos pa ang limang daan sa apat na araw niya dahil sa mga projects nito. Hanggang sa isang araw may natulungan siyang binata na naaksidente sa pagmamaneho nito. Ang hindi niya alam ang binatang iyon ay mula sa angkan ng mga bilyonaryo na nag ngangalang Carllex de la Vega.

YhunaSibuyana · Action
Pas assez d’évaluations
45 Chs

(The Accident)

Matapos ang pagkain ni Jen ng mga dalandan ay naiwan siya sa kwarto nito. Tumayo siya ng bahagya para sumilip sa baba sa may sala. Makikita niya kung sino ang panauhing tinutukoy ng mga de la Vega na magkakanukha.

Mapapansing may bagong panauhin na babae. Nakasuot ng magarang damit at kumikinang ang alahas na nakasabit sa tenga, leeg at maging sa daliri nito. Nakaupo ang babae habang inililibot ang mga mata sa paligid nito na tila hindi siya natutuwa sa bawat sulok ng bahay.

" eww, anong mayroon sa bahay na ito at dito niya napiling kumuha ng babaeng papakasalan niya. Eh wala sa kalingkingan niya ang bahay na ito. Marupok, maalikabok, walang malambot na sofa, mabaho, mainit at walang ka desen desenyo. " pagkadiri ng babae sa isip nito habang nagbabalat kayo sa harapan ng mga de la Vega at ama ni Jen.

Sandali siyang tatayo at magpapaalam na aalis na. Didiretso ito sa labas ng may mapansing may dalagang nakadungaw sa taas at malaki na ang tiyan. Ngingitian niya ito na kunware ay masaya siya ngunit may maitim itong balak kay Jen.

Bababa naman si Jen at tutungo sa mga nag uusap. Kaagad siyang sasalubungin ni Carllex  at pauupuin ito. " sino ho siya? " tanong niya na ikinatinginan ng lahat. Aakbayan na lamang siya ni Carllex ng bahagya. " siya si Kateryn, classmate ko since pre school at lahat ng lumalapit sa aking babae. Nilalampaso niya kasi gusto niya akong angkinin. " tugon ni Carllex sa nagiging asawa niya.

Magsisidatingan naman ang tatlong magkakamukhang ginang na galing ng kusina.

" meryenda kayo diyan saka ang dami palang saging dito Mang Jeno. Kaya heto gumawa kami ng toron saka sakto namang maraming gulay kaya gumawa na din kami ng lumpia. " wika ni Maria Carllotta habang nakangiti.

Mapapaduwal na lamang si Jen at napatungo sa lababo. Susundan na naman siya ni Carllex na tila alam na alam kung bakit nagkakaganon ang magiging asawa niya.

" heto, mukhang pinaglihian mo ata ang toron at lumpia. " abot ng towel kay Jen na hindi maiwasang mapaduwal sa mga sandaling iyon.

" salamat Carllex, medyo masama ang pakiramdam ko ngayon. Akyat muna ako sa taas. " paalam ni Jen sa kaniya.

" sasamahan kita Jen baka madulas ka saka dapat lagi akong nasa tabi mo. " pasimple nitong hawak sa kamay ng magiging asawa niya.

Napangiti na lamang si Jen sa magiging asawa niyang napaka caring at mapagmahal.

Aalalayan niya ito paakyat sa hagdan na tila alerto siya kung sakaling matisod ang magiging ina ng mga anak niya.

Jen Pov's

Si Carllex talaga ang OA niya ngayon. Sinundan pa talaga ako saka nakakaabala na ako sa kaniya. Mukhang kasing may gagawin pa sila pero ito nasa harap ko siya panaya ang hawak sa tiyan ko. Medyo makati kasi at ang sarap kamutin kaso hindi ko magawa. Bantay sarado ako ng poging magiging ama ng mga anak ko.

" Jen, magkaka rushes ka talaga kapag hindi ka nagtimpi. Pangit kaya pag may rushes saka pangit pa ang mukha mo. " sabay pang aasar pa niya sa akin.

" Tskk, doon ka na nga! " palayas ko sa kaniya. Ayan, hindi niya ako pinakinggan at sa halip na umalis ay pinakinggan pa niya ang tiyan ko.

Ewan sa lalaking ito, hindi naman sisipa yong mga sanggol sa tiyan ko kasi nga 2 months pa lang ang mga yan. " Jen, excited na ako sa kasal natin bukas sa munisipyo. I'm so sorry ulit sa pagbuntis ko sayo. Ikaw naman kasi ayaw mo akong tanggapin agad ayan tuloy. " sabi niya habang paakyat sa mukha ko.

Ay lagot ka na naman Jen. Ano na naman kaya ang gagawin nito? Mangangagat na naman ba siya ng leeg? Huhuhu, wag naman sana kasi masakit na ang leeg ko. Umurong ako ng bahagya nang biglang, " at saan ka pupunta? Pangit? " sabi niya ng ganun na nakaharang ang braso niya sa ulo ko.

Napalunok na lamang ako na wala sa oras. Ano ba gagawin ko? Kainis talaga itong magiging asawa ko. Bampira! " Jen, close your eyes! " utos niya sa akin. Close your eyes daw? Tapos ang next halik then kapag hindi nakuntento kagat sa leeg.

Sinamangutan ko nalang siya bigla, " ayoko nga, " snob ko agad sa kaniya. Bahala siya diyan basta ayoko. " ayaw mo, " saad niyang sabi sabay lapit sa leeg ko. Huhuhu, seryoso talaga siya lagi at napaka demanding. Pag gusto niya ay gusto niya talaga ang masusunod.

Humikbi na lamang ako, " huy pangit, wag mo akong hikbian kakagatin talaga kita. " sabi niya ng ganun sabay pasimpleng lapat ng kamay niya sa pisngi ko sabay hawi ng luha ko. Oh diba, hindi niya ako matiis. Bat ba kasi pinapapapikit niya ako.

Bigla nalang siyang nag iba ng titig, " ito pipikit na nga, " sunod ko sa utos niya. Ano ba kasi ang nasa utak nito. Ang dami niyang alam na pakulo ngayon ah. Ano kaya ang gagawin nito.

Naghintay pa ako ng ilang minuto ng may humalik sa noo ko. Alam kong hudyat na iyon para imulat ko ang aking mga mata. Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata ng bumungad sa akin ang mukha ng poging si sir Carllex. Damned, kahit saang anggulo tingnan ang pogi niya talaga. " titigan mo lang ako hangga't gusto mo pero ito tandaan mo. H'wag na h'wag kang titig sa iba maliban sa mukha ng asawa mo. " sabi niya habang malusaw ang kapangitan ng mukha ko sa sandaling iyon.

Napapansin kong palapit na palapit ang mukha niya sa mukha ko. Ang labi niya sa labi ko at alam kong may balak siyang halikan ako sa labi. " Jen, pahingi ng kiss. " paalam niya sabay kindat sa akin. Hala, may pakindat pa si sir Carllex ang sarap niyang batukan eh. Bigyan mo nalang kasi Jen baka magtampo pa.

Ipinikit ko uli ang aking mga mata para pagbigyan siya ng halik. Tskk, adik sa kiss eh saka hindi lang iyon. Parang asong singhot ng singhot sa leeg ko. Nakadrugs lang?

Naramdaman ko na lamang ang isang maiinit na halik sa labi ko. Masyado niya itong diinan kasabay ng paghawak niya sa kamay ko. Napaka kaba na lamang ako ng bigla siyang nabaling sa leeg ko. " Car - Carllex, " sambit ko sa pangalan niya. Mukhang kasing mapapahamak ang leeg ko ngayon.

Napakalma na lamang ako ng hinalikan niya ito.

" hmm, bat iba ang bango mo Jen. " singhot niya sa bandang keeg ko. Adik nga ang lalaking ito. Daig pa ang aso maka singhot.

" ano ba kasi ang inaamoy mo diyan? " sabi ko ng ganun sa kaniya sabay titig sa kaniya.

" ano bang pabango mo, Jen? " usisa niya uli. Hala, naloko na si sir Carllex. Wala naman akong pabango na nilalagay sa leeg ko eh.

" sariling scent ko yan saka umalis ka na nga diyan. " sumbat ko sa kaniya. Ang dali dali kong mapikun eh.

" ito aalis na pangit saka babaei ako mamaya kakagatin kita sa leeg. " ngisi niyang sabi sabay alis sa harapan ko.

Hala, adik nga Jen itong mapapangasawa mo. Pogi nga siya, mayaman, mabait pero adik sa leeg. " doon kana sa baba at matutulog pa ako. " sabi ko sabay kumot sa sarili. Bahala siya basta matutulog ako ngayon. Masarap daw kasi kapag bawal kaya ito matutulog ako kahit na bawal. " Jen, wag kang matutulog masama yan sa mga magiging baby natin. " sabi niya sa akin.

Dadadada, bahala siya basta matutulog ako. Good luck Jen baka kagatin ka sa leeg ng asawa mong adik. Ipinikit ko na ang aking mga mata at inaantok na ako. Siya naman ay nasa tabi ko alam at alam kong tinititigan na naman ako. Ewan ko ba, wala namang magandang view sa mukha ko dahil pangit naman ito.

Maya maya pa ay naramdaman ko nalang ang pagtabi niya sa akin. Ramdam ko ang paghawak niya sa tiyan ko at halik niya sa noo ko. Hayyst, ang sweet niya talaga at mahuhulog na mahuhulog ang loob mo sa kaniya sa bawat minuto.

After 15 minutes..

Nagising na lamng ako na wala na siya sa tabi ko. Baka nasa sofa siya. Grabi, ang sarap matulog pero tama na iyon baka maaliw pa ako. Mahirap na! Napababa na lamang ako sa kama at lumabas ng kwarto.

" Teka, wala naman sila sa sofa. " sambit ko habang pababa ng hagdan. Saan kaya sila? Napa upo na lamang ako sa sofa pagbaba na pagbaba ko. Hay, siguro nasa plantation ni papa. Napasilip na lamang ako sa bintana. At ayon nga sina papa, kasama niya sina señora, ang mga tito at tita ni sir Carllex. Saka ayon pala ang magaling kong mapapangasawa. Naghaharvest sila. Dito ka lang Jen baka madulas ka pa doon, mahirap na.

Napa labas ako ng pintuan ng bahay ng bigla akong salubungin ng isang babae. Teka, siya iyong panauhin kanina. Pero bat bumalik siya?

" Hi jen, mayroon akong ibibigay sayo saka friends na tayo ha. " abot niya ng isang box. Mabait naman pala siya eh. Saka may inabot siyang regalo. Binuksan ko na lamang ito.

" ahhhh, " sigaw ko sa pagtatalon. Nagtayuan ang balahibo ng makita ang ahas na laman ng balot.

" are you happy? Inagaw mo sa akin si Carllex at pagbabayaran mo iyon. " tulak niya sa akin bigla na ikinatumba ko.

" ahhhhh, " sigaw ko ng bahagya ng may makapang dugo sa damit ko.

" bagay yan sayo, " buhos pa niya ng tubig sa akin.

" ang baby ko, tulongggggg! Tulungan niyo ako. " pagsusumigaw ko.

Nang bigla nalang nandilim ang paningin ko sa sandaling iyon na tila nabalot ng kadiliman ang boung paligid.

@yhunasibuyana