webnovel

One Night Stand - Season 1

Walang sapat na pera si Jenalyn para kaniyang pag aaral sa kolehiyo at bilang scholarship ay nagsusumikap siyang makapagtapos ng pag aaral at makatulong sa mga magulang niya. Mahigit limang daan lang ang allowance niya sa isang linggo kaya pinagkakasya niya itong maiigi. Minsan ay kapos pa ang limang daan sa apat na araw niya dahil sa mga projects nito. Hanggang sa isang araw may natulungan siyang binata na naaksidente sa pagmamaneho nito. Ang hindi niya alam ang binatang iyon ay mula sa angkan ng mga bilyonaryo na nag ngangalang Carllex de la Vega.

YhunaSibuyana · Action
Pas assez d’évaluations
45 Chs

(Let the happiness begin)

AFTER TWO MONTHS

Sa bahay ng mga Santos sa Isla Sibuyana.

Sa loob ng bahay na simple at sariwa ang hangin.

Nasa sala ang dalagang nagdadalangtao habang kumakain ng dalandan.

Medyo malaki na ang tiyan na tila hindi lang iisa ang laman nito.

" pa, mayroon pa ba diyan? " usisa ni Jen habang nauubos na ang kinakain niya.

" ikaw talaga Jen ang takaw mo sa dalandan baka mukhang dalandan na yang apo ko. " ani Mang Jeno na galing sa kusina.

" pa, wag kang mag alala gwapo yong magiging apo niyo kasi gwapo ang papa eh. " sabi niya pa habang hindi nauumay sa kinakain niyang maasim.

Pambihira talaga si Jen at kahit maasim ay hindi niya pinalampas.

Tatayo na lamang ito at dudungaw sa bintana.

Mapapakamot na lamang siya ng biglang may nakitang may Van na huminto.

" pa, may bisita kayo! " tawag ni Jen sa papa niya at hindi hihinto sa pagkain ng maasim.

Magsisi akyatan na lamang ito sa hagdan at babati sa lahat.

" magandang araw ho sa lahat. Hi balae, kamusta kayo? " manong bati ng ginang at ginoo na panauhin.

" tuloy kayo balae, " ani Mang Jeno.

Pinaupo ito at binigyan ng maiinom.

" saan na pala si Jen? " hanap ng ginoong si sir Fierce.

" ay naku, yang anak ko ang gusto niya talaga ang masusunod. Ayon na naman sa bintana habang kumakain ng dalandan. " turo ni Mang Jeno sa anak niyang nagdadalangtao na nakaupo sa tabi ng bintana.

" may nararamdaman ba siyang kakaiba? Or may masakit ba? Pasensya na balae at ngayon lang kami nakadalaw dito. " paumanhin nito.

" ayos lang yon balae saka lagi ngang nakadungaw sa bintana yang anak ko. Para siyang may hinihintay na pumasok sa bahay. " pa alam ni Mang Jeno sa kanila.

Mapapatitig na lamang sila sa dalagang nakadungaw sa bintana habang malayo ang tingin.

Sandali naman itong tatayo at tutungo sa sala.

" magandang araw ho sir Fierce at ma'am Jerimy. " bati ni Jen saka umupo.

" Jen, may dala kaming prutas at gamit mo na rin. Dinala kasi namin yong mga binili ni Carllex nong first met niyo palang kasi ay may balak na siyang pakasalan ka kaya heto marami siyang hinanda para sayo. " abot ng ginang sa kaniya.

Nagulat na lamang ang dalaga sa kaniyang narinig mula sa mama ng binatang mahal niya rin pala. " wag ka nang malungkot Jen dahil may surprise kami mamaya sayo. " sabi ni sir Fierce sa kaniya.

" kamusta ho siya? " usisa niya sa mga magulang ng binatang na comatose.

" don't worry Jen dahil nasa maayos na siya ngayon. " tugon ng papa ng binata.

" maiwan ko muna kayo sir Fierce at ma'am Jerimy. " paalam ni Jen at tumungo sa kwarto niya.

Mapapansing hikab na hikab ito na tila ina antok na siya at di mapigilan ang pagpikit ng mga mata.

" inaantok na naman ako! " sambit nito at tuluyan ng nahiga sa kama niyang malambot na pinadala ng binata para sa kaniya.

Her Pov's

Hayyst, salamat naman ay maayos na ang kalagayan niya.

Dininig ng diyos ang pananambitan ko gabi gabi para sa ama ng magiging mga anak ko.

Sabi kasi ng doktor mukhang tatlo daw ang laman ng tiyan ko.

Grabi rin pala si sir Carllex eh. One night stand nga lang tapos tatlo pa.

" hay, mga baby ko maswerte talaga kayo sa papa niyo. " haplos ko ng bahagya sa tiyan kong medyo malaki na pero hindi halata na ang tatlo ang laman nito.

Matutulog muna ako kasi hindi ako nakakatulog pag gabi.

Iniisip ko kasi sir Carllex kaya nag kaka eyebugs ako.

Yong kulay ko ngayon ay medyo pumuputi na rin.

At sinong hindi puputi ang dami kasing pinapadalang beauty care sa akin.

Ewan ko ba sa lalaking iyon at kahit comatose ay naka schedule pa rin ang pagpapadala niya ng tulong.

Doon ko din nalaman na nasa plano na pala ang lahat bago siya na comatose.

Sandali akong hihikab at ipipikit ang mga mata.

Im so sleepy! Sa wakas makakapagpahinga na rin ako ng maayos.

Makalipas ang isang oras

Tahimik na lamang ang paligid maliban sa mga bodyguards na nagsidatingan at mukhang may kasama.

Sa sandali ding iyon ay nagising na ang dalagang nagdadalangtao.

Hihikab ito saglit at lalabas ng kwarto.

" pa, " tawag nito habang naglalakad na pikit ang mga mata.

Mahihinto na lamang siya ng maamoy ang pamilyar na pabango.

" si - sir? " pagkagulat niya ng masilayan ang mukha ng binatang kinaiinisan niya. Nakapang de kwatro ang upo at may buwitreng mga titig.

Nanlaki na lamang ang mga mata ni Jen at kinusot uli na tila akala niyang nanaginip lang siya.

Gagalaw na lamang ang binata at ibubutones ang amerikana niyang damit.

" bat parang nakakita ka ng multo? Pangit? " usisa niyang inis rito at tumayo para lapitan ang dalagang hindi naka alis sa kinatatayuan niya.

Nilapitan niya ang dalaga at nilapitan sa mga mata.

" bat parang gulat na gulat ka? " usisa nito uli sa dalaga na hindi nakaimik.

Napayuko na lamang ang dalaga sabay tadyak sa binata.

" aray naman, pangit! " reklamo ng binata na napahawak sa paa niya.

" hindi pa sapat yan sa pagbuntis mo sa akin. At heto pa dahil tatlo ang lama nito. " sipa niya sa binata na ikina reklamo nito.

" Jen naman, kagagaling ko sa comatose tapos heto pa ang bungad mo sa akin. " reklamo niya sa dalaga.

" Tskk! " walk out ng dalaga at pumunta sa kusina.

His Pov's

Grabi, ang pangit na iyon imibis na batiin ako tadyak at sipa ang natamo ko.

Ganun ba talaga siya maglihi napaka sadista sa akin.

Gusto ko lang naman na yakapin niya ako dahil gising na ako eh.

Pero hindi pala ang sungit niya pa rin.

" oh, nakausap mo na si Jen? " usisa ni papa Jeno sa akin kasama sina mama at papa na mukhang galing sila sa palengke.

" hindi nga ho kasi sinipa ako at tinadyakan. " saad kong tugon at napaupo na lamang sa sofa.

" anak, masama lang ang mode non kasi bagong gising. " sabi ni papa sa akin.

" bat hindi mo sundan? " sabi pa ni mama habang dala yong basket na puno ng gulay.

" wag na ma baka madagdagan pa yong kasalanan ko. " sabi ko ng ganun at nagpahangin muna sa labas.

Andito na pala ako at hindi bilang kaluluwa kundi bilang buhay.

Namis ko talaga ang hangin dito at ang sarap humiga sa damuhan.

Naglalakad na ako sa paligid ng bahay. Marami pala silang tanim na mga gulay.

Naalala ko pala yong sinabi ni Jen dati sa akin.

" uy may cheks! " loko kong sambit ng makita ang mahal kong pangit na nakaupo sa isang kubo. Ayon siya habang kumakain ng dalandan.

Makilapitan nga, " pwede maupo pangit? " sabi ko ng ganun sabay inis sa kaniya.

" bakit andito ka? " tugon niya habang maasim ang mukha sa akin. Ang cute niya kasing inisin saka hindi ko man lang nabati ang baby namin. Sinipa at tinadyakan niya kasi ako kanina.

" bakit? May kailangan ka? " sabi niya ng ganun. Tinitigan ko siya habang enjoy sa pagkain ng dalandan hindi man lang nangbigay. Ang damot ng pangit na ito.

" Psst Jen, " sitsit ko sa kaniya para makuha ang atensiyon niya. Napatitig na lamang siya sa akin.

" gusto mo sir para kang kasing naglalaway. " sabi niya at binigyan ako ng isa. Buti naman at naging mabait siya kasi magmamana talaga sa kaniya ang baby namin.

" Jen, pwede ko bang mabati ang baby natin? " paalam ko sa kaniya para hindi siya magalit sa akin. Napatango na lamang siya sa akin.

Lumuhod ako sa harap niya na ikinagulat niya.

" hi mga baby, papa is here sorry kung ngayon lang ako nakadalaw. Na comatose ako kaya heto nagmadali akong pumunta dito para alagaan ang mama niyo. I'll promise na babawi ako." sabay hawak ko sa tiyan niya hinalikan ito.

Idiniin ko ang aking tenga sa tiyan ni Jen para pakinggan ang mga pulso ng mga ito.

Bigla nalang akong nagulat ng ipatong niya ang mga kamay niya sa ulo ko.

" thank you sir at hindi niyo ako sinusukuan. " sabi niya sa akin na ikinatunaw ng puso ko.

Para akong nasa langit ng sinabi niya iyon.

Yes! Malapit na Carllex at isang hakbang nalang ay malapit mo nang makuha ang matamis niyang 'Oo'.

@YhunaSibuyana. ❤