webnovel

One Night Stand - Season 1

Walang sapat na pera si Jenalyn para kaniyang pag aaral sa kolehiyo at bilang scholarship ay nagsusumikap siyang makapagtapos ng pag aaral at makatulong sa mga magulang niya. Mahigit limang daan lang ang allowance niya sa isang linggo kaya pinagkakasya niya itong maiigi. Minsan ay kapos pa ang limang daan sa apat na araw niya dahil sa mga projects nito. Hanggang sa isang araw may natulungan siyang binata na naaksidente sa pagmamaneho nito. Ang hindi niya alam ang binatang iyon ay mula sa angkan ng mga bilyonaryo na nag ngangalang Carllex de la Vega.

YhunaSibuyana · Action
Pas assez d’évaluations
45 Chs

(Kaluluwang gala)

Makalipas ang walong oras na biyahe ng barko ay nakarating na sa pantalan ng Isla Sibuyana ang barkong Ferry lulan ang libo libong mga pasahero na magbabakasyon.

Isa na roon ang mag amang Santos na nasa VIP room ang ticket na nakuha nila.

Papalabas na ang dalaga habang ingat na ingat sa mga bahaging dala niya mas lalo pang nasa sinapupunan niya.

" anak, hayaan mo na yan sa mga kargador. " wika ni Mang Jeno sa kaniya.

" pa, kaya ko naman saka bag ko ito at ayokong kargahin ng iba ang bag ko baka may mabasag pa. " katwiran ng dalaga at hindi nagpaawat sa papa niya.

" kainis itong babae na ito ayaw makinig. " sumbat ng kaluluwang gala na panay ang sunod sa dalaga.

" anak, ako na ang bahala diyan baka mapano pa yang baby mo. " bawi ni Mang Jeno sa mabigat na bag na dala ng anak niya.

" sige na nga, " bitaw nito sa bag niya at kinuha naman ng papa Jeno niya.

Someone Pov's

Wow, ang ganda ng tanawin ng isla Sibuyana.

Hmm, mukhang ayoko nang bumalik sa katawan ko ngayon.

Teka, iniwanan na naman ako ng pangit na iyon.

Saan na ba iyon? " ah, ayon na sa trycicle! " takbo ko agad baka maligaw ako bahala na.

Ayan na si Jen nasa loob nakaupo habang nakayakap sa bag niya.

Iniisip kaya ako nito? " Congratulations Jen, balita ko cumlaude ka daw! " bati nong driver sa kaniya na mukhang binata pa.

" salamat tol, kamusta na pala si Manang Elyn? " usisa niya doon sa driver na parang magkakilala sila. Ayan oh, nagkuntawaan pa sila. Batukan ko kaya itong Ken na ito.

" alam mo Jen ang ganda mo pa rin. " bola niya sa pangit ko. Babatukan ko na talaga ito.

" alam mo Ken bolero ka pa rin. Pa, uwi na tayo at nahihilo na ako. " tawag niya kay papa Jeno namin.

Ikaw talaga Ken, subukan mo lang diskartehan itong pangit ko at sasapakin kita paggising ko.

" tara na at alam kong naghihintay silang lahat para sa selebrasyon mo, anak. " sabi ni Mang Jeno sa kaniya na ikina excite nito.

" papa talaga, may celebration pang nalalaman. Saan kayo kumuha ng pera? " usisa ni Jen sa papa niya.

" secret muna, tara na Ken at magsi celebrate tayo para sa unang Cumlaude nang ating Isla. Syempre isang malaking karangalan na anak ko pala ang makakakuha non. " sandaling yakap niya sa anak niya.

" salamat talaga papa saka excited na akong umamin kay mama. Pagdating natin sa bahay agad akong pupunta sa sementeryo para dalawin si mama. " sabi niya habang tumutulo ang mga luha.

Mas proud ako sayo Jen kaya gustong gusto at kahit ipagtabuyan mo pa ako.

Mahal kita Jen kaya wag kang mag alala dahil hindi ka pababayaan ni papa.

Habang tulog ako ay inihahanda na niya ang lahat ng kakailanganin mo sa panganganak.

Saka hindi ka pababayaan ni mama dahil darating siya at tutulungan ka niya.

" pa, nakokonsensya na ako sa ginawa ko. " pabulong niyang sabi sa papa niya habang nasa biyahe.

Naririnig kita Jen kaya wag kang mag alala dahil narito lang ako at hindi kita tatakbuhan.

Unang beses kong sumakay ng trycicle at ang saya.

Grabi, ang ganda ng paligid at napaka fresh.

Parang nasa bayan lang ako ng San de la Vega.

Kapag nagising ako lilibutin ko talaga ang boung Isla syempre kasama ang mahal kong pangit.

Ang ganda ng Mt. Guiting - Guiting napaka perfect niya.

Relieve na relieve ang stress ko ngayon kahit multo ako.

" naaamoy mo ba iyon, pa? " usisa ni Jen.

" ano bang naamoy mo, anak? " ani Mang Jeno.

Baka ako naamoy niya, " naaamoy ko yong pabango ni sir, " sabi niya na parang kinalabutan si Mang Jeno. So, tama nga ako kapag si pangit talaga ang magsabi totoo yan. Alam niya pala ang pabango ko. " sinusundan ba tayo ng kaluluwa ni sir, papa? " usisa niya kay Mang Jeno na hindi makatitig sa bandang kinaroroonan ko.

Mukhang nakikita ako ni Mang Jeno eh. Hindi lang siya nagpapahalata.

" pa, sabihin mo nga nandito ba siya? " usisa sa kaniya ni Jen na halatang alam niyang may kasama silang kaluluwa.

Makitulog na lang nga kaysa naman guluhin ko si Jen baka tumalon sa gulat at baka makunan siya.

After an hour..

Naririnig ko na lamang ang bandang sumalubong sa harapan ng trycicle ay may tar papel na naroon ang mukha ni Jen at may cumlaude na nakasulat. Naroon din ang kurso niya at araw ng pagtatapos. Huminto ito sa tapat ng isang simple bahay na may sumalubong na tila lolo at lola niya. " lola, " takbo niya ng matulin na tila nakalimutan niyang buntis siya.

Sus pangit baka madapa ka lagot ka talaga sa akin.

" lola, mano po saka lolo. " sabay yakap rito. Nasa katandaan na ang lolo at lola niya na nasa 60's na ang edad na may kayumangging kulay.

" apo, Congratulations sayo kasi nagawa mo na ang pangarap ng mama mo sayo. " sabi nang lola niya. Umiyak na lamang siya sa harap ng lahat na tila gusto niyang ipagtapat ang katotohanan.

" lola, may importanteng bagay akong sasabihin sa inyo ni lolo at mama. Tara ho sa loob. " yaya ni Jen sa kanila.

" mga kapitbahay, tuloy kayo roon at may inihandang selebrasyon ang isang espesyal na tao para sa inyong lahat. " yaya ni Mang Jenno sa mga kapitbahay nito.

Pasimple akong sumunod kay pangit sa loob ng kwarto.

Sumali ako sa pag uusap nila at doon ko nasaksihan kung paano siya humingi ng tawad sa nangyare sa amin. " apo, wag kanang umiyak baka mapano pa iyang baby na nasa tiyan mo." nagulat na lamang siya ng marinig ito.

Ang hindi niya alam na ako na mismo ang humingi ng tawad sa lolo at lola niya. Buti nga naplano ko na ang lahat bago naaksidente ako uli.

" lo, kailan niyo nalaman ang tungkol roon? " usisa niya sa lolo at lola niya.

" apo, bat hindi mo tinanggap ang alok niya. Napakabait naman ng binatang iyon saka kahit anak mayaman siya ay alam niya pa rin ang kalagayan natin. Nababasa kong galing siya sa mahirap na pamilya kaya ganun siya sa mga kagaya natin. Naikwento niya pa nga iyong pagligtas mo sa buhay niya. Jen, nag iisa lang kitang apo kaya mahirap sa amin na makita kang malungkot. Kung andito lang ang mama mo ay hindi ka niya hahayaang maging ganiyan." sabi ng lolo niya.

Napa iyak na lamang siya ng marinig ang sinabi ng lola niya. Ang pangit talaga ng babaeng ito. Diyan ka nalang nga dahil babalik muna ako sa hospital. Pipilitin kong makabalik sa katawan ko para madamayan kita.

Napa walk out na lamang ako dahil susubukan kung makabalik agad sa katawan ko para madamayan ko siya.

Pag alis ng kaluluwa ng binata ay mayroon namang sumulpot.

Ang kaluluwa ng ginang na tila siya ang mama ni Jen na ilang taon na ding pabalik balik at nariyan lang sa paligid. " Jen, malugod akong masilayan ka sa pagtatapos mo sa kolehiyo. Ngayon ay makaka alis na ako dahil alam kong nakita mo na ang lalaking magpapasaya sayo at tatanggapin ka ng buong buo. Mahal na mahal ng mama kaya pagkaingatan mo yang dinadala mo, anak. " sandali niyang yakap sa dalaga at hinagkan sa noo.

Napayakap na lamang ang dalaga sa sarili niya ng maramdamang may malamig na hangin ang dumampi sa kaniya. " andito si mama, I love ma at sorry po dahil nagpabuntis ako. " paumanhin niyang wika sa sinumang kaluluwang yumakap sa kaniya.

Sandaling lilisan ang kaluluwang nasa tabi niya na tuluyan ng namaalam sa mga mahal niya sa buhay.

@YhunaSibuyana.