webnovel

One Night Stand - Season 1

Walang sapat na pera si Jenalyn para kaniyang pag aaral sa kolehiyo at bilang scholarship ay nagsusumikap siyang makapagtapos ng pag aaral at makatulong sa mga magulang niya. Mahigit limang daan lang ang allowance niya sa isang linggo kaya pinagkakasya niya itong maiigi. Minsan ay kapos pa ang limang daan sa apat na araw niya dahil sa mga projects nito. Hanggang sa isang araw may natulungan siyang binata na naaksidente sa pagmamaneho nito. Ang hindi niya alam ang binatang iyon ay mula sa angkan ng mga bilyonaryo na nag ngangalang Carllex de la Vega.

YhunaSibuyana · Action
Pas assez d’évaluations
45 Chs

( The First Move)

Sa Hospital

Nagsidatingan ang boung pamilya ng ginoong dinala sa hospital ng hindi nakikilalang dalaga.

Pumasok na sa hospital ang ginoong puno ng pag aalala na tila siya ang ama ng binatang naaksidente.

Kaagad siyang magtatanong, " nurse, saan ang room ni Mr. Carllex de la Vega? " pag alala niyang bungad sa nurse na nasa counter.

" sir nasa room #031! " tugon ng nurse.

Kaagad siyang tumakbo na tila puno ng pag aalala at pagkabahala ang dala niya.

Mahihinto siya sa isang hallway na tila nakarating na siya sa tapat ng room na nandoon din ang asawa niya naghihintay at humahagulhol sa iyak.

" kamusta siya? " una niyang tanong na tila nagpipigil ng mga luhang nagbabadyang tumulo sa kaniyang mga mata sa sinapit ng anak nila.

" sabi ng doktor kapag hindi siya agad nakarating dito ay baka wala na siya. Pero may anghel na nagligtas sa kaniya Fierce at iniligtas niya ang anak natin. " tugon niya sa asawa.

" salamat sa diyos at hindi pa siya kinuha sa atin. " yakap niya sa asawa at hinagkan ito sa noo.

Walang atubiling pumasok ang mag asawa kung saan nakaratay ang anak nilang nagpapagaling sa aksidente. " anak, andito kami ng papa mo. Nag alala kami sayo nong tumawag ang hospital. Anak, gumising kana diyan! " wika ng ginang na nag aalala sa kalagayan ng anak. Hahawakan ang mga kamay ng binatang anak at hahagkan ito. " Carllex anak, magpagaling ka ha at sorry sa pagtatalo natin kanina. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa nangyare sayo. Gising kana diyan at lahat sa mansiyon ay nag aalala sayo. Wag mo kaming pahirapan anak. " wika ng ginoo sa anak niyang wala pang malay sa mga sandaling iyon. May bondage ito sa bahaging ulo at sa mga kamay dahil sa lakas ng salpok niya sa manubila nito at bagsakan ng mga nabasag na salamin ng kotse.

Papasok naman ang isang security head, " excuse me sir! " paumanhin niya sa boss nito.

Sandaling tatayo ang boss nila, " nakuha niyo na ba ang lahat ng Cctv footage sa pinangyarihan ng aksidente at natukoy niyo na rin ba kung sino ang anghel na nagligtas sa buhay ng anak ko? " sunod sunod na tanong ng boss nila.

" yes sir, her name was Jennalyn Santos. She's just 18 years and a fourth year college was taking Bachelor of Science in Secondary major in English. A scholarship girl and a fighter women the university of San Veneracion. Also a top natcher students! " balita niya sa kaharap niyang boss.

" you may leave! " sabay kuha ng pictures ng dalaga sa files nito at bumalik sa tabi ng anak niya.

After an hour....

Binantayan ng mag asawa ang anak nilang wala pang malay hanggang sa nakatulog na sa sofa ang ginoong naghihintay na magising ang anak nila.

Ilang sandali pa ay gumagalaw na ang mga daliri ng binata at sandaling may tatawagin.

" pa, " tawag ng binatang nagkamalay na. Kaagad na gigisingin ni Jerimy ang asawa.

" Fierce gising na si Carrlex! " tapik niya sa asawa sa sobrang tuwa.

" Carllex, anak ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Kamusta ka? " sunod sunod niyang tanong rito at napaupo sa tabi ng anak.

" Im fine ho papa! Ma, saan na ho yong tumulong sa akin? " usisa ng binata habang sinusubukang igalaw ang mga kamay nito.

" wag mo munang galawin ang mga kamay mo anak at marami kang sugat na natamo. Pasalamat nga tayo at may anghel na dumating para iligtas ka sa kamatayan. " wika ni Fierce sa anak.

" pa, nakilala niyo na ba siya? Gusto ko siyang puntahan at pasalamatan. " wika ng binata habang pinipilit na bumangon.

Aalalayan na lamang siya ng papa at mama niya at iaangat para makasandal ng maayos.

" her name was Jennalyn Santos, " sabay abot ng litrato sa anak. Napangiti na lamang si Carllex ng masilayan ang larawan ng dalaga. " I like her ma pa! " seryosong wika sa harap ng mga magulang niya. Sabay sabay namang dadampian nila ang anak sa noo nito na tila hindi makapaniwala sa kanilang narinig. " are you sure anak? " ask ni Fierce sa kaniya. Tatango na lamang si Carrlex at ngingiti. " mana ka nga sa papa mo. Walang ka taste taste sa babae gaya ko kahit pangit pinatulan niya. " ani Jerimy na tila panglalaki ang pangalan niya pero pinatulan ni Fierce de la Vega na siyang papa ni Carllex de la Vega. Tatawa na lamang ang mag ama at sabay magbubulungan. " wag ka nang malungkot pangit kong Jerimy! " lambing ni Fierce sa asawa niya. " si mama oh kahit po pangit kayo mahal na mahal namin kayo ni papa because its not about the beauty but it is about the traits that you have. " wika ng binata sabay na niyakap ang mama Jerimy niya.

Sa kabilang dako

Sa sari sari store ni Aling Cellia.

Marami na ang customer ni Jen sa mga sandaling iyon kaya abala siya sa pag kalkula ng mga price ng bawat item na binibili.

" salamat po, balik kayo uli. " masaya niyang tugon sa bawat customer na bumibili.

" ate Jen meryenda ka muna! " wika ni Ella habang may dalang banana que at juice para sa kaniya.

" maraming salamat, Ella. " tugon ng dalaga at umupo muna sa kabilang banda.

Papalit naman sa pwesto niya si Ella at magtatanong.

" ate Jen, hindi ka pa nagkajowa diba? Yong totoo wala pa talaga? " usisa niya sa dalaga habang hawak hawak ang ballpen at pinapa ikot ikot sa mga daliri.

" wala pa yan sa isip ko saka gusto ko muna makapagtapos ng pag aaral. Alam mo na solo lang akong anak at kailangan ko talaga makapagtapos Ella lahat sila ay umaasa sa akin. " wika niya rito.

Mahihinto na lamang ang pag uusap ng biglang may nagtanong, " Ms. pwede bang magtanong? " ask ng ginoong nakasuot ng purong itim na suit at mukhang isa siyang bodyguard's. " ano yon sir? " tugon ng dalagang si Ella habang kinikilatis ang ginoong nasa harap ng tindahan nila. " kilala niyo ba si Ms. Jennalyn Santos? " tanong nong ginoo na tila kanina pa nakatingin sa dalagang si Jen na alam niyang iyon ang hinahanap niya. Tatayo na lamang si Ella, " Jen, hinahanap ka oh? " tapik niya sa dalagang nagmemeryenda. Iinom muna ng juice ang dalaga at lalapit sa ginoo.

Yuyuko na lamang ang dalaga at saka magtatanong, " hinahanap niyo daw po ako? " ani Jen.

" Ms. Jennalyn inaanyayahan kayo ng ginoong iniligtas niyo mula sa bingit ng kamatayan. Kung maari ay ngayon na kung iyong pauunlakan. " wika ng ginoo sa kaniya.

Jen Pov's

Kinabahan na lamang ako bigla.

Ano ba itong nangyayare sa akin?

Oh Jen, relax ka lang ha! " pero nagbabantay pa ako ng tindahan. " katwiran ko sa ginoo.

Bigla nalang sumabat si Ella, " pumunta kana ate Jen at ako na bahala dito. " ani Ella. Napalabas na lamang ako sa tindahan at sinamahan ang ginoo.

" Ms. Jennaly, " bukas niya ng pintuan para sa akin.

Nang makarating na kami ng hospital ay agad siyang sinalubong ng kapwa kagaya niyang suot. Hanggang sa nakarating kami sa room #31. Binuksan niya ang pintuan na ikinakaba ko.

" pasok kana Ms. Jennalyn. " sabi nong ginoo na kasama ko papunta rito sa hospital.

Dahan dahan akong humakbang papasok habang nahihiya ako sa pagpasok.

" andito na pala siya! " sabi nong boses na parang papa ata nong lalaki na tinulungan. Basta ayokong itaas ang paningin ko. Para akong tinititigan ng mga buwitre sa paligid ng biglang may humawak sa aking bisig na tila isang ginang.

Hahawakan niya ako sa kamay, " eha, look at me! " utos ng magandang boses ng isang ginang. " nahihiya po kasi ako! " katwiran ko. Oh my, ano gagawin ko? Makahiya talaga ako eh at laging tumitiklop pag mah kaharap na ibang tao.

" maupo ka! " akbay niya sa akin habang nakatitig lang iyong ginoo na nakapang de kwatro.

Grabi, ang cool niya at kamukhang kamukha niya talaga yong anak niyang nakahiga sa hospital bed. " Ms. Jennaly Santos, you're so nice kaso di pa gising itong anak namin. Trip niya kasing matulog ng ganitong oras. Pero kapag gabi dilat na dilat ang mga mata. " sabi nong ginoo habang nakatitig sa anak niya.

" eha, saan ka ba nakatira? " tanong ng ginang sa akin.

" sa kanto ho kung saan naaksidente yong anak ninyo. Inuupahan ko ho yong maliit lang na bahay sa taas banda. " tugon ko sa ginang.

Mahihinto ang aming usapan ng biglang tinawag siya ng anak niyang nagising na.

" ma, " tawag niya habang iniaangat ang katawan sa kama.

" ako na anak saka andito na ang anghel na nagligtas sayo. " alalay sa kaniya ng papa niya at mama niya na inaayos ang pwesto ng pagkasandal niya.

" eha, halika at dito ka maupo! " palapit sa akin ng ginang sa tabing sofa na nasa kama ng anak niya.

Mas lalong bumilis ang takbo ng puso ko sa mga sandaling iyon.

" maiwan muna namin kayong dalawa. Carllex baka anong gawin mo! " wika nong ginoo.

" pa naman! " anggal niya sa cool niyang boses.

Ibinaling ko na lamang ang paningin ko sa mga paa ko. Nakakahiya kasi saka ang pogi niya at hindi ko mapigilan ang sarili na kabahan. " look at me, Ms. Santos! " cool niyang sabi na tila parang hangin na ikinapayapa ng pakiramdam ko.

" bakit ho sir? " subok kong titigan siya sa mga mata na tila may kuryente nagdudugtong rito at ayaw ilihis ang aming mga paningin.

" salamat nga pala at tinulungan mo ako. I'll promise paglabas ko rito ako naman ang tutulong sayo. Naiinis lang ako dahil hindi ako maka alis dito sa hospital. " sabi niya na parang naiinis na sa kinahihigaan niya.

" sir yon lang ho ba ang sasabihin niyo? " ani ko.

" nop, madami pa akong gustong sabihin pero... " ng bigla siyang humikab.

" sir pahinga ho muna kayo. " tayo ko na saka yumuko.

" sandali Ms. Santos, padadalhan kita ng tulong ngayon saka mag ingat ka. " sabi niya sa akin.

Ay Jen, mag ingat ka daw?

Enebe yen, pa fall si sir Carllex sana wala pang jowa.

Mapapangiti na lamang ako, " pogi ni sir Carllex pero pa fall! " tawa ko habang papalabas ng hospital.

" Ms. Santos, " tawag nong ginoo na humated sa akin. Hala, ihahated niya ako pabalik? Parang may sasakyan lang self? Salamat talaga lord at mababait na tao ang nasa paligid ko.

@YhunaSibuyana