Matapos ang gabing iyon, medyo naging tahimik naman sa bahay. Akala ko, hindi na niya uulitin ang ginawa niya sa akin. Pero, inulit niya rin iyong ginawa sa akin isang araw, nang umalis si mama sa bahay dahil may lakad siya.
Pero, hindi lang iyon ang pangalawang beses na tinangka niya akong galawin. Tuwing may mga lakad si mama, o di kaya ay pumapasok na siya sa trabaho, doon niya ako pinipilit na makipagtalik sa kanya.
Sobra sobra ang takot ko dahil napapadalas ang pag alis ni mama sa bahay. Kaming dalawa lang ng lalaking to ang naiiwan. At araw araw, iyon ang ikinakatakot ko.
Gaya ngayon, umalis na naman si mama. Ito na naman...
"Wag ka na ngang magpumilit! Sumama ka na lang sa akin! Para matapos na to!" paulit ulit niyang sinasabi habang pinipilit ako na sumama sa kanya pero hindi ko ginagawa.
Kahit ayaw ko ay pilit niya akong hinila papunta sa kwarto nila ni mama. Nagpupumiglas na ako pero masyado siyang malakas kumpara sa akin.
"Ba't ba kasi ayaw mong magpagalaw? May nag aalaga na ba dyan?" sabay turo niya sa dibdib ko. Buti na lang at agad akong nakaiwas.
Hinding hindi ko hahayaang mahawakan ito ng hayop na lalaking to.
Nang nakahanap ako ng tyempo ay dali dali akong tumakbo papalabas sana ng kwarto nila pero hinila niya ang mahaba kong buhok. Dahilan upang mapasigaw ako sa sakit.
"Tumahimik ka!" sabay takip sa bibig ko.
Ramdam ko na ang luha na galing sa mga mata ko. Maya maya pa, ramdam ko na lang na nakahiga na pala ako sa kama.
"Huwag kang maingay... Magugustuhan mo rin naman to..."
Pilit pa rin akong gumagawa ng ingay. Baka naman, may makarinig sa akin dito. Pilit rin akong nagpupumiglas. Ayaw kong mahawakan niya ako. Nandidiri ako.
Ma... Tulong... Umuwi ka na ma, please...
Tinangka niya akong halikan pero nakaiwas ako. Tinangka niyang tanggalin ang salamin na suot ko, pero hindi ako pumayag na matanggal niya iyon.
"Emil!! Marie, anak! Nandito na ako!"
Si mama!
Naging ligtas lang ako nang marinig ko ang boses ni mama.
"Wag na wag kang magsusumbong sa nanay mo. Kundi... papatayin ko siya." saka siya umalis.
Naiwan akong mag isa sa kwarto nina mama. Nang makaalis ang lalaking iyon, saka pa lang ako pumunta sa kwarto ko.
Buti na lang, hindi niya pa rin ako nagagalaw hanggang ngayon.
Napatingin ako sa kalendaryong nasa kwarto ko. At napagtanto kong mag iisang buwan nang ganito ang sitwasyon ko.
Buti na lang talaga at hindi niya nakukuha ang gusto niya mula sa akin. Buti na lang.
Pero...
Kung magsusumbong ako, si mama naman ang sasaktan niya. At ayaw kong may mangyaring masama kay mama. Paano na to?