webnovel

REUNION

Third Person's P.O.V

"Calix!" agad na tila unti-unting hinahatak ng kung ano ang prinsipe ng nyebe upang magising siya sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog.

"Calix!"

"Calix!" muling tawag ng isang tinig sa kaniya na unti-unting gumigising sa kaniyang diwa na gusto pang matulog at magpahinga. He already had a long day, a hell of a ride to be exact. Gusto na lang mamahinga ng puso't diwa niya.

"Ca- ELSA WAKE UP!" malakas na sigaw ng tinig at agad na napakunot ng noo ang nakapikit na prinsipe ng nyebe.

"Let me sleep idiot!" agad niyang inaantok na pambabara sa tumatawag sa kaniya at mas lalong humalukipkip sa kaniyang kinahihigaan na tila isang bata na ayaw pang bumangon.

"They will kill you! Wake up!" pagpupumilit ni Mino na hindi pinansin ni Calix.

"I would like to see them try," prente lamang na saad ng prinsipe na tila panaginip lamang ang kausap.

"Fine!" iritableng pahayag ni Mino na nauubusan na ng pasensya, he immediately punched Calix's cage made of thick glass.

Agad na tila naalog si Calix sa loob at marahas siyang nagising at napadilat. Balak niya sanang atakehin si Mino ngunit agad siyang natigilan nang makita niya itong nakatitig sa kaniya sa labas ng isang malaking kulungan.

"What the hell is this?" agad niyang saad sabay marahas na kinalampag ang makapal na salaming kulungan.

"I don't know either, I will let you out of here," mabilis na saad ni Mino na parang hindi sila nagbatuhan ng mga atake kanina ng prinsipe.

"Paano ka nakalabas?" nagtatatakang tanong ni Calix kay Mino habang humarap ito sa helera ng mga computers.

Tila isang malawak at advance na laboratoryo ang paligid, may mga test tubes at iba pang aparatus. Kalat-kalat din ang makakapal na mga wires habang may kung ano-anong mga detalye ang nakarehistro sa screen ng computer.

Mabilis na tumipa si Mino doon na bahagyang hindi niya maintindihan dahil sa bagong modelo ang mga kagamitan na kaniyang nakikita.

"Where's your cage?" tanong na muli ng prinsipe dahil wala itong nakitang kulungan na kagaya ng sa kaniya, tanging siya lamang ang nasa loob ng kulungan na nasa pinakagitna ng silid.

Sinubukan niyang basagin ang makapal na salaming kulungan ngunit tila ni hindi ito nagasgasan.

"I don't have any, I woke up on a nice bed," Mino coldly stated habang pinipilit na ma-access ang lock ng kulungan. Agad na napataas ang kilay ng prinsipe na paulit-ulit sinusuntok ang makapal na salaming kulungan.

"That seems unfair," he hissed habang tila walang nangyayari sa ginagawa niyang pag-atake. He growled due to frustration, his fangs emerge and his claws became longer in order for him to give his all just to destroy the goddamn thick cage.

Sinubukan niyang pagyeluhin ang kulungan ngunit agad siyang natigilan dahil walang lumabas na kahit ano sa nakalapat niyang palad sa salamin.

"What the hell is this?" nagtataka niyang saad sabay muling sinubukan na ilabas ang kaniyang mahika ngunit walang nangyari.

"The hell, gaano ba ako katagal na nawala?" naiinis na saad ni Mino sabay marahas na kinalampag ang computer dahil hindi niya ito ma-access kahit pa may kakayahan siya pagdating sa mga ganito.

Everything seemed new to him, everything was upgraded and out of his capability to comprehend.

"It's been years Mino, the timeline on our world is different from yours," Calix said habang hindi na niya maiwasan na mairita dahil sa nangyayari.

"Great," walang ganang pahayag ni Mino na para bang wala ng kahit anong bagay ang nakakaapekto sa kaniya.

They both tried their best again ngunit pareho silang napatiim bagang dahil sa pagkabigo.

Marahas na lamang na naghanap si Mino ng kahit ano na pwedeng ipalo sa kulungan upang masira lamang ito.

Agad niyang nakita ang isang fire extinguisher. "Move!" agad niyang utos kay Calix upang lumayo ito kahit papaano habang akma na siyang ihahampas ang fire extinguisher.

Ngunit pareho silang napahinto ni Calix at kapwa nagpalitan ng makahulugan na titig dahil sa kapwa sila may naramdaman, isang presenyang papalapit.

"Why are you helping an enemy Alexander?" agad na nagulat si Mino at napaharap sa tinig na tumawag sa kaniya ng ganoong pangalan.

Mabilis na napakunot ng noo si Calix dahil sa isang babaeng nakatayo sa hindi kalayuan.

Sandaling natigilan si Mino na tila ba kinikilala ang babae na nasa kaniyang harapan. Nakasuot ito ng isang combat attire habang may mga baril na nakasukbit sa magkabila nitong bewang.

Isa lamang ang babaeng tumatawag sa kaniya ng ganoon at hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang ayos at porma ng babaeng iyon.

Kung ilang taon na siyang wala sa mundong ito ay dapat matanda na ang itsura ng babae ngunit hindi niya maintindihan kung bakit nagmukha lamang itong nakakatanda niyang kapatid.

"Mo-MOM?" malakas na usal ni Mino habang agad niyang nabitawan ang fire extinguisher na kaniyang hawak.

Gumawa ito ng ingay na siyang bumalot sa laboratoryo. "Your what!?" hindi makapaniwalang tanong ni Calix dahil hindi siya makapaniwala sa itsura ng tinatawag na "mom" ni Mino.

Ngunit hindi niya mapigilan na ialerto ang sarili lalo na ng makita niya ang simbolo na nakatatak sa lalagyanan ng baril.

Ngayon niya naintindihan ang lahat kung bakit ganoon kabatang tignan ang ina ni Mino. He's facing their greatest enemy.

"Anak!" agad na masayang tawag niya kay Mino na hindi makapagsalita dahil sa kaniyang nakikita. Tila namamalikmata lamang siya o nananaginip.

Naiisip niya na isa lamang ba ito sa mga ilusyon ng diwata ng sangtwaryo o totoo ang kaniyang nakikita.

As far as he know, humans are supposed to grow old, not the other way around.

Agad na humakbang ang kaniyang ina papalapit at siya na mismo ang yumakap sa tulalang si Mino na hindi nagawang suklian ang yakap na kaniyang ibinigay.

"Kay tagal ka naming inantay ng iyong daddy," tila naiiyak na pahayag niya kay Mino na hindi pa din makapaniwala.

"I-I don't understand," naguguluhan niyang saad at muli siyang nakaramdam ng panibagong presensya na papalapit.

"Welcome back my son," isang makisig na tinig ang kaniyang narinig at kasabay ng pagkalas ng kaniyang ina sa yakap ay siyang paghakbang ng ama ni Mino upang makita ang kaniyang kabuuan.

Mas lalong natigilan si Mino ng makita niya ang kaniyang ama na walang kasing kisig at tila isang binatilyo lamang. He is wearing a long leather jacket and a combat attire.

Mas lalong napahakbang paatras si Calix nang makita nito ang kwintas na suot ng lalaki. It was a bullet with written incantation on it.

Tila may dumadaloy na berdeng likido sa maliliit na marka ng dasal sa maliit na bala ng baril na siyang ginawa niyang kwintas.

Lubusan ng nakompirma ni Calix ang lahat at tila inalerto niya ang sarili sa maaaring mangyari sa kaniya sa kamay ng mga magulang ni Mino.

"Dad?" hindi makapaniwalang usal ni Mino habang nagsisimulang humikbi ang kaniyang ina sa kaniyang tabi dahil sa malabis na tuwa.

Sa pananatili niya sa mundo ni Vreihya, akala niya ay nasaksihan na niya lahat ng bagay na nakakagulat at nakakabaliw na ipaliwanag ngunit tila walang papantay sa nasasaksihan niya ngayon.

Malayong-malayo sa may edad na mga magulang ang nasa harapan niya ngayon. Agad siyang hinila ng kaniyang ama upang yakapin nang mahigpit habang iniisip pa din niya kung siya nga ba ay nananaginip.

"I knew who you are," madiin na turan ni Calix at agad na kumalas ang ama ni Mino sa kaniyang pagyakap sa anak.

Kapwa sila tumingin sa direksyon ng prinsipe na nakalabas na ngayon ang matatalas na pangil habang nagliliwanag ang kaniyang mga mata.

Madiin na tumitig ang mga magulang ni Mino sa prinsipe na tila ba handa nila itong atakahin kahit anong oras pa man.

Sa mahabang panahon na wala si Mino sa mundo ay ginawa nilang mag-asawa ang lahat upang ubusin ang lahi na siyang umagaw sa kanilang anak at nagsamantala sa kanilang mga ala-ala.

"Nice to see you beast," malamig na turan ng ama ni Mino habang mayabang itong nakatitig sa prinsipe na nagbigay lamang ng isang sarkastikong ngiti.

"We've been waiting for you to show up!" madiin na turan ng ina ni Mino habang marahan na nitong hinahaplos ang baril na nasa kaniyang kanang bewang.

"It's been a long time huh?" prente lamang na turan ni Calix na tila ba hindi siya dehado sa sitwasyon.

"Matagal ng natalo ng mga bampira ang mga lahi niyo," matigas na turan ng prinsipe at kapwa mas lalong dumiin ang tingin sa kaniya ng mag-asawa.

"That era will end as we, and my men will eliminate all of your hideous kind! Tapos na kayong maghari-harian sa mundong ito!" makahulugang saad ng ama ni Mino.

"What's happening? Mom? Dad? Calix?" naguguluhang saad ni Mino habang tinitignan ang tatlo na para bang nagsisimulang magkainitan.

He felt clueless and puzzled by what he was seeing and hearing na tila mabibitak ang utak niya kakaisip.

Agad na maangas na tumingin si Calix kay Mino sabay usal ng mga kataga na tuluyang ikinabigla ni Mino.

"Their kind is our greatest nemesis... vampire hunters."

Agad na tila nawalan ng balanse si Mino sa tinuran ni Calix and that is when he made his realization. That's why in the first place, his parents has the gun that injured Vreihya when they are younger.

That's why his parents seems to curse the vampires and monster alike. Kaya pala punong-puno ang silid-aklatan niya ng mga aklat na patungkol sa pagpatay at gaano kalupit ang mga kauri ng prinsesa.

Ngunit hindi niya pa din lubusang maintindihan ang nangyaring pagbabago sa katawan ng kaniyang mga magulang. Panibagong iisipin na naman para kay Mino, panibagong problema at panibagong mga katanungan.

"Exterminate the beast right now!" matigas na utos ng ama ni Mino sa kaniyang asawa at mabilis itong nagtungo sa harapan ng computer at may iilang pinindot dito.

"Mom? What are you doing?" tila nagtatakang tanong ni Mino.

"That monster is a high profile vampire, he needs to be exterminated," mabilis na turan ng kaniyang ina na hindi niya pa din pinapaniwalaan na totoo.

Sa ilang tipa pa ng kaniyang ina ay agad na may lumabas na kulay pulang usok na may halong itim at dilaw ang loob ng kulungan ni Calix.

Agad na naalarma ang prinsipe dahil sa mabilis na paglabas ng usok na pinipigilan niyang malanghap. He stopped his breathing dahil hindi naman niya kailangan huminga upang mabuhay.

Ngunit laking gulat niya dahil nararamdaman niya ang pagpasok ng usok sa kaniyang balat na tila ba unti-unti itong pumapasok sa kaniyang kaibuturan.

"Fuck!" agad niyang inda nang maramdaman niya ang epekto ng usok sa kaniyang katawan. Batid niyang isang paraan lamang ang ginawa ng mag-asawa upang maapektuhan siya ng ganito ng isang nakakalasong usok.

They used the dead body of his fellow vampire to make a deadly powder to kill their kind. That powder will turn into a deadly smoke once casted on the air.

"No! No! Stop it mom!" malakas na sigaw ni Mino nang makita niyang tila nagdedeliryo ang mga mata ng prinsipe habang unti-unting pumapasok sa katawan nito ang usok.

Agad na lumabas ang maiitim na ugat sa katawan ni Calix habang nagsisimulang manginig ang katawan nito dahil sa usok.

"Calix!" malakas niyang sigaw at agad niyang pinulot ang fire extinguisher na hawak niya kanina at marahas itong inihampas sa kulungan ngunit ni hindi ito nagasgasan.

"Anong ginagawa mo Mino?" malakas na sigaw ng kaniyang ama sa kaniya habang pinipilit niyang basagin ang kulungan ngunit walang nangyayari.

Tuluyang ng pumasok sa katawan ni Calix ang usok at agad na nanginig ang buo niyang katawan habang nakahiga na sa malamig na sahig ng kulungan.

"Calix! Don't freaking die!" agad na usal ni Mino na tila nagwawala na para lamang mailigtas ang prinsipe.

"Stop it anak!" agad na lumapit ang kaniyang ina upang pigilan ang patuloy na paghampas ni Mino ngunit agad itong napaatras dahil sa hindi pa man lumalapat ang kaniyang kamay sa katawan ni Mino ay agad siyang nakaramdam ng malakas na daloy ng kuryente.

Patuloy na dumadagundong ang kulungan dahil sa ginagawa ni Mino at ang ama naman niya ang nagtangkang lumapit ngunit natigilan ito ng may magsimulang lumabas na mumunting kuryente sa katawan ng kaniyang nag-iisang anak.

"No! Hindi maaari," agad na usal ng ama ni Mino at marahas na hinila ang asawa palayo sa nagwawalang si Mino.

Tila nawalan na ito ng pasensya habang nararamdaman niya ang matinding kagustuhan na mabasag ang kulungan.

Marahas niyang itinapon ang kaniyang hawak at nagsanhi ito upang mabasag ang iilang aparato at mga computer na natamaan.

Agad niyang pinagningas ang kaniyang mga mata at walang ano-ano ay may lumabas na malalaking ugat sa kaniyang likuran na nababalot ng malakas na boltahe ng kuryente.

Agad na nagtago ang mag-asawa sa malapit na pader habang rinig na rinig ang malakas na pagkabasag ng kulungang salamin.

Mabilis na kumalat ang makakapal na bubog at mabilisan na kumapit ang mga ugat sa katawan ng walang malay na si Calix.

Ilang segundo pa ay marahas na tumingala si Mino at sumigaw nang malakas at muling dumaloy ang malakas na boltahe mula sa kaniyang katawan patungo sa malalaking ugat mula sa kaniyang likuran.

Agad na napasigaw si Calix sa sakit nang maramdaman niya ang malakas na enerhiya na dumadaloy sa kaniyang buong katawan na tila ba ginigising ang bawat ugat na mayroon siya sa kaniyang katawan.

Mino's power is acting like a defibrillator, a device that is used by doctors to revive a dying patient, this device gives a high energy electric shock to the heart.

Mino shocked the hell out of Calix's heart to make sure he will live.

"What have they done to you," mahinang bulong ng ama ni Mino habang hindi siya makapaniwala sa nasasaksihan niyang nangyayari sa kaniyang anak.

"Mino," agad na tila natigilan si Mino nang marinig niya ang pamilyar na tinig na iyon, ang tinig na paulit-ulit na nagpapatibok ng kaniyang dibdib.

Ang tinig na lagi niyang inaasam na marinig at patuloy na tila nagiging musika sa kaniyang pandinig.

Bagay na bagay ang tinig na iyon sa pinakamagandang binibini na kaniyang nasilayan.

Hindi niya alam ngunit tila tumahimik ang buong paligid habang pinapakiramdaman niya kung bakit niya tila naririnig sa kaniyang guni-guni ang tinig ng prinsesa.

"Vreihya?" mahina niyang usal ngunit muling nabahiran ng galit ang kaniyang dibdib sa kabila ng pananabik ng kaniyang puso na marinig sa kung saan ang prinsesa.

"Mino.. maha-"

Agad na tila naputol at nawala ang tinig ng prinsesa habang muling naririnig ni Mino ang nangyayari sa paligid. Muli niyang narinig ang malakas na sigaw ng prinsipe habang patuloy itong nadadaluyan ng kapangyarihan ni Mino.

"Vreihya! No! It's not the right time yet," nahihirapang usal ni Calix na tila ba naririnig niya din ang pagtawag ng prinsesa.

"All of you! You will explain to me right now!" malakas na sigaw ni Mino habang mabilis na nagtapon ng tingin kay Calix at maging sa kaniyang mga magulang.

Wala na siyang oras para sa mga lihim!

He wants his answers right now!