*Phone ringing*
I answered my phone without even looking at the caller ID.
"Yes, good morning. Hello?"
[Hi!]
The voice on the other line's familiar kaya tiningnan ko na kung sino ang tumatawag. I expected that it's him, pero unknown number naman ito. Baka naman kasi kaboses niya lang or baka naman I just think of him too much na pati voice niya naririnig ko na rin sa iba?
[Hello? Hello? Are you still there?] Then I came back into my senses nung narinig ko ang kausap ko on the other line.
"Hmm hello? Who is this?"
[Awww, you don't know my voice yet?]
"Sorry. Who is this?" I still asked though nagkaro'n na ako ng idea kung sino ito.
"Uhm, hello Mister? Who are you po?"
"I'm Mr. Right."
"Hayys, Aish. Nag assume ka na naman. Hindi nga siya 'to" I sighed.
[What? Ano binubulong mo diyan? Hey, Aisha! Hindi mo talaga ako nabobosesan? I'm Mr. Right, ang icing sa ibabaw ng cupca--]
"Okay, okay! Stop it na. I know you na. Ikaw naman pala. 'Di palang kasi magpakilala agad eh. Dami daming arte ng kanong 'to!"
He laughed on the other line.
[Anong oras duty mo today?]
"Hmm 3PM to 11 PM ngay."
[Ang late naman masyado. Sige take care ha? Pasundo ka kay Ate mo or paantay ka nalang. Hindi ba kayo sabay ngayon?]
"Hmm hinde eh. Asa hospital na siya now. 11PM to 7AM duty niya, maya maya nakauwi na 'yun dito."
[Ohh alright. Sige, sige. I'll be hanging up na ah? I just gotta sort some things dito sa hotel.]
"Ay andiyan ka pa rin sa hotel?"
[Yeah. I extended my stay in here, marami pa rin kasing aasikasuhin. Hmm bye bye for now? Bye!]
"Bye!"
And the call ended. Wow he ended the line first, bago 'to ha. Busy nga talaga siguro siya.
I went straight to the kitchen to have my breakfast.
While eating my meal, bigla dumating si Ate.
"Ohh, ikaw lang mag isa kumakain diyan?"
"Malamang, Ate. Pumasok na sa school si Tita at si Jeztreinne."
"Ohh, okay okay. Sabayan na kita."
"Hindi ka pa nagbreakfast?"
"Di pa, pinabahay ko nalang pag kain ko. 'Di pa naman ako masyadong gutom kanina eh."
I laughed. "Syempre marami kang stored fats, Ate eh."
She rolled her eyes at me.
I sticked my tongue out at pinandilatan siya.
"Sino nagluto?"
"Di ako kagigising ko lang."
"Ay si Jeztreinne garod?" Pamimilosopo niyang sagot.
"Ewan ko sa'yo, Ate. Kumain ka nalang kitde riyan."
"Syempre dalawa naman sila ni Tita maaga nagigising, malay ko bang si Je ang nagluto, duhh?"
I just frowned at her at kinunotan ko nalang siya ng noo. Napakadaldal naman kasi talaga ng kapatid kong ito eh, oo.
"Ligo na ako, Ate. Ikaw na maghugas."
"Hoy! Ako muna paliguin mo! At lagkit na lagkit na ako tsaka ikaw ang nakaschedule ngayong umaga, haller?"
"Joke lang. Dalian mo garod, Ate." Tatayo na sana ako bitbit ang pinagkainan ko, pero she stopped me.
"Hoy 'di ako makakapag asawa neto 'pag magliligpit ka na riyan!"
"Halla? Naniniwala ka pa sa mga ganyan? Nako tanders ka na talaga."
"Ano ka ba, Aisha? Hayz. Tsaka anong matanda? 6 years lang gap natin hoy gaga."
"Shhh hilig mong mag foul words, Ate. Bad 'yan!"
"Tss. Oh, eto. Tapos na ako. Pwede ka nang magligpit."
"Alright!" At agaran akong tumayo at dumiretso na agad sa sink. Nung nakaalis ako narinig ko pa 'yung pahabol ni Ate na "Ba't ang excited naman neto masyado." 'Di ko nalang siya pinansin at tinawanan ko nalang siya.
Hinihintay kong maligo si Ate, time check 8:12 AM. Maaga pa para sa duty ko mamaya. So nagprepare muna ako ng mga gamit ko and now, andito na naman ako sa kitchen dahil naisipan kong magluto na while waiting for Ate Amy doon sa cr.
Around 9 AM, natapos na akong magluto and tapos na rin si Ateng maligo, I hope so.
Sinilip ko 'yung cr. Wala nang tao. Umakyat ako sa taas and got my clothes in my room. Sinilip ko rin si Ate sa kwarto niya and she's sleeping beauty now.
Mga 9:30 natapos na rin akong maligo.
Exactly 9:45 nang matapos akong magbihis at mag ayos ng sarili. Light makeup lang, 'di naman kasi ako kagaya ni Ate na ang dami daming nilalagay sa mukha. May pa moisturizer moisturizer pa kayang nalalaman 'yun bago mag makeup. May mga kung anu ano pa siyang pinag i-spray sa mukha niya, mga preliminaries daw, daming arte eh.
After ko maglunch, umalis na ako ng bahay. But I didn't headed straight to the hospital, dumaan muna ako sa clinic sa mall kasi may naiutos sa akin si Doc yesterday na may kukunin daw ako ron.
Before umalis ng mall, dumaan din ako saglit sa National Book Store at sa 'di inaasahang pagkakataon eto dalawang plastic ng NBS ang hawak ko ngayon. Wala kasi silang paper bag na kakasya sa mga pinamili ko mehh. I bought the sequel of the book Everyday by David Levithan, 'yung Another Day, hardbound binili ko kasi mas feel ko. Tas sa isang plastic mga decorating materials, journals and calligraphy pens. By the way, I didn't mention yet na sobrang hilig ko magdecorate sa kwarto, sa notebook at sa kung ano at kung saan. Writing is my hobby, too. Sa mga ganitong bagay napupunta ang sweldo ko tas 'yung 50% or 60 maybe, sa savings ko na at pagtulong sa bahay.
2:00 nang maisipan kong umalis na rito sa mall, napapagastos lang ako rito, napatambay pa ako sa food court. Syempre nakakahiya naman kung hindi bibili so ayun napabili na rin ako, nakaubos ako ng small size box ng pizza hahahaha 5 slices lang naman, 'di pa naman ako gano'n katakaw hehehe.
Exactly 2:30 nang nakarating ako rito sa hospital. Nagpalit na ako into uniform, scrub suit at ng mag 3 ay nag in na ako.
-------------
"Uy, Aisha. Out ka na rin ngayong 11 'diba?" Tinanguan ko si Alisha, workmate.
"Uy baka gusto mong sumabay magdinner kahit ngayon lang. Nagdinner ka na ba?"
"Bread lang."
"Uy sige, tara na. Tara sa Bistro, mga 10 minutes ride lang."
"Hmm kasi susunduin ako nina Ate eh."
"Nina Ate mo? And with her jowa? Wow, tagal na rin nila huh."
"Yea."
"Eh ikaw? Kelan mo balak magjowa?"
"Sus." At kinunotan ko siya ng noo, tinawanan niya lang ako. Nagpaalam na siya and others na aalis na raw sila.
Paakyat ako ng rooftop ngayon. May iniutos kasi si Doktora and I don't know, but I find it weird, pero sumunod pa rin ako. Nagtext na rin pala si Ate na hindi na raw pala nila ako masusundo ni Kuya Dan for some unknown reason, 'di ko nalang muna tinanong kasi nagmamadali akong umakyat sa rooftop. Tsaka if I know, baka magdedate lang ang dalawang 'yun, para siguro masolo nila ang isa't isa, hayaan ko nalang, minsan na rin naman na sila magsama nowadays, medyo busy rin kasi.
Asa stairs ako ngayon, si Doktora kasi dito ako pinadaan sa stairs dahil baka andito raw 'yung paper na nawawala, baka dito raw niya nahulog. I guess sobrang important ng coupon na 'yon at inutusan niya pa ako sa ganitong oras ng gabi.
May nakita akong paper, pero mukha lang pinunit na papel, hindi siya coupon. Pero pinulot ko pa rin. Binasa ko and may nakalagay na "watch" huh? Ano 'to? Hindi ko itinapon 'yung paper kasi magkakalat lang ako so hawak hawak ko pa rin hanggang sa next na floor may nakita na naman akong paper na kakulay netong hawak ko, color beige siya. So pinulot ko lang uli. Nako naman hilig magkalat ng mga tao oo. Binasa ko and ang nakalagay naman this time is "the" okaaay hindi pa naman masyadong creepy. Pero may paper na naman akong napulot next floor, "fire" ang nakasulat. Okay, it's getting creepy in here. Next floor, 4th floor, may nakita na naman akong paper at pinulot ko pa rin kasi nacucurious ako kahit sa totoo nacrecreepyhan na rin ako. Kung bubuoin ko mga napulot ko, "watch the fire" na.
I took a look at the piece of paper I am holding right now.
"Watch the fireworks." Nasabi ko nalang. Napangiti ako. Nako anong pakulo ni Doktora ito? Nagkataon lang ba 'to huh? But well, she knows that I do love the fireworks, and even the lightning kahit most of the others are afraid of it. Lightnings are so beautiful for me.
5th floor na ako and this time "with" naman ang nakasulat sa paper. Nako nako doc ha.
Pagkaakyat ko ng rooftop. I looked up at the sky at napatanong nalang ako sa sarili ko ng "watch the fireworks with?"
"Me." SHEEEEEMZ ANO 'YON GUNI GUNI KO LANG BA 'YUNG NARINIG KO. LILINGON BA AKO O HINDI PERO HAYS ANONG KABAKLAAN BA 'TO, AISHA. Nainis ako sa sarili ko at sa reaction ko so nabawasan naman takot ko dahil sa inis ko sa sarili. Pagkalingon ko sa likod ko..
"Watch the fireworks with me?"
"Gosh! You startled me!"
...