webnovel

An adventure with you (CHAPTER FIFTEEN)

"How much po, Manong?"

"P150 po, Sir."

"Eto po bayad, manong." And I sweetly smiled at Kyle. Inunahan ko siya magbayad. He smiled back.

Magzizipline kami ngayon, then mag s-ski diving mamaya. He told me that he'll teach me and I got so excited about it. I guess this day will be a great day. He is bringing back the old me, the Aisha who loves adventures, is friendly, and very approachable. I never expected that he'll have this effect on me. Hindi naman ganito kalala rati.

"Oh, nag enjoy ka ba? 'Di ka pala takot sa heights?"

"Yeah, I love-- Kyle? Heights."

"What? You love me?"

"I was just calling your name kasi 'di ka nakatingin kanina."

"Ahh parang may nakita kasi akong familiar face eh."

"At sino naman?"

"Meredith. Pero nevermind baka kamukha niya lang. Let's go ski diving?"

"Alright."

---------

"Wow! That was fun! I enjoyed it. Thanks, Ezekiel!"

"Ezekiel? Hello? Are you with me? Hey!"

"Hey.. Aisha."

"Bakit kanina ka pa lutang? Bigla ka ata tumahimik, very weird ha. Usually, napakadaldal mo. May problema ba?"

"No. It's nothing."

"Nothing mo mukha mo. Sus! Don't tell me 'di ka pa nakamoveon sa ex mo?"

"No, it's not that."

"Eh ano ngang problema?"

"It's just that sobrang kamukha niya at nakatingin siya sa akin, parang siya talaga."

"I'll support you no matter what. You are my best friend."

"Huh?"

"Yes, we're friends right?"

"Ohh, yeah."

"Tara nuod tayo sunset?" Pag iiba ko na ng usapan.

NAKO, AISHA. NAPAKACARELESS MO TALAGA. ANG GUSTO KO LANG KASI SIYA MISMO ANG MAKAALALA SA AKIN.

"What do you want to do tomorrow?" He asked me while we're both looking at the sun.

"Hmm watch the sunrise?"

"Aside from that?"

"Watch the sunset."

"Aside from the sun, Aisha!"

"Ohh, chill mo lang. Galet na galet? Gusto manaket?"

"Hindi ka naman ipagpapalet?"

We both laughed.

"Alam mo rin pala mga trending ngayon. Ikaw, Kyle ha."

"It's not surprising though. But you surprised me."

"Naririnig ko lang madalas sa pinsan ko. You know, mellenial."

"Tanders na tanders ka na kasi, Aisha. Tita of Manila ka eh."

"Anong tita of Manila?"

"Ewan ko sa'yo. Ah basta 'yung mga tanders na ganoon. Imaginine mo nalang sina Dawn Zulueta mga gano'ng edaran at awrahan. Yung nakablouse, handbag.."

"Eh 'di naman ako gano'n manamit ah? Tsaka hindi naman ako gano'n katanda."

"Uy ang sama mo kay Dawn Zulueta. Parang sinasabi mong matanda na siya."

"Heh, ewan ko sa'yo. It's not what I mean." I rolled my eyes at him.

"Hobby mo na 'yan ha?"

"Parehas kasi kayo ni Ate.." napatingin siya sa akin. "Parehas kayong annoying at irritating, deserve niyong mairapan."

"Ay ganun? Wow. Talaga? Ganun ba 'yun?"

I rolled my eyes again. He laughed and he's still laughing right now. I pushed him.

"Why do you need to push me?"

"Napakaharot eh. Nakakatawa 'yon? Nakakatawa 'yon, Kyle?"

"Aisha?"

"Oh!?" Iritable kong sigaw.

"Usto mo yon? Usto ko yon!"

"Ewan ko sa'yong bakla ka. Gusto ko palang mag boating."

"Sure, tomorrow."

"Tsaka.."

"Tsaka?"

"Wait lang! 'Wag kang masyadong atat bakla ka! Nag-iisip palang eh."

"Sungit talaga neto,"

"Wait, 'wag ka magsasalita! Hindi ako makaconcentrate."

"Ay wow?"

"Huwag magsasalita sabi eh!" I covered his mouth using my hands.

"OUCH!! BAKIT MO NAMAN AKO KINAGAT? KAILANGANG MANGAGAT, TEH?"

He winked at me.

"Yuck?"

"Yie!"

"Huh?"

He winked again.

"Hoy! Bakit ka nagwawalkout?!"

"Pawala na rin naman na 'yung sun. Magtayo na tayo ng tent."

"Wala ngang tayo."

"Wala rin akong pake sa'yo, Kyle. Huwag mo nga akong pilosopohin diyan." I rolled my eyes at him.

"Miss masungit!"

"Shut up!"

-----------

"Welcome Home, Ate Aish!"

"Hi, Jez!" And she hugged me tight.

"Ikaw po ba future boyfriend ni Ate?"

"Shhh Jez!"

"Oo. Hi, Jez? I'm Ezekiel, you can call me Kuya Kyle."

"Hi, Kuya Kyle! Flower girl ako ha?"

"Hoy bata ka! Kung anu-ano sigurong pinagsasabi sa'yo ni Ate Amethyst noh!?"

She giggled.

"Ate, Kuha lang akong meryenda."

"Osige. Teka!" Napahinto siya sa paglalakad niya. "Bakit pala andito ka ha? Wala kang klase?"

"Wala po eh."

"At bakit?"

"Hindi na importante ang dahilan, Ate. Basta inannounce lang, nakalimutan ko na kung bakit. Ang importante walang klase. Bye na, Ate. I'll be back. Behave there okay? Yieee!"

"Lokong bata talaga 'yon. Pagpasensyahan mo na ah? Masyado kasing napapasama kay Ate eh kaya nahawaan ng kapraningan."

"No, it's fine. Actually, I like your cousin because she's cute and super bright. She even knows things like future boyfriend--"

"Hoy! Bakit ka nag oo kanina?"

"Bakit ayaw mo ba?"

"Huh?"

"Na maging future boyfriend ako." And he winked.

"Wait, cr nga lang ako." At agad akong tumayo. Nakita ko pa siyang nakatingin sa mirror while smiling and he saw me,too. Agad ako nag iwas ng tingin.

"Oh, Ate? Bakit ka nakangiti diyan huh?" Shet pahamak 'tong bata na 'to oo, binubuking ako eh tsktsk!

"Oh nakabalik ka na pala. Cr lang ako. Masarap ba 'yang maja tsaka graham ah?" Okay, I shifted the topic quickly.

"Oo, Ate. Dalian mo mag cr ta tikman mo dali."

Pagbalik ko..

"Jez.. payag ka ba if I'll court your Ate someday?"

"Yes po, Kuya! I want you for Ate Aisha. Bagay na bagay po kayo hihihi. Do you love her?"

"Nako. You ha. You're still too young to know these kind of things-- Aisha? Kanina ka pa ba diyan?"

I didn't answer.

"Hmm, Ate?"

"No. K-ka-kar-kararating ko lang." I lied. "Kain lang kami saglit ng lunch, Jez tas alis na rin kami."

"Pero Ate.. wala ako kasama rito." At nagpout siya.

"Papauwi na rin naman na si Ate Ammy eh. Papacute pa 'to sus."

"If you would let me, samahan nalang kita rito. Okay lang ba?"

"Talaga, Kuya?"

"Aisha, okay lang ba?"

"Ahh sige sige. Thank you."

"No problem, Aish. Basta for you."

And he winked.

Jusqqq hayz. I rolled my eyes kunware. Kunware naiirita ganun pero the truth is nababaliw na ako sa kanya. Pinapakabog niya ng grabe itong puso ko.

"Yieeeee. Si Ate kinikilig."

"Mukha ba akong kinikilig, Jeztrienne huh?!"

"Oo na, Ate. Kain na garod tayo. Nauna pa 'yang meryenda niyo eh."

"Kasalanan ko, teh? Eh ikaw kaya ang nag alok sa amin dito ano? Sus."

--------------------

Ezekiel's Point of View

"Wait lang, Jez ha? Someone's calling me."

Pumunta ako sa may balcony nila.

"Yes hello? Who is this?"

[Kyle..]

Familiar voice. I know this is her.

"What do you need?"

[Shh easy ka lang, Ezie. It's true, it's really her. Ano don't tell me you've already fallen for her huh? What now, Ezie? So you won't continue your plan?]

"I don't know, Meredith. If it's really her then.."

"Then what?"

"I.. don't know'"

[Then your plan is ruined?]

"I don't know yet, Meredith. Call me again if you're already sure. Get your facts straight, okay?"

[Okay, then. Just call me if you need me okay? After all, we're friends. If you're happy with her then I'll support you.]

"Really?"

[Yeah, yeah. Bye bye. Gotta hang it up.] She giggled on the other line.

"Bye."

I took a very deep sigh.

"Kuya? Okay ka lang po? Ang tagal mo po ata sa labas? Ano pong meron?"

"Hmm nothing. Yea, I am. I'm okay. Ahh.. asan na tayo?" I looked at her textbook.

"Ahh dito na po sa part na 'to. I don't understand it well.."

"Ohh okay I'll teach you."

A child attention's so easy to divert, indeed.

"Opo pala. Birthday po pala ni Ate Aisha bukas, Kuya. Punta ka po dito ha?"

"Talaga? Sure, sure."

"Yey!" She screamed cheerfully.

-----------------------

"I'm home!! Oh Ezekiel? Andito ka pala?"

"Hindi po ba sinabi sa inyo ni Aisha, Ate?"

"Hello, Ate Ammy!"

"Hi, baby." And they hugged each other. Oo nga, sobrang close nga sila.

"Sinamahan ko muna siya dito kasi wala siyang kasama eh,"

"Salamat ha? Wala kasi 'yang pasok ngayon eh. Pero hindi nabanggit sa akin ni Aisha na andito ka. Actually, hindi nga kami nagkausap kanina. Nakita ko siya kaso mukhang busy, papasok na siya sa room ng patient niya kaya 'di ko na inistorbo pa."

"Ahh ganoon po ba? Sige po, andito naman na po kayo. Mauna na po ako."

"Wait, Ezekiel. Hindi mo ba hihintaying makauwi si Aisha?"

"Oo nga, Kuya. Dito ka nalang magdinner kaya?"

"Ay nakakahiya na ata eh dito na nga ako nag lunch eh."

"Nako, Ezekiel. Hindi ka naman na iba, ano ka ba. Tsaka ano ka ba kami nga ang parati mong nililibre dito eh. Kaya okay lang. Samahan mo nalang kami magluto ni Jez para masaya? Tara?" She said while tapping my shoulder.

"That sounds fun. Sige po."

"Jez! Ang tagal naman ng malunggay na pinapakuha ko!"

"Wait lang, Ate. Binubunot ko pa."

"Huh!? Sobrang tagal mo naman ata?" Ate Ammy looked at the window.

"Aba sinasabi ko na nga ba eh. Nagcecellphone ka kasi diyan kaya ang tagal tagal mo. Halika na nga ritong bata ka! Dalhin mo na 'yang malunggay, puro ka kalokohan! I-harvest mo na rin 'yang kamatis sa tabi dali! Bilisan mo!"

"Ate naman. Nagvivideo lang eh. Bakit kamatis? Lalagyan mo ng kamatis 'yung tinola? Have you gone crazy?"

"Ay punyeta kang bata ka. Sinong baliw dito? Kung baliw ako syempre ikaw din, mana ka kaya sa'kin. Joke lang kadi. Bilisan mo na, balik ka na dito. Halika na ta isasahog ko na 'yang malunggay."

Nakabalik na si Jez..

"May dahon na nga lang ng sili, may malunggay pa. Nag eexperiment ka ba, Ate?"

"Ewan ko sa'yong bata ka! Puro ka tanong!"

"Masarap ba 'yang tinola mo, Ate?" While umaakyat siya sa stool para amuyin 'yung dish.

"Oo naman. Dali tikman mo oh. Si Kuya Ezekiel mo ang nagtimpla nyan?"

"Really, Kuya?" I nodded at sinubo na rin niya 'yung sabaw sa sandok na hawak ni Ate Ammy.

"Mmm, it's delicious, Kuya!"

"Yeah, terrific! Ang sarap ng timpla mo, Kyle. Pwede ka na mag asawa?"

"Wait. May assignment pa po pala akong isa. Kunin ko lang gamit ko."

"I'll help you, Jez if I can help."

"Thank you po. Pero drawing lang naman po ito eh. Okay lang po. Thanks po." At nagtatakbo na siya paakyat sa stairs.

"Iyong batang 'yun talaga, siya ang nagpapasaya sa amin dito, alam mo.."

"Napakabibong bata."

"Yes. Matalino, mana sa akin. Maganda, mana sa akin. Pero medyo matigas nga lang ang ulo, mana kay Aisha."

We laughed.

"Matigas po ba ulo ni Aisha at that age?"

"Nako sinabi mo pa. Oo grabe! Napakakulit kaya non nung mga bata pa kami kaya laging nabubukulan 'yon eh. Napakajolly niya noon at sobrang jolly."

"But.." I said.

"But?? Why is she like this now? Hayy some things happened unexpectedly. Some things in the past na nakapagbago sa kanya."

"Was it bad?"

Ate stared at me.

"Those things that had happened before, was it bad?"

"I think it was. She's really hurt back then."

"I want to know her more."

"Kyle?"

I looked at her.

"Do you love Aisha?"

*coughs and coughs and coughs*

"Oh, dahan dahan ka lang. Tubig na ang iniinom mo, mabubulunan ka pa. Inom ka lang uli. Ayan, okay ka na? Sorry ha? Nabigla ba kita?"

"Hmm I think?"

"Sorry.."

"No, it's okay."

"But.. can you answer me question?"

"I think I like her. Yet I'm not pretty sure if I already love her, but I think and I can feel that I'm already falling for her."

"So that answers my question. Well, if you're planning to court her, good luck then. She's a great girl. Though a little bit stubborn sometimes."

And we both laughed. We keep laughing until makabalik na si Jez.

"Anong oras uwi ni Ate Aisha?"

"Oh shit. Oo pala. 11 PM pa matatapos duty niya. Hintayin ko pa ba siya sa dinner?"

"Halla oo nga. Nawala sa isip ko. Akala ko kasi hapon siya makakauwi. Halla sorry, Kyle. Gusto mo na bang kumain?"

"Hmm, Kuya? Bakit hindi ka nalang kaya dito matulog?"

I looked at Ate Ammy. "Would that be okay, Ate?"

"It's fine for me. Pero kailangan muna kitang ipagpaalam kay Tita."

"It's fine for me, too."

"Mama! You're home."

"Yes, Anak.I'm home. Hi, iho. Ikaw ba si Kyle? The missing guy two years ago? The legendary Mr. Ticket?"

"Ahh opo. Hello po. I'm Ezekiel Banner. Good evening po, Ma'am."

"Good evening."

"Ay gabi na ba?' Takang tanong ng bata.

"Anong oras na ba, Tita?"

"6 PM na."

"Ohh.." Ate Ammy. "So Kyle's really sleeping here noh?"

"Without Aisha knowing it?" I asked.

"Bayaan mo 'yun masurprise nalang siya."

And we all laughed.

"Ay oo tamang tama!"

"Oh bakit, anak? Ano ang tama?"

"Diba mama birthday ni Ate bukas?"

"Really?" I asked.

"Oo, Kyle. Kaya edi.." Ate Ammy.

"Susurprise natin siya mamayang exact 12!?" Excited na sigaw ni Jez.

"Oh sige. Bet ko 'yan, nak."

"Order na garod ako ng cake. Para mamayang 12, Tita ano?"

"Oh sige. Tapos bukas pagkagising magluto tayo ng bulalo. Mamalengke ako ng madaling araw. Kyle, gusto mo ba akong samahan?"

"Yeah, sure po."

"Good. Oh sige. Kain na muna tayo ng dinner kasi magugutom lang tayo kung hihintayin pa natin si Aisha eh 11 pa naman darating 'yon. Ihain mo na 'yung ulam, Aisha este Amethyst."

"Ito naman si Tita lahat kami dito pinagpapalit palit mo ng pangalan."

"Kaya nga, Ma. Minsan ako si Ate Ammy, minsan siya si Ate Aisha at si Ate Aisha naman ako. Ma, minsan dapat tawag ko sa'yo papa."

"Ay, kumusta po pala sa Italy si Tito, Tita?"

"Magkatawag lang kami kanina. Ayun, mabuti naman siya. Ivideo call natin siya mamaya tsaka sina mama't papa niyo tsaka 'yung kapatid niyo kapag isusurprise na si Aisha."

"Sige po, Tita."

"Sige, sige, Mama! Miss ko na si Papa." She pouted. "And gusto ko na ring makita sa personal sina Tito at Tita tsaka si Ashton.

"Ashton?" I asked.

"Ashton.. siya 'yung baby brother namin, Kyle." Ate Ammy said while setting the table. "Ayan, dinner's ready! Tara na, let's eat?"

"Wow. This tastes so good huh."

"Thanks, Tita. Well, actually.. I was only the one who cooked it, pero si Ezekiel ang nagtimpla nyan, Tita."

"Talaga?"

"Opo, Mama. Sarap noh?

"Yes. Pwede ka nang mag asawa, iho."

I chuckled.

"Nako, Tita. Ayan din ang sinabi ko kanina sa kanya. Pwede na noh, Jez? Approve ka ba?"

"Approve ako kay Kuya Kyle, Ate. Pero.."

"Pero ano 'yon, anak?"

"Pero kay Ate Aisha hindi."

"Ngek?" Ate Ammy.

"Kasi, Ate.. Si Kuya Kyle opo pwede na mag asawa, pero si Ate Aisha hmm I don't think so."

"Wow. May pa I don't think so pa 'tong bubwit na 'to." Tita Jedz said. Woah, she's a cool mom hmm.

"Kasi po si Ate Aisha kasi kwan.. ano.. ahm.. masungit po siya eh."

"Gano'n? Ikaw anak ah, lagot ka kay Ate Aish mo."

We all laughed.

"Thank you."

"For what?" Ate Ammy asked.

"For the meal?" Tita asked.

"Hmm yeah? But I wanna thank you for having me here. Thank you because you guys make me happy. Masaya po kayong kasama eh."

"Awww, Kuya."

"Wow. Thank you, you also make us happy, Ezekiel. Masaya kami kasi nakikita ko naman na napapasaya mo 'yung kapatid ko. Kaya thank you rin."

"Oo, iho. Salamat sa pagsama kay Jez dito kanina ha? Thank you rin sa paghatid kay Aisha."

"No problem po. Wala po 'yun, Tita. Ako naman po nag aya sa kanya eh."

"Pero in fairness, Kyle ha ang sarap ng timpla mo, ang galing mo."

"Who's the dishwasher for tonight?"

"Si.."

"Ano, why did you stopped, Jeztrienne? Sino ang dishwasher for tonight, aber?

"Anak?"

"Oo na po. Ako na."

"Ikaw naman talaga ah, Sam Del Val."

"Ate? Bakit kailangan tawagin pa akong Sam?"

"Nako ikaw bata ka. Binigay namin sa'yo 'yang pangalan na 'yan ah. Bakit mo pinandidirian ah aber? Ikaw bata ka.."

"Oo nga. Lokaret ka talaga, Jez."

"Syempre mana 'yan sa'yo, Amethyst. Parang ikaw na yata nanay nyan sa sobrang dikit niyo eh, magkamukha na nga kayo dahil parati nalang kayong magkasamang dalawa. Kaya kung may natutuhan mang kalokohan 'tong batang 'to, tiyak ko galing sa'yo, Ammy."

"Ay grabe si Tita. Napakajudger. Kapag kalokohan, ako agad?"

"Hindi pwedeng si Kyle muna?" And she looked at me.

"Ay bakit po ako?"

We all laughed. We laughed ang laughed the whole dinner.

After Jez washed the dishes, she already said goodnight because she still have classes tomorrow. And Tita Jedz and Ammy guided me where I shall sleep so I'm here right now dito sa guest room nila, I gues.. Guest room nga 'to or extra room lang, I don't know??

We all went to bed early kasi gigising kami mamaya para makapagpahinga raw muna. I checked my phone and 8:30 PM palang. I texted Aisha and told her na nagdinner ako sa kanila. And since busy siya, I bet hindi makakreply 'yun. I don't wanna lie telling her nakauwi na ako when in fact, hindi pa naman talaga. So instead, I told her na patulog na ako, I'm tired like that, which she will assume na nakauwi na ako hahahaha witty boy, Ezekiel.

I closed my eyes and everything went black.

Aishas's POV

By 11:30PM, nakarating na ako rito sa bahay. Nagdinner ako kaninang break. Nagbrush lang ako saglit and I'm good to go, good to go bed. Hayy finally I can rest. I almost forgot that tomorrow's my birthday. Of course, Kyle don't know that kasi nagkaamnesia nga siya at I didn't menition my birthday to him. Hindi ko rin naman alam ang birthday niya kaso the truth is syempre alam ko. Kunwari nalang na hindi kasi malamang I've known him for a long time so alam ko talaga. Kunwari lang 'di ko pa alam kasi 'di niya pa naman namemention when so I'll just pretend na 'di ko pa alam and matagal tagal pa naman birthday niya so nevermind, hayaan ko nalang para 'di na magtaka 'yun. Baka isipin pa ng assuming na 'yun na masyado na akong stalker ano.

Ten minutes palang akong nakahiga rito, pero antok na antok na ako, nakukuha ko na rin ang tulog ko.

Nagising nalang ako nang..

"Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you, Aisha!"

"Ganda naman ng kakaibang tono niyo ng happy birthday." Nagtinginan sila--

"WAIT?! KYLE?!"

"Eto na totoong happy birthday song. A-one, a-two, a-three!" Kyle.

And they are all singing happy birthday.

"Happy birthday, Aisha!" Tita greeted.

"Pee birthday, Ateee!" Jez said while running towards me and hugged me.

"Kapatid, happy birthday!"

{Happy birthday po/Happy birthday, anak/Happy birthday, Aisha!} Sabay sabay na sabi ni Ashton, Mama and Papa pati ni Tito sa isang phone. Ka video call ni Ate sina Mama at si Jez naman ka vid call niya si Tito.

"Wow. You're all here to surprise me huh."

"Plus the bonus one!" Ate Ammy said.

"Huy akala ko nakauwi ka na. Saan ka galing? Bumalik ka pa para rito lang?"

"Nope. Andito ako kanina pa. I didn't leave, dito ako natulog."

"OH!?" I was shocked.

"Yes, kapatid. At 'dito na siya magpapalipas ng gabi sa kabilang kwarto." Tinitigan ko lang si Ate. "Dali na garod blow your cake na! Make a wish and pray first!" I closed my eyes, made a wish while praying then blew the candle.

"Ano? Baka gusto mong kainin 'yung cake, Aish?"

"Hindi na, Ate. Matutulog na rin ako, pagod eh. Mamaya nalang pagkagising ko. Ikaw, Kyle? Baka gusto mong kumain?"

"Hmm bukas nalang din."

"O sige sige tulog na kami ha? Tara na sa kwarto, Jez. Tulog na tayo. Happy birthday uli, Aisha!"

"Ma! Doon ako kay Ate Ammy matutulog, please?"

"Oh sige, kung saan ka masayang bata ka. Matulog ha, hindi 'yung maghaharutan pa kayo."

"Yes, Tita. Matutulog na po.. pagkatapos magharutan hehehehe." At lahat kami tumawa. Sobrang close kasi talaga ni Jez kay Ate Ammy eh kaya minsan mas gusto niya pa siyang kasama sa kwarto kaysa sa sarili niyang ina.

{Tulog na kayo? Sige goodnight diyan sa inyo. Babye!} Sabi ni Papa.

{Happy birthday uli, anak! Tawag uli kayo mamaya pagkagising niyo ha?} Si Mama naman this time.

"Osige, Ma." Sagot naman ni Ate.

{Babye po, Aunt and Ates! Happy birthday again!}

"Aww thanks, baby. Babye. I love you all!"

And we ended the call.

Nagsipasok na rin kami sa mga kanya kanya naming kwarto. Maski si Kyle pumunta na rin sa guess room 'yun siguro.

Approximately 15 minutes na akong nakahiga, pero 'di pa rin ako makatulog. So naisipan kong tumambay muna sa terrace.

Pagkadating ko sa terrace, nakita kong nakatalikod si Kyle na nakapalumbaba.

"Oh? Bakit gising ka pa, Kyle?"

Nilingon niya ako.

"Oh hey. I can't get my sleep yet. So I decided to go out at magpahangin muna."

"Same. Ako rin." Tumabi ako sa kanya. Nakaupo na kaming dalawa ngayon habang nakatingin sa mga grass sa baba.

Bigla niya ako inakbayan.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Hey, easy. I just want to say happy birthday!" He said while smiling very widely.

"Kailangan may paakbay pa?"

"Sungit mo talaga, Aisha Banner."

"Hindi ka pa ba sanay, Ezekiel Banner?"

Then he rolled his eyes.

"Baklang ito talaga oo."

"Why do you keep calling me bakla huh?"

"Because you act like one."

"Really? Do you want me to prove that I'm not?" Then his face came closer to mine. Oh no. Napapikit ako ng isang mata habang nilayo ko 'yung mukha ko sa kanya.

"Huwag ka ngang ano diyan. Pati 'yang ginagawa mo kabaklaan din 'yan."

Then he turned his head opposite sa direction ko real quick sabay "hmp!" I chuckled.

"Che!" He faced me again then rolled his eyes.

"How gay."

"Shh. 'Wag ka na nga madaldal, Aisha. You're getting talkative even more huh." I just smiled at him. I don't know. I think I'm falling for him even more. If being with him is the life's adventure awaiting for me then I'll be willing to wait until the right time comes. Being with him makes my life more exciting and I'm willing to go and to enjoy life's adventure with him.

Hello!! I'll be leaving my new Twitter account here so you'll stay updated in this story!!

@xyruzjaneee

xyruzjhaneeecreators' thoughts