webnovel

On Bended Knees

The man who can't be moved Series Book 1 ❗️WARNING❗️SPG/R18 My heart already chose who to love. Sa likod nang pagiging masayahin ni Sampaguita ay nagtatago ang lungkot dahil sa malupit na pinagdanaan mula sa kamay nang sariling ina. Sa huling taon nang highschool ay inaasahan nya ang matiwasay na pagtatapos at masimulan ang pagbabagong buhay malayo sa kanyang pamilya. Ang abutin ang kanyang pangarap. Ngunit bago ito mangyari ay may mga tao at pangyayari na nakapagpagulo sa kanyang planadong buhay. Makakaya niya kayang iwasan ang mga taong gusto siyang saktan?

queengreigh626 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
4 Chs

Chapter 2

Pahirapan talaga sa pagpasok sa eskwelahan. Kailangan kong maglakad dahil hindi naman kami mayaman at lalong magagalit si ina sa akin kapag nagsabi ako sa kanya ng baon. Lagi akong may dalang tirang pagkain para sa baon ko sa tanghalian. Kung minsan sinuswerte ay may kanin at ulam galing sa supply ng ate ko, o di kaya naman ay tinapay na almusal ng ate ko na hindi nya na kinain dahil sa pagmamadali.

Napakabait nang mga manliligaw ni Ate dahil lagi kaming may rason. Si Ate naman ay walang pakialam kung maubos ang supply dahil agad agad ay may kapalit.

Bihira nang umuwi ang ate ko sa bahay. Mas ninanais niyang magstay sa mga kaibigan kaya sa bahay.

Kaya tuloy ang grasya ay minsan napuputol. At iyon ang ikinakagalit ni ina nitong mga nakaraan.

Si ina naman ay busy sa palengke dahil may pwesto kami doon. Minsan isasama ako para tagatulak ng sako sakong bigas. O di kaya taga hatid sa terminal nang bawat baranggay sa palengke.

Ang Tyong ay napakabatugan.

Kung hindi sa tambay sabungan ay sa palengke lang kasama si ina. Walang tulong sa pamilya.

Si Dahlia naman ay walang problema dahil sustentado pa rin nang ama at minsan ay binibisita at binibigay lahat ng luho sa katawan. Ang pera nya ay sa kanya lang. Hindi nagugutuman dahil makapal ang wallet. Nagbibigay din sa aming ina na ikinatutuwa nito. Palaging may parinig na, iyong isa dyan palamunin na nga, tatamad tamad pa.

Lahat nang gawain bahay, ako ang gumagawa. Ultimo paglalaba ng brief ni Tyong ay sa akin itinalaga. Napapabuntong hininga nalang ako kapag naiisip ang aking kalagayan sa bahay.

Ang mga kapatid ko ay hinahatid sundo ng kanilang boyfriend. Ultimo si Lia na disisais lamang ay may boyfriend na. At legal pa sa aming ina. Samantalang ako ay nevermind.

Pero positive pa rin ako. Mas maigi na yun dahil baka sagabal lang sa pag aaral ko. Nais kong magdoktor or mag-abogasya. Para malaking kita!

"Hahahahaha" hindi ko napigilang tumawa nang malakas sa naisip.

"Giiiaaa! Para kang bruha kung tumawa!" Sigaw ni Megan. Isa sa mga kaibigan ko. Siya lamang ang bukod tanging babae na nakilala ko na may mala mega phone na boses at ni minsan ay hindi napaos. Sumasakit ang ulo ko sa kanya. Napakaingay at maharot, pero kapag may nanligaw na, atras agad. Ang daming alam.

Bago pa ako makalingon sa kanya ay sinapak na nya ang likod ko na muntik ko nang ikinangudngod. Buti nalang naalalayan ako ng isa ko pang kaibigan na si Arana.

"Aray naman. Ang laki ng kamay mo, ang lakas mo tapos hahampasin mo ako! Ano ako kasparring?" Reklamo ko na napa irap sakanya. Badtrip

"Epal naman. Para tinapik ka lang. Sabihin mo kinikulang ka lang sa nutrisyon" buska nya at binalewala ang reklamo ko.

Aba't ang tonta tinaasan pa ako ng kilay. Laitera ang powtek.

Megan Relano ay mayaman na may hatid sundong kotse. Ang kanilang pamilya ay nagmamay ari ng retail business ng spare parts ng mga kotse. Numero unong retail shop sa lalawigan at sa mga karatig lalawigan. Balita ko ay sumusubok din sila sa Maynila. Sakanila din ang nag iisang mall sa lugar namin. First love ang pagkain at malandi lang kapag nakatalikod ang mga boys. Malaking babae 5'6 chubby at maputi. Napakaganda rin.

Binalingan ko naman si Arana Ruiz. Matangkad, maganda, sexy, maputi at matalino. Isa sa mga top student at Vice President ng student council. May kaya sa buhay. Ang ina ay master teacher sa elementary at ang tatay ay chief police officer sa lugar namin. May isa pa akong nakalimutan. Napakaseryoso nya sa buhay at masungit kaya walang makalapit na lalaki para manligaw.

"Hinay-hinay lang Meg. Baka makalag ang mga buto ni Pres." hinahon na wika ni Arana sabay taas ng eyeglasses sa ilong.

"Sandali nga! Kakakita nyo lng sakin iniinsulto nyo na ako agad. Aba hindi nyo man lang ba ako namiss?" Inis na nameywang ako at hinarap sila. Sabay taas ng isang kilay.

"Sabi nga namin, miss na miss." Sabay yakap sakin ni Meg. Hindi pala yakap, kundi piga. Hinila rin si Arana para makasali sa 'group hug' namin a.k.a pigain si Gia.

"Teka nga" kalag ko sa piga ni Meg at hinabol ang hininga.

"Haha! Bestfriend may pasalubong ako sayo! Maraming chocolates at damit.!!" Excited na saad ni Meg at iwinagayway ang paper bags na dala. May sa isip bata at baliw pa pala add to cart ang peg.

"Iyong cellphone ko nung nakaraan sayo na rin. Dahil sayo kaya nakuha ko ung latest. Thanks Bestfriend!!" Nakangiti nyang abot sa mga paper bags.

May inabot din na bags si Arana sakin.

Nagtatakang tinignan ko sila.

"Para san naman yang mga ito?"

Naguguluhan kong saad nakatingin sa mga bags na dala ko na. Infairness ang bigat bigat. Kilo kilo ata itong mga paper bags. May gold bars pa ata.

"Well, thank you gift lang namin. Tska pasalubong na rin kasi diba nga kundi dahil sayo na matyagang itutor ako, hindi ko alam san na ako pupulutin. " sambit ni Megan. Walang puknat ang ngiti na parang tanga.

"Alam mo namang gustong gusto ka ni mommy eh. Halos kaladkarin ka na nga nya sa kuya Miguel ko eh." Dagdag pa nya Imbes lakad. Imba talaga. Daming lait ko dito. Sa isip lang naman eh. Haha.

Totoo ang sinasabi ni Meg. Botong boto si Mommy Lydia sakin para sa anak nyang lalaki na nag aaral din sa Guillermo College. 4th year business ad.

Ultimo ang kanilang daddy Miguelito ay walang tutol sa pagpapares nang kanyang esposa sa amin nang anak na panganay. Sumasakit na kasi ang ulo nila kay kuya Miguel.

Tuwing makikita ako ay tinatanong na ako kung kailan daw sila magkakatay na baboy. Kasal kumbaga.

Baka naman si Megan iyong handa? Haha

Tababoy eh. Bouncy bouncy pati dede.

Kaya lang di ko naman type si Miguel dahil nuknukang nang babaero at may sa manyak. Napakagwapo rin at paiba ibang babae ang nakapulupot kada makikita ko sya sa bahay nila tuwing wala sina mommy at daddy nila.

Minsan pa nga ay nagdala ng babae at kinabukasan na lumabas ng kwarto. Like yucks!! Ano kayang nangyari sa pepe non.

Sinulyapan ko si Arana at hinintay ang sasabihin.

"Napasobra lang ang bili ni Mama ng mga damit, at ung iba maliit na ung sizes sakin kaya sayo na lang. Wag kang mag alala hindi ko pa naisuot yan. " stiff na sambit nito.

Tuod si friendship. Kung ung isa ay halos ikwento na paano sya tumae, ito naman napakatipid. Nagtataka ako paano ko sila naging kaibigan.

Opposite poles attract talaga.

Taas kilay kami ni Megan na tinignan si Arana. Napaiwas ng tingin ito at namula. Sabay ayos sa eyeglasses.

"Nahiya pa eh! Hahaha!!"loko talaga tong si Meg. "Ang sabihin mo naalala mo sya kaya binilhan mo rin ng mga gamit. Dapat gayahin mo kami. Bigay todo kung magsalita. Para kang nakaharap kay Mr Prince epal eh." Buska nito. Sabay sundot sa tagiliran ni Arana.

Tawag ni Meg kay Mr Principal.

Napaiwas agad si Arana. Malakas ang kiliti.

"Oo na. Tara na sa classroom." Iwas ni Arana at hinila kami sa kamay papunta sa classroom namin.

"Teka" pigil ko saknila. Nagtatakang tinignan nila ako.

"Maraming salamat din dahil kahit ganito lang ako ay ramdam ko ang pagmamahal at care nyo sa akin. Bestfriend forever?" Madamdaming saad ko.

Nagyakap kami at tinapik ko ang mga likod nila.

"Anong ganito ka lang? Walang 'lang lang' pagdating sayo! Kahit itanong mo pa sa lahat ng students dito!" Lumuluhang saad ni Meg. Si Arana ay sumisinghot na rin.

"Tara na nga. Mga iyakin talaga kayo." Naiiling na sabi ko. "Sandali pala."

Bigla silang tumigil.

Nilahad ko ang aking palad paharap sa lupa at hinintay silang ipatong sakin ito. Nung na gets nila ito ay pinatong ang kanilang mga kamay at sabay sabay kaming sumigaw. Nakagawian na namin ito kada simula ng pasukan.

"Last year, fighting!!"tumatawang tinaas namin ang mga kamay at tinuloy ang lakad namin papuntang classroom.