webnovel

On Bended Knees Completed

ON BENDED KNEES (Revised) Warning:SPG/R18 She was a goody two shoes, straight A student plus a President in her school student council. She had her life planned accordingly. Get to her dream University, a degree and a job that could support her family. But on her last year of high school, she met new people that made her life turned upside down. Suddenly her plans wavered. Changed.. Because how could she say no to a hot shot CEO slash Engineer who was willing to give her everything? Plus the fact that he was making her heart beat fast and have the sweetest lips she ever had.. 17/7/20 REVISION 07/01/21 28/7/20 FINISHED 31/01/21

greighxx · Urbain
Pas assez d’évaluations
37 Chs

Chapter 23

RENOVATION

Sobrang bilis ng pangyayari sa mga lumipas na araw.

Lumuwas kami pauwi sa Alaminos Sabado ng umaga at dumiretso sa presinto para magcountercharge sa pamilya Sigua, then bago mag Monday ay natanggal ang mga records ko.

It was then Laila's turn to defend herself. We found out from the doctor that operated on her that her wounds weren't that deep. And after few days, she was discharged and was back to normal. They made everyone believe that it was a big operation and Laila was still in the hospital recuperating.

With the help of Monteverde, Chief Ruiz and Relano, we managed to put Laila to jail. But later I withdrew the case. I realised that there's no point of having grudge to someone who has a problem in the head. After she got freed, she and her family left our town. And after a week, I found out that they've only managed to keep their house somewhere in Mindanao. And were poor as a rat. Their businesses failed. They went bankrupt. At si Ashmere ang may gawa non sabi ni Shanelle.

Also that week, our school decided to lift up my suspension and my probable expulsion.

During the investigation, we found out the one of the guards, and our school principal were involved in my case. They were bribed to help Laila. Pero sa bandang huli ay iniatras ko na rin ang kaso nilang dalawa dahil naawa ako. They have their families to support.

Pero nagfile kami ng restraining orders sa mga involved sa kaso ko. Especially Laila and her family. She wouldn't be able to step foot in Alaminos. Dahil ikukulong na talaga siya kung sakali.

I couldn't be thankful enough with my ever supportive boyfriend. Lahat siya ang umasikaso. Tumuloy ako sa mansion nila ng isang linggo habang inaasikaso ang charges ko. At umuwi ng makabalik ako sa school. Walang kaalam alam ang pamilya ko sa nangyayari sa akin. Dahil wala din naman silang pakialam. Mas masasaktan lang ako kung hindi ako papansinin ni Ina.

Kasama ko si Shanelle at Ashmere sa pag uwi ko sa bahay ng Friday night.

Sa daan pa lang ay parang hindi na ako mapakali. Parang may mali. At tama ang kutob ko dahil sa may gate pa lang ay nakita ko na si Ina na nakasalampak sa lupa umiiyak at magulo ang buhok. Para siyang wala sa huwisyo.

Hiyang hiya ako kina Ashmere dahil nakikita nila ang kalat ng pamilya ko. So nakiusap akong magstay muna sila sa kotse habang kinakausap ko si Ina. They let me deal with her. But I could feel their stares on us.

"Ina.. mano po."mahina kong sagot at yumuko para abutin ang kamay niya. Napakurap kurap siya at dahan dahang tumayo.

"Buti naman at nandito ka na. Nasaan ang nobyo mo? Kailangan natin ng pera! Humingi ka sa kanya dahil malaking halaga ang hinihingi nila sa atin Gia!"Histerya ni Ina. At luminga linga. Parang takot na takot.

"Ina.. kumalma lang po kayo. Baka po gusto nyong maupo sa loob.. tara po." Akay ko at lumakad papasok. Nakita ko Si Ashmere na lumabas ng kotse at alertong pinanood ako. Umiling lang ako at inalalayan na si Ina sa bahay.

Nanlaki ang mata ko sa gulo nang bahay namin. Parang dinaanan ng bagyo. Tapos nawala pa ang mga appliances at furnitures namin!

"Ito yong sinasabi ko Gia! Ultimo gamit natin sapilitan nilang kinuha! Gawan mo ng paraan ito!"Galit na sabi ni Ina at sumalampak ulit sa semento.

Napayuko ako dahil hawak hawak ko siya at bumitaw nang makasandal siya sa pader. Pumasok ako sa kwarto ko at nakitang intact pa rin ang mga gamit ko dahil pawang mga luma na ito. Wala ng silbi para sa kanila.

"Ano po bang nangyari?"mahina kong tanong nang makabalik ako.

"Umutang kami ng malaking halaga para sa bagong negosyo ng tyong mo mula sa kakilala nya. At ang walang hiyang yon, pinatungan ng malaking interes ang utang namin. Tapos nong hindi kami pumayag na bayaran yon ay ginulpi nila ang Tyong mo." Umiiyak na kwento ni Ina.

"Nasa ospital ako para bantayan siya. Pag uwi ko dito ay ganito na ang bahay. Pati ang perang inutang namin sa taong yong ay tinangay din niya kasama ng mga gamit natin!"

Napailing lang ako. Masyado kasi silang ganid sa pera. May pwesto na nga kasi kami sa palengke, naghangad pa ng iba pang mapagkukuhanan ng pera. At ngayon, mukhang delikadong tao pa ang napagkuhanan nila ng pera.

"Walang wala na tayong pera! Ultimo mga gamit ng Ate mo at ni Dahlia ay tinangay nila. Wala silang pinatawad."hagulgol niya.

Napaluhod na ako ay hinawakan siya sa braso.

"Gagawan ko po ng paraan tong problema natin Ina. Hwag na po kayong umiyak."alo ko.

Tila nabuhayan siya at pinunasan ang mga luha.

"Yong nobyo mo Gia. Siya na lang ang pag asa natin! Siya na ang pagbayarin mo ng utang natin."Umiling ako agad. Nagsalubong ang mga kilay niya. Halatang hindi niya nagustuhan ang pagtanggi ko pero hindi na siya kumibo.

"Magkano po ba yong utang natin?"

"Two hundred fifty thousand na." Nagulat ako sa laki. Akala ko..

"Nagkapatong patong ang interes kaya lumaki ng ganyan."

Napakamot ako ng kilay at tumango na. Ano pa bang magagawa ko? Napahawak siya sa braso ko.

"Madali mo lang magagawan ng paraan yan Gia dahil mayaman ang nobyo mo."giit ni Ina.

Umiling ako ulit. "Ako na ho ang bahala. Gagawan ko ng paraan."

Tila may iniisip si Ina pero hindi niya na sinabi pa. Tinulungan ko siyang makapasok sa kwarto nilang ubod ng kalat at pinaupo sa foam nila na nasa lapag dahil nawala na pati ang bed frame nila. 

Pagkalabas ko ng bahay ay nagsibabaan na rin sina Ashmere at Shanelle. Dala nila ang mga paperbags na pasalubong sa pamilya ko.

"Something's wrong baby?"nag aalalang tanong ni Ashmere. Umiling lang ako at yumakap sa baywang niya.

"Baka pwedeng sa susunod na lang kayo dumalaw.. may problema lang kami ngayon eh.."nahihiya kong pakiusap.

Umiling si Ashmere. Halatang tutol sa sinasabi ko.

"You have to tell me what's happening baby."giit ni Ashmere.

"Kakatapos mo lang ayusin yong isa kong problema. Ako na ang bahala dito Ashmere.."masuyo kong sabi.

"But baby.. I want to be involved in everything you do."

"Please.. kapag hindi ko kaya, sasabihin ko rin naman sayo. Ayoko lang na lahat ng problema ko ikaw ang nag aayos."nakalabi kong paki usap.

Bumuntong hininga siya at tumango sa akin. Halatang napipilitan lang. Napangiti na ako at tumingkayad para halikan siya ng padampi sa mga labi.

Ang gwapo talaga nang boyfriend ko.

Tinulungan ako ni Ashmere na ipasok sa bahay ang mga paper bags ko. Mabilisan nyang inilibot ang paningin sa bahay at umiling na nag iigtingan ang mga panga bago ako hinarap.

"Why can't you tell me what has happened?"Nagdadamdam na tanong niya.

Napakagat labi lang ako at umiwas ng tingin.

"Am I not a good boyfriend to you? You still can't trust me baby?"napalingon ako sa kanya at umiling ng umiling.

"Hindi yan ang iniisip ko! Nahihiya na ako sa pang aabala ko sayo at sa pamilya mo."sabi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"Baby.. with these state of your house, I won't rest my mind until I learn what happened. You're just going to make me worry for your safety."he swallowed hard and slowly walked towards me and pulled me closer to his hard body.

Nagpaubaya ako at sumandal na sa dibdib nyang matigas. Hindi ko namalayan na naikwento ko na pala sa kanya ang mga sinabi ni Ina.

"Don't worry baby.. Rest your mind and let me help you."buong pagsuyong humalik sa noo ko si Ashmere.

"Pero ayoko nga. Utang namin yon! Kaya ako ang magbabayad."matigas kong pagtanggi.

Bumuntong hininga siya at humalik halik sa buhok ko.

"Okay then.."nakahinga ako ng maayos at yumakap na mahigpit. 

"Thank you.."

"But I'll give you two days to solve it. If you can't do it, I'll step in. I don't want you to be in danger just because your family owed them that small amount."mariing dagdag niya.

Napabitaw ako sa kanya at umatras para tingalain siya.

"P-paano ko yon magagawa? In Two days?"hindi ako makapaniwala.

"Yup."he said with his eyebrow raised and pressed lips.

Napalabi ako at sumimangot.

"They're dangerous people baby. And the longer you pay them, the more they'll create chaos in this house. They might even want you to pay them with your body once they've seen you."pag explain niya na may galit sa boses.

Nanlaki ang mga mata ko at napayakap sa kanya sa takot.

"K-kung ikaw ang magbabayad.. kailangan din kitang bayaran Ashmere."kinikilabutan kong sabi.

"You don't need to. But if you insist, then it's fine.."bakit parang pakiramdam ko nakangiti si Ashmere habang sinabi iyon?

Nang tumingala ako sa kanya ay seryoso pa rin siya kaya ibinalik ko na ang pagkakasandal sa kanya. Guni-guni ko lang pala.

"I'll order food for us. I'll stay here with you until I paid your mother's debt. They might come back and scare you again tonight." Napatango ako agad sa takot.

He pulled out his phone and order something for us. Then he guided me to my bedroom and helped me with the paper bags before leaving me to talk to Shanelle.

After almost half an hour, Shanelle came back with three helpers and helped me clean our house. Si Ashmere at Shanelle ay nakitulong na rin. Nang dumating ang pagkain ay kumain kami ng nakasalampak sa sahig. Pati si Ina ay sumali at nakipagkwentuhan sa mga bisita ko. Ibinigay ko na rin sa kanya ang mga pasalubong ni Ashmere para sa kanila na mas ikinaningning ng mga mata ni Ina.

Halata ang tuwa niya nang makita si Ashmere.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Ina na pupuntahan si Tyong kaya pinagpatuloy na namin ang paglilinis. Lahat ng mga kwarto ay nahubaran ng mga gamit. Lalo na yong sa akin. Dinala nila ang dura box ko, lumang aparador, katre ko at manipis na foam. Pati linoleum ko hindi pinatawad.

"Yong mga damit ko Ashmere.."habol ko sa kanila. Hinawakan niya ako at inilingan.

"Don't worry. They'll be back soon." Sabi niya at hinila na ako para maupo sa kandungan niya habang siya naman ay nakasalampak sa sahig.

Si Shanelle ay tahimik na nagtetext na lang at nakasalampak din sa sahig dahil tapos na kami sa paglilinis.

Nakakaamaze na wala silang kaarte arte sa katawan. At kahit may dumi na sa mukha niya ay hindi pa rin nabawasan ang kagandahan niya.

"Bestie.. salamat."bigla kong nasabi. Napalingon siya sa akin at nginitian ako ng maluwag.

"No problemo!"masigla niyang sabi at lumapit sa amin ni Ashmere para hawakan ako sa kamay.

"Magiging mag sister in law na tayo kaya we'll stick together. Nakakaexcite.."kinikilig na sabi pa niya.

Gusto ko sanang ipaalala na magjowa pa lang kami ni Ashmere pero for sure alam na niya yon kaya hinayaan ko na lang at pinisil din ang kamay niya.

Napabitaw kami sa isa't isa nang paghiwalayin ni Ashmere ang mga kamay natin at umusog sa bandang dulo.

"I'll have my time now with my girlfriend Princess. Go and just text your boyfriend."masungit na utos ni Ashmere.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam na may jowa na siya! Maging si Shanelle ay natigilan at pairap na tumalikod na sa min.

"Sinong boyfriend niya?"tanong ko habang inaayos niya ako sa pagkakaupo sa kandungan niya. Ramdam ko na naman ang matigas niyang pagkalalaki. Parang hindi nagpapahinga.

Pinaharap niya ako at isinampay ang mga braso ko sa balikat niya. I obliged. I kissed him repeatedly on his cheeks. He just smiled and closed his eyes while his hands were squeezing my waist.

"She'll tell you soon baby but for now, pay attention to me. I'm getting jealous now! You've been talking to her since we came here."he said pouting like a child.

"Okay po. Kiss ko na ang baby boy ko.."paglalambing ko na mas ikina-pout ng mga mapupula niyang labi.

"Here baby..they need attention."

I giggled and kissed him where he wants to.

"I want a longer one baby.."ungot niya kaya hinalikan ko na rin siya ulit ng mas matagal.

Napalunok ako nang igalaw niya ang baywang ko para ikiskis ang mga lower body namin.

"A-Ashmere.."i moaned softly and bit his lower lip. He grunted and moved me faster and rougher.

Humihingal na napakapit ako ng mahigpit sa balikat niyang matitigas at mas humalik pa. Para akong mababaliw sa sensation na pinaparamdam niya.

"Hmmm.."hindi ko mapigilan maiungol ng malakas kaya huminto siya at dumilat para tignan si Shanelle na nasa kabilang dulo na at may katawagan. Nakaharap ito sa pader.

Ashmere pulled my head towards him and kissed me hotly.

Nalulunod ako sa mga halik niya. I gasped for air when he let my lips go and moved me faster on his lap.

Ang sarap sarap sa pakiramdam. Nakikiliti ako na ewan. Tapos may nararamdaman na ako sa puson ko na gusto kong ilabas..

"Ashmere!" Mas malakas kong ungol. He stopped again but I took control. I rubbed myself more onto his hard on. I was quite delirious and mad in lust.

"Damn Ashmere! Why don't you get a room? Ops.. I remembered there's no bed here yet."bigla akong nagising sa kahibangan ko at itinago ang mukha sa leeg ni Ashmere nang marinig ko ang boses ni Coles.

"Fuck you! You should've come later!"galit na sagot ni Ashmere. At niyakap ako ng mahigpit.

"Well.. is this how you'll repay me for helping you and your girl out? What a sweet friend I have.."sarcastic niyang sagot.

Napalingon ako sa labas  at nakita ang malaking truck na nakaparada sa labas ng bahay namin.

Limang lalaki ang naglalabas ng mga furnitures mula sa truck.

"Ashmere! Anong-?"

"Kinontak ni Kuya sina Kuya Coles para kuhanan ka ng mga appliances and furnitures. Tomorrow naman, they'll do a paint job outside your house and remove your old fence and replace it with a higher and heavier one. Para hindi kayo basta basta mapapasukan."

"Kuya contacted the Cruz and asked for a CCTV camera to secure your house."she added.

Napalingon ako kay Ashmere na may kontentong ngiti sa mga labi.

"Akala ko ba babayaran mo lang yong utang ni Ina! Hindi mo sinabing pati mga gamit at gate namin papalitan mo rin!"angal ko at sumimangot.

"Well.. I can do better than that if you want. I have a five bedroom unit in Monteverde Towers here. It'll be better for you and your family.."

"No way! Ito na lang! Baka uugod ugod na ako bago ko mabayaran yong utang ko sayo!"kunwari ay inis kong sabi. At tumayo na para panoorin ang mga lalaki na inilalabas ang mga gamit.

"I told you , you don't need to pay me up baby.."habol ni Ashmere sa akin at humawak sa baywang ko

"Fucking sugar daddy.." malakas na kantyaw ni Coles.

"Shut up!"sinapak ni Ashmere si Coles sa balikat. Nang gumanti si Coles ay pumagitna na kami ni Shanelle.

"Hey stop it!"galit na sabi ni Shanelle

"We're just playing baby.." paliwanag ni Ashmere habang pinapatunog ang leeg niya.

"Mga baliw kayo!"Nasabi ko nalang.

Hindi ako makapaniwalang naging sosyal ang kwarto ko. Pagkatapos nilang mailagay ang mga bagong gamit ko. Ang dating single bed ko ay  queen size na. Carpet na rin ang sahig ko, at napalitan ang wallpaper ng kwarto ko ng carnation pink. Dumami ang mga gamit ko sa kwarto. May built in wardrobe na ako. May desk and chair din. At may isang single sofa at round glass coffee table. Sa gilid ay may bedside table ako at malaking alarm clock! Ang ganda talaga.

Balak ni Ashmere na irenovate ang bahay namin para mapalaki pa ang mga kwarto. At mapalagyan din ng bathroom ang kwarto ko. Saan kapa .. engineer ang jowa ko eh..

"Baby.. I'm not really at ease if you have to shower outside your room."kanina pa naghihimutok si Ashmere. Nagpupunas na siya ng basang buhok at nakaboxers na lang.

"Ano bang magagawa ko? Eh communal bathroom ang mayroon dito."sagot ko nang matapos akong magblower. Pati blower ko napalitan na rin nang bago.

Ang nakakatuwa lang, bumalik ulit ang mga helpers nila at inayos ang mga damit ko sa wardrobe ko. As in ang galing talaga.

"I really need to make a draft for this house."madiing sabi niya at tumabi na sa akin.

I made him lie on my lap and dry his hair too. After a while ay nanahimik na siya kaya napayuko ako para silipin siya.

Nakatulog na pala.. ang cute at gwapo niya talaga. Para siyang bata na nakapout at nakayakap ang mga braso sa balakang ko.

Tinapik ko siya para gisingin.

"Tulog na tayo baby.."aya ko at hinila na siya para makahiga nang maayos. Tumayo na ako para ikandado ang pintuan namin at pati ang pintuan ko sa kwarto.

He was leaning on the headboard when I came in. His eyes were heavy with sleep so I crawled back immediately and kissed him good night before cuddling with him.

We slept peacefully.

The next day, naidischarge na si Tyong. Nang makauwi sila ni Ina at nadatnan nila ang mga bago at mamahalin naming furnitures at appliances ay ikinatuwa nila ito nang sobra. Then we all sat down to talk about their debt after lunch. My sisters haven't come home yet.

Ashmere talked to them about paying their debt. But only after they promised not to deal with those kind of people. Then his lawyer made a contract and made both parties sign it.

So we're debt free now.

While Ashmere was away for a month long convention, his people renovated our small house into a big five bedroom house. At ngayon nga ay kami na ang isa sa may pinakamagandang bahay sa baranggay namin.

Ang dating malaking space sa harapan ng bahay namin ay nahati para sa front garden at patio. Ang malaking backyard naman namin ay nahati din para sa dagdag space ng mga kwarto.

Pagpasok pa lang sa mataas naming gate ay ang CCTV camera na agad ang bubungad sayo. Napapalibutan ng flower boxes and garden na may water sprinklers at may maliit na cupid fountain sa gitna. Sa gilid ay ang metal table and chairs. Nagtanim sila ng bermuda grass para sa ikagaganda ng front yard at backyard namin. Ang bahay naman namin ay may two automatic door car park sa kanan,tapos sa left naman ang front door. Sa loob ay ang open space na living room at kitchen.

Tiled floor na ang buong bahay at carpet naman sa mga kwarto. Mas lumaki na rin ang kitchen at nagdagdag pa ng appliances si Ashmere gaya ng dishwasher at big oven at grill.

Sa bawat kwarto ay may built in wardrobe at sariling banyo.  Sa kwarto ko ay may walk in closet na kadugtomg ang banyo, may sofa set, antique coffee table, desk and swivel chair, bookshelves na may paborito kong libro, desktop computer and laptop, at sa closet ko ay punom puno ng mga signature na damit at sapatos. Pati alahas at accessories. 

Sa buong duration ng renovation ay sa Monteverde Towers kami tumira na hanggang ngayon ay pinagyayabang pa rin ni Ina sa mga kakilala nya at kapitbahay. Para siyang celebrity kung makaasta.

Ang pwesto namin sa palengke ay naging triple din ang laki. Lahat.. ibinigay ni Ashmere. Wala akong masabi sa mga itinulong ng boyfriend ko sa amin.

I was outside doing my homework when my mother came out fuming mad. She was wearing one of the signature dresses my boyfriend gave her.

"Anong katangahan na naman ba ang ginawa mo Gia? Kahit kailan talaga ay wala kang utak!"she hissed and slapped her hand on the glass table.

Napatingala ako sa kanya nang may pagtataka. Kanina lang ay ang saya saya pa niya.

"Akala mo hindi ko malalaman na tinanggihan mo yong kotse na ibibigay ng nobyo mo sa atin? Pati yong mga katulong? Anong balak mo? Kami ang papakilusin mo dito sa sarili kong pamamahay? Ha?"Gigil na gigil si Ina na hinila ang buhok ko.

Napakapit ako sa kamay niya para tanggalin ito. Mas lalo siyang nagalit dahil ni minsan ay hindi ako nagprotesta sa kanya dati.

"A-Aray po. Nasasaktan ako!"mangiyak ngiyak kong sabi.

Hinila hila nya ako papasok sa bahay at ibinalandra sa sahig. Tumama ang likod ko  sa kanto ng coffee table.

Napaiyak na ako at humawak sa nasaktang likuran.

"Ano? Porke may mayaman ka nang nobyo, lalaban ka na ha?!"sinipa ako ni Ina  sa tagiliran kaya napasiksik ako sa may sofa.

Umiling ako ng umiling habang nanlalabo ang mga mata. Sa gilid ko ay si Tyong na nakangisi at pinapanood kami. Naninigarilyo.

"Kung hindi pa narinig ni Renato yang pag uusap nyo hindi ko pa malalaman na dapat may katulong na tayo dito! Ang tanga mo! Bwisit ka talaga sa buhay ko!"Nagsisigaw si ina. Sinabunutan ulit nya ako kaya napaluhod ako sa harapan nya. Humahagulgol na sa sakit ng katawan at puso sa pagturing ni Ina sa akin.

"Alalahanin mo na ang mayayaman mabilis magsawa! Kaya dapat tumanggap ka lang ng tumanggap. Nagpapaiyot ka ng libre ganon? Malandi ka rin ano?"mas hinigpitan nya ang hawak sa buhok ko.

"Bawiin mo yong sinabi mo kay Ashmere! Kailangan ko ng katulong dito sa pamamahay ko! At yong kotse! Tanggapin mo. Kung hindi, sisipain kita dito sa pamamahay ko at sasabihan ko ang Ate mo na akitin yang pinagmamalaki mong nobyo. Tignan ko lang kung saang kangkungan ka pulutin. Pwe!" Sabi niya at dinuraan ako sa mukha sabay tulak sa akin.

"Ang yabang yabang. Akala naman niya may nagkakagusto pa sa kanya kapag nalaspag na siya. Katangahan talaga oo!"sigaw ni Ina.

Napahiga ako sa sahig at namaluktot.

Nang mawala si Ina ay pinatay na ni Tyong ang sigarilyo niya at lumapit na may dalang panyo at sinubukang punasan ang mukha ko pero inilayo ko lang ito at ginamit ang tshirt ko para pahiran ang dura ni Ina.

"Kasi naman Gia, matalino ka.. gamitin mo naman ng lubusan yang utak mo. Kung may patay na patay sayo, huthutan mo ng huthutan. Dahil hindi mo alam kung hanggang kailan ka nya magugustuhan."payo ni Tyong na animo may malasakit.

"Ngayon tuloy ipapakilala na ni Guia yang nobyo mo kay Ate mo. Nako!! Baka mawala sya sayo.. san ka nyan pupulutin?" Lumuhod na si tyong at sinuklay ang buhok ko palayo sa mukha ko. Napaupo ako at gumapang palayo sa kanya. Nakakadiri. Nakakasuka siya.

"Ganito na lang. sa akin ka na lang. susustentuhan kita."nakangiti siya ng nakakakilabot.

"Kaya lang naman ako nandito kay Guia dahil sayo. At kung sasama ka sa akin, magpapakalayo layo tayo. Ako ang bahala sayo."alok pa nya.

Kahit nanghihina pa ay napatayo na ako at tumakbo.

"Pag isipan mo ng mabuti yon. Gagawa ako ng paraan para magkapera tayo."pahabol niyang sigaw.

Lumuluhang naghubad na ako ng damit ko para makaligo. Baka sakaling matanggal ko ang sakit pinaramdam ni Ina sa akin.

Pumasok na ako sa shower room ko at tahimik na lumuha kasabay ang agos ng tubig pababa sa katawan ko.

Akala ko.. kapag may naitulong na ako sa bahay ay aayos na ang pakikitungo ni Ina sa akin.. akala ko mamahalin na rin niya ako. Akala ko, gaya ng mga kapatid ko ay mag aalala na rin siya sa amin at lalambingin.. pero akala ko lang pala lahat yon.. dahil hanggang ngayon, wala pa rin akong kwenta para sa kanya.. walang silbing pakainin sa bahay.

Ang unfair dahil hindi man lang niya sinubukan na mahalin ako.. kahit konti lang..

Konti lang naman ang hiling ko..