webnovel

On Bended Knees Completed

ON BENDED KNEES (Revised) Warning:SPG/R18 She was a goody two shoes, straight A student plus a President in her school student council. She had her life planned accordingly. Get to her dream University, a degree and a job that could support her family. But on her last year of high school, she met new people that made her life turned upside down. Suddenly her plans wavered. Changed.. Because how could she say no to a hot shot CEO slash Engineer who was willing to give her everything? Plus the fact that he was making her heart beat fast and have the sweetest lips she ever had.. 17/7/20 REVISION 07/01/21 28/7/20 FINISHED 31/01/21

greighxx · Urbain
Pas assez d’évaluations
37 Chs

Chapter 14

KISS

Sumasakit ang ulo ko dahil ang dami kong kailangang gawin. Nakapagplano na kami ng open day ng mga members ko. Different stalls for the visitors. Then we would showcase our school arts and works to the public. Then at night would be our anniversary celebration with our founder..But I had to adjust everything when our Principal told us about his new idea. He was planning to send invitations to the richest and well known families in our city and nearby.  He said we have to entertain them and make them donate to our school. Mukhang pera!

So pagkatapos naming magbrain storming ay nagpaiwan na ako. Napagkasunduan nalang na mag intermission kami.. bawat year each section.. pero parang hindi ako makontento. Paano ba namin mapapalabas ng pera ang mga tao? Isa pang problema ko ay audition ng teatro ngayon. Balak ko sanang magtry dahil napagkasunduan namin ng mga kaibigan ko na gagawin namin ang mga pinakahate naming bagay.. ako kasi pag arte. Si Megan ay ang pageant. Si Arana ay maging journalists slash interviewer sa school at si Shanelle naman ay ang maging master of ceremonies..

"Oh bakit nandito kapa? Baka mawalan kana ng role sa pinapaaudition nila. Maging puno ka na lang.."tumatawang sabi ni Megan.

Napatawa din sina Arana at Shanelle. Bwisit na babae.

"Hindi ako kontento sa pinag usapan natin. Walang kadating dating."namomoblemang sabi ko.

"Well.. what about we sell paintings?"si Shanelle. Magaling kasing pagpaint ito.. pero baka gahulin na kami ng oras. Four weeks na lang ay school anniversary na namin. At hindi naman lahat makakatulong sa amin..

"What about we sell our old clothes? Parang yukay yukay?"alok ulit ni Shanelle nang umiling ako.

Natawa kaming tatlo. Anong salita yon?

"Yukay yukay? Saang lupalop mo yong nakuha bestie?"asar ni Megan.

"Shanelle.. ukay yon."tumatawang pagtatama ni Arana.

"What? But it was spelled U K A Y! Then it's yukay!"giit niya.

"Pagbigyan nyo na.. pero hindi pwede yang yukay mo.. kasi konti lang ang makukuha nating pera mula dyan.." pinilit kong hwag ng tumawa.

Si Shanelle ay nakabusangot at bumubulong bulong sa tabi.

Arana sat on my table then played with her phone.

"What about we auction some antiques? My mother can help us.. just few restoration then we can sell it in high prices. Kahit konting items lang."

Napasuntok si Megan sa mesa ko na nagpalundag sa aming tatlo.

"Nakakagulat ka talaga bestie!" Angal ni Shanelle at humawak pa sa dibdib niya.

"Well, may naisip lang naman ang mataba kong utak. Yan kasi ang problema sa inyo. Payat ang katawan kaya pati utak payat din!"sabi niya sabay tawa ng parang bruha.

Hinila ni Arana ang buhok nyang nakapusod at bumagsak ang makapal at kulot niyang buhok.

"Bwisit ka naman Arana!"angil niya sabay hila din ng buhok ni Arana.

"Ano na? That should be a good idea dahil halos maheart attack ako sa ginawa mo kanina!"maarteng sabi ni Shanelle.

"That should be a good idea....blah blah.." pang gagaya ni Megan sa accent ni Shanelle.

Hinila na rin ni Shanelle ang buhok ni Megan kaya nagtitilian na silang tatlo.

"Tama na yan mga kids."napabuntong hininga ako. Ako ang pinakabata sa kanila pero ako ang pinaka matured mag isip.. well.. paminsan minsan ay maayos ang utak ni Arana..

"Madali lang. hindi tayo kailangan gumastos ng malaki. Auction din. Pero girls naman. Hindi antique."

"Paano?" Halata ang pagiging interesado ni Shanelle.

"Lahat nang mga girls na willing mag volunteer para maiauction.. isali natin.. at syempre kailangan pumirma ang mga bidders nang contract na gagawin natin.

No touching and kissing without consent. Then most especially no sex."napatango na ako.

"Maganda.. may contract..walang pilitan.."tumango na rin si Arana.

"So ngayon.. tara na at mag audition kana sa teatro.. gusto ko pa namang makita kang umarte na may luha."nangingiting sabi Megan at hinila na ako.

"Mamaya na lang. andami pang taong nanonood!"kinakabahang sabi ko.

Arana took my bag and my phone while Shanelle took the office key and pulled me out of the room then locked it.

"Mas maraming tao.. mas maganda Bestie..wag kang unfair. Ako nga mapapatwo piece para sa lintek na pageant na yan."

Nagpaakay na lang ako.

Dumiretso kami sa may gymnasium. Bakit kasi sa public pa sila nagpaaudition eh.

Nakita namin na natutulog si Travis sa may stone bench kaya nilapitan ni Megan. Kapag nakikita niya talaga si Travis ay lagi niyang sinusundan or pinapanood ito. Crush na crush niya talaga.

Nagising si Travis at napatingin kay Megan sabay takip ulit ng mukha ng panyo. Suplado pa rin..

"Travis.. baka gusto makapanood ng pang FAMAS na pag arte.."kulit ni Megan.

"No thanks.."

"Ay.. sayang naman.. Si Miss President pa naman yong aarte.."may panghihinayang na sabi ni Megan at lumayo na. May nakasalubong kaming mga grade eight ay inaya din niyang panoorin ako. Bwisit na babae!

"Tigilan mo na yan.."hila ko kay Megan sa manggas at naglakad na papasok sa gymnasium.

Pagtulak ko ng pinto ay napahinto si Laila na umaarte na sa stage.

"Sorry.." sabi ko at sinalubong ako ng baklang kaklase namin.

"So totoo ngang mag au-audition ka? Oh my!"excited na sabi ni Jazel. Pero sa totoong buhay ay Joseph.

Lumapit ang bakla sa mga nakaupo sa mahabang mesa kaya nawala ang atensyon nila kay Laila.

"Thanks Laila. You may take your seat."pagpapahinto nila kay Laila. At tumayo na para lapitan ako.

"So you're finally auditioning to our club. Welcome to Teatro Sandaang Pulo Miss President." Jethro the Club President welcomed me.

I smiled hesitantly then looked at Laila who was shooting daggers at me.

"Which role you wanna take Pres? Good thing we haven't choose yet.."Meredith said then pulled me in the corner.

All of their members flocked to us and talked to me with excitement and enthusiasm.

May binigay silang folder na nakapaloob ang mga character at pati ang buong play..

"Hindi ko alam eh. Baka pwede nyo akong panooring umarte tapos kayo na ang magdecide para hindi naman nakakahiya sa ibang nag audition.."alanganing kong sagot sa kanila.

"Nakita ka na naming umarte dati. You were good. So why not be my leading lady.."Jethro said then pointed the character that was listed.

"That's unfair!"may sumigaw na nagpalingon sa lahat.

Nakatayo si Laila na humihingal sa galit.

"I worked hard to get that role. You promised me that yesterday when I was pleasuring you Jethro! Then all of a sudden just because SHE walked in, i was forgotten?"nanginginig na sa galit si Laila. At dinuro ako.

Napasinghap ang lahat ng mga nakarinig sa outburst ni Laila.

Napalingon ako kay Jethro na uneasy na at namumula ang mukha. He looked at me then avoided my gaze and walked towards Laila that kept screaming her protest.

"Laila.. can we talk about this in private?"he said while pulling Laila away.

"You promised me that role Jethro.. how can you do this to me?"umiiyak nang sabi ni Laila at nagpahila sa lalaki. 

Napasunod lang ang tingin namin sa kanila. Nakaramdam ako nang awa kay Laila. Ang unfair naman kasi..

Napatikhim si Arana dahil biglang tumahimik ang mga tao. Sina Megan at Shanelle ay nakatingin pa rin sa dalawang lumabas.

"Well.."halatang inis na tanong ni Meredith na Vice President.

"I saw her acting Miss President..she's not that good.. Kung kinakailangan kong salungatin si Jethro ay gagawin ko para lang mapili ka at hindi siya. She's mediocre. And I don't care if Laila made him reached the cloud nine. That jerk."she said in her angry tone.

"Meredith.. kahit anong role nalang wag lang yong gusto ni Laila.."sabi ko dahil ayoko nang away.

Napahinga siya ng malalim. "We can still coach her Didith.."Jazel said.

"Hay nako. Buwisit na mahilig na yon! Kahit sino nalang talaga pinapatulan."inis na saad ni Meredith at napasabunot sa buhok.

"Palagi na lang ako ang nagaayos ng problema dito. Ang sarap ipakain sa buwaya."

"So aarte na ako para fair ha? Asan yong script?" Tanong ko para masimulan na.

"Okay. Page five..."

Lumabas na kami ng gymnasium pagkatapos mai announced ang mga nakakuha ng roles. Siguro nga ay may favouritism dito. Dahil ako pa rin ang pumili ng role ko. Isang maid na isang line lang ang sasabihin. At hindi ko pa makakasama si Laila sa kada appearance ko kaya mas masaya.

"Very pitiful.. Jethro still favoured me over you Miss President."Napatigil kami ng hinarang ni Laila ang binti niya sa amin habang nakasandal.

"What's your role again? A maid? Saktong sakto sayo.."nakangising sabi niya at tumayo nang diretso at hinarap na kami. Tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Diba katulong ka lang namin dito? Pinabango lang.. President.." sabi niya at itinaas ang isang kilay.

"I won.."

"Hindi nakikipagpaligsahan sayo si Pres Laila."hindi mapigilang sabat ni Megan.

"Oh..am I talking to you pig?"she sneered.

Napakuyom nang kamao si Megan at susugod sana pero mabilis ko siyang hinila pabalik sa amin sabay iling.

"Laila you should shut up and go home."Shanelle said then rolled her eyes.

"Well.. why don't you congratulate me Shanelle..? Oh.. masakit din ba sa loob mong nakuha ko yong role na inaasam ng muchachang yan?"

Napahinga nalang ako ng malalim at inilingan si Shanelle para hwag nang magsalita pa.

Sabay sabay kaming humakbang palapit kay Laila ng walang imik. Nanlaki ang mga mata niya at napasandal ulit sa pader para makaiwas.

"Soon.. Miss President.. I'll be taking your place.."she shouted behind us.

"Baliw na siya. Dapat hindi dito yan ipinasok. Dapat sa mental." Arana said annoyed.

"Kapag hindi natin pinatulan.. magsasawa rin siya."sabi ko na napabuntong hininga na.

"So sa teahouse tayo bestie?"tanong ni Shanelle. Doon ko tinuturuan ang mga students ko.

"Oo. Pero pagkatapos nito may lakad ako.."paalala ko sa kanila.

Napangiti silang tatlo at nag thumbs up.

"Ang tweet naman.. baka naman kayo na hindi mo pa sinasabi sa amin Bestie!"Umirap si Megan sa akin.

"Hindi noh!.. parang friends lang.. parang ano..friendly date! Ganon!"

Napairap silang tatlo.

"Friendly date? Samantalang ikaw agad ang pupuntahan pagkauwi galing sa Manila? Friends lang? pero tawag nang tawag sayo..."pasaring ni Arana.

Umiling ako ng umiling..

"Normal lang yon! Parang kayo.. friends tayo kaya normal na magtawagan tayong apat.."

"Bestie.. kapag hindi mo nasasagot yong tawag niya, sa akin siya nagtatanong.."pabulong na sabi ni Shanelle.

Nanlaki ang mga mata ko na napatingin kay Shanelle. Wala siyang nababanggit na ganoon.

"Yan ah. Sinabi ko na. Tamad yon magtext.. pero sayo ang sipag.."natawa sina Megan at sumakay na rin sa sasakyan ni Shanelle.

"Ayokong mag assume! Lalo na't wala naman siyang sinasabi na gusto niya ako!"sabi ko at iniba ba ang usapan namin.

Pagkababa namin ay tumunog ang cellphone ko kaya agad nakisilip sina Megan. Hindi ko na naharap tignan ang cellphone ko sa dami ng ginawa buong araw..

ASH: I'll pick you up at the teahouse. 10:30am

ASH: are you busy?12:00pm

ASH: What are you doing baby?12:30pm

ASH: your classes were done. What are you doing?3:04pm

ASH: text me when you're free baby. 3:30pm

ASH: I'll see you at 5:30. Can I sit with you while you're teaching?3:45pm

ASH: baby...3:47pm

ASH:?3:55pm

Kinikilig na pinaghihila nina Megan ang manggas ng uniform ko.

"OMG! Ang sipag ngang magtext! Ano yan nagtetext habang nagdadrive?"Tanong ni Megan. Hinila ko pabalik ang manggas ko dahil baka magmukha akong ginahasa. Mga baliw talaga sila!

"Hindi mo kasi nirereplyan bestie!"ngiting ngiti si Shanelle. Napatingin kami kay Shanelle nang magring ang cellphone niya.

Pinakita niya ang caller. It was Ashmere.

"I-loud speaker ko ah.."nakangising paalam ni Shanelle.

"Hola Kuya!"masiglang bati ni Shanelle.

"Are you with Gia?"napahagikhik agad si Megan na agad tinapalan ni Arana ng kamay sa bibig.

"Oo! Maghapon kaming magkasama. Inggit ka?"biro ni Shanelle.

"Damn.. what's she doing? Is she teaching now?"

"Bakit hindi mo siya tanungin?"masungit na tanong ni Shanelle pero nakangisi.

"She's not answering-"

"Ah.. busy kasi sila sa pagpaplano ng school anniversary. Tsaka may tuturuan siyang mga gwapo ngayon.. kaya siguro hindi ka maalalang replyan.."sabi niya at tumawa.

"What the hell? Tell her-"

"Biro lang. sige bye bye na."

"Princess, I swear-"

"Walang lalaki. Biro lang. sige na. Para makapagsimula na kami. Bye!"at pinatay na niya.

"Baliw ka rin. Mamaya madisgrasiya pa yon sa pagdadrive ng mabilis para lang makapunta agad dito." Arana said while shaking her head.

Nagpeace sign si Shanelle at ngumiti nang pacute.

"Tara na nga.."aya ko at pumasok na sa teahouse.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagtuturo nang hindi sinasadyang mapalingon ako sa bagong dating.

Si Ashmere na seryosong nakatingin sa amin. Ang cellphone ni Shanelle at Megan ay panay din ang pagvibrate kanina pa. Parang galit na galit yong mga tumatawag.

Napalingon na rin sina Arana at Megan sa tinitignan ko at napailing.

"Sabi ko na nga ba eh. Ginawang racing track ang kalsada."komento ni Arana. Napapout naman si Shanelle pero halata ang pagsisisi.

"Sorry naman.."

Napailing na rin ako. Five o'clock pa lang.. mapagsabihan nga mamaya.. baka nagmadali nga siyang pumunta dito..

Ibinalik ko na ang atensyon nang makaupo si Ashmere sa dulong mesa. Na agad inasikaso ng pinakamagandang waitress.

Napapailing na pinasagutan ko ang mga working exercises na ginawa ko para sa mga bata. May limang batang lalaki akong tinuturuan. Grade four. From four to five o'clock. Tapos from five to six naman ay ang mga high school. Tatlong grade 7 at si Megan na. Nakikiupo na lang sina Arana at Shanelle sa amin dahil wala silang magawa sa bahay.

"Teacher.. salamat po!"paalam ng isang gwapong tinuturuan ko. Maputi at bahagyang namumula ang pisngi.

Hindi ko napigilan ang pagkurot ng pisngi niya.

"Sa monday ulit okay?"nakangiti kong tanong na tinanguan nila.

Nang makaalis sila ay saktong dumating ang tatlong grade seven.

Habang tinuturuan ko sila ay hindi ko mapigilang lumingon sa direksyon ni Ashmere.

Nakabukas ang laptop niya at may suot nang salamin sa mata! Grabeng gwapo..Para siyang propesor na hunk..Napalingon na rin sa amin si Ashmere at pinanood ako. Nahihiyang binawi ko ang tingin at inexplain na ang mga dapat nilang gawin.

Ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko sa titig niya kaya habang nagsasalita ay nagpunta ako sa likuran ng mga bata at dumukwang para ituro ang bawat pahina na kailangan nilang basahin para sa test nila sa lunes.

"So okay na ba?"nakangiti kong tanong.

"Thank you po talaga Pres. Ewan ko po ba kung bakit sa inyo naiintindihan ko yong mga tinuturo nyo."nakangiting pasasalamat ng isa.

You're welcome. Good luck sa test sa lunes."sabi ko at iniligpit na ang mga gamit.

"Salamat po ulit! Bye po!"nakangiti nilang paalam at umalis na.

Napaupo ako sa inupuan nila sa ngalay. Napatingala ako sa mga kaibigan kong nagliligpit na rin at may nakakalokong mga ngiti.

"Naghintay ng isang oras si loverboy mo kaya puntahan mo na."Sabi ni Megan sabay taas baba ng mga kilay.

"Loverboy ka dyan."pairap kong sabi pero napangiti na rin.

"Pagsabihan mo siya. Halatang nagmadali para lang makapunta dito." Seryosong sabi ni Arana at tumingin na rin kay Shanelle ng matalim.

"Sorry naman.. hindi ko na siya bibiruin."nakapout na sabi ni Shanelle.

"Baka naman kanina pa siya nandito sa Alaminos. Tatanungin ko na lang.."sabi ko at nilingon si Ashmere.

May dalawang sexy na babaeng nakatalikod sa amin at halatang nakikipag usap kay Ashmere.

"Ayan na..puputaktihin na siya ng mga girls bestie.. claim him na.."Megan nudged my arm. Binawi ko ang tingin at nagligpit na rin.

"Walang kami kaya wala akong iki claim." sabi ko at nagseryoso.

Parang gusto ko tuloy sugurin yong mga babae..

"Hay buhay.. kung malabong usapan, palinawin mo. Akitin mo. Ganern.." Sabi ni Megan at ipinusod na naman ang buhok.

"Let them be."sabi ni Arana kay Megan at tumayo na rin.

Lumabas na ako para ihatid sila sa sasakyan ni Shanelle.

Nang makasakay sila ay kumaway na ako at hinigpitan ang kapit sa bag ko.

Nang humangin ay naamoy ko agad ang aftershave ni Ashmere.. kaya napalingon ako sa likuran ko. Bumilis ang kabog ng puso ko nang makita ko siyang may ilang hakbang ang layo sa akin.

Seryosong nakatingin. At nagsimulang humakbang palapit. Nakalong sleeves pa siya at slacks. Suot pa rin ang salamin.

"You didn't reply to my texts baby..I was worried.."he huskily said..

I smiled gently..

"If you're busy.. will you let me know? Please baby.."

"Sorry ah.."nagi-guilty na sagot ko.

"I had to drive here as fast I as could.. just to see you."

Biglang nanlaki ang mga mata ko at umiling.

"Hwag ganoon Ashmere. Paano kung madisgrasya ka?"nag aalala kong sabi at napahakbang na rin palapit sa kanya.

"Do you care? You can't even reply a single letter to my texts."nagtatampong sabi niya. Ang cute.. parang bata..

"Sobrang busy lang talaga.. sorry na."sabi ko at humawak sa matigas niyang braso. At pumisil. Ang tigas..

Pinalibot nya agad ang mga kamay sa maliit kong baywang at humalik sa buhok ko. Napapikit na rin ako.. isinandal ko ang mukha sa dibdib niya at iniyakap ang mga braso sa likuran niya.

"I asked you if you care about me.."

Lumayo ako para tignan siya sa mga mata. I licked my lower lip and swallowed hard.

"O-oo naman.."

"I can't feel it! You said I'm your crush.. but how come I do the chasing?"he said while clenching his jaw.

Napangiti na ako at ipinatong ang mga kamay sa balikat niya at tumingkayad para sana mahalikan siya sa mga labi pero  dahil bansot ako ay hindi ko siya maabot!

"Ashmere! Ibaba mo yang mukha mo!"Utos ko nang may himig inis sa boses.

"Why? You can't just kiss me when I'm still talking to you.."

"Ano ba kasing gusto mong marinig?"Sabi ko at tumalon talon para maabot siya. Mas inilayo nya ang mukha niya sa akin.

Kainis!

"You make me chase you. And yet you're the one who likes me."masungit niyang sabi.

"Oo nga. Crush kita. Pakiss na!"amin ko agad at tumalon ulit. Naramdaman ko siyang nagrelax at tumayo na lang pero hindi ko pa rin siya maabot!

"Kiss? Why would I give you that if you haven't even said you missed me too. I've been away for five days baby.."patuloy na pagtatampo ng baby boy ko.

Humiwalay na ako sa kanya sa inis. Pero humawak siya agad sa baywang ko ng mahigpit at tinulak ako para mas dumikit pa sa matigas niyang katawan.

"Okay then.." he said then kissed me on my lips. Mabilis lang ito pero ramdam ko pa rin ang init ng labi niyang dumapo sa akin.

Iniyakap ko ang braso sa batok niya ng yumuko siya para yakapin ako ng mahigpit.

Gusto kong tumawa. Gagawin din pala yong gusto ko. Ang arte arte pa..

"I missed you too Ash.."bulong ko sa tainga niya. Kumalas siya sa akin at tinignan ako sa mga mata.

I could see his eyes sparkling in happiness.

"I missed you more baby.. more than you'll ever know."

Thanks for being patient. Voting and leaving a comment to show your support will be much appreciated.

P.S

I’ll be doing daily updates now.

Thanks.

Greighxx

greighxxcreators' thoughts