(continuation)
Nagkulong lamang ako sa kwarto mula gabi hanggang sa kinabukasan. Nakahiga lang at nakatulala. Naantala lang ako noong marinig ang pagaalala ni Mommy mula sa labas.
"Via, anak..." aniya. "Kumain ka muna. Ano bang problema? Manananghalian na..."
Muli akong pumikit para huwag sanang sumagot pero naguilty ako dahil sigurado akong nagaalala na ng sobra si Mommy. Ganitong-ganito rin ako noong mangyari 'yong bus accident, at ayokong maramdaman niya muli ang pagaalalang iyon sa akin.
Nagdesisyon na akong tumayo at pagbuksan ng pinto si Mommy. Mas sobra akong naguilty noong makita sa mukha niya ang pagaalala.
"Anak..."
"Mom, sorry, masama lang po talaga ang pakiramdam ko."
"Ha?" Hinawakan niya ang noo at leeg ko. "Bakit? Wala ka namang lagnat."
"Hindi ko po alam e." Lumayo na ako at nagtungo ulit sa kama ko. Pumasok rin si Mommy sa kwarto ko at tumayo lang doon para pagmasdan ako.
"O sige, dadalhan na lang kita ng pagkain dito. Magluluto na rin ako ng mainit na sabaw para kahit papaano may mahigop ka." Aniya. "Mabuti na lang at linggo, wala kang pasok. Hay nako. Nagpa-gabi ka kasi sa Reunion niyo e."
Lumabas na nga si Mommy at dinalhan ako ng makakain. Buong araw yata ay nasa kwarto lang ako. Ni ang cellphone o kahit na anong laptop ay hindi ko ginalaw. Hindi ko alam kung paanong lumipas ang oras ng hindi ko namamalayan. Nakatitig lang ako sa kisame at nagiisip.
Naantala lang muli ako noong tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa Caller ID ay si Topher ang tumatawag. Muli kong inilapag ang cellphone upang huwag intindihin iyon...
Maga-alas tres na pala.
Tumayo ako at naisipan na maligo o maglinis na ng katawan. Pagbukas ko ng closet ay tumambad sa akin ang blue jacket na ipinahiram noon sa akin ni Nico.
Napangiti ako ng malungkot habang hinahawakan ang naka-burdang "Garcia" sa likuran ng jacket... saka ko kinuha 'yong panyo na nasa ibabaw ng kama.
Hindi ko pa nga nababalik itong jacket sa 'yo, Nico, tapos may pinahiram ka na namang bagay sa akin... Napakadaya mo. Ayaw mong makalimutan kita...
pero bakit ako ang kinalimutan mo?
Bago pa muling may bumagsak na luha sa mata ko ay pinigilan ko na. Nilagay ko na ang mga hawak ko sa isang tagonh compartment nitong closet ko, saka na ako kumuha ng damit na susuotin ko pagkaligo.
Aalis na sana ako sa kwarto ko nang muling tumunog ang cellphone ko. Tumatawag na naman si Topher. This time ay sinagot ko na iyon...
"Hello..." sabi ko.
"Hey, uhm, did I disturbed you? Busy ka ba?"
Umupo ako ulit saglit sa kama. "Hindi naman. Bakit?"
"Want to grab some coffee? Or milktea?" Aniya. "I just want someone to talk to..."
Napaisip ako sa yaya niya. Siguro mas okay na ring may puntahan ako ngayong araw kaysa naman patuloy kong magkulong dito sa kwarto ng walang nagagawa.
"Sure, mag-prepare lang ako." Sagot ko kay Topher.
"Okay, thank you, Via." Aniya. "Sunduin na lang kita sa kanto ng Buenavista, right?"
"Yes,"
"Okay, see you."
"See you." Sagot ko saka ibinaba ang tawag.
I smiled a little kahit hindi niya naman iyon kita. Topher has been a good friend to me, kahit paminsan minsan ay nagpapakita siya ng motibo, madalas naman ay nakikipagkwentuhan na parang isang tunay na kaibigan. Iyon siguro ang pinagkaiba niya sa ibang lalaking lumalapit sa akin.
Matapos kong maligo at magbihis ay nagpaalam na ako kay Mommy.
"O, akala ko masama pakiramdam mo?" Tanong ni Mommy nang makitang nakagayak ako.
"Baka nga dahil lang kagabi, Mom. Kailangan ko lang yatang mag-wind up."
"Okay, saan ka pupunta?"
Ang ipinaalam ko ay may kaibigan akong kikitain, which is totoo naman. Hindi ko binanggit ang pangalan ni Topher dahil ayaw ko munang magpakilala ng kung sino kay Mommy, lalo na't lalaki. Baka papuntahin pa ni Mommy si Topher dito sa bahay, nakakahiya. Lol.
Naglakad na ako papunta sa kanto ng Buenavista. Doon ay nadatnan ko na si Topher na kahit naka-sunglass at naka-long sleeves at pants lang ay nakakahakot na agad ng atensyon. Siguro dahil na rin sa magandang sasakyan niya.