webnovel

NOATHAST ACADEMY (SCHOOL OF DEATH)

(TagLish) An evil monster needs a heart that truly loves him in order to make him fully human again, but how is this mystery connected to the most prestigious school in town?

envieve · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
13 Chs

Chapter 10: Nickname

Chapter 10

MABILIS na kumalat ang chismis. Isipin niyo nalang kung gaano karami ang naiinis sa'kin ngayon dahil sa inggit kasi masosolo ko si Hades. 2 hours din yung documentation na papanoorin namin.

Dinedma ko nalang ang mga inggitera at pinagpatuloy ang araw ko. Kumain mag-isa sa cafeteria tapos nagpunta mag-isa sa library para umidlip. Grabe talaga ang antok ko today.

Pumwesto ako sa pinakasulok ng library at sumandal sa isang shelf tapos nagtakip ako ng libro sa mukha ko para umidlip na. Last class nalang mamaya, uwian na... nila. Ako didiretso pa ng coffee shop para sa work.

May umubo kaya napaayos ako ng upo. Shet, mapapagalitan pa ata ako.

Inayos ko yung skirt ko tapos mabilis na tumayo.

Nakarinig ako ng mahinang tawa kaya lumingon ako. There, I saw Malcolm laughing while showing his chinky eyes. Sya ang number 2 na pinakagwapo sa academy na 'to. Ang lakas din ng charm niya at maraming nagkakagusto sa kanya. Pinagkaiba lang nila ni Hades, eto friendly. Yung isa kasi walang pake sa mundo.

"Bakit ka aalis?"

"Uhm.." Tumingin ako sa gilid. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Akala ko kasi librarian ka kaya napatayo agad ako."

Lumawak ang ngiti niya tapos umupo sa sahig. "Pwede namang matulog dito. Wag ka lang magpapahuli."

Natawa ako sa sinabi niya. Pagkatapos ay umupo sa tabi niya, sa kanina kong kinauupuan. Na-touch ako nung hinubad niya yung blazer niya para itakip sa legs ko. Nahiya pa ako at binalik sakanya, sinabi kong akin nalang yung gagamitin ko but he insists at sinabing malamig sa pwesto namin. Lalamigin ako kapag hinubad ko yung blazer ko.

"Sure ka ba?" tanong ko sakanya.

Ngumiti siya at nagmacho pose. He has those muscular biceps though.

"Thank you." Sabi ko sakanya tapos sumandal na ako sa shelf. Pinikit ko yung mata ko.

"Do you usually go here to sleep?" tanong niya.

"Nope. Ngayon lang," sagot ko nang nakapikit.

"Ah, kaya pala parang takot ka pa nung marinig mong may ibang tao. Obvious na hindi ka pa sanay, may takot ka pa eh."

Natawa na naman ako. "Yeah, siguro pag nakatagalan na ang tigas na sobra ng mukha ko. Tipong sa tapat ng librarian na ako matutulog," biro ko.

Ngayon ko lang siya nakausap uli after nung ganap sa soccer field, pero ang komportable ko na sakanya.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. Tiningnan ko siya at siya naman ang tinanong ko. "Ikaw? Do you usually go here to sleep?"

Umiling siya. "I visit here to investigate and look for something."

Napaisip ako sa sinabi niya. It's usual to look for something in library because that's one of the main reasons to visit. Maghahanap ng books para maghanap sa katanungang meron ka, or simpleng paghahanap ng libro para lang magbasa.

Bago pa ako makapag-compose ng follow-up question, tumunog na ang phone niya.

"It's time for my next class," aniya.

Tumango-tango nalang ako.

"I'll see you around, Chandy."

Ngumiwi ako sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Ang corny pakinggan. Tumawa lang siya sa naging expression ko at umalis.

Saka ko lang napansin na nasa akin pa nga pala yung blazer niya. Huli na rin naman kung hahabulin ko siya. At isa pa, inaantok talaga ako. Kaya naman pumikit na uli ako at natulog.

Pero in all fairness, he knows my name.