webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
282 Chs

Chapter 23: Relieved

Tama ang hula kong minuto lamang ay nasa bahay na si Papa. Excited akong lumabas para salubungin sya. Inayos ko pa nga ang buhok kong buhaghag bago tuluyang binuksan ang pintuan. Ang ngiti ko ay abot tainga ng tumambad sa akin ang bulto ni Papa. Subalit matapos nya akong ngitian ng napakaganda ay may tinignan sya patagilid. Duon ko na narinig ang malakas na halakhak ni Ali. Ang aming bunso.

"Ate!." masaya nitong tawag sa akin. Tumalon pa ng kaunti. Para bang sosorpresahan talaga ako.

"Ali?. Gosh, Alipot?.." tawag ko dito. Tinukso ko pa sa pagtawag sa pangalan nya. Dati, ayaw nyang natatawag sya ng ganun, ngayon, para bang wala lang sa kanya. Parang wala syang narinig na ano mula sa akin.

Patalon itong lumapit sakin at niyakap ang buong baywang ko ng mahigpit. "I miss you so much Ate." ang mainit nyang hininga ay nagbibigay ng kiliti sa akin kaya tinanggal ko ang braso nya sa akin saka ako umupo para pantayan ang paningin nya.

"Big boy na ang Alipot ko ah?. Musta?. Ate miss you too." naiiyak kong sambit bago ko sya hinigit palapit sa akin at niyakap sya ng mahigpit.

"Yes po. Big boy na po ako." hagikgik pa nya. Nang imulat ko ang aking mga mata dala ng mainit ng yakap ng bata ay duon ko naliwanagan ang hindi ko inaasahang bisita.

It's them. Mama and Denise.

"Anak." unang bati sakin ni Mama. Napanganga ako. Is this really serious?. Andito talaga silang dalawa?. Tsaka si Denise, bat ang laki ng ngiti nya ngayon?. Wait! What's happening?.

Humakbang ito palapit sakin. Nang malapitan ako ay huminto ilang hakbang mula sa mismong harapan ko. "Kamusta na?." dagdag nito na para bang ilang dekada kaming hindi nagkita.

"Hello sis." mula naman sa likuran ay nagsalita si Denise. Nalipat tuloy sa kanya ang paningin kong na kay Mama kanina.

I don't know what to say. Iniisip ko kung hi sis din ba ang isasagot ko o wag nalang.

But I guess, mas magandang sagutin nalang sya ng maayos kaysa balewalain. Ayokong gayahin ang mga taong nanakit sa akin. Ayokong umabot ako sa puntong ganun.

"Hindi mo ba kami papasukin anak?. Sa loob nalang tayo mag-usap usap." agaw pansin nitong si Papa na nakatayo pa rin sa kung saan ko sya nakita kanina.

Nawala na nga sa isip ko iyon. At sa tanong na ginawang iyon ni Papa. Nagkumahog na akong pinagbuksan sila ng pinto. "Tuloy po kayo. Pasensya na po. Hehe." hinging paumanhin ko pa.

Natawa lang si Papa. Ganun din si Ali saka sila sabay na pumasok sa loob. Mama give me a sweet smile bago nya ako nilagpasan. Si Denise naman ay tinanguan lang ako bago nakayukong dumaan sa harapan ko.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na pati sila ang sasama. Ang sabi lang kasi ni kuya Rozen ay si Papa lang. Ano kayang nangyari bat pati sila ay naparito?.

Baka napagalitan o di kaya'y natauhan?.

Either way, gumaan ang pakiramdam ko. Para bang nawala nalang basta ang nakadagan na kutsilyo sa bandang dibdib ko. I feel relieved.

Pagkasara ko ng pinto. Duon din ako nagpakawala ng mabigat na buntong hininga. I want to let out now para kung anuman ang mangyari, kalmado pa rin ako.

"Ate, we bought you pasalubong." salubong pa rin ni Ali sa akin. Pinisil ko ang pinsgi nya't ginulo ko ang buhok nya.

"Talaga?. Where is it?." hanap ko. Hinawakan nito ang kamay ko saka hinila patungong kusina. Nadatnan ko sina Mama at Papa doon na nag-uusap. Nang makita kami o ako ay agad silang lumayo sa isa't isa. I wonder bakit ganun ang naging reaksyon nila. Gusto ko mang magtaka pero parang nasanay na rin ako sa mga ginagawa nila, balewalain lang ako.

"There Ate. Mama, yung chicharabao po ni Ate?. Where did you put?." tanong ng bata sa nanay. Tikom ang labi ko dahil pakiramdam ko, may tensyon pa sa paligid. I can't explain it but I can sense it.

"Ah, here. Get it here hija." ramdam ko ang hindi pagkakumportable ng boses nito ng magsalita.

Kung hindi pala nya kayang pumunta rito, why is she here?.

Dahil ba sa pera?.

Hay... I guess so.

"Ali, go to ate Denise muna. We and Ate Joyce needs to talk."

"You can talk even if I'm here Mama. I'm not gonna interfere." parang matandang sagot ni Ali kay Mama.

Hindi nagsalita si Mama subalit ang mata nya ay hindi kumukurap ng tingnan si Ali. Tuloy ang bata ay napanguso nalang bago tumalikod at sinunod ang utos ng Nanay kahit labag man sa kanyang kalooban.

"What is it po?." ako na ang unang nagsalita para wag na silang mahiya kung anong gusto nilang sabihin kanina pa.

Papa move closer to her. Both leaning on the working table na may mga nakapatong na supot na dala nila kanina.

Sinalubong ko ang mata ni Mama habang si Papa naman ay yumuko para kutkutin ang kuko sa kanyang daliri.

"Anak, ako ng unang magsasalita." Mama said. Lumunok sya. Pinaloob ang labi bago nagpatuloy. "I am so sorry for everything." she added. Kumurap lang din ako. Tumitig pa lalo sa kanya. "I don't know where to start but, all I can say for now is saying sorry to you."

Hindi ko maipaliwanag bakit biglang bumilis tibok ng puso ko. Unti unti ring nagpawis ang palad ng kamay ko saka duon ako nakaramdam ng pagkahapdi ng gilid ng mata ko.

"Sorry for being so rude to you." she continued. "Sorry for hurting you." she's now sniffing. "And sorry for abandoning you." that's when she cry. Humagulgol ito sa harapan ko. Hindi ako gumalaw. Ang tanging mga luha ko lamang ang naging sagot sa mga sinabi nyang iyon.

Lahat ng sinabi nya ay tumagos talaga sa buto ko. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko mula talampakan hanggang ulo.

"I'm so sorry." nilapitan nya ako't niyakap. Duon sa balikat ko sya umiyak ng umiyak.

"I am sorry Joyce." si Papa naman. "Now that I am here again. I feel like I am not worthy of being your Dad." umiling ako sa kanya. "I, I abandoned you knowing that you're lonely. I still ask you even if it's obvious that you need a family. Sorry. Your Dad is a fool and an idiot."

"Papa?.." umiiyak ko na ring tawag sa kanya.

"We didn't know that the one who's really hurt here is you. You lost your family, your own happiness and us. We didn't see that not until yesterday. Masyado kaming naging kampante na kaya mo nang mamuhay mag-isa kahit wala kami sa tabi mo. That was a fucking wrong. Hindi noon pumasok sa isipan namin na marami ka nang napagdaanan na hirap nang hindi kami kasama. You've been hurt and we didn't know. We are too blind to see that. But now?." naglakad sya't lumapit sa pwesto namin ni Mama.

"We'll make it up to you hija." naiiyak nyang sabi. Lalo tuloy bumuhoz s ang luha saking mata ng hawakan nya ako sa ulo at mahinang tinatapik tapik doon. "Babawi kami sa'yo."

Duon na ako tuluyang humagulgol. Napaupo pa ako dahil hindi ko na talaga kaya ang tumayo ngayon. Pinanghihina ako ng emosyon.

"And we'll never left your side again." dagdag pa ni Papa. Umiyak lang ako ng umiyak sa harapan nila.

Wala akong masabi kahit puno ng katanungan ang aking isipan.

Parang ayokong maniwala na nangyayari ang lahat ng ito sa harapan ko ngayon. Parang panaginip sya pero hinde. Totoo dahil ramdam ko ang higpit ng yakap ni Papa at ni Mama.

My heart is relieved.