Maingat na naglakad papalapit ang dalawa sa pinaroroonan ng Holy Grail.
Nakatuon ang buong atensyon ng dalawa habang dahan-dahang papalapit.
Hindi sila mga tanga; baka patibong ito ni Marvin.
Nakarating sila sa isang halaman na walang nakakasalubong na panganib.
Masama ang kutob ng dalawa sa sitwasyong ito.
"Base sa mapa, nasa harapan lang natin ang Holy Grail."
Tiningnan pa muli ng guardian ang mapa bago tiniklop ito at mahigpit na hinawakan ang shield.
"Nakatago sa mga halaman?" Ngumisi si White.
Alam niya ang tungkol sa ranger skill na Hide.
Pero kailangan niya pa ring gumamit ng detection para makasigurado!
Hindi siya gumalaw at gumamit na lang ng magic ring!
[Detect Life]!
Sa mga sumunod na sandal, isang maliit na tuldok ang lumitaw sa kanyang mga paningin.
Ibig sabihin may isang buhay na nilalang sa likod ng halaman na maaaring mapanganib!
'Ang level 5 na ranger na siguro 'yon.'
"Hindi naman niya alam na nasa paligid lang tayo. Kailangan talaga magpahinga pagkatapos tumakbo ng napakalayo."
"Pagkakataon na natin para patayin siya, saka natin papatayin ang kapatid niya!" Nakakatakot ang ngiti ni White.
Nilabas niya ang isang magic staff at nagsimulang mag-chant!
1st-circle spell, Hand of the Fire God!
Kumalat ang makapal na usok habang nagliliyab naman ang halaman na agad na kumalat. Isang Fire spell.
Pinanuod lang ni White ang nagaganap. 'Sapat naman na siguro 'yon para mapilitan siyang lumabas, diba?'
Kasunod na dito ang pagpatay.
Alam niyang maraming tao ang nanunuod sa mga espesyal na magic screen.
Wala siyang pakielam kung malupit ang pamamaraan niya.
Ilanga raw na siyang nagtitimpi ng kanyang galit. Kailangan niyang patayin ang magkapatid para mailabas ang galit na 'yon.
Pero naramdaman niyang may mali.
Bakit walang lumalabas mula sa halamang nasusunod?
'May problema ba?' Agad na napa-atras si White.
Maganda ang tiyempo ng guardian na agad sumugod paharap.
Sa mga oras na ito, bahagyang yumanig ang lupa, at isang matinis na sigaw ang maririnig mula sa halaman!
"Puta!" Mura ni White.
Isang malaking ulo ang makikitang lumalabas mula sa apoy habang nakalabas ang mahabang dila nito!
…
Natahimik ang mga manunuod.
Sa katunayan, nagalit na sila kay Marvin nang simulan niya ang kanyang balak!
Ganito ba siya kalupit?
Itinali niya ang Holy Grail sa isang kuneho, at inihagis ang kawawang kuneho sa isang halimaw!
Isang malaking ahas na namamahinga sa halamanan malapit sa ilog!
Agad niyang naisip ang planong ito nang makita ito.
Nag-aabang ng pagkakataon? Imposible.
Hindi ito naisip ni White; o baka dahil ito sa wala na rin siyang ibang paraan dail mas mabagal sila! Basta nasa kamay ni Marvin ang Holy Grail, nasa kanya ang alas.
At ginamit ng ani Marvin ang alas na iyon at nag-abang ng pagkakataon.
Matapos magising at kainin ng ahas ang kuneho, humiga rin ito sa may halamanan.
Mukhang inaantok ang ahas.
At nang makarating si White at ang kanyang alalay, naitago n ani Marvin ang kanyang sarili.
"Detect life man o iba pang detection spell, mag-dedetect lang ito sa iisang lugar na kasing taas lang ng nag-cast!'
'Pero, kayang mag-spatial scan ng mga 2nd rank na spell. Malas lang niya na hindi pa siya 2nd rank!'
Naunod lang si Marvin mula sa itaas.
Nagtatago siya sa pinakamataas na sanga ng isang malaking puno sa tulong ng kanyang Hide na skill.
Hindi napansin ni White si Marvin na nagtatago lang sa itaas niya mismo!
Ito na ang kanilang ikalawang pagkakamali. Isang malaking pagkakamali.
Wala na siyang oras na mag-isip pa dahil pasugod na sa kanila ang napakalaking ahas.
Mabilis ang malaking forest boa!
Nasa limang tonelada ang bigat nito!
Kaya naman kahit na isa lang itong 1st rank na halimaw, sa laki at bilis nito, hindi kakayanin ng isng ordinaryong class holder ang atake nito.
Pero kaya ito ng isang guardian!
...
…
"Papatayin natin 'yan!" Sigaw ni White.
Alam niyang nahulod na siya sa patibong at wala na siyang magagawa.
Ginalit na nila itong malaking forest boa sa pagsunod ng pahingahan nito. Siguradong halos mabaliw na ito sa galit.
Hindi niya rin alam kung paano itinago ni Marvin ang Holy Grail sa tiyan ng malaking forest boa!
Basta sigurado siyang nasa paligid lang si Marvin at nag-aantay ng pagkakataong umatake!
Pero wala na silang magagawa kundi dispatyahin muna ang malaking forest boa!
"Pipigilan ko siya!" Sabi ng guardian.
Inangat niya ang kanyang shield at sumigaw.
[Iron Bastion¹]!
Ang pinakamalakas na skill ng isang 1st rank na guardian!
Parang naging barikada ang kanyang buong katawan, at isang kakaibang ilaw ang tumama sa kanyang shield!
"Bang!"
Walang habas na tumama ang ulo ng forest boa sa shield ng guardian.
"Ahah!"
Bahagyang bumaluktot ang shield.
'Maganda ang shield niya,' Gulat na sabi ni Marvin sa kanyang sarili.
Nararapat lang para sa isang taong nagmula sa Unicorn clan, mayaman talaga. Maganda ang kalidad ng kanyang shield. Kung shield ito ng isang adventurer, siguradong nasira na ito sa atake ng boa!
Pero kahit na ganoon, nahirapan pa rin ang guardian na salagin ang ahas. Napa-atras siya ng dalawang hakbang, habang napilayan ata ang kamay na may hawak sa shield.
'Nabalian siya.' Napansin ni Marvin ang nangyari.
'Oras na.'
…
SSSS!
Bahagyang nahilo ang boa sa pagsalag ng guardian sa kanya gamit ang Iron Bastion.
Inilawit nito ang dila nito at handa na para sa ikalawang pag-atake.
Pero sa pagkakataong ito, isang Ray of Frost ang sumaksak sa dila ng boa!
May maliliit na butas na makikita sa dila ng boa. Pero hindi lang 'yon; nagsimulang tumigas aang kanyang dila, at di nagtagal nabalot na ng yelo ang katawan nito!
Hirap itong nagpaikot-ikot, at tila nawala na sa ulirat!
Nakahinga ng maluwag ang guardian habang pinapanuod ni White na manigas ang forest boa.
Siyang ang ika-labing-tatlong tagapagmana ng Unicorn clan. Hindi siya tanga!
Basta isa pa ring 1st rank, ang dila ng isang ahas ang pinakamahalaga dito dahil ito ang ginagamit nito para makiramdaman ang kanilang kapaligiran.
Matutunton nito ang kanyang kalaban sa pakikiramdam ng nagbagong temperature at amoy.
Makukuha lang nito ang infrared vision o spiritual awareness na mga skill kapag ubamot na ito sa 2nd rank. Isang 1st rank na malakas at malaking boa ay mawawala sa ulirat kapag nanigas ang kanilang dila!
…
Hindi mapigilang mamangha ng mga manunuod kay White nang makita ang pangyayari.
Matalino ang batang ito. Kapuri-puri ang kakayahan niyang makibagay sa nagaganap sa kanyang kapaligiran.
Pero bigla silang nag-alala para sa tagapagmana ng Unicorn clan!
Dahil susugod na ang mabangis na si Marvin!
…
Nawala sa ulirat ang forest boa dahil sa atake ni White. Nakahinga naman ng maluwag ang guardian dahil dito.
Pero sa segundong 'yon, gumalaw ng si Marvin .
Tumalon siya mula sa tuktok ng puno!
Nagulat ang mga tao. Kung hindi man siya mamatay sa taas ng tinalon niya, siguradong mababalian siya ng paa!
Ang mga may malilinaw na mata lang ang nakapansin ng taling nakapulupot sa katawan ni Marvin!
Wishful Rope!
Mabilis at tahimik ang pagbagsak ni Marvin mula sa puno. Agad siyang napunta sa likod ng guardian!
Saktong-sakto ang pagtalon niya. Nanlaki ang mat ani White, nagulat siya!
Hindi niya inaasahang lilitaw si Marvin agad.
Huli na ang lahat noong napansin niya si Marvin.
Iisa lang ang kahinaan ng mga guardian at 'yon ay ang batok nila.
Hindi nito napansin na lumabas ang kanyang batok noong sinasalag ang malaking forest boa.
Nang mawala ang epekto ng Iron Bastion, nanghina ito ng bahagya.
Isa itong malaking kakulangan. Mabilis na nagdesisyon si Marvin nang makita 'to at agad na umatake.
Kailangan dito'y mabilis na pagsunggab sa pagkakataon at mabilis na pagkilos!
Binunot ang Fang! At isang mabilis na atake!
"Slash!"
Direktang nahiwa nito ang batok ng guardian!
"Mamatay ka na!" Sigaw ni White.
Itinutok niya ang kanyang magic staff kay Marvin.
Subalit, hindi pa nakakalapag sa lupa si Marvin, agad na umikli muli ang wishiful rope. Habang binibigkas nito ang incantation, hinila siya pabalik ng wishful rope sa isang iglap.
Sa sobrang taas ng puno hindi na ito abot ng mga magic spell ang tuktok nito.
Galit na nagdabog si White, nanlalaki ang mata niya sag alit.
Bumigay ang katawan ng guardian. Kitang-kita ang gulat sa mukha nito.
Ni hindi niya alam kung paano siya namatay!
Isang beses pa lang nagagamit ni Marvin ang kanyang dagger na ito.
…
Walang masabi ang mga manunuod. Napakahusay ng atakeng ito. Hindi ito isang atakeng kayang gawin ng isang 14 anyos na bata.
Hindi rin ito matatawag na tsamba.
Patay na ang guardian, si White na lang ang natitira.
Pagbalik niya sa tuktok ng puno, tinanggal na niya ang tali at nagpatalon-talon sa mga puno para hindi makita ni White.
Nagpapaikot-ikot pa rin ang forest boa.
Hindi pa tapos ang laban.
Huminahon si White.
T/N – Boo Boo Doo De Doo :D