webnovel

Saint’s Strength

Éditeur: LiberReverieGroup

"Kuya!"

Hindi makapaniwala tiningnan ni si Wayne Marvin at agad na lumapit dito. Niyakap nito nang mahigpit si Marvin.

Ngumiti si Marvin.

Daniela, Anna, Fidel, ang Alchemist…

Lahat ay nakatingin kay Marvin, gulat at hindi makapaniwala.

Nagbalik na siya!

Ang haligi nang lahat!

Hinimas ni Marvin ang ulo ni Wayne. "Sandali lang, kausapin ko lang 'yong baliw na babae sa taas, ha?"

Agad na tumabi si Wayne.

Pagkatapos noon, sa harap ng lahat, binuka ni Marvin ang kanyang mga kamay at may binigkas.

Ang pabilog na barikada ay lumawak ng limang kilometro sa isang iglap, binalot ng gabi ang buong lugar!

Napakaliwanag ng mga bituin at malamig ang hangin.

Ang itim na ulap sa kalangitan ay nasira na ng kakaibang kapangyarihan, at wala nang natirang bakas nito!

Ito ang kapangyarihan ng Night Monarch!

Ito ang kapangyarihan ng isang Saint.

Haharapin na dapat ni Marvin si Madeline bago pa nito nai-cast ang Buring Firerain.

Isa na siyang 4th rank ngayon, at ang orihinal niyang plano ay patayin si Madeline, ay hindi na mahirap gawin.

Pero biglang may nangyaring hindi inaasahan!

Biglang nabuhay ang kanyang Eternal Night Imprint.

Biglang dumaloy sa kanya ang kapangyarihan mula sa Eternal Night Kingdom.

Nakakaramdam ni Marvin ng makapangyarihang kamalayan na unti-unting nanunumbalik sa Eternal Night Kingdom.

Marahil dahil ito sa paninindigan at lakas ng loob ng mga mamamayan ng White River Valley na ipagtanggol ang tahanan nila, o marahil dahil sa ibang bagay, pero biglang binuhay nito ang Eternal Night Imprint.

Nagising na ang espiritu ng Night Monarch.

TIla ba may nagawang kakaibang ritwal si Marvin at may bahagi ng Night Monarch ang pumasok sa Eternal Night Imprint.

Walang masyadong pag-uusap sa kanilang dalawa, pero agad na naunawaan ni Marvin ang intensyon ng Night Monarch.

Si Marvin ang kanyang tagapagmana.

Ang kapanyarihan niya ay kapangyarihan ni Marvin.

Kaya naman, sa ilalim ng paggabay ng Night Monarch, binuhay niya ang naiwang kapangyarihan sa Eternal Night Imprint.

Biglang naging isang makapangyarihang Legend si Marvin!

Tiningnan niya ang kanyang stats at ang Strength niya ay tumalon mula 15na puntos naging 30 na puntos, at ang kanyang Constitution mula 13 ay naging 28. Naramdaman ni Marvin na hindi na niya kailangan patayin si Madeline.

Kahit pa kaya niyang patayin ito ng palihim gamit ang kanyang kapangyarihan, ngayon kaya niya na itong kalabanin ng harapan.

Ang anim niyang Attribute ay nagkaraon ng makayanig mundong pagbabago, at halos umabot na ng 30 ang mga ito!

Kasabay nito, ang kanyang mga Night Walker skill at nagkaron ng matinding paglakas habang may ilang ability ng Night Monarch ang lumitaw. Sapat na ito para harapin ni Marvin ang bagong Advanced na Legend Wizard.

Pamumunuan niya ang mga naninirahan sa Feinan gaya ng Night Monarch noong unang panahon.

Sa gabi, siya ang Monarch!

"Marvin! Hindi ka namatay!"

Sabik na dinilaan ni Madeline ang kanyang labi.

Hindi niya pinansin ang mga pagbabago sa kanyang paligid.

"Sakto ang dating mo. Pagbabayarin kita sa lahat ng kahihiyang ginawa mo sa akin!"

Biglang nanlisik ang mga mata ni Madeline!

Bago pa man makapagsalita si Marvin, isang Legendary Dissociation spell ang pinakawalan ni Madeline!

Lumutang lang si Marvin sa kalangitan at nanatili doon, hinayaan niya lang tumama ang Dissociation spell sa kanyang katawan.

"Woosh!"

Isang maitim na liwanag ang humarang sa Dissociation.

Matapos dumaloy sa katawan ni Marvin ang kapangyarihan ng Night Monarch, hindi na siya tinatablan ng mga instant death spell!

Malaya na siyang nakakalipat at nakakagalaw sa kadiliman, at iilan lang ang kaya siyang tapatan.

"Madeline! Sinasakop na ng Book of Nalu ang isipan mo!"

Malakas na babala nito, "Kung hindi ka magigising, kamatayan ang naghihintay sayo!"

"Minamanipula ka!"

Humalakhak si Madeline. "Alam mo ba? Alam mo ba kung ano ang nakita ko? Nakita ko ang hinaharap!"

"Marvin, ah, Marvin, nakakamangha, hmmm, hindi ka pala talaga galing sa mundong ito…"

Nanlamig si Marvin!

Ano ba talagang kakayahan ang nakuha ng babaeng ito sa Book of Nalu?

Gayunpaman, hinnayaan niya lang itong magpatuloy!

Nang bigla siyang nawala!

[Night Boundary].

Sa ilalim ng telon ng kadiliman, nasusunod ang lahat ng kagustuhan ni Marvin at kaya niyang baluktutin ang paligid.

Isang malamig na curved dagger ang humati sa hangin, at walang habas na papunta sa ulo ni Madeline!

Sapilitang naputol ang kanyang pananalita.

Ang kanyang Strength na umabot na sa mala-god na 30 ay direkatang nilusutan ang barikada ng depensa ni Madeline!

Nagulat si Madeline at nagmadaling pumasok sa isang Teleportation Door.

Nang biglang lumitaw muli si Marvin sa kanyang likuran!

Walang awa itong sinundan ng curved dagger ni Marvin at huminto ito sa kanyang leeg.

Shadow Escape!

Sa gabi, kung kailan napupuno si Marvin ng kaangyarihan ng Night Monarch, walang makakatapat kay Marvin.

Si Leymann na nasa peak ay marahil hindi pa rin makatapat kay Marvin paano pa kaya ang baguhang Legend gaya ni Madeline.

Isang malamig na kaliwang kamay ang dumukit sa leeg nito.

Naramdaman niyang mabilis na nawawala ang kanyang Magic!

"Hindiiii!"

Naghihinagpis na sigaw ni Madeline, "Hindi mo pwedeng gawin iyan!"

[Chaos Magic Seal]!

Isa sa mga skill ng Night Monarch.

Ang spell na ito ay ang ginagamit dati ng Night Monarch para iselyo ang mga ability ng mga halimaw na nagmula sa Chaos.

Pero maaari rin itong gamitin sa mga Wizard, lalo na sa mga Legend Wizard.

Sa loob ng ilang segundo, nai-selyo na ang kapangyarihan sa katawan ni Madeline!

Naging isa na siyang mortal.

Dahil sa pagkawala ng kapangyarihan, nawala na rin ang kaunting katinuan na natitira sa kanyang isipan.

Hindi niya pinansin ang curved dagger ni Marvin at hinawakan ang sariling buhok nito!

"Pakiusap, ibalik mo na ang kapangyarihan ko!"

"Pakiusap, wag mo kong patayin!"

Paulit-ulit na sinasabi nito.

Makapigili hininga ang eksenang ito para sa mga nanunuod.

Hindi ba masyadong malaki ang nagbago sa sitwasyon?!

Bigla lang lumitaw si Lord Marvin at walang kahirap-hirap na natalo si Madeline na kailan lang naging isang Legend?

Nagulantang ang lahat ng Knight sa River Shore City!

At si Collins naman ay agad na tumakas nang makita si Marvin. Sinundan siya ng mga Paladin ng Silver Church sa pagtakas.

Masayang nagdiwang naman ang mga mamamayan ng White River Valley!

Sa kalangitan, matagumpay na nai-selyo na ni Marvin nag kapangyarihan ni Marvin.

Nagdalawang-isip si Marvin dahil sa walang tigil na pagmamaka-awa nito.

Sa huli, nagdesisyon ito.

Ang mga taong nanghihimasok sa White River Valley ay hindi pwedeng manatiling buhay.

Lalo pa si Madeline na sinakop ng ng Book of Nalu ang pag-iisip. Hindi na siya ang dating City Lord ng River Shore City.

Kailangan niya nang mamatay.

Kaya naman walang habas na nilaslas ng curved dagger ang lalamunan nito!

Tahimik na pinanuod ng lahat ang pagbagsak ng ulo ni Madeline mula sa kalangitan.

Hindi alam ng mga Knight ng River Shore City kung ano ang dapat nilang maging reaksyon.

"Woosh!"

Isang maitim na anino ang bumaba mula sa kalangitan. Lumitaw si Marvin sa harap ng Head Knight.

"Nasiraan na ng ulo si Madeline. Tulad nang nakita mo, sinubukan niyang labagin ang batas ng Alliance, gumamit siya ng pwersa para atakihin ang White Rver Valley. Pinrotektahan ko lang ang teritoryo ko at ang mga nasasakupan ko."

"Kung may reklamo ka, pwede mo akong puntahan. Pero mga Mister, kung ako sa inyo ay babalik muna akong River Shore City at hihintayin ang sasabihin ng Alliance."

Dismayadong nagkatinginan ang mga Knight. Hindi nila alam kung bakit, pero may kakaibang presensya si Marvin na hindi nila ito kayang suwayin!

Pakiramdam nila ay wala silang ibang magagawa kundi sumunod dito dahil sa paraan ng pananalita nito.

Tahimik na umatras ang pwersa ng River Shore City.

Walang pumansin sa bangkay ni Madeline na nakahandusay sa tabi.

Pagkatapos ay biglang nawala ang telon ng kadiliman!

Bumalik na sa dati ang kalangitan at bumalik na rin ang kulay ng gabi.

Tiningnan nilang lahat si Marvin na dahan-dahang pabalik mula sa panig ng River Shore City. Pakiramdam ng lahat ay isang malaking ilusyon lang ang araw na ito.

Bumalik na ang mga mamamayan ng White River Valley na lumikas.

Kaya naman, ang kautuan ng paglikas ay naging kautusan ng pagdiriwang!

Pinakalat na ng lahat na ligtas na nakabalik si Lord Marvin, at ang balita tungkol sa pagpigil nito sa isang pagsalakay nang mag-isa.

Sa palasyo, sa kabila ng pagpapaliwanag ni Marvin sa nangyari, marami pa rin tinanong sa kanya ang mga tao.

At tulad ng dati, may mga detalye wala siyang magagawa kundi ibahin ang sagot.

Sa kasamaang palad, madali man naniwala sa mga ito sina Wayne, Anna, at ang iba pa, hindi naman ito pinaniwalaan ni Daniela.

Galit na galit na tinititigan ni Daniela si Marvin.

"Matagal ka na palang nakabalik. Bakit hindi ka nagpakita kaagad?"

"Binugbog ang mapapangasawa mo ng isang Half-Demon hanggang sa dumura na siya ng dugo tapos hindi ka man lang lumabas! Tunay na lalaki ka ba Marvin?!"

Pilit na lang na ngumiti si Marvin at napakamot sa ulo.

Lumapit lang si Marvin nang magsimula nang maglaban si Madeline at Daniela. Kikilos na dawa siya noong namumuo na ang Burning Firerain pero biglang nabuhay ang Eternal Night Imprint.

Kaya sa katunayan, hindi lang siya basta-basta naghintay.

Dahil sa galit ni Daniela, walang nagawa si Marvin kundi tumawa at humingi ng tawad.

Gayunpaman, ginawa ni Daniela ang lahat nang makakaya niya para sa White River Valley. Kung hindi dahil sa kanyan, baka bumagsak na ang White River Valley bago siya nakabalik.

Sa balkonahe ng palasyo, hindi mapigilang maiyak ni Anna.

Nang mawala si Marvin, maghapon siyang natakot. Pautli-ulit niyang sinasabi sa sarili niya na ayos lang si Marvin pero dahil sa nasaksihan niya alam niyang niloloko niya lang ang sarili niya.

Ngayong nakabalik na si Mrvin, hindi na ito nakapagpigil ng kanyang emosyon.

"Pwede mo bang ipangako sa akin na hindi ka na ulit gagawa ng ganoon?"

Natahimik si Marvin sa hiniling ni Anna sa kanya.

Alam niyang nanganib ang buhay niya at dahil dito natakot ang mga taong nagmamahal sa kanya.

Pero kaya ng aba niyang hindi gumawa ng ganito sa hinaharap?

Marahil hindi.

"Anna, ang maipapangako ko lang sayo ay mas maiingat na ako…"

"Mayroon pa akong planong…"

Hindi pa siya tapos magsalita nang biglang may isang bulalakaw ang lumitaw sa kalangitan!

Kumibot ang mata ni Marvin!

Papalapit sa kanila ang bulalakaw.

"Tabi…"

Tinulak niya palayo si Anna.

Tumama ang bulalakaw sa barandilya ng balkonahe at kay Marvin!

Nakaramdam siya nang matinding sakit sa kanyang dibdib nang tumalsik siya.

Bumagsak ang katawan nito sa lupa at isang malaking pwersa ang humila sa kanya pataas!

Sa isang iglap, pakiramdam ni Marvin ay umiikot ang mundo at natuliro siya.

Isang pamilyar na mukha ang nakita ni Marvin.

Si Hathaway.

"Ha.."

Balak sanang batiin ni Marvin ito pero hindi niya mailabas ang salita niya.

"Plak!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha.

Natigilan si Marvin.

Pagkatapos ay nakaramdam siya nang mainit na pakiramdam sa kanyang labi.