Kasing bilis ng kidlat ang naging pagkilos ni Marvin, sinamantala niya ang pagkakataon!
Pero hindi siya nakakuha ng kahit anong battle exp pagkatapos umatake!
Lumutang ang ulo ng High Priestess sa hangin. Tila umiiral ang isang misteryosong pwersa.
Ngumisi si Marvin at mabilis na nilapitan ang ulo!
Sa harap ng maraming manonood, lumipad palayo ang ulo ng High Priestess dahil sa pag sipa dito ni Marvin.
Umatungal ang Hellhound, bumuka ang isa sa mga bunganga nito, at nilunok ang ulo ng High Priestess!
"Roar!"
Umalulong uli ito sa kalangitan. Umatras ang lahat ng Zealot.
Sadyang nakakagulat ang ganitong pangyayari!
'Gusto mo pa bang mabuhay matapos pumasok ng kaluluwa mo sa sikmura ng Infernal na nilalang?'
Makikita ang panunuya sa mga mat ani Marvin. Habang tuliro pa rin ang mga Priest, nagsimula na siyang umani ng mga buhay.
Kahit na ang mga Priest ay protektado ng Divine Power, pinahina naman ang mga ito ng asido.
Walang kahirap-hirap na pinatay ni Marvin ang mga ito!
Isang tao, isang aso.
Nakakagulat na nagawa nilang durugin ang Shrine!
…
Ang mga sibilyan man ng Royal City na nasa lansangan, ang mga Noble na nasa Imperial Palace, o ang Great Priest at Orlan na itinigil ang kanilang laban…
Pinanuod ng lahat ang eksenang iyon sa kalangitan.
Napuno ng takot ang kanilang mga puso!
Namatay na ang High Priestess!
Ang High Priestess ng Shadow Shrine!
Ang makapangyarihang tao na nakatanggap ng blessing ng kanilang God, ay napugutan lang ng ulo nang ganoon-ganoon lang ng isang dayuhan mula sa ibang plane.
Isa pa, nilunok ang kanyang ulo ng isang Hellhound.
Sa isang iglap, kahit ang mga matatag sa kanilang paniniwala ay nagkaroon ng pagdududa!
Naniwala silang walang makakatalo sa kanilang God, pero napatay ang Apostle nito nang ganoon lang.
Kung maaaring mapatay ang Apostle, paano naman ang mismong God?
Ayaw na nila itong isipin pa!
"Sumuko ka na." Walang emosyong tiningnan ni Orland ang Great Priest. "Ang Era ng Shrine ay tapos na."
"Imposible!" Makikita ang kasamaan sa mukha ng Great Priest kasabay nang malakas na pagsigaw nito, "Ang aming God ang pinakamakapangyarihan sa lahat!"
"Kamatayan lang ang naghihintay sa inyong mga lapastangan at mga pagano!"
Nagkaroon din ng kaguluhan sa mga Shrine Paladin.
Kahit na mabilis itong natapos, agad na ibinaon ang kahit anong hindi pagkakaunawaan.
Noong mga oras na iyon, isang Noble ang tumuro sa ulap sa kalangitan at sinabing, "Tingnan niyo!"
"God, God, ang Idol…"
Tiningnan ng lahat ang itinuturo nito at nakita ang malaking istatwa na dahan-dahang naglalakad mula sa dilim.
Minulat nito ang mga mata niya at kumisap-kisap ang liwanag ng Divinity. Walang emosyon ang mga mata nito na para bang mga aso at baboy ang tinitingnan.
"Kasamaan…."
"Wasakin…"
Utal-utal itong nagsasalita gamit ang lenggwahe ng mga Ancient God!
Naramdaman ni Marvin na hindi na maganda ang sitwasyon nang marinig ni Marvin ang boses na ito!
Malaking hakbang ito.
'Si Glynos dapat 'yon. Nagtatago siguro 'yon sa God Realm at minamanipula ang kanyang Idol.'
Mabilis ang naging reaksyon ng mabilis na pag-iisip ni Marvin. Ang istatwang ito ay isang malaking patibong. Siguradong naghanda ito ng isang nakakatakot na Divine Spell!
Kailangan na niyang tumakas!
Ginamit niya ang parehong Night Boundary at Shadow Escape, sa isang iglap nakatakas na ito at apat na kilometro na ang layo nito mula sa kanyang pinanggalingan.
Pero ang mangmang na Hellhound ay mabagal ang naging reaksyon.
Wala na ang mga Zealot na nasa kanyang katabi at tanging mga Shrine Paladin na lang ang naiwan!
Sa katunayan, kung hindi dahil sa biglang pagbabago sa istatwa, marahil nagtakbuhan na ang mga Paladin!
Hindi naman lahat ay handang itapon ang kanilang buhay. Lalo pa at kaunti lang ang mga panatikong Zealot.
Umalulong ang mga Hellhound kasabay ng pagsugod nito sa istatwa.
Isang nakakasilaw na liwanag ang lumabas sa mata ng Idol!
[Divine Spell - Molten Judgement!]
Namuo ang liwanag at naging dalawang nag-aapoy na poste at direktang tumama sa dalawang ulo ng Hellhound!
Sa isang iglap, naging umaga ang gabi at nayanig ang buong Eastern Snow Mountain!
Niyanig ng kapangyarihan ng God na ito ang mundong ito!
Ang mga nakakatakot na poste ng liwanag ay binasag ang dalawang ulo ng mga Hellohound. Tanging ang ulo nito na nasa gitna ang naiwan. Nakaiwas ito sa pagkadurog dahil sa mas maliit ito kumapara sa dalawang pang ulo.
Ang mga Cleric at Paladin na malapit sa poste ng liwanag ay agad ring natunaw.
Nagulat ang lahat sa nakakatakot na kapangyarihan nito.
Ang Two-Headed Hellhound na napakalakas ay nadurog nang ganoon lang ang dalawang ulo nito!
Isa-isang nagsimulang lumuhod ang mga tao sa Royal City habang nagdadasal na patawarin sila ng kanilang God.
Sa Imperial Palace, kahit na mas maayos ang kalagayan ng mga Noble, namumutla pa rin ang mga ito.
Naluluha naman sa tuwa ang Great Priest. "Ito ang kapangyarihan ng aming God!!"
"Lahat kayo ay makasalanan! Humanda na kayong tanggapin ang paghuhuokom ng aming God!"
Makikita ang pag-aalala sa mukha ni Nana.
'Magagawa mo ba?'
Naalala niya ang imahe ng mukha ni Marvin noong nangako ito.
Ang sino mang hindi nakaranas ng pagyanig na iyon ay hindi maiisip kung ano ang pakiramdam nito.
Noong una, kahit paano ay kampate siya na kakayanin ng Nottingheim Family ang digmaang ito, pero ngayon, nakaramdam siya ng takot dahil sa kapangyarihan ng Idol!
Nasaan na ba ang Marvin na iyon?!
….
Mukhang mayroong negatibong epekto ang ulap sa kalangitan.
Lahat ay natakot sa kapangyarihan ng god na ito. Lumuhod sila at patuloy na nagdasal.
Mukhang nauwi sa wala ang mga sinabi at ginawa ng Princess.
Mabagal ang pagkilos ng Idol at banayad ang bilis nito.
Inapakan nito ang huling ulo ng Hellhound!
Walang nagawa ang Hellhound kundi humiyaw sa takot.
"Paghuhuko… Walang makakatakas!" Walang emosyong sabi ng istatwa.
Ginamit nito ang lahat ng kanyang lakas at walang awang dinurog ito!
Madudurog na sana ang huling ulo ng Hellhound nang biglang may malakas na ingay ang aalingawngaw mula sa kabilang bahagi ng Eastern Snow Mountain. Hindi …hindi lang ito ingay, isang sinag ng liwanag!
Parang kulog ang liwanag na ito, umalingawngaw ang dagundong nito at direktang tumama sa Idol.
"Bang!"
Nasa bingit na ng pagguho ang Idol.
"Basurang mortal…"
Hindi na ito natapos.
Dalawang kilometro mula sa Idol, panunuyang sabi ni Marvin, "Ang dami mong satsat!"
Pagkatapos ay mabilis niyang kinargahan muli ang Brilliant Purple!
"Bang!"
Isa pang Dragon Tooth!
Sa pagkakataong ito, tumagos ang Dragon Tooth sa leeg ng Idol.
"Bugush!" Nagsimula nang mabasag ang ulo ng Idol!
Nagsimula nang mawala ang Divinity sa mata nito!
"Hindi ba isa lang naman 'yang malaking bato?"
"Sapat na ang isa pang tira para pabagsakin ka!"
Tiniis lang ni Marvin ang sakit mula s amalakas ng sipa nito at ipinasok ang huling Dragon Tooth sa Brilliant Purple!
Lumingon ang istatwa at humarap ito kay Marvin.
Isang nakakatakot na kapangyarihan ang namumuo.
Pero hinila na ni Marvin ang lever sa huling pagkakataon!
Nabasag ng Brilliant Purple ang leeg ng Idol!
Gulat namang nanunuod ang lahat nang tao sa Royal City, ang malaki at makapangyarihang Idol ay nabasag na!
"Bugush!"
Bumagsak ang mga piraso ng bato.
Nanghihinang hinawakan ni Marvin ang Brilliant Purple habang pawis na pawis na nakahiga sa lupa.
"Mabuti na lang mas mabilis ang pag-atake ko!"