webnovel

Death of a legend

Éditeur: LiberReverieGroup

Tumango si Anna.

Grupo-grupo nang naka-alis ng River Shore City ang mga sundalo ni Marvin dahil sa kanyang paghahanda.

Matindi ang depensa ng River Shore City pero mayroon pa ring tagong lagusan na pagmamay-ari ng iba't ibang tao.

Sa katunayan, binayaran ni Marvin kagabi ang goblin para bigyan siya ng impormasyon tungkol sa mga lihim na daananan palabas ng siyudad.

Hindi na masyadong pinansin ng mga patrol ang isang kanal sa bandang hilagang bahagi ng siyudad matapos nilang alisin ang naagnas na bangkay ng isang halimaw na dating nakatira doon.

Kaya naman mayroong bahagi ng lagusan na iyon na kayang gamitin ng isang tao upang makapasok o makalabas ng siyudad.

Kontrolado ng Black Claw chamber ni Bane ang lugar na 'yon. Dahil magkasosyo ang dalawa, itinakas palabas ng mga 'to ang mga gwardya ni Marvin.

Bumalik muna sila sa Green Village dala-dala ang mga mamahalin bagay na nakuha nila.

Malaki ang tiwala ni Marvin sa mga 'to lalo pa at pinamumunaan sila ni Andre. Hindi naman nila pagtatalunan ang mga material na bagay.

"Masyadong mapanganib ang ginawa mo!" Pinagalitan ni Anna si Marvin, "Alam kong galit ka at nararapat lang sa kanya 'yon dahil sa pagpatay niya sa Old Lord. Pero paano kung mag-imbestiga ang mga wizard?"

alalang-alala ang half-elf na butler. Siya mismo ang nagbalik sa anak ni Miro kaninang umaga. Kinahapunan, agad na naglabas ng pabuya ang bawat guild para kay Masked Twin Blades. Halatang-halata naman kung sino ang nagpakalat nito.

Lalong pinagigting ang seguridad ng mga matataas na opisyal ng munisipyo dahil sa pangyayaring ito.

"Malabo 'yan" bahagyang ngimiti si Marvin.

Hindi siya gaanong nagpaliwanag.

Malaki pa rin ang respeto ng mga tao sa wizards sa panahong 'to.

Lalo pa at sila ang naghahari sa mundo at era na 'to.

Kaya naman maayos at maganda ang seguridad ng River Shore City. Pero dati 'yon.

Tandang-tanda ni Marvin na nawala ang lahat ng ability ng mga diviners anim na buwan bago ang Great Calamity.

Isa na 'tong pagpapahiwatig ngunit hindi pinansin ng mga wizard. Kung sabagay mahirap naman talaga maintindihan ang divination.

Ang pagkuha ng makapangyarihang god of time ng piraso ng ipinagbabawal na magic power sa Universe Magic Pool ang tunay na dahilan nito. Dahil konektado sa divination ang pirasong nakuha nito.

Ito na ang simula ng pagkilos ng mga god.

Kaya mas naging mapangahas si Marvin dahil alam niyang hindi siya mahahanap ng mga diviners.

at 'yon ang katotohanan.

Imposible rin naming ang mataas na opisyal ng munisipyo na si Miro ang sumama at magturo kay Marvin. Ayaw lang nitong isipin ng mga tao na pinapabayaan niya ang kanyang tungkulin kaya siya naglabas ng warrant upang kumilos na ang mga patrol.

Wala na itong ibang gagawin kundi ang pag-alok lang ng pabuya para sa Masked Twin Blades at ang palihim na pagiimbestiga tungkol sa nangyari.

Kinagulat lang ni Marvin ang narinig niya sa isang tavern ng tanghaling 'yon. Narinig niyang mayroon ngang nahuli ang mga patrol na mga evil cult followers sa docks.

'Naabutan daw ang mga 'to na nag-aalay para sa [Plague God]. Mukhang minalas ang mga 'yon ah.'

Kasama talaga sa plano ni Marvin na papunthin ang mga patrol sa docks pero hindi niya akalain na may mahuhuli ngang mga evil followers ang mga 'to.

Dahil dito, may naalala si Marvin.

Pareho nang nagsimulang magparamdam sa buong south ang [World-ending Twin Snakes] at ang mga taga-sunod ng [Plague God]

Ibig sabihin, malapit na magsimula ang pinakamagulong panahon.

Wala ng oras para magpahinga. Kailangan na niyang mabawi ang White River Valley sa lalong madaling panahon!

Pero bago 'yon, kailangan niya munang magpanggap na isang biktima.

Dahil sa pagkamatay ni Miller at tanging si Marvin na lang ang kamag-anak nito, nangangahulugan lang 'to na sa kanya mapupunta ang lahat ng ari-arian nito.

Alam naman ni Marvin na kahit sinabihan na siya ng munisipyo, tira-tira na lang ang mapupunta sa kanya dahil kukurakutin na ng mga ito ang mga dapat niyang manahin.

'Hindi naman pala nila sasagarin. Ang buong akala ko, hahanap na lang sila ng dahilan tulad ng, nilimas na ng mga thief ang mga ari-arian nito kaya wala na akong makukuha.'

Kinahapunan, nagpalit na uli si Marvin ng damit na pang noble. Oras na para bumalik sa pagiging isang mahinang noble.

Pumunta siya sa munisipyo kasama si Anna.

Tulad ng inaasahan, ang titolo ng bahay at lupang binili ni Miller sa wealthy district 31 lang ang ibinigay sa kanya ng opisyal na namamahala sa mga ipamamana.

Hindi na sinama ang iba pang mga ari-arian nito tulad ng mga perlas at iba pang mga kagamitan.

"Nakikiramay ako, sir Marvin," taos-pusong sabi ng opisiyal.

Nagkunwari si Marvin na nanghihina at sinabing, "Ngayong namatay na rin ang aking tiyuhin na tanging kapamilya kong natira, kalian kaya pwedeng magpadala ng mga hukbo ang River Shore City para mapalayas ang mga gnoll? Kailangan kong mabawi ang teritoryo ko."

"Wala pa hong kasiguruhan Sir Marvin. Alam mo naman na nagkalat ang mga evil cult followers sa loob ng siyudad, pati na rin ang mga mamatay taong si Masked Twin Blades na pumatay sa tiyuhin mo. Kaya mas kailangan ang mga hukbo dito sa siyudad. Mas makabubuti siguro kung maghintay pa kayo ng kaunti dito sa River Shore City," pagsisinungaling na sagot ng opisyal.

Kitang-kita ang pagkadismaya sa mukha ni Marvin.

Hindi siya makapaniwala.

Wala ng dahilan ang mga nasuhulang opisyal para hindi magpadala ng mga sundalo para palayasin ang mga gnoll dahil patay na si Miller.

Dahil kung tutuusin, isang malaking banta rin sa seguridad River Shore City ang mga gnoll dahil magkalapit lang ito at ang White River Valley.

Pero iniiwasan pa rin ito ng mga opisyal.

'Mayroon pa kayang ibang taong gustong makuha ang White River Valley bukod kay miller?'

Matalino si Marvin, nagawa niyang maisip ang mga posibleng dahilan nito.

Ngunit wala naman siyang balak umasa sa patrol ng River Shore City. Sadyang ito lang ang nararapat gawin. At isa rin itong pamamaraan para magsiyasat.

Mukhang mayroon pang ibang tao sa River Shore City na may pagnanais sa kanyang kalupaan.

Tiningnan ni Marvin ang kanyang quest menu at hindi pa rin nagbabago ang kanyang main quest, [Reclaim you territory] pa rin 'to.

Pero mayroon na lang siyang 18 na araw para gawin 'to.

Pinlano na agad ni Marvin ang susunod niyang gagawin pagka-alis ng munisipyo.

Matapos ang patayan at pagsunog kahapon, na sinundan ng pagnanakaw, nakakuha si Marvin ng malaking halaga ng kayamanan sa bahay ni Miller. Umaabot ng higit sa 100,000 na pilak ang lahat-lahat!

Dinala ng hukbo ni Marvin ang ilang magagaan at madaling dalhin.

Habang ibinenta naman ni Marvin ang iba pa kay Bane bilang si Masked Twin Blades.

Sadyang tuso ang matandang goblin. Alam niya kung sino ang dapat katrabaho.

Nakakatakot ang dating ni Marvin kaya naman, maganda ang presyohang ibinigay nito sa kanya.

kitang-kita rin kasi nito na malalakas na phantom assassin ang dalawang kasama ni Marvin.

At sa trabaho niyang ito, alam niyang hindi dapat ginagalit ang mga assassin.

Kaya sinigurado ng matandang goblin na ipaalam kay Marvin na kahit may malaking pabuya ito sa ulo, isang isang mahalagang kasosyo si Masked Twin Blades para sa Black Claw.

Mayroong 50 na ginto si Marvin sa kasalukuyan. Kung susumahin ang katumbas nito sa pilak, umaabot ito ng 50,000 na pilak.

Sapat na 'to para makapag-arkila ng isang party ng mga adventurer!

"Heto ang 30,000 na pilak."

Ninigyan ni Marvin ng isang supot si Anna at sinabing, "Pumunta ka sa adventurer guild at pumili ng ilang tao. Dapat mayroon silang official class. At unahin ang mga mayroong battle experience at leading experience. Pati na ang mga Fighter na may sariling armor at sandata. Dalawampu ang kunin mo. Ikaw na ang bahala."

Tumango ang half-elf.

May tiwala naman siya sa kakayanan ni Anna. Magagawa niya ng maayos ang pagkuha ng mga adventurer.

Kung gusto niyang makuha ang pabalik White River Valley, hindi sapat ang kanyang garrison. Kailangan niya pa ng karagdagang mga tao.

"Master Marvin, paano po kayo?" Tanong ni Anna.

"Ako?" Ngumiti si Marvin at sinabing, "Pupunta muna ko sa White River Valley. Kailangan natin ng magmamanman, hindi ba?

Nasisinagan ng liwanag ng palubog na araw ang tuktok ng East Coast Holy Light Tower.

Sa pinakamataas na platform, makikita ang isang bangkay na nakahiga sa tabi ng isang payat na matandang lalaki.

Kahit na masama ang lagay ng kalusugan ng legendary wizard na 'to, malakas pa rin siya. Kung kaya kahit na sinugod siya ng hindi nalalaman at malapit nang mamatay, nagawa pa rin niyang patayin ang tagasunod ng Twin Snakes Cult.

'Yon nga lang, Malapit na rin siyang mamatay.

Kahit na isang mahinang god ang shadow prince, isa naman siyang makapangyarihang legendary assassin bago maging isang god.

Pumikit si Anthony na punong-puno ng mga sugat ang mukha.

Magulo at hindi maintindihan ang mga boses na nanggagaling sa Eye of the Bright Sun na para bang may sumasagabal dito. Sinubukan rin nilang tawagan ang iba pang legendary wizard sa rehiyong 'yon ngunit may isang force field na humahadlang sa kanila.

Isa itong sabwatan.

Iika-ikang pumunta si Anthony sa dulo ng platform. Kitang-kita mula sa kinatatayuan niya ang parehong Sail Boat City na nasa dakong hilaga pati ang Jewel Bay sa timog. Makikita ang lahat ng ito sa isang tingin.

'Napakaganda.'

Tumayo lang doon ang matandang lalaki at nagsimulang mag-chant.

Paglipas ng 30 segundo bumagsak mula sa plaform ang lalaki.

At may isang maitim na ulap ang namuo sa kalangitan.

Sa isang iglap, nakaramdam ng sakit ang lahat ng nilalang na may mabuting puso sa buong East Coast.

Isang babaeng mahina ang willpower ang hindi napigilang umiyak.

Napatingin ang lahat sa dakong silangan na may gulat sa kanilang mga mata.

Isang legend ang namatay!