webnovel

Honey, Let’s Get Married? (5)

Éditeur: LiberReverieGroup

Chapter 1434: Honey, Magpakasal Tayo? (5)

"Chief, sorry. Gusto kong mag-resign. Ayaw ko nang magtrabaho dito."

"Bakit? May kumausap ba sayo?" Naisip ni Huo Mian na hindi na kaya ni Chen Jie ang mental pressure.

Umiling si Chen Jie. "Hindi, tingin ko lang masyado akong clumsy. Hindi ko na nga masyadong natutulungan si Ni Yang, gumagawa pa ako ng gulo at napapahirapan ko pa siya. Alam kong hindi ako gusto ni Sister Yinzi at palagi silang nag-aaway ni Ni Yang dahil doon. Ayaw kong mangyari iyon. Tingin ko baka dapat bumalik ako sa previous position ko. Ikaw ang nagdala sakin dito, at kahit hindi sinasabi ng mga tao sa harap ko, sasabihin nila kung ano gusto nila pag di ko alam. May pakialam ako sayo at kay Ni Yang at ayaw kong magkaroon kayo ng negative consequences dahil lang sakin."

Tahimik lang si Huo Mian.

"Chief, sorry. Pakawalan mo na lang ako. Pero hindi talaga ako yung spy," sabi ni Chen Jie, may luha ang kanyang mga mata.

Chapitre verrouillé

Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com