webnovel

MY VILE WARMTH (GL)

A unfortunate sequence in their life brings them together to face a trial that their family struggling to overcome. A chained destiny pulling them to be one and conquer all the misfortunes. Love or death is their only choice they are holding but if they choose between them, only consequence will tell them the right choice.

Piksmeayminit · LGBT+
Pas assez d’évaluations
35 Chs

The Past

YRA'S POV

"Anong nangyari do'n?"

Nakita ko nalang kasing nakatulalang nag lalakad si Lexie papunta sa ref.

"Baka broken?"-Tristan

"Bakit? Binusted na?"-Angel

Dumalaw ang kambal ngayon dito kaya nag tipon tipon kami para mag usap usap. Mga nag si absent ang mga baliw kasi raw susunduin namin si Gab mamaya gusto raw nilang makita.

"I can hear you bitches"

Walang ganang aniya at saka bumalik sa kwarto niya.

"Di siya sasama? Bebe niya 'yon tapos hindi siya sasama?"-Bea

"LQ ata sila. Nag dadabog 'yang umuwi kagabi."

Sabi ko sa kanila sabay kain ng french fries na nasa gitna namin.

Tinawanan nila ang sinabi ko.

Si ate Mika nalang ang inaantay namin.

"Sabi niya di siya sasama at mag papractice lang daw siya para sa competition niya. 2 weeks nalang pala 'no?"-Tristan

Excited na rin kami kasi syempre sasama kami, Di pwedeng wala kami do'n kahit taboy na taboy sa'min si LJ.

*Current location*

Mabilis kong tiningnan ang cellphone ko.

"What is this?"

"Why?"-Bea

"Di yata makakasama sa inyo, balitaan niyo nalang ako ah."

Tumayo na ako at nag madaling tumakbo sa pinto.

"Sa'n ka pupunta Yra?"

Hindi ko na sila sinagot at mabilis na nag tawag ng taxi.

Bakit nandoon siya?

Mas nauna pa akong makapunta sa hospital kesa sa mga kasama ko dahil sa kakuparan ng kilos ng kapatid ko pero ang pinaka pinag tataka ko ay kung bakit siya nandito?

Nilolocate ko ang Cellphone ni Fana at nakita kong nandito siya sa Central Hospital.

Lagot talaga ako kay Lexie kapag may nangyaring masama sa babaeng 'to.

Sinundan ko kung saan ako dadalhin ng arrow na nasa cellphone ko.

Dinala ako nito sa rooftop ng Hospital.

Binuksan ko 'yon at dalawang pamilyar na pigura ang nakita ko.

"Gabby please? Atleast let me explain-"

"Ang kulit mo naman eh, ayos nga lang sa'kin at hindi na nga kailangan ng explanation. Welcome back."

Parang pinaleng sabi na ni Gab habang mag kaharap sila.

"You're sarcastic."

"I am not. Ano ba kasing gusto mong marinig sa'kin? Winelcome back na kita-"

"I want to pursue you... again"

Nag rambulan sa bilis ang pintig ng puso ko.

Mag best friend sila pero na lilink sila sa iisang babae?

Hindi ko alam kung paano pa ako kikilos nito. Natatakot ako sa mga magiging desisyon ni Lexie kapag nalaman niyang may ganito ang best friend niya at ang babaeng mahal niya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo Fana? Umalis ka nang walang paalam tapos babalik ka para sabihin 'yan?"

Napa kagat ako sa ibabang labi ko sa mga naririnig ko.

Isang krimen parin ang nag uugnay sa kanila nang si Lexie lang ang nakakaalam.

"Just give me another chance Gabby, I won't leave you again."

Nakita ko kung paano kumuyom ang kamay ni Gab.

"Sinabi mo na rin yan dati, hindi na ako maniniwala sa'yo. Bilang kaibigan kaya kitang tanggapin pero kung higit pa sa kaibigan, sorry hindi ko na kaya sumugal ulit sa'yo."

Ako ang nasasaktan sa mga usapan nila. Naka hawak lang ako sa doorknob habang nakatingin sa kanila.

"Gabby please, nahirapan din naman ako no'ng mga panahong-"

*PAK*

Napa takip ako sa bibig ko nang sampalin niya si Fana.

"Tama na, higit sating dalawa ako ang mas nahirapan. Nasa'n ka no'ng kailangan ko ng masasandalan? Namatay ang tatay ko Fana! Higit na kailangan kita no'n para may masandalan ako, pero anong ginawa mo? Dumagdag ka lang sa bigat na nararamdaman ko!"

Umiiyak na si Gab at dama ko ang sakit na tinatago niya sa loob niya.

Hindi sumagot si Fana at tumingin lang sa sahig.

"Umalis ka nang wala man lang pasabi kung saan ka pupunta o kung babalik ka pa! Para akong tanga kakahanap sa'yo, kakahintay kung mag papakita ka pa ba! Una kang pumasok sa buhay ko at ginulo ako tapos ikaw pa ang makapal ang mukhang iwan ako tapos babalik balik ka?!"

Marahas na pinahid ni Gab ang mukha niya gamit ang likod ng kamay niya.

Lexie.. si Lexie lang nasa isip ko ngayon, lahat gagawin ni Lexie para sa ikasasaya ng mga naka paligid sa kaniya lalo na sa mga mahahalaga sa kaniya kahit masaktan siya kaya nababahala ako sa mga gagawin niya kapag nalaman niya 'to.

Fact that Fana is back and the fact that her best friend and the one she loved has a past and probably might have a deeper understanding in near future.

"I'm s-sorry Gabby"

Iyon lang ang sinabi niya pero ang pinag tataka ko ay kung bakit hindi siya nag explain man lang sa nangyari 2 years ago.

Kapag nag explain siya siguradong maiintindihan siya ni Gab.

"Tama na ok? Ayos na ako ngayon Fana, huwag mo na akong guluhin kasi kung susugal man ulit ako hindi na sa'yo"

Ouch! That's a direct rejection.

"But you know that I'm not going to give up Gab, right? Just wait and I'll make you fall for me again-"

"Please Fana! Tumigil ka na!"

Mabilis siyang hinawakan ni Fana sa kamay at hinila palapit sa kaniya... Mabilis rin akong tumalikod para hindi makita ang susunod nilang gagawin, ako ang nasasaktan para kay Lexie.

Paano ko 'to sasabihin sa kaniya?

Sasabihin ko ba o hahayaan ko lang siyang maka tuklas no'n?

Pati ako naiipit sa mga kilos nila.

Lahat sila medyo connected din sa'kin. Ayaw kong masaktan si LJ kapag sinabi ko 'yon at ayoko rin naman umasa siya kay Gab pag hindi ko 'yon sinabi.

Siguro hahayaan ko nalang si Gab mismo ang mag pa tigil kay Lexie.

Sana gawin niya.

Nag sisimula nang kumulo ang dugo ko kay Gab.

Kapag hindi niya talaga sinabi kay LJ baka masabunutan ko siya.

Nag hintay nalang ako sa pinaka malapit na coffee shop sa pag dating nila.

After a couple of minutes they already arrived.

"Anong sabi ni LJ no'ng umalis kayo?"

"Wala naman pero hinanap ka niya kanina sa'min, sabi namin nauna ka na."

Bakit? May kailangan siya sa'kin?

"Did you check her before you leave?"

Ewan ko ba pero nag aalala ako, baka dahil lang 'to sa mga nalaman ko kanina.

"Naka lock ang pinto niya at mukhang trip lang mag sound trip. Alam mo naman 'yon kapag ayaw mag pa istorbo, nag lolock ng pinto."-Tristan

Tama Lexie gawin mo lang na busy ang sarili mo then forget the world while burying yourself to your works.

"Did you already meet Gab"-Mika

I sneakily shook my head.

Si Troy lang ang wala dito at mukha talagang nagiging busy ang isang 'yon.

"Then why did you go here first?"

She glared at me

"Can't I meet someone before Gab? I have my own life sis"

Pag tataray ko.

"Are you dating someone?"

I sighed with disbelieved.

Ayan nanaman siya sa tanong niya, lagi nalang kapag lalabas ako mag isa itatanong kung lumalandi na ako.

"Stop it Mika Fistorn-"

"Kapag nalaman kong may nilalandi ka na bubugbugin ko kayong dalawa"

"Nyenyenye"

Pinag tatawanan lang kami no'ng tatlo.

"She's in the right age 'te Miks."-Tristan

Very good Tristan ipag tanggol mo 'ko.

"Walang mag tatangkang manligaw diyan 'te, masyadong walang pake sa ibang bagay at ang lakas pa mag sungit"-Bea

"Halika nga dito babaliin ko lang leeg mo"

Pag papalapit ko sa kaniya.

"Tama na 'yan, pasok na tayo excited na akong makita siya"

Huwag kayong ma excite, baka kapag ako na excite bangasan ko mukha niya.

Namuo nanaman ang galit sa loob ko.

"Tara na"

Napaliyad pa ko konti nang hilain ako ni Tristan nang biglaan.

"Dahan dahan naman!"

Pumasok kami sa loob at muntik pa kaming harangin kasi bawal daw bisita pero dahil sa koneksyon ay nakapasok kami pero 30 minutes lang.

Pag pasok namin sa kwarto ay agad kong nilibot ang paningin ko do'n.

Dalawa lang silang nag babantay doon sa loob, isang hindi naman katandaang babae at si Gab.

Hinanap ng mata ko si Fana kung nasa'n siya. Hindi ko siya nakita na lumabas ng hospital.

"Good afternoon Ma'am"

"Ay.. good afternoon din po mga Ma'am, Sir. Salamat po sa pag tulong niyo sa kapatid ko."

Mabait siya. Pero bakit ang pamangkin niya ay makapal ang mukha?

Stop being mean Yra! I thought you're going to wait until she will tell Lexie her real shot?!

"Wala pong anuman. Isasama po muna namin si Gab para sa mga details na kailangan para sa contract-"

"Sige lang sige lang.. ako na ang bahala dito."

Nakangiting tugon niya sa'min.

"Ang ganda niya"

Siko sa'kin ni Angel

"Tulog siya no'ng makita ko siya sa condo at tago ang mukha niya, I never thought she's really this beautiful"

Pinagitnaan ako ng kambal habang parang kumikislap ang mga mata nila sa pag hanga.

Next school year ay mag cocollege na sila at titira na rin sila kasama namin sa bahay.

"Stop it, you're both drooling."

I hissed while glaring at them.

Stop fantasizing her, soon sasaktan niya lang si LJ kaya huwag niyo siyang masyadong hangaan, madi disappoint lang kayo at baka mainis din kayo sa kaniya gaya ng nararamdaman ko ngayon.

"So? Let's go"

Nag paalam na sila at saka kami umalis pero bago pa ako umalis ay sinulyapan ko muna ang Mama niya at naka dama ako ng habag sa Mama niya.

"You're weird Yra, what's with you?"-Angel

Hindi ko sila pinapayagang tawagin akong ate kasi feeling ko nag kakaroon kami ng boundary sa pag sasabi nila sa'kin no'n.

Atleast we know how to respect each other.

"Nothing, I'm just tired"

"Of course, you're rushing here what do you expect?"-Bea

Laking kontra talaga nitong babaeng 'to eh.

"Kelan kaya titigil 'yang mga bibig niyong madadaldal?"

Tinawanan lang nila ako.

Pumasok na kami sa Van.

"Sit here Gab"

Tinap ni Mika ang tabi ng upuan niya para paupuin siya doon.

I sat in the passenger seat and syempre si Tristan ang driver as always naman.

"You look hag"

Tristan gave me a grin

*PAK*

"Aw!"

"Wala ako sa mood ah, wag mo akong asarin"

Napahimas siya sa hampas ko.

"Lagi ka namang wala sa mood"

Isa pa! Sisipain ko na 'to!

"Can't you just drive your ass now?!"

"Ok ok.. calm down"

"Don't mess with her kuya she's in her mens."

Sinamaan ko rin ng tingin si Bea

"No'ng nakaraan sabi mo meron ka tapos ngayon meron ka ulit? Grabe na pagiging abnormal mo-"

*PAK*

Imbes na umaray ay tinawanan niya lang ako.

Sige mga lintek kayo! Pagkaisahan niyo ako!