webnovel

Chapter 7

          Nagising siya na nasa tabi ni Andrew, bumangon siya at nag-asikaso sa pag pasok. Nagbibihis na siya nang marinig niya ang pag bukas ng pinto, malamang ay kauuwi lang ni Cindy.

          "Jhin?" bakas sa mukha ni Cindy ang pagtataka.

          "Jhin! Pasok na tayo." tawag ni Nick na nasa likod ni Cindy.

          "Ah!" natigilan siya nang makita sina Nick, Jakub at Sasha sa likod ni Cindy.

          "Ingay naman, Cindy." sabi ni Andrew pagkalabas nito sa kwarto habang humihikab.

          Sabay silang napalingon rito, habang si Andrew naman ay natigilan. Wala itong suot pang itaas, habang suot nito kung ano ang suot nitong pants kagabi.

          "Papasok ka ba, Ali?" tanong sa kaniya ni Andrew.

          "Obvious ba?" pilosopong sagot ni Sasha rito.

          "Mag papalit lang ako Nick, hintayin niyo ko." sabi ni Cindy saka pinapasok ang mga ito.

          "Nag stay ka pala rito? San kayo pumunta kagabi?" mapanuri ang mga tinging ibinabato ni Jakub kay Andrew.

          "Pumunta?" takang tanong ni Sasha kay Jakub.

          "Ah, nakita ko kasi sila kagabi na aalis." hindi niya malaman kung bakit may bakas ng galit sa mukha nito.

          "May pinuntahan lang kaming importante." saka marahanng ngumiti si Andrew.

          "Naka bihis ka na Jhin? Tara na." sabi ni Cindy nang makalabas ito sa kwarto nito.

          "Tara na." sabay hatak ni Sasha kay Nick palabas.

          "Ali, sabay na ko palabas. Saan mo nilagay damit ko?" tanong ni Andrew sa kaniya.

          "Nasa upuan." tugon niya rito.

          "Let's go." saka nito sinuot ang damit.

          Nang makalabas sila ay ramdam niya ang mga matang naka paligid sa kanila.

          "Jhin, ano nangyari kagabi?" pabulong na tanong ni Cindy.

          "Sinama ako ni Andrew kay sir Saavedra. Baka mag stay muna ako kay Andrew o kay Kuya Peng." medyo nanlumo siya nang maalala ang nangyari kagabi.

          "Alam mo Nick dapat binili mo na lang 'yung bonet mo sa online mas mura." natuon ang atensiyon nila sa boses ni Sasha.

          "Ali, sabay na tayo umuwi mamaya. Ako na maghahatid sayo." nilingon siya ni Andrew.

          "Mahahatid naman ako nila Sasha mamaya, mas maganda kung umuwi ka na lang muna." nang mabaling ang tingin niya kay Jakub ay naka kunot-noo ito.

          "I want to stay the night again. I can right, Cindy?"

          "You can stay the night at home, Drew. Since it's nearest from school." baling ni Jakub rito.

          "Let me stay the ni-" biglang nag bago ang ekspresiyon ni Andrew, mabilis nitong hinatak ang braso niya at pumuwesto sa likod niya.

          Nang lingunin niya ito ay may lalaking nasa harap ni Andrew, naka bonet ito at naka mask kaya hindi niya makita ang mukha nito.

          "Andrew!" sigaw ni Cindy.

          May isa pang lalaki ang bumaba sa sasakyan na nasa tapat nila, nang kumalas ang lalaki kay Andrew ay nakita niya ang kutsilyong may dugo. Si Andrew ay napaluhod, lalapitan niya sana ito nang sikmurahan siya ng isa pang lalaki.

          "Jhin!" narinig niyang sigaw Sasha, nagsimulang manlabo ang paningin niya, ang huli niyang nakita ay ang likod ni Jakub saka siya nawalan ng malay.

          Nang imulat niya ang mata ay nasa silid siya na hindi niya kilala. Tumingin siya sa paligid, wala siyang kasama sa silid. Bumangon siya at naglakad-lakad, may kalakihan ang bahay na iyon. May nakita siyang hagdan pababa,nang nasa kalagitnaan na siya ay may mga tinig siyang narinig. Nagtungo siya sa pinang-gagalingan nito, naroon si Kuya Peng at Cindy. Lalapitan na niya sana ang mga ito nang makita niya sina Sasha, Nick at Jakub. Hindi niya inaasahan na kasama ni Kuya Peng ang mga ito, bigla niyang naalala si Andrew.

          "Si Andrew?" halos wala na siyang boses dahil na rin siguro sa walang kain, lumapit siya sa mga ito.

          "Jhin!" lumapit agad si Jakub upang alalayan siya.

          "Maupo ka, Jhin, may cupcake dito baka nagugutom ka." sabi ni Kuya Peng sa kaniya.

          "Nasaan si Andrew?" tanong niya uli rito.

          "Tinangay siya ng mga lalaki, nang matapos nila kayong saktan binalak nilang kunin kayo pareho. Kung hindi lumaban si Jakub pareho kayong matatangay ng mga lalaking 'yon, hindi mo ba sila kilala, Jhin?" nag-aalalang sagot ni Cindy sa kaniya, nandilim ang ekspresiyon niya.

          "Sorry Jhin, may dala silang armas pareho, hindi namin nagawang pigilan sila nang kunin nila si Andrew." sabi naman ni Sasha, wala na siyang luhang maiiyak.

          "Tinawagan ako ni Cindy, pero nang pumunta ko hindi ko na naabutan si Andrew." sagot naman ni Kuya Peng.

          "Kuya Peng, locate where Andrew is." hindi siya makapapayag na masayang ang lahat ng tulong na naibigay sa kaniya ni Andrew. "I... I can pay you. I can pay you in any way I can." mariin niyang sabi kay Kuya Peng.

          "You don't have to do that, Jhin!" nagulat siya nang hawakan siya sa pisngi at pinalingon siya ni Jakub, bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

          "And you don't need to do that, Jhin. Andrew already warned me if something like this happen." sagot ni Kuya Peng.

          "Pero, Jhin. Bakit ba gusto kayong kunin ng dalawang lalaki? Kilala niyo ba sila?" tanong ni Nick sa kaniya.

          "Is it okay for them to know? They are already involve, what if Matthew will after them the next day?" saad ni Kuya Peng.

          "Tell us, Jhin. Please?" nag-aalalang sabi ni Cindy.

          "Sabihin mo Jhin, anong nangyari simula nung umalis kayo?" sabi ni Sasha.

          "Bakit nang pagbalik niyo may gusto nang kumuha sayo? Jhin?" mariing tanong ni Jakub sa kaniya.

          "I'll respect your answer." sagot ni Kuya Peng.

          Tumango siya rito.

          "Pero bago ko sabihin kumain ka muna, six hours kang tulog. Malamang ay balak ka nilang puruhan para mahaba ang oras na wala kang malay, dahil matagal kang walang malay kailangan mo kumain." saad ni Kuya Peng.

          "Sabihin mo lang kung may masakit, ha?" bakas din ang pag-aalala ni Nick.

          "Salamat sa inyo." gumaan ang pakiramdam niya dahil sa nag-aalala ang mga ito para sa kaniya.

          "Kumain ka na." sabi ni Cindy sa kaniya.

          "For now you guys need to stay here, hindi natin alam kung kailan kikilos si Matthew. It's better kung mag-i stay kayo rito, mas mabuti na rin na may kasama si Jhin." sabi ni Kuya Peng habang kumakain siya ng cupcake.

          "Sino ba 'tong Matthew na kanina mo pa sinasabi?" tanong ni Jakub kay Kuya Peng.

          "You guys said that you already knew about the past of Jhin, right?"

          "Oo nasabi na samin ni Jhin." sagot ni Sasha.

          "As you know Jhin's father left with a big dept in casino, the owner of this casino was Matthew - Andrew's grandfather." saad ni Kuya Peng.

          "Kaya naman pala ganon ugali ni Andrew, mana sa lolo." iritang sabi ni Nick.

          "I don't think so. You see, Matthew hates his son, because Andrew's father didn't want to inherit Matthew's dirty business. And that's the reason why Andrew was born, Matthew force his son to make a child that will inherit his business if ever his son refuse him." saad ni Kuya Peng.

          "Hindi.... Hindi ko alam 'tong impormasiyon na 'to..." nasabi na lamang ni Cindy.

          "That's why Andrew hate his grandfather, you can't expect Andrew to do something nice when he was born and raised in a horrible surrounding. I know that Jhin understands that, so you can't also blame Jhin for caring about Andrew." pag-papatuloy ni Kuya Peng.

          "Eh, ano naman kinalaman ni Jhin sa family issue nila?" tanong ni Sasha.

          "You see, Andrew's father follow what he wants - to make a child so he will be free to do whatever he want. But when Andrew grew up hating his grandfather, he wants to destroy him. Matthew beats his grandson since he was a child, said that he is shaping his successor to become a great man, a man like him."

          "Shaping a successor?" gulat na sabi ni Nick.

          "Matthew saw Andrew going into Esclaves, Andrew goes to Esclaves to see Jhin. When Matthew saw that his grandson showing interest in Jhin, he checked her. That's when he notice Andrew losing interest of inheriting his business, Andrew realized what his business was made of. He made use of Jhin, making Andrew stay in his palm. And when Andrew still refuses him, he made a deal with Jhin's mother." pag-papatuloy ni Kuya Peng.

          "What the fuck is the problem with that geezer?" bakas ang galit na sabi ni Sasha.

          "Sino ba naman ang may gustong magmana ng dumi ng iba?" sabi naman ni Nick.

          "Then? Anong deal ang napagakasunduan nila?" tanong ni Jakub rito ng may madilim na ekspresiyon.

          "Nakipag deal si Mama na babayaran ang lahat ng utang namin kung titira ako kay Saavedra." pag-papatuloy niya.

          "Matthew wants to make her a child with Andrew, but Andrew refused." dagdag ni Kuya Peng.

          "Hhaa?!" sabay na tugon ni Sasha at Jakub.

          "Malala na ang saltik niyang hayop na tanda na 'yan." sagot naman ni Nick.

          "Tanda mo ba 'yung araw na nakita mo kami umalis ng naka sasakyan? 'Yon ang araw na nakipag usap kami kay Saavedra." baling niya kay Jakub.

          "Wala pang isang araw..." sagot ni Jakub.

          "Matthew didn't want to waste anytime because he have illness. I got his medical records, remember what I give you and Andrew, Jhin? It's his record." sagot ni Kuya Peng.

          "Mhm, but I'm not satisfied with that Kuya Peng, bawiin natin si Andrew at pagbayarin natin siya." sagot niya.

          "Hindi madali 'yang balak mo, Jhin." sagot ni Kuya Peng.

          "Pero may ibidensiya naman tayo, ah?" tanong niya.

          "Hindi sapat ang ibidensiya natin, Jhin. All we have is his bank transactions, medical records, and his transactions in casino. All people who own a big money can do that, and can cover their dirt. We need to caught him in action, Jhin." saad nito.

          "All we need is to caught him in action?" tanong niya.

          "Yes, and I'm thinking a plan about that."

          "I can be the bait." natigil si Kuya Peng sa sinabi niya.

          "Jhin, anong sinasabi mo?" nag-aalalang sabi ni Cindy.

          "Hhaa?" sabi ni Nick.

          "Hindi ako papayag, Jhin!" sabi ni Jakub na bakas ang pag-aalala sa mukha.

          "I appreciate the thought, Jhin. Pero sigurado ka ba diyan? Opposite ang plan ni Andrew sa plano mo." sagot ni Kuya Peng.

          "First, bigyan mo ako ng kahit anong bagay na may hidden camera and I will wear the one you gave me, so you can locate me." sagot niya.

          "Jhin, how can you make him do that in front of you?" tanong ni Kuya Peng.

          "Kuya Peng, I... I'll think about that." nasagot na lang niya.

          Napabuntong hininga ito, "Mag usap na lang tayo uli kapag may pahinga ka na, baka magulo lang ang isip mo. Maiwan ko muna kayo." anito sabay tayo saka lumabas ng pinto.

          "Jhin, ilalagay mo lang sa kapahamakan ang sarili mo. Huwag mo na ituloy ang binabalak mo." nag-aalalang sabi ni Cindy.

          "Narinig mo naman si Kuya Peng, Jhin. Nag-iisip siya ng paraan kaya hindi mo na kailangang gawin 'yon." sabi ni Sasha.

          "Sabihin nating effective 'yang plano mo. Pero ang tanong ni Kuya Peng, paano mo siya mahuhuli sa harap mo mismo, Jhin? Sa harap ng camera?" tanong ni Nick.

          "Tama na, Nick. Kailangang magpahinga ni Jhin, kung wala ka ng matinong sasabihin matulog ka na lang." sagot ni Jakub rito.

          "Gusto mo gatas, Jhin?" tanong sa kaniya ni Cindy.

          "Sige."

          "Jhin, why are you taking this too far just to save Andrew? Alam naman nating may mga nagawa rin si Andrew sayo na hindi maganda, 'di ba?" tanong sa kaniya ni Sasha.

          "Kasi naiintindihan ko siya, nagagawa lang iyon ni Andrew dahil hindi niya alam kung pano iparamdam sa ibang tao... kung ano ang nararamdaman niya." sagot niya.

          Bumuntong hininga si Nick. "Hindi na namin mababago 'yang isip mo, 'no?" saka ito humigop ng gatas.

          "Pag-kakaalam ko Nick, kay Jhin 'yan?" sabi ni Sasha rito.

          "Ay sorry, ehe.." sagot nito.