Kinabukasan, maagang pumunta si Ada sa school, ngunit hindi niya kasama si Kent dahil ayaw pa nitong bumangon sa higaan at tinatamad na pumasok sa school, dahil wala namang gagawin doon.
Pagdating ni Ada sa eskuwelahan, agad niyang nakita si Joice at nilapitan niya ito.
"Ada!" Masayang bati ni Joice nang makita niya ito.
"Hi, Joice! Kanina ka pa ba?" tanong ni Ada.
"Ah, hindi naman, manuod tayo mamaya ng banda, ha." sabi ni Joice habang iniyakap nito ang braso niya sa braso ni Ada at sabay silang naglakad.
"Oh sige." sabi ni Ada.
"Well, nakita ka ba ni Mark? Hinahanap ka niya kahapon." sabi ni Joice.
"Hindi pa kami nagkikita eh, bakit?" tanong ni Ada.
"Hindi ko alam, siguro may sasabihin siya sa iyo." Tukso ni Joice.
"Sabihin? Ano iyon?" Kunot nuong tanong ni Ada.
"Ahm, hindi ko alam, pero may hinala ako may gusto sayo si Mark." Sagot ni Joice.
Ngumuso naman si Ada, "Hindi totoo yan noh! Matagal na kami magkaibigan at ganun lang talaga si Mark, kumilos."
"Pero iba kasi siya makatingin sayo eh, parang may pagnanasa, hahaha." Panunukso ni Joice.
"Hay, sa isip mo lang yun. Magkaibigan lang kami ni Mark at parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Malabong magkagusto siya sa akin." Umiiling na sabi ni Ada.
Habang malapit na sila sa mga booths ay itinuro ni Joice ang una nilang pupuntahan.
"Okey, sige, sabi mo eh. Tara punta tayo sa booths na una at sumali sa mga laro!" Sinabi sa kanya ni Joice at masaya silang naglaro sa mga pagames ng booths.
"Okey." Sabi ni Ada at nagpunta sila sa booths na nakapaligid sa paaralan.
Marami silang nakitang mga booths tulad ng wedding booths, kiss booths, mayroon ding mga games booths, food booths at iba-ibang paninda.
Halos kalahati na sila na napupuntahan na mga booths at super nag eenjoy sila, subalit gutom na gutom na si Joice, kaya nagpasya muna silang magpahinga at kumain.
"Kumain muna tayo, gutom na gutom ako." Sabi ni Joice at dahil na rin sa tanghali na.
"Sige." Sabi ni Ada at magkasama silang nagpunta sa canteen.
"Ada, ano sa palagay mo about Mark?" tanong ni Joice habang kumakain sila.
"He is good, siyempre kaibigan ko siya." Tipid na tugon ni Ada habang hinihiawa ang pork steak sa kanyang plato.
"Yes, Mark is good. Sapalagay ko may feelings si Mark para sa iyo, yun more than friend, ha. Yes, sa ngayon magkaibigan kayo ni Mark, pero mas mabuti kung kayong dalawa ang magkakatuluyan dahil bago kayo sa isa't-isa." Sabi ni Joice habang nakangiti sa kanya.
"Pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Teka nga, nirereto mo ba sa akin si Mark? Ano ba pinakain ni Mark sayo at nangungulit ka tungkol kay Mark?" Sabi ni Ada habang patuloy silang kumakain.
Umiling naman si Joice at uminom ng juice bago nagsalita. "Wala noh! Napansin ko kasi, na may gusto siya sayo. Alam mo naman ako, malakas ang radar! Kaya maganda din na magkatuluyan kayo ni Mark, mukhang aalagaan ka niya at mamahalin ng tapat."
"Ha, ha, ha." Natawa naman si Ada sa huling sinabi ni Joice. "Bakit kilala mo na ba ang Mark na 'yun at nasisigurado mo na mamahalin niya ako at aalagaan? Joice, kahit na matagal ko ng naging kaibigan si Mark, hindi pa rin ako sigurado na okay nga talaga siyang maging boyfriend. Dahil nagbabago ang tao paglipas ng mga taon."
"Well, nasa iyo naman yan kung sino ang pipiliin mo si Mark na tapat sa iyo or si Kent na babaero!" Sabay simangot ni Joice kay Ada.
"Oh, bakit naman nasali si Kent? Wala naman gusto sa akin yun, noh." Sagot ni Ada.
"Sus, kunware ka pa! Alam mo na sa mga patingin-tingin sayo ni Kent ay interesado din siya sayo. Yun nga lang, mukhang babaero, dahil madaming umaaligid sa kanyang chicks, hmp." At uminom ulit si Joice.
Hindi naman sumagot si Ada at umuling-iling na lamang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapo nilang kumain, bumalik sila sa booths. Naglaro silang muli ng mga pagames doon.
Nang dumating ang hapon ay masaya silang nanuod ng Second Chance Band na hinihintay nilang panuorin. Nagsama-sama ang mga estudyante sa field na tinayuan ng stage. Madaming mga banda ang bisita ng kanilang school mula sa ibat'ibang school, at isa nga dito ang sikat na bandang Second Chance Band, kilala sila hindi lang dahil sa magaling silang tumogtug kundi pati narin sa mga nag-gwagwapuhan na members ng band.
Lahat ay nagtitilian kapag sila ang tumutugtog at naging kilala na rin sila sa ibang school, dahil sa magaling nilang pagtugtog at dahil na rin sa magandang boses ng kanilang vocalist.
Madilim na ang paligid at mag-aalasyete na ng tumogtog ang bandang Second Chance. Excited ang lahat na makita ang banda at hindi na nga sila nabigo, dahil nag-enjoy ang lahat ng mga nanunuod. May humihiyaw at sumasayaw pa habang sumasabay sa kanta at tugtog ng banda.
Habang nag-eenjoy sa panunuod ng banda, nilapitan naman sila ni Mark at kinamusta.
"Hi Ada, hi Joice!" Masayang bati ni Mark sa kanilang dalawa.
Napalingon naman silang dalawa kay Mark at binati din nila ito.
"Oh, Mark you're here too!" Sabi ni Joice.
Ngumiti lang si Mark at bumaling kay Ada, "Ada, pwede ba tayong mag-usap?"
Napalingon naman si Ada sa kanya at mukha itong seryoso. "Ha, what for?"
Lumapit si Mark kay Ada at nilakasan ang boses, "Pwede bang mag-usap tayo, medyo maingay kasi dito, may sasabihin lang ako."
"Okay." Tumango naman si Ada at sumunod siya kay Mark.
Nakita naman sila ni Joice na papaalis, "Hey, saan kayo pupunta?"
Pero hindi sumagot ang dalawa, kaya sumunod na lang din siya sa dalawa. Nakita niyang pumunta sila sa di kalayuan na medyo tahimik na lugar na malapit sa may puno. Huminto naman si Joice sa pagsunod, dahil napansin niya ang dalang bulaklak ni Mark.
Lumuhod si Mark sa harap ni Ada at habang iniaabot ang isang dosenang pulang rosas. Nagulat namann si Ada sa pagluhod ni Mark sa harapan niya at luminga-linga siya sa paligid.
"Mark, ano bang ginagawa mo, bakit ka nakaluhod?" Tumingin-tingin si Ada sa paligid at muling nagsalita. "Tumayo ka nga diyan, baka may makakita pa sa atin, kung ano pa sabihin eh."
Hindi naman siya pinansin ni Mark at nanatili itong nakaluhod sa harapan niya. Kinakabahan si Ada sa sasabihin nito sa kanya.
"Ada, matagal na tayong magkaibigan, naalala mo ba yun bata pa tayo, we promise to each other na –"
Pinutol ni Ada ang sasabihin ni Mark dahil nalaman na niya kung ano ang susunuod na sasabihin nito.
"Mark, mga bata pa tayo nun, iba na ngayon!" Sabi ni Ada.
"Ada, listen to me first." At hinawakan ni Mark ang kamay ni Ada. "Oo, simula pagkabata magkasama na tayo, at ngayon lang ako nagkacourage para sabihin sayo ito. I like you Ada, mula pa noon, gusto kong malaman mo na hindi ka nawala sa isipan ko ng magkahiwalay tayo at hindi na nagkita pa. Kaya ngayon, sana bigyan mo ako ng pagkakataon na ipakita ang –"
Sabay biglang nagring ang phone ni Ada at agad niya itong kinuha sa kanyang bag. Nakita niyang tumatawag si Kent at agad siyang nag excuse kay Mark.
"Mark, please stand up. I need to answer this call." Sabi ni Ada at bahagya itong lumayo kay Mark para sagutin ang tawag ni Kent.
"Hello." Agad na sagot ni Ada.
"Where are you?" Tanong ni Kent sa kanya.
"Ah, andito kami sa field, nanunuod ng banda." Sagot ni Ada.
"Okay." Sabi ni Kent at ibinaba na nito ang phone.
Lingid sa kaalaman ni Ada na kanina pa nakatingin sa kanila si Kent sa may di kalayuan at pinagmamasdan ang pagtatapat ni Mark.
Pagkababa ng phone ay agad na niyaya ni Ada si Joice na nakatayo sa gilid nila, samantalang si Mark ay nakaluhod parin sa damuhann at hindi ito tumatayo.
"Joice, tara balik na tayo." Yaya ni Ada.
"Wait, Ada!" Sigaw ni Mark pero hindi naman siya pinansin ni Ada at hinawakan ni Ada ang braso ni Joice at hinila papalayo sa lugar.
Nang makitang wala na si Ada ay dahan-dahan ng tumayo si Mark at galit na galit na itinapon sa damuhan ang mga bulaklak na para sana kay Ada.
"Aaaahhh." Sigaw ni Mark habang sinuntok ang puno sa galit.
Dahil sa pagkabigong ito ay namuo ang galit sa kanyang puso para kay Kent at Ada. Hindi siya makakapayag na mababalewala lang lahat ng pinagsamahan nilang dalawa ni Ada ng dahil lang kay Kent na ngayon lang niya ito nakilala.
Mula pagkabata ay kasama na niya si Ada at lagi niyang iniisip ang sumpaan nila ni Ada na silang dalawa ang magkakatuluyan at ikakasal. Hindi siya mkakapag na hindi ito matutuloy at mangyayari. Handa siyang gawin ang lahat para maisakatuparan ito sa lalong madaling panahon.
"Ada, mapapasa-akin ka din."
Bigkas ng mga labi ni Mark nagpupuyos sa galit.