webnovel

Chapter 9

What the fuck is wrong with this man?

Hindi naman ako namali ng pagkakarinig, hindi ba? Ang sabi niya talaga girlfriend niya ako?!

"Rafa hijo!" Isang may katandaang ginang ang umagaw ng atensiyon ng lahat. Pababa ito ng grand staircase habang nakabukas sa ere ang mga braso para salubungin si Rafael.

"Mama." Rafael called the woman lovingly. Bumitaw pa siya sa pagkakahawak sa palapulsuhan ko at sinalubong din ang ina.

He hugged his mother and kissed her cheek.

"I'm glad you're back. Na miss kita anak." Nakangiting anang kanyang ina.

The old woman aged beautifully. Her silver gray hair is pulled into a tight bun. Her wrinkled forehead doesn't made her less attractive. Ang mga mata niya ay kulay abo, hindi gaya ng sa mga mata ni Gabriel at Rafael. Marahil ay namana ng dalawa ang kagaya ng sa ama nila. Ngunit ang pagiging seryoso at ma awtoridad ng kanilang ina, iyon yata ang namana nila.

Kung hindi lang ako magmumukhang duwag ay baka kumaripas na ako ng takbo bago pa man ito tuluyang makalingon sa akin. Strikta at elegante ang dating niya ng bumaling sa akin at tinapunan si Rafael ng nagtatanong na tingin.

"Ah Mama, si Audrey, girlfriend ko." Pagpapakilala sa akin ni Rafael.

Aalma pa sana ako ng sabihin niya sa pangalawang pagkakataon na girlfriend niya ako. Kaya lang ay masyado akong kabado sa titig sa akin ng mama niya kaya hindi ko na nagawang itama ang sinabi niya.

"It's nice to meet you hija." Lumapit sa akin ang ginang at nakipag beso.

Tumingin pa ito muli sa anak bago itinuon muli sa akin ang tingin.

"Come, naka handa na ang tanghalian." Nakangiti nitong anyaya sa amin kaya napangiti na rin ako. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa pagngiti niya na iyon.

"Ikaw ba ang nagluto Mama? I missed your specialty." Ani Rafael at hinawakan na muli ang kamay ko at sumabay na kami sa mama niya patungo yata sa dining area.

"Of course anak! Nang sinabi sa akin ni Gabriel na darating ka agad akong nagluto." His mom kind of remind me of my mother. Noong dalawang araw akong wala sa bahay dahil sa outing namin ng highschool friends ko ay ganyan din ako sinalubong ni mama. She cooked my favorite food and she couldn't hide her excitement when she asked me what happened to our outing.

Nang marating namin ang dining room, no scratch that—it's a hall, ay ipinaghila ni Rafael ng upuan ang kanyang ina at naupo na ito sa kabisera ng mahabang wooden dining table. Pagkatapos ay ako naman ang ipinaghila niya ng upuan at saka siya umupo sa upuan na katabi ko. In all fairness naman kay Rafael, he's a gentleman. Kahit sa pang araw-araw naming routine noon sa bahay ko ay gentleman naman siya, 'wag nga lang atakihin ng pagiging manyak.

"Ang sabi sa akin ng kapatid mo ay sa bahay ni Audrey ka raw tumuloy." Umpisa ng kanyang ina.

Tumango naman si Rafael habang nilalagyan ng kanin ang plato ko. Bumaling sa akin ang kanyang ina at ngumiti.

"Maraming salamat sa pagpapatuloy sa anak ko hija. Kahit parang itinaya mo na rin ang kaligtasan mo ay hindi ka nag-atubiling patuluyin ang anak ko." Puno ng pasasalamat ang mga mata

"Walang ano man po." Magalang kong tugon kahit gusto kong sabihin na ayos lang dahil marami naman akong nahuthot na pera sa anak niya. Napaka generous kaya ng anak niya sa pagbabayad ng renta at pagbibigay ng share niya sa mga gastusin.

"Maybe that's why you two grew fond of each other." She said dreamily.

'Kung alam niyo lang po, wala akong kaalam-alam na girlfriend pala ako ng anak niyo hehe.'

"Mamaya you'll get to meet my husband, I'm sure he'll like you. You smell good."

Mabango ako? What an odd comment.

"Mama that's weird for her." Tila nabasa ni Rafael ang nasa isip ko.

"Oh! Well wolves have strong senses hija. That's why. " Paliwanag ng kanyang ina na para bang normal lang dito na pag-usapan iyon. "Right hijo? She smells good." Baling pa nito kay Rafael, nanghihingi ng kumpirmasyon.

"Yeah Mama. She smells like roses." Sang-ayon ni Rafael kaya mas lalo tuloy akong nailang.

"You should eat more Audrey hija. Pagkatapos natin kumain ay hahayaan ko muna kayo na magpahinga. Dahil mamayang gabi ay magkakaroon ng maliit na salu-salo sa likod ng mansiyon." Untag ng ginang

"Opo, ang sarap po ng luto niyo." Sinserong papuri ko dahil talagang nagustuhan ko ang mga nakahain lalo na iyong chicken curry.

"Really? I'm glad you like it hija. Ako ang magluluto ng mga pagkain sa reception n kasal niyo." Tuwang-tuwa na ito ngayon.

Halos masamid naman ako sa gulat. Mabuti na lang at maagap si Rafael at inabutan ako ng tubig. Pero nababakas sa mukha niya ang ngisi at pang-aasar habang hinahagod ang likod ko.

"P-Po? Kasal?" Nauutal na baling ko sa kanyang ina.

"Yes, you're my son's first girlfriend. At lahat ng lalaki sa pamilya Callejo ay nagpapakasal at nakakatuluyan ang una nilang girlfriend." She said dreamily and winked at me.

Suskopo!

"Mama ginugulat mo si Audrey. Hindi pa namin napaguusapan yan." Nakangisi pa rin si Rafael habang hinihiwa ang karne na nasa plato niya.

"Oh? Pasensiya na hahaha! Excited lang ako dahil panganay si Rafael. He's the next Alpha, he needs to get married sooner as a part of the traditions."

"Mama let's not talk about that. Wala pa masyadong alam si Audrey sa mga ganyan. Let's talk about that some other time." Pigil ni Rafael at ngiti. Isang nakauunawang tango ang isinukli ng kanyang ina.

We talked about other things while eating. Hindi ko nga namalayan na naparami na talaga ang pagkain ko. His mother praised me for that. Natutuwa daw siya na nagustuhan ko talaga ang luto niya at hindi ako nahiyang ienjoy ang mga iyon.

Nang matapos sa pagkain ay umakyat na kami ni Rafael sa ikalawang palapag at hinatid niya ako sa tapat ng isang pinto.

"This will be your room. Sa kabila lang ako kaya kapag may kailangan ka, just go to my room." Ani Rafael bago akmang aalis na ngunit pinigilan ko siya.

"Bakit?" Tanong niya saka muling lumingon sa akin.

Lumingon-lingon ako sa paligid at wala namang ibang tao pero para makasigurado pa rin na walang makakarinig sa amin ay hinila ko siya papasok na kwarto ko.

"Bakit mo sinabi sa kanila na girlfriend mo ako?" Iyon agad ang naitanong ko ng maisara ko na ang pinto.

"Your scent is attractive to wolves. Halos lahat ng nakatira dito sa mansiyon ay mga kauri ko Audrey. Kung hindi ko sasabihin na girlfriend kita, baka pinag-agawan ka na ng mga kalalakihan dito at ginawa ka nang mate nila." He answered. Nakahalukipkip na at seryoso.

Bumagsak naman ang balikat ko.

Iyon pala ang dahilan.

Teka bakit ba parang disappointed ako?