webnovel

My Paparazzi (Tagalog)

Muhing-muhi si Yna sa isang sikat na celebrity na si Daniel Dhanes nang magkrus ang landas nila ng lalake isang gabi at bastusin siya nito. Kaya naman ng matupad ang kanyang pangarap bilang isang journalist ay hindi niya pinaglagpas ang sandaling masundan ang nasabing artista upang maungkat niya ang baho nito sa publiko. Nagtagumpay man siya na sirain ang pangalan ni Daniel ngunit mas nagwagi ang lalake dahil nakuha na nito ang kanyang puso. *********************************************** Basahin ang kapanapanabik, nakakatuwa at kakaibang love story nina Ynah at Daniel sa nobelang pinamagatang "My Paparazzi" ni B.M. Cervantes. "My Paparazzi" Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved, 2019

Blessedy_Official1 · Urbain
Pas assez d’évaluations
47 Chs

The Real Kiss

Hindi malaman ni Daniel kung tama ba ang ginawa niyang pag-amin sa naramdaman para sa babae. Ngayong kita niyang papalapit ito sa kanya, ramdam niya ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Tila natuyo ang kanyang lalamunan at sumikip ang kanyang dibdib.

"Ganyan ba talaga pag bored ka?!" Singhal nito sa kanya. Nagkibit-balikat lamang siya saka inalalayan ito pasakay sa motor niya. Halos mapasigaw siya ng ipaharurot nito ang motor kaya napayakap siya ng mahigpit dito. Lalong napalawak ang ngiti ni Daniel ng maramdaman ang buong katawan ng babae na nakadikit sa kanya.

"Wow!" Hindi mabigilang bulalas ni Yna ng dalhin siya ng lalake sa isang ekslusibong restaurant. Dahil candles lamang ang ilaw nito at malayang inalis ni Daniel ang suot na bonet. Inalalayan siya nito paupo at saka nag-order.

"We need to relax for a while." Ani nito saka pinagmasdan ang hindi mapakaling si Yna.

"Relax? In this place?" Pabulong na wika ni Yna habang pinupukol ang mga mata sa mga naghahalikan at sweet na nagsasayaw na mga tao doon. Nakaramdam siya ng lamig. Naalala niyang naiwan pala niya ang kanyang blazer sa pagmamadali. Agad namang tumayo si Daniel at inilagay ang jacket sa kanya.

"Ok ka na?" Natatawang tanong nito.

"Hindi." Pairap niyang sagot. "Ang tagal naman ng order mo. Nagugutom na ako." Reklamo niya.

"Wow! Hindi ka man lang magpakita na nai-intimidate ka na artista ang kaharap mo." Pabiro nitong wika.

"Asaan ang artista?" Balik na tanong niya. Napatawa naman ng malakas ang lalake.

"That's what I like about you." Ani ng lalake saka matiim na tumitig kay Yna. Napatawa siya ng takpan ni Yna ng mga plad nito ang mukha niya.

"Di bagay ang pagpapa-cute mong ganyan. Umayos ka nga!" Masungit na reklamo nito. Akmang aalisin na niya ang mga palad sa mukha ng lalake ng mabilis itong nahawakan ni Daniel.

Nagkasalubong ang kanilang mga mata. Matiim ang titig ni Daniel na tila binabasa ang nasa isipan niya. Mabilis niyang hinila ang mga palad na hawak nito. May sasabihin sana ang lalake ngunit dumating na ang waiter na dala ang order nila.

Nakabibinging katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Lumakas sa pandinig ni Yna ang mabilis na tibok ng kanyang puso.

"Oh my God! I hate this!" Bulong niya sa sarili saka initigil ang ginagawang pagkain. Nilagok niya lahat ng tubig na nasa baso saka tumayo na ikianagulat ni Daniel.

"I have to go." Ani ni Yna. Hindi na niya nagawa pang lingunin si Daniel. Halos patakbo niyang tinahak and pinto ng restaurant. Agad niyang pinara ang taxi.

"Hey, what are you doing?!" Galit na hinawakan ni Daniel ang braso niya saka sumensyas sa taxi na umalis na.

"You! What are you doing?!" Balik na singhal niya dito habang pilit na inaalis ang braso sa pagkakahawak nito.

"Please Yna…stop this." Mabilis na niyakap siya ng lalake na para siyang batang inaalo sa pagwawala.

"I am really sorry if I have done something wrong." Bulong nito sa kanya sa pagitan ng paghinga niya ng malalim. Dahan-dahang lumayo ito sa kanya ng maramdaman ng humupa na ang galit niya.

"Hatid na kita, ha?" Pagsusumamo nito sa kanya. Natagpuan niya ang sarili na nakasakay sa motor nito na pintutulin pa nito ang takbo upang mas mapahigpit pa ang yakap niya sa bewang nito.

"I am sorry Daniel..I know ikaw ang lalakeng hindi ko pwedeng mahalin. Iba ang mundo mo- mundong hindi ko kayang sabayan..mundong alam kong mahihirapan akong mabuhay…" Bulong ni Yna sa sarili.

"I am returning your heart. Please take it." Garalgal na bulong niya sa tenga nito. Ngunit hindi naging sapat ang lakas na busina ng mga sasakyan at nuog ng matulin nitong motor upang hindi makaabot sa pandinig ni Daniel ang mga salitang binitawan niya.

Agad na inihinto ni Daniel and motor sa tabi ng daan. Akmang baba siya ng higpitan pa ni Yna ang pagkakayakap sa bewang niya na hudyat para manatili siyang nakasakay sa motor.

Inalis ni Daniel ang helmet niya maging ang helmet ng nakasuot kay Yna. Tumambad sa kanya ang luhaang mukha ng babae.

"Shhhh..why are you crying?" Malambing na tanong ng lalake habng pinapahid ang luha niya."

"You said you are going to get something from me." Pigil ang luhang wika niya.

"I can't." Nakangiting wika ng lalake na pinagmamasdan ang kanyang mukha.

"Can you please keep it?" Nagsusumamong tanong na lalake saka ikinulong ang kanyang mukha ng mga palad nito.

"No. I can't." Masikip ang dibdib na wika niya. Kitang-kita niya ang paglungkot sa mukha ni Daniel.

"I did not take your heart so why should I keep something I do not have?" Balik sa sagot niya na nakikipaglaban ng titigan sa lalake.

"That's why I am giving it now to you- you like it or not." Sagot nito saka maalab na sinakop ang kanyang maga labi. Pakiramdam ni Yna ay sasabog ang kanyang dibdib. Napakapit siya ng mahigpit sa lalake. Hiindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawang itulak ito. Napapikit ang kanyang mga mata at tila siya nanghina sa ginagawang pangangkin ng lalake sa mga labi niya. Sa sobrang alab nito at tila natutupok siya.

"That should be your first kiss." Tila hinahabol ang hininga na ani nito na pinagmamasdan ang kanyang mga labi. Akmang magsasalita si Yna ngunit muling sinakop ni Daniel ang mga labi nito. Nagsimula na ring gumaya ang mga labi ng babae sa kanyang ginawa. Lalong naramdaman ni Daniel ang kakaibang pakiramdam na tila hindi nila alintana na nasa tabi lamang sila ng highway at dinadaan-daanan sila ng mga sasakyan.