webnovel

My Paparazzi (Tagalog)

Muhing-muhi si Yna sa isang sikat na celebrity na si Daniel Dhanes nang magkrus ang landas nila ng lalake isang gabi at bastusin siya nito. Kaya naman ng matupad ang kanyang pangarap bilang isang journalist ay hindi niya pinaglagpas ang sandaling masundan ang nasabing artista upang maungkat niya ang baho nito sa publiko. Nagtagumpay man siya na sirain ang pangalan ni Daniel ngunit mas nagwagi ang lalake dahil nakuha na nito ang kanyang puso. *********************************************** Basahin ang kapanapanabik, nakakatuwa at kakaibang love story nina Ynah at Daniel sa nobelang pinamagatang "My Paparazzi" ni B.M. Cervantes. "My Paparazzi" Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved, 2019

Blessedy_Official1 · Urbain
Pas assez d’évaluations
47 Chs

It's Just a Job

Tila nasa hot seat si Jasmin ng oras na iyon habang nakaupo sa swivel chair sa harap ng makintab na mesa ni Daniel, habang si Fred naman ay naguumpisa ng i-set ang video camera.

"Will you stop doing that." Madilim ang anyong sabi ni Daneil kay Fred na napahinto sa ginawa.

"I don't want this conversation to be recorded on the cam." Madiing wika ni Daniel.

"Ye-yes sir." Tila natataranta namang sabi ni Fred na kunwa'y in-off ang recorder bagkus ay ipinokus pa niya ito kay Daniel at sinimulang mag-record. Kunwa'y naupo na rin siya sa upuan sa tapat ni Jasmin. Bilin na bilin kasi ni Yna sa kanya na i-record lahat ng mga pangyayari. Alam niyang mayayari siya sa boss 'pag hindi niya nagawa ang gusto nito.

Naupo naman si Daniel sa upuan sa harap ng mga ito na pormal na pormal ang mukha saka tila nanlilisik ang mga matang tumingin kay Jasmin.

"You are from ABM network na sumisira sa imahe ko ngayon. Sabihin niyo nga sa akin, ano ang kailangan niyo ngayon?" Galit na sabi ni Daniel. Si Jasmin naman ay lalong kinabahan at napayuko.

"Nagkakamali po kayo, sir. Journalists po kami. Hindi po kami nagpapalabas ng kasinungalingan." Wika niya ngunit pakiramdam niya ay mali ang kanyang nasabi kaya napakagat-labi na lamang siya.

Malakas na hinampas ni Daniel ang mesa saka napatayo sa pagkakaupo nito.

"Si-sir, and ibig pong sabihin ni Miss Jasmin…trabaho lang po namin iyon, wala pong personalan." Dagdag naman ni Fred. Napatinign tuloy si Jasmin sa kanya at tiningnan siya ng masama.

"Then for me it's personal!" Singhal sa kanila ni Daniel na madilim na madilim ang anyo.

"Sir, for your information..marami po kaming writer sa station. Hindi po namin alam kung sino ang sumulat ng balita na iyon tungkol sa inyo. Andito lang po kami para kunin ang reaksyon ninyo sa mga naglalabasang issue." Pagsisinungaling ni Jasmin sa unang part na sinabi niya.

Napabuga naman sa hangin si Daniel dahil sa inis na nararamdaman.

"Ano pa ba sa tingin ninyo ang magiging reaksyon ko, ha?! Galit na balik niya dito.

"You are just wasting my time. You set an appointment with me next time." Madilim ang mukhang sabi niya dito saka niya iniwan ang mga ito. Nagkatinginan na lamang sina Jasmin at Fred.

"Tama nga si boss, Jasmin. Masama talaga ang ugali ng artistang iyon. Biruin mo, binastos tayo?" Galit na sabi ni Fred habng nagmamaneho ng sasakyan pabalik sa station nila. Si Jasmin naman ay panay ang singhot at pagpahid ng luha sa mata.

"I'm hurt. Nagtatampo na talaga ako sa kanya." Umiiyak na maktol ni Jasmin. Naaasar naman siyang nilingon ni Fred.

"Dapat lang. Hindi ko alam kung bakit natipuhan mo ang lalakeng iyon. Wala siyang respeto sa tao!" Madilim ang mukhang sabi ni Fred.