[SETH'S POV]
"Good morning, my lord. Time for you to get up."- nagising ako ng marinig ko ang boses na yun. Hindi pa man ganun nakakasikat ang araw ay nandito na siya. Tsk.
"Mamaya na Sebastian. Inaantok pa ako ei."- Reklamo ko at tsaka nagtalukbong ng kumot. Alam naman niyang pagod ako at puyat dahil sa tv show na ginagawa ko ngayon. Tsk.
"No. you have to get up, my lord. Or else I don't have a choice but to dragged you to the bathroom and I'll be honored to bath you. You don't want that right?"
Napamulagat ako sa narinig at mabilis pa sa alas kwatrong bumangon sa kama at nagtatakbo ako sa banyo. Rinig ko pa ang mahihina niyang tawa sa labas ng banyo. Tsk.
Kapag sinabi niya kasi ginagawa niya. Minsan ngang hindi ko siya sinunod pinakaladkad niya ako kina Steven at sa iba pang mga bodyguards ko at sapilitang pinaliguan. Hindi niyo alam kung anong klaseng kahihiyan ang naramdaman ko nun. Tsk.
Kung bakit nandito siya sa penthouse at pinapahirapan ako- oo, pinapahirapan ako ng walang- hiya. -___-. Nagsimula na kasi ang training ko sa E.M.PIRE last month. Ang rason, dahil daw ako ang asawa ng CEO ng E.M.PIRE dapat daw na matutunan kong patakbuhin ang empire para daw may katulong ang CEO. At si Sebastian nga ang incharge sa training ko.
It's been 3 months after ng world tour namin at masasabi kong naging masaya kami sa outcome ng tour. Nang dahil din sa ginawa naming pasabog sa concert namin sa Dubai ay mas lalo kaming sumikat at nang matapos na ang world tour namin ay kaliwa't kanan na ang naging project namin.
Yung pasabog sa concert? It wasn't plan though na nung araw na iyon namin ipapaalam sa lahat. Yun ay yung planong napagkasunduan namin noon. Ang ipaalam sa lahat ang relasyon namin sa top bachelorettes sa buong mundo. Pero ang alam lang nila ay nasa dating-stage palang kami.
Marami ang naging tutol at nangbash sa mga babae, siguro ay hindi nila alam ang totoong pagkatao nila kaya ganun na lang sila ibash at siraan ng mga fans, pero ng lumaon na- sa tingin ko ay nalaman na nila ang totoo nilang pagkatao- ay naging sunod-sunod na ang naging public apology ng mga nangbash na fans.
Kahit na madaming tumutol mas madami padin ang tumanggap sa relasyon namin. Pagkatapos kasi ng concert namin sa Dubai ay nagsisulputan na ang love team shippers.
Isa na lang ang nananatiling tanong ng lahat. Sino ang babaeng nilapitan KO ng gabi ng concert sa Dubai. Palaisipan pa din sa kanila yun.
Kung bakit? Dahil nakahood at jeans lang naman si Gee nang gabing yun. Walang nagtakang magtanggal sa hood niya dahil puro mga body guards niya ang nakapalibot sa kaniya.
Kahit na pinipilit din ng mga fans na ipakita niya ang mukha niya ay hindi niya ginawa. Napansin din ng mga tao ang napakaraming body guards ang nakapalibot sa kanya- sa amin ng gabing yun kaya iniisip nila baka mataas siyang tao kaya hindi na sila nagpumilit pa.
Simula din ng gabing may nangyari sa amin ni Gee ay naging sunod-sunod na yun pero hindi naman gabi- gabi. Grabe naman kayo! Baka isipin niyong mahilig kami ah! Hindi nuh! Parehas kaming busy sa mga trabaho namin kaya twice or trice a week lang naman kami nagkikita. . sa dilim nga lang. Pero okay na din yun at least nakakasama ko siya.
Pero nitong huling buwan nga lang ay nagtaka ako ng hindi na siya nagpapakita sa akin. Hindi niya na ako pinupuntahan sa gabi. Wala na din akong natatanggap na tawag o text sa kanya. Hindi ko siya macontact kahit anong gawin ko.
Tinatanong ko si Sebastian ang kaso tanging sagot niya lang ay busy ito. Nasa Russia daw siya at inaayos ang Russian Branch ng empire. Nagkaroon daw kasi ito ng mabigat na problema.
Pero alam kong hindi yun ang dahilan dahil hindi siya makatingin sa akin ng diretso at sa tuwing magtatanong ako ng tungkol kay Gee ay nagiging balisa siya at naglilikot ang mga mata.
"These are the files you need to review. I need your opinion later."- Sebastian at saka siya naupo sa harap ng table at hinarap ang sandamakmak na files.
Sa hinaba ng pagkwekwento ko ay nakarating na kami ng empire. Kinuha ko na lang ang ibinigay niyang files at nireview ito pero hindi ako mapakali. I've been feeling so uneasy since last month hindi ko lang ipinapaalam kay Sebastian.
"Is there any problem bothering you, my lord?"- Rinig kong tanong niya.
"Sebastian, di ba sabi ko sayo wag mo na akong tawaging my lord kapag tayo-tayo lang?"- Sagot ko saka siya sinimangutan.
"Pasensya na. Nasanay lang. Pero may problema ka ba? Napapansin ko nitong nakaraang buwan ay hindi ka mapakali."- Nanahimik ako sandali at saka siya tinignan ng seryoso.
"Sebastian, please sabihin mo na sa akin kung nasaan si Gee. Alam kong nagsisinungaling ka nang sabihin mong nasa Russia siya. Alam kong may mali. Please, mamamatay na ako sa kakaisip kung nasaan siya. I missed her already. Hindi ko din maiwasang mag-alala baka may nangyari na sa kanya hindi ko pa alam."- Nagmamakaawang sabi ko.
[Third Person's POV]
Napabuntong hininga na lamang si Sebastian. Alam niyang hindi niya na maitatago pa ng matagal. Naaawa na din siya kay Seth. Kitang- kita niya dito ang pag-aalala.
"Gusto mo ba talagang malaman ang totoo? Kakayanin mo ba ang malalaman mo?"- Seryoso nitong sabi kaya napaayos ng upo si Seth.
"Yes. I need to know. May karapatan naman ako hindi ba? Asawa ko padin naman siya."
"Bago yun may kailangan muna akong siguraduhin sayo."- Nagtaka si Seth dahil sa sinabi niya pero sumang-ayon din naman siya.
"Mahal mo na ba siya?"- Nagulat man ay agad ding nakahuma sa pagkabigla si Seth.
"Yes. And I'm planning to take this marriage seriously. Simula nung sa Dubai. Inamin ko na sa sarili ko na mahal ko siya ipinangako ko na sa sarili ko na hinding- hindi ko na siya pakakawalan pa. I love her with all my everything. Hindi ko pa man nakikita ang mukha niya. Hindi ko pa man siya nakikilala ng lubusan ay minahal ko na siya. And now, kahit ano pang malaman ko tungkol sa kanya handa akong tanggapin siya."- Seryoso niyang sagot diretso sa mga mata ni Sebastian. Napangiti si Sebastian sa narinig bago napabuntong hininga ulit.
"Okay. I'll tell you everything but you should calm yourself in everything you will hear."- Tumango naman si Seth. Lumipat si Sebastian sa harap ng table ni Sehun at doon naupo.
"Sa estado na meron siya ay hindi na nakakapagtaka na madaming naghahabol at gustong umagaw sa lahat ng pinaghirapan niya. And last month nga ay may nangyaring hindi maganda sa kanya. She was caught on a car accident pero alam kong hindi yun aksidente. Sinadya yun ng kung sinuman. And until now she's still on coma. Wala ako sa tabi niya nun dahil may ipinagawa siya sa akin. That's why tinitrain kita ngayon. I want you to succeed her as the CEO hangga't hindi pa siya nagigising."- Nagugulat nalang si Seth sa mga naririnig niya pero nananatili lang siyang nakikinig dahil hindi niya alam kung paano tatanggapin ng utak niya ang mga nalalaman at hindi niya alam kung anong sasabihin niya.
His wife is on coma and in the verge of dying pero heto siya at wala man lang kaalam-alam. Gusto niyang magalit, gusto niyang magwala pero hindi niya magawa.
"Where is she? I want to see her."- Wala sa sariling nasabi na lang niya.
"I'm sorry but you can't."
Nagpantig yata ang tenga niya sa narinig kaya pabigla niyang hinablot ang kwelyo ni Sebastian. Hindi naman na nagulat ang isa dahil inaasahan na niya ito.
"Why? Bakit hindi ko siya pwedeng makita? Dahil ba sa lecheng challenge ko? F*** that!! Hindi ito ang oras para diyan. Comatose ang asawa ko at halos mamatay na pero wala man lang akong magawa? Wala man lang akong alam sa mga nangyayari? Wag mo akong ginagago Sebastian dahil hindi ako mangingiming bugbugin ka ngayon hanggang sa ikaw na mismo ang magsabi kung nasaan siya."- Galit niyang sabi kay Sebastian.
"Hindi yun. Kahit ako wala nang pakialam pa sa challenge na yan. Pero kahit na gustong- gusto kong sabihin sayo kung nasaan siya ay hindi pwede. Masyado pang delikado para sayo at para sa kanya."
"What do you mean?"
"Kagaya ng sinabi ko kanina, sinadya ang aksidente niya. May nagtatangka sa buhay niya. At kung sasabihin ko sayo ngayon kung nasaan siya knowing that the culprit is still out there ay magdadala lang sa inyo ng panganib. Ngayong may nakakaalam na kung sino ka at ang ugnayan mo sa kanya sigurado akong may nagmamatyag na sa bawat galaw mo. Hinihintay lang nilang puntahan mo siya bago sila kumilos at hindi ko hahayaang may mangyari na naman sa kanya at madamay ka pa. Simula nang magtrabaho ako sa kanya nangako na akong proprotektahan ko siya kahit buhay ko pa ang kapalit."
"Bakit? Bakit handa kang mamatay para sa asawa ko? May gusto ka ba sa kanya?"
Sa tanong na iyon ni Seth ay hindi niya maiwasang magalit dito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ni Sebastian. Natawa naman ang isa pero natigil din ng makitang kunot na kunot ang noo ni Seth.
"Gusto ko siya, oo. Mahal ko siya, oo, pero hindi kagaya ng iniisip mo Seth. Mahal ko siya dahil KAPATID ko siya. Hindi niya alam yun dahil nakalimutan niya. Nagkaamnesia siya dahil sa isang aksidente 20 years ago. At dahil din dun kaya kami nagkahiwalay kaya ginawa ko ang lahat para mahanap siya at heto na nga't kasama ko na siya. Pwede namang ako na lang ang umupo bilang CEO dahil kapatid naman niya ako pero hindi pwede dahil walang nakakaalam at isa pa walang mag-iimbestiga sa nangyaring aksidente. Wala akong tiwala sa mga pulis kaya kung kinakailangang ako na mismo ang mag-imbestiga gagawin ko."
Dahang- dahang napabitaw si Seth kay Sebastian dahil sa narinig niya. Muling sumeryoso si Sebastian at ipinagpatuloy ang sinasabi.
"Kaya kailangan mong matutunan ang pagpapatakbo sa empire sa lalong madaling panahon. Dahil kakailanganin na kitang pabayaan dito para makapagfocus na ako sa pag-iimbestiga sa aksidente niya. May hinala na ako kung sino ang may kagagawan pero wala pa akong matibay na ebidensya."
"Sino? Sabihin mo sa akin kung sino."
"Anong gagawin mo kung malaman mo kung sino?"
"Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya."- Napailing na lamang si Sebastian dahil sa narinig.
"Gaya ng sinabi ko. Wala pa akong matibay na ebidensyang siya nga ang may gawa kaya hindi tayo pwedeng magpadalos- dalos Seth. Kaligtasan niyo pareho ni Gee ang nakasalalay dito."
"Fine. Then train me. Kung kinakailangang bilisan mo gawin mo."- Napangiti si Sebastian sa narinig na diterminasyon ni Seth.
"Here. Para naman may motibasyon ka at hindi ka malungkot. Siguradong makakatanggap ako ng batok neto kay Gee pero okay lang. para naman hindi ka na nangangapa pa sa totoo niyang itsura."- Sabi ni Sebastian na may ngisi sa labi at inilapag sa harap ni Seth ang isang litratong nakataob. Kinuha naman ito ni Seth at saka tinignan ang litrato.
"W-wag mong sabihing siya ito?"- Gulat niyang tanong.
Pamilyar kasi sa kanya ang babae sa litrato hindi niya lang malaman kung saan niya nakita ito. Malawak lang namang ngumiti si Sebastian bago bumalik sa kanyang mesa. Titig na titig naman si Seth sa litrato habang nagingiting parang baliw.
Napakaganda ng babae sa litrato at mukha itong inosente at hindi makabasag pinggan.
Sa isang dako naman ay nangingiting nakikinig lamang siya sa usapan ng dalawang lalaki. Naririnig niya ang bawat sinasabi nila dahil naglagay siya ng listening device sa opisina ng CEO.
Nagulat siya ng malamang may kapatid pa pala ang CEO na kailangan niyang idispatsya. Uunahin na muna niya ang kapatid bago ang asawa. Madali na lang kasing idispatsya ang asawa dahil wala naman itong pinanghahawakan. Nagpapasalamat na lang siya dahil wala pang batang nabubuo para maging tagapagmana. Kung meron man hangga't bata pa mabilis na lang itong ididispatsya.
At isa lang ang nasa isip niya ngayon. Lahat ay umaayon sa plano niya. Kailangan na lang niyang hanapin ang CEO nang mapatay na niya ito. At mabura na ng tuluyan ang nag-iisang balakid sa mga plano niya.
[Someone's POV]
I let you hear everything but I won't let you succeed. I will do everything in my power to stop your evil doing. I promise to her grave that I will protect them no matter what. Even if it cost my life. . . once is enough. I won't let you do what you like. Not anymore.