ASHLEY'S POV
Mag kaharap kami ngayon ni de layla at makikita mo sa mukha nya ngayon ang labis na pag katuwa, tila ba yung tuwang tuwa syang nasasaktan ako?
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko sakanya pero nginitian nya lang ako"Anong kailangan mo?! Kung nag aabang ka para makakuha sakanya, wag mo nang ituloy nakikita ka ni ethan kaya umalis kana"paliwanag ko sakanya
"Isa nalang, shadow, isa nalang..."nakangiti nyang sambit saka sya umalis
Hindi ko nalang inintindi ang sinabi ni de layla kaya naman ay umuwi na ako
Ngunit nang mapunta na ako sa pintuan ng bahay ay naalala ko si ethan...si ethan at ang mga sinabi nya..
Kaya naman tumalikod na ako at kung saan ako dalin ng mga paa ko ay dun nalang muna siguro ako mananatili...
ETHAN'S POV
Umuwi na ako matapos kong mapatahan si camille, ang hirap nyang kausap kaya hindi ko muna pinaliwanag sakanya ang nang yari
Pag pasok sa bahay ay naupo ako sa sofa...sa sofa kung saan madalas matulog si blackshadow
'Sh*t si ashley nga pala!'
Dali dali akong pumunta sa kwarto at sa iba pang sulok ng bahay upang hanapin si ashley ngunit wala...wala sya
Biglang pumasok sa isip ko lahat ng nangyari kanina
"Ang paalisin ako ay ayos lang ngunit ang paalisin ako ng may kayakap ka na iba...sisiguraduhin kong huli na to.."
"Ang paalisin ako ay ayos lang ngunit ang paalisin ako ng may kayakap ka na iba...sisiguraduhin kong huli na to.."
"Ang paalisin ako ay ayos lang ngunit ang paalisin ako ng may kayakap ka na iba...sisiguraduhin kong huli na to.."
Nag paulit ulit sa tenga ko ang sinabi ni ashely kanina
'Huli? Alin ang huli?!'
Agad akong tumakbo palabas ng bahay at pumunta sa arko ng baranggay pinili
'Ash im sorry di ko iniisip ang mga sinabi ko'
Ngunit pag dating ko don ay isang malamig na hangin lang ang sumalubong sakin
"Ashley!"sigaw ko sa arko ngunit wala akong natanggap na kahit anong sagot
Ngunit biglang humangin ng malakas, kaya naman napalingon ako at nakita ko nanaman ang babaeng sumugod sakin noon
"De layla.."bulong ko sa pangalan nya
"Napakilala na pala ako sayo ni shadow"nakangisi nyang sambit
"Asan sya?"tanong ko sakanya pero tanging ngiti nya lang ang natanggap ko"Nasan sya!" Sigaw ko pero hindi nun nagawang matinag ang mga ngisi sakanyang mukha
"Bakit mo pa sya gustong makita? Pinag tabuyan mo na sya diba?"tanong nya habang ang mukha ay nang aasar
"Hindi ganon yon!"sigaw ko sakanya
"Paano mo papaliwanag ang pag papaalis mo sakanya habang may kayakap kang iba?" Ngisi nyang tanong
"Hindi ganon yon! Mali ang iniisip nyo!"sigaw ko sakanya
"Sige nga ethan paliwanag mo!"sigaw nya ngunit hindi naging dahilan yun upang matakot ako
"Niyakap ko sya dahil alam kong doon sya kakalma, tao sya! Kaya iba sakanya kapag nakakita sya ng multo! Kaya yung yakap na yon walang ibig sabihin yon!"sigaw ko ngunit nakangiti sya at nakatingin sa likod ko
Dahan dahan naman akong lumingon at laking gulat ko nang makita ko ang babaeng nasa likuran ko
"C-camille?"gulat na sambit ko
"Kilala mo sila? Nakikita mo sila?"gulat na tanong sakin ni camille
Dahan dahan naman akong tumango at napayuko
"F*ck! Kala ko pa naman, narinig mo or nag alala ka sakin kaya ka pumunta"sigaw sakin ni camille
"Bobo ka ghorl? Ano si ethan may super powers? Maririnig ka nya?"sarkastikong sambit ni de layla
Kaya naman napatingin sakanya si camille "close my third eye! I don't want to see you ugly ghost!"sigaw sakanya ni camille
"Ah! Ganda ka ghorl? Kung patayin kaya kita ngayon?!"sigaw sakanya ni de layla
"Tama na! Hindi ngayon ang oras ng pag aaway!"saway ko sa dalawa dahil alam ko ang kayang gawin ni de layla
"So ethan? Wala ka pa ring gusto sakin?"tanong ni camille na biglang tumingin sakin
"Wala"deretsong sagot ko"yung babaeng sumugod sayo kanina? Sya, sya ang girlfriend ko"paliwanag ko sakanya upang hindi na nya isipin na may gusto ako sakanya
"Y-yung m-multo?"utal na tanong nya kaya naman tumango nalang ako"what?!"sigaw nya sabay takbo
"Girlfriend mo nga ba sya? Gusto ka pa kaya nya? Matapos lahat ng sinabi mo, tingin ko hindi na"nakangising sambit sakin ni de layla "ethan, isa nalang...isang isa nalang at ang buhay mo ay malalagay na sa panganib" matapos ang huling salita nya ay bigla syang nawala
"Mapapanganib? Bakit?"tanong ko sa sarili ko
'Ang higit kong pinag tataka bakit ang bilis kong nahulog kay ashley?'
ASHLEY'S POV
Dumaan ang mga araw at hindi pa rin ako bumabalik kay ethan, masyadong masakit ang pinadama nya sakin
Pero dahil sa takot na nadulot ko kay camille ay bumalik ako sa totoong lakas ko
Ngunit hindi ko alam kung saan ako tutuloy pag napaalis ako ng matatandang multo dito sa tinutuluyan ko ngayon
Kasalukuyan akong tumutuloy sa isang abandunadong bahay sa dulo ng baryo pinili, dito sa lugar na to malayo ako kay ethan...sa lugar na to hindi nya ako masasaktan
Alam ko namang sa arko ng baryo pinili pupunta si ethan dahil alam nyang doon ako namamalagi...
"BlackShadow! Bakit hindi ka nalang mag bukas doon ng mga third eye para naman may silbi ang pagiging tulay mo!"sigaw ng matandang multo ngunit hindi ko sya pinansin
'Sa lugar na to wala akong laban sa matatandang multo dahil di hamak na mas malakas sila sakin dahil hindi naman sila aabot sa pagiging matanda kung hindi sila malakas'
May naramdaman akong bumangga sa akin kaya naman napalingon ako kung titignan ay mas bata lang sya sakin ng konti kaya naman mag sasalita na sana ako kaso bigla syang nag salita
"Paharang harang ka kase!"sigaw nya sakin
"Ako pa? Ikaw tong nang bangga saken?"sagot ko sakanya ngunit hindi man lang sya nakitaan ng takot sakin
'Kung tutuusin pwedeng pwede ko tong puksain sa mundong to ngayon na mismo'
"Ang kapal naman ng mukha mo! Nakikitira ka lang naman dito"sigaw nya nanaman saken
'Bakit ba sya naninigaw! Nakakainis na ha!'
"Kung tutuusin kayang kaya kitang burahin ngayon na mismo!"inis na sigaw ko sakanya
"Ah! Ang kapal naman ng mukha mo!"sigaw nya sakin
Hindi ko na sya pinansin at umalis nalang ako
'Psh! Nakakailang araw palang ako don ginagawa na nila akong alipin! Aalis na ako don! Bahala na sila sa buhay nila mga hunghang sila!!'
Nag lakad ako sa papunta sa arko ng baryo pinili at don ako umakyat
'Siguro nga mas mabuting dito nalang ako upang wala nang mag utos sakin'
Mga multong yon! Pag ako lumakas na ng tuluyan humanda sila! Mawawala na sila dito sa mundo ko!
Sa tagal ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising nalang ako dahil sa ingay na galing sa ibaba
"ASHLEY! BUMALIK KANA PLEASE!"sigaw ng isang pamilyar na boses
"PLEASE! ALAM KONG NARIRINIG MO AKO! PLEASE! I MISS YOU SO BADLY!"sigaw nya muli ngunit may halo nang iyak
'Oh please wag kang umiyak, nasasaktan ako'
"Please ashley im really sorry! Mali lang ang pag kakaintindi mo.."humahagulgol na sambit nya
'Oh please baby stop crying'
"Ashley im inlove to you! Kaya yung yakap na yon wala lang yon!"sigaw nya nanaman pero ramdam na ramdam ko ang sakit na nadarama nya
Ngunit may narinig nanaman akong ibang "Iho nandito ka nanaman, at umiiyak ka nanaman, hay kelan ba babalik ang kasintahan mo? Asan na ba talaga sya?"dinig kong tanong ng isang ginang kay ethan
"Ah hindi po ayos lang po ako, alam ko pong babalik na sya"may hikbi pa rin na sambit ni ethan
"Hay nakakaawa ka talagang bata ka, halos araw araw kana dito ah"sambit ng ginang saka umalis
"Kahit mag mukha akong kaawa-awa sa mata ng lahat, ayos lang sakin basta mapatawad mo lang ako ashley..."dinig kong sambit nya
Nakita kong nakatayo si de layla sa may arko rin at nakangiti sya sakin
'Ano nanaman ba naiisip neto?'
"ASHLEY! PLEASE LUMABAS KANA!"dinig kong sigaw ni ethan sa baba at lalong lumaki ang ngiti ni de layla
"Lumabas kana raw ashley"nakangising sambit ni de layla
"Hindi, hindi maari"sambit ko habang lumalayo dahil palapit na ng palapit si de layla sakin
"Ahhh! Ang sakit!"dinig kong sigaw sa baba kaya naman dali dali akong dumungaw at nakita ko si ethan at nakahiga na sya sa kalsada at namimilipit sa sakit "Ahhhh!"sigaw nya pa
"Hindi ka pa rin ba lalabas?"tanong sakin ni de layla"mamamatay na sa sakit yon oh"turo nya kay ethan na hanggang ngayon ay namimilipit pa rin
"Anong ginawa mo sakanya?!"sigaw ko sakanya at sumugod ako sakanya at hinawakan sya sa leeg
"S-sige p-patayin mo na ako upang hindi na matanggal ang sakit sakanya"nahihirapan man pero nakangisi pa ring sambit ni de layla
Dahan dahan ko naman syang binaba pero hindi ko pa rin sya binitawan"Anong ginawa mo sakanya?!"sigaw kong muli pero nakangiti pa rin sya
"Hindi ako may gawa nyan..."de layla
"Kung ganon sino?!"
"Ikaw! Ikaw mismo ang may gawa sakanya nyan!"sigaw nya sakin na kinagulat ko"nung araw na tinakot ko sya binigyan ko sya ng sumpa, sa tatlong beses mo syang susuwayin ay palagi na syang masasaktan pag mawawala ka"nakangisi pa rin sya"and now ashley you did it! Nakatatlo kana kaya ayan namimilipit na sya sa sakit"nakangiti nyang sambit"paalala lang ha nakakamatay ang sakit na nadadama nya ngayon"sambit nya saka tumalikod ngunit humarap sya ulit sakin "one last thing, bawal nya malaman ang mga sinabi ko sayo dahil paniguradong sisisihin nya lang ang sarili nya at maari din syang mamatay dahil don"sambit nya saka sya nawala ng tuluyan
'Hindi masyadong nag sink in lahat ng sinabi nya, ang tanging alam ko lang ngayon ay nasa panganib si ethan'