webnovel

MANG KEPWENG

Pauwi na kami galing simbahan, masaya na naman kami, hawak ni Daisy ang braso ko, para bang ayaw niya akong mauna sa paglakad, gusto niya sabay lang kami.

Masaya, masarap, magaan sa kalooban... Yan ang pakiramdam ng naiinlove. Kahit wala kaming commitment sa isa't-isa basta pinaparamdam naman namin yun. Di niya kasi inaamin na gusto niya din ako,, ganun din naman ako. Di ko kayang sabihin sakanya ng harap-harapan. Basta, masaya na ako sa set-up namin ngayon. Siguro inaantay lang niya na ako unang umamin. Wala naman akong lakas ng loob, at baka ako lang ang nag-iisip na mahal niya din ako. Oo nasabi na niya ako nung muntik na akong mamatay sa bugbog ng mga lalaki, pero bilang ano? Mahal niya ba ako bilang kaibigan o ka-ibigan?

Nasabi na rin sa doctor na bf niya ako, pero pano kung mali narinig ko? Paano kung BF tapos may F pa sa dulo. BFF? ansakit nun! BEST FRIENDS FOREVER. Yan ang kinatatakutan kong mangyari, na mas nakakatakot pa sa salitang hiwalay.

Mas gugustuhin ko pa sa HIWALAY nalang kami, kesa pilit kong sinisik-sik ang sarili ko sa babaeng KAIBIGAN lang ang tingin sayo. Sinasabi ko to sa isip ko kasi bilang paghahanda sa maaaring kalalabasan ng ka-sweetan namin sa isa't-isa. Para di gaano masakit, para di gaano malalim ang tinik na maaaring babaon sa aking puso.

Nababalisa ako, kasi bakit ganun? May kakayahan akong basahin ang puso't isip ng tao, pero bakit kay Daisy hindi,, hindi ko malaman kung ano takbo ng isip niya. Di ko din marinig kung ako ba talaga ang pintig ng puso niya. Bakit ganun?

At may biglang sumisigaw!!!

Sumisigaw ang mommy ni Daisy!!!

May Duwende kasi siyang nakita, pakiramdam ko si Dindi yun!

Kaya dali-dali kong hinanap kung si Dindi nga yun. Sumigaw din si Daisy sa kwarto niya, pero pagbukas ko ng pinto, wala siya dun! Hanap kami ng hanap sakaniya, pero wala kaming matagpuan.

Dalawang araw na ang nakalipas, wala paring nangyayari,, di rin namin alam kung saan siya. Sinubukan naming tawagan siya sa CP, pero di namin makontak.

"Bakit ganon? Alas dos na ng hapon, nagpunta ako sa ilog, upang kausapin ang mga diwata.

AKO: magandang hapon sainyo mga diwata ng ilog, ipagpaumanhin niyo po sana ang bigla kong pagpunta dito sa inyo. Meron lamang po akong nais alamin.

(biglang lumitaw si Marikit)

DIWATA: nalalaman ko ang iyong pakay, at natitiyak kong si Dindi ang kumuha sa iyong kaibigan., dinala niya ito sakanilang kaharian.

AKO: si Dindi? akala ko mabait siya. Kaya niya ako binigyan ng ganitong kakayahan.

DIWATA: kaya ka niya binigyan ng kakayahan, kasi pareho kayo ng minamahal. Gusto niya si Daisy upang maging kabiyak niya sa kanilang kaharian. Kaya kung napapansin mo, wala kang mabasa sa nararamdaman ni Daisy, di mo mabasa ang isip niya. Pero mahal na ni Daisy, natatakot lang si Dindk na kahig di mo gamitin ang kapangyarihang ibinigay sayo, eh makuha mo si Daisy saknya. Kaya inunahan ka niya, itinakas niya si Daisy sa lugar na kung saan di mo siya masusundan.

(Akala ko, masakit na ang ituring kang kaibigan ng mahal mo,, mas masakit pala, ang mahal ka din niya, pero wala ka nang magagawa, kasi wala na siya.)

AKO: wala na po bang ibang paraan para masundan ko siya? Mahal na mahal ko po si Daisy, matagal na panahon na ang nakaraan pero di ko parin masabi sakanya. Baka naman po may ibang daan papunta sakaniya.

DIWATA: nararamdaman ko ang iyong pait, pero may magagawa pa tayo, dadaan ka sa napaka-dilim na lagusan. Maraming mababangis na Hayop kang makakasalubong. Kung di mo sila kinaya, di kana makakabalik.

AKO: paano po? mas gugustuhin ko po ang mamatay ng may ginagawa, kesa mabuhay ng hanggang sa pagtanda ay dala-dala ko parin ang sakit ng nakalipas. Ituro niyo po sakin ang daan.

DIWATA: tumalon ka sa ilog, may mga diwata ang gagabay sayo papuntang lagusan. Ipapaalala ko lang, di uubra ang kakayahan na ibinigay sayo ni Dindi dito. Kundi ang natural mong tapang at tatag ang tangi mong aasahan dito.

Tumango lang ako, sabay talon sa ilog. May mga magagandang diwata ang umalalay sa akin sa ilalim ng tubig. Isang minuto bago namin natunton ang pinaka-ilalim ng ilog. Namangha ako, sa sobrang daming mga ginto, at perlas pala sa ilalim nito, kung sino man ang magtangkang kunin ito, ay di makakabalik ng buhay. May isang lagusan sa ilalim at napakadilim dilim dito. "Hanggang dito nalang kami, ingat ka sa iyong paglalakbay, basbasan ka nawa ng Panginoong may gawa ng lahat!" sabi ng mga diwata,

Wala akong nararamdamang takot at pangamba, dahil pursigido akong mahanap si Daisy. Gubat na pala ang napasukan ko,, napakasukal at madilim. Napakatahimik, at parang ako palang ang nakapasok s lugar na ito. May isang napaka-laking ibon, ang pilit na dakpin ako ngunit di siya makapasok kasi masukal ang lugar na kinatatayuan ko. May nakapa akong kahoy, pinatulis ko ang dulo nito, gamit ang bato. Mga tatlong metro ang haba,, sa tuwing tukain niya ang kinaroroonan ko, tinutusok ko ang mata niya, hanggang sa di na siya makakita, at lumipad ang ibong sa kung saan-saang direksyon.

Pagkatapos ng ibon ay may leon na naka-amoy sa akin. Tumakbo ako papalayo, pero ambilis ng leon, kaya nagisip ako ng pwedeng kong gawin para matalo ang leon.Tumakbo ako ng mabilis, hawak ang aking sibat kasi alam kong hahabol ito, mabilis din niya akong hinabol.

Pagdating sa malaking bato, itinukod ko ang sibat ko. Sa bilis ng takbo ng leon ay di na niya kaya pang huminto agad-agad kaya diretso siya sa sibat na naka tukod sa bato. Napatay ko ang leon.

May isang silid naman ang nagbukas, ito na siguro ang lugar kung saan nakatago si Daisy. Napakaliwanag ng ilaw na nanggagaling sa silid. Pumasok ako ng walang pag-aalinlangan. Nakita ko nga si Daisy na naka-gapos, sinilip ko muna ang lugar baka pain lang ito ni Dindi, pero wala si Dindi dito. Nakatulog na siya at halatang gutom na gutom,, nagulat siya sa akin,, tumulo ang kaniyang luha sa tuwa na nakita ako, kinalagan ko ang tali at saka ko siya pinainom ng dala kong tubig.

Kamusta ka na? Kaya mo bang maglakad? May masakit ba sayo? sunud-sunod na tanong ko.

Oo, kaya kong maglakad, pero namamanhid ang mga binti ko sa tagal na naka-upo. sabi niya.

"Halika, sakay ka sa likod ko,! bubuhatin nalang muna kita. Baka dumatin pa yung duwende". sabi ko

Pano mo nalaman na duwende ang kumuha sakin? tanong niya.

Mamaya ko na sasagutin, ang mahalaga ay makauwi na tayo. sabi ko.

Nawala yung leon sa lugar kung saan siya ay naka-tusok! Kaya kinuha ko ulit sng sibat.

Bakit? tanong niya sakin.

Wala! basta humanda ka lang, baka may biglang umatake sa atin dito. sagot ko.

May naaaninag akong papalapit sa amin. May pak-pak, pero may apat ding paa.

Yun yung leon at yung napakalaking ibon, iisang katawan lang pala sila.

"Huwag kayong matakot! Tapos na ang pagsubok niyo! Narito ako upang ihatid kayo sa lagusan. Nag-aantay na dun ang mga diwatang tuwang tuwa sa pagdating niyo. Hali kayo sa likod ko sumakay,"!!

yan ang sabi ng leon ay este ibon pala,, leon na ibon.. hahaha ah basta, di ko alam ang tawag sakanila. Sumakay nga kami at mabilis kaming nakarating sa lagusan. Andun ang mga diwatang may dala-dalang magagandang bulak-lak na nakalagay sa basket.

"Maligayang pagbabalik! sabay hagis ng mga petals sa aming dalawa na para bang confetti na naglalag-lagan sa aming buhok."

Si-sino si-sila? tanong niya sa akin.

Sila ang mga diwatang tumulong sa akin upang nahapin ka. Sila ang bantay ng ilog at kalikasan. nakangiting sagot ko.

"Bilisan niyo, matagal na kayong hinahanap ng mga magulang ni Daisy. Lalong lalo kana Daisy". sabi ng diwatang si Marikit.

"Ako'y labis na namangha sa iyong katapatan, kaya bilang regalo, tanggapin mo ang bulak-lak na ito. Ito ang magsisilbing ala-ala ninyo sa amin. Tumawag lang kayo't kayo ay didinggin.

sabi naman ng diwatang si Mariposa sa akin.

Pag-uwi namin ng bahay nila Daisy, sinalubong kaagad kami ng dad at mom niya. Tuwang tuwa sila kasi ligtas si Daisy. Andun din pala si tatay, nanay., at mga kapatid ko. Kasi inakala nila na wala na kaming dalawa ni Daisy. Kasi halos isang linggo na pala kaming nawawala. Kaya marami silang tanong saamin. " Ano bang nangyari? San kami nanggaling? Sino ang dumukot sa amin,?

Si Daisy unang nagpaliwanag, at sumagot sa kanila. At biglang nagpakita si Dindi, humihingi bg dispensa, at siya na ang nagpaliwanag sa lahat.

Kaya pala niya yun ginawa, para malaman niya kung karapat-dapat ba talaga ako para kay Daisy. Tanggap na kasi niya, na bawal ang tao sa kaharian nila. Nagbigay pala siya ng tatlong pagsubok sa akin. Una, ay nung nagcramps si Daisy sa ilog. Pangalawa ay yung mga lalake na nanggulo bago at pagkatapos ng pista. At pangatlo, nung siya na mismo ang kumilos. Yung pagdala niya kay Daisy sa isang lugar na walang nakakaalam kundi mga diwata lang. Yun ang pinakamalaking pagsubok na binigay sa akin.

Napatawad naman namin siya, at sabi niya yung kakayahan na binigay niya sakin ay regalo nalang daw niya yun saakin dahil sa katapatan ko kay Daisy. Bago siya umalis, ay nagiwan siya ng huling salita. "HANDA AKONG TUMULONG KAPAG KAILANGAN NIYO AKO" yan ang salitang di ko makalimutan, nagpasalamat siya at pinatawad na namn siya.

* * * * *

Kinabukasan ay sabay na kaming umuwi sa probinsya namin. Kinompronta na ako ng dad ni Daisy na may pagtingin daw ba ako sa anak nila.

Matagal akong nakasagot kask pinapakiramdaman ko si Daisy kung ano ang magiging reaction niya.

"O-Opo sir, nung elementary ko pa pong crush si Daisy. Pero hanggang ngayon di ko masabi-sabi sakanya. Ok lang naman po na di niyo ako tanggap, at di ako magugustuhan ni Daisy, naiintindihan ko po yun". kabadong sagot ko

Hahaha!!! iho, ganiyan din ako dati sa asawa ko. Kaya nakikita ko sarili ko sayo, kaya siguro magaan ang loob ko kapag kasama ka namin kasi alam namin na aalagaan mo si Daisy sa abot ng iyong makakaya kahit ikapahamak mo pa. sabi ng dad niya.

"Anak, parang kinikilig ka jan! Ano, gusto mo din ba si Dhon? " tanong ng dad niya sakaniya.

"Ano po ito dad? prangkahan? parang nasa hot-seat kaming dalawa ah.. hehehe.. Pero anyway dad, umamin na yung torpe jan, kaya aamin na rin ako.

"Hindi dad, hindi ko siya gusto."!!!! sabi niya.

(Bigla akong nalungkot, pinagkaitan ng tadhana. Pero... )

Gustong gusto ko lang siya dad, sarap nga isigaw jan sa torpeng yan na mahal na mahal ko na siya, dugtong niya.

Bawing-bawi lahat ng pagod, sakit at hirap ko dahil sa pag-amin niya, kahit na may kasamang tukso. Torpe daw ako? Siguro nga, hahaha

"Pinapayagan ko naman kayong magkarelasyon, magBF at GF, pero yung pag-aaral niyo sa college, kelangan tapusin niyo yun. At, ayaw na ayaw kong nagdedate kayo sa labas, kung gusto niyo magbonding, dun nalang sa bahay. Magkwentuhan kayo dun tungkol sa mga nangyayari sa school ninyo. Ikaw Dhon, wag na wag mobg sasaktan ang anak ko ha, nagiisa naming anak yan, alam mo naman siguro yan. Ako makakalaban mo, kahit na magaling ka sa muay-thai.. sunud-sunod na sabi ng dad ni Daisy.

"Opo, huwag po kayong mag-alala, di po namin pababayaan ang pag-aaral namin,, di rin po ako gagawa ng mga bagay na ikasisira ng pangalan ko po sa inyo. Salamat po sa payo ninyo" sabi ko.