CHAPTER 24
-=Atilla's POV=-
Kanina pa umalis si Ram pero patuloy pa din akong nakatingin sa pintong nilabasan nito, patuloy sa pagdaloy ang luha sa magkabilang mga mata ko, hindi ko akalain sa ganito hahantong ang lahat ang tanging gusto ko lang ay makasama at mahalin nang taong pinakamamahal ko.
Kalahating oras na akong naghihintay ngunit mukhang hindi na talaga babalik ang binata, kaya naman napagdesisyunan ko na lang na puntahan ang bestfriend ko na si Nicole sa bahay nito hindi kalayuan sa condo unit ni Ram.
Minabuti ko nang sumakay nang Taxi dahil hindi ko alam kung kaya ko bang maglakad sa dami nang bagay na tumatakbo sa isipan ko nang mga oras na iyon.
"Miss nandito na po tayo." nagulat na lang ko nang biglang magsalita ang driver nang sinasakyan kong taxi, pag-angat ko nang paningin ay saka ko lang napagtanto na nasa tapat na kami nang building kung saan nakatira si Nicole, matapos magbayad ay agad na akong pumasok sa loob, nag-iwan lang ako ng I.D at matapos tawagan nang receptionist nang naturang condo ang number ni Nicole ay agad din akong dumiretso sa unit nito na nasa twenty seventh floor.
"Oh Atilla, long time no see, bakit bigla ka atang..." tanong ni Nicole ngunit laking gulat nito nang bigla akong yumakap nang mahigpit dito at malaya kong hinayaan ang mga luha kong dumaloy sa mga mata ko.
"I'm getting married." I said in between sobs, at alam kong naguluhan ito sa sinabi ko habang ginigaya niya papasok sa condo unit nito.
Sandali itong pumunta sa kusina para ikuha ako nang maiinom, at matapos saidin ang laman nang baso ay pinilit kong ikalma ang sarili ko.
"Ok relax ka na ba?" tanong nito sa akin, at agad naman akong tumango sa tanong nito. "Ok good so tell me kanino ka ba magpapakasal at parang katapusan na nang mundo mo?" seryosong seryoso ang itsura nito nang tanungin ang bagay na iyon.
"I'm engaged to Ram Santiago." mahinang sagot ko dito at bigla naman napalitan ang pagkakunot nang noo nito sa narinig.
"Eh iyon naman pala eh, engaged ka sa taong mahal mo pero bakit malungkot ka pa din?' nagtataka nitong tanong.
"Dahil nalaman niya ang ginawa kong pagpapanggap." naluluha ko na naman sinabi dito, minabuti ko nang sabihin dito ang mga nangyari kagabi kung paanong nalaman ni Ram ang totoo kong pagkatao. "At ngayon nga ay kinamumuhian niya ako." pagtatapos ko.
"I'm so sorry Atilla kung hindi ko sinabing pumayag ay hindi sana ito mangyayari sa inyo." naluluha nitong sinabi sabay yakap nang mahigpit, siya kasi ang nagtulak sa akin na tanggapin ang alok ni Ram.
Kakauwi ko lang galing sa US nang araw na iyon nang tawagan ako ni Nicole na magkita kami sa isang bar sa Timog at dahil matagal na din kaming hindi nagkikita since bumalik ito sa Pilipinas mahigit isang taon na ang nakakalipas ay pumayag na din ako lalo na't miss na miss ko na ang best friend ko.
Hindi ko napigilang alalahanin ang pangyayari nang muli kaming magkita ni Ram matapos ang maraming taon na hindi kami nagkita.
"Malapit na ako." natatawa kong sagot sa phone ko, nakakailang tawag na kasi si Nicole para lang tanungin kung malapit na ba ako. Napapailing na lang ako nang ibaba ko na ang tawag nito, ilang araw palang akong nakabalik sa Pilipinas matapos ang madaming taon na paninirahan ko sa ibang bansa at nang malaman nga ni Nicole na nakauwi na ako nang bansa ay hindi ito pumayag na hindi kami magkita.
Pinauwi kasi ako ni Henry dahil gusto na nitong ipakilala ako bilang isang Cervantes.
"Mama dito na lang po." para ko sa taxi na sinasakyan ko sabay abot nang bayad dito, papasok na sana ako sa napag-usapan naming bar nang may mahagip ang mga mata ko sa katabing bar ng pagkikitaas namin ni Nicole, sobrang lakas nang kabog nang dibdib ko habang sinusundan ang bawat galaw nag binatang matagal ko nang minahal.
Kahit madilim ang paligid ay sigurado akong siya nga iyon, si Ram Santiago, pero agad napalis ang ngiti sa mga labi ko nang mapansin kong may kasama pala itong babae, kahit wala akong karapatan magselos ay hindi ko mapigilang hindi maramdaman ang damdamin na iyon, ngunit agad din iyong nawala nang biglang humiwalay ang naturang babae sa binata.
Napansin ko na lang ang sarili kong sinusundan ito, alam kong mali ang ginagawa ko lalo na't delikado para sa tulad ko ang maglakad nang nag-iisa ngunit parang may sariling mga isip ang mga paa ko na sumusunod sa taong matagal ko nang pinanabikan na makitang muli, malaki na ang pinagbago niya nang huling nagkita kami at kaya ko lang siya nakilala ay dahil ilang beses na din siyang nafeatured sa ilang business magazine sa Pilipinas kasi naman kahit nasa US ako ay sinisigurado kong updated pa din ako sa mga nangyayari sa sarili kong bansa.
Tuluyan ko nang inioff ang phone ko dahil sa patuloy na pagtawag ni Nicole sa akin, alam kong magagalit ito sa ginawa kong hindi pagsipot sa pagkikita namin ngunit mas mahalaga ang taong sinusundan ko.
Sunod lang ako nang sunod sa taong ito na mukhang walang siguradong pupuntahan ang mga lakad hanggang makarating kami sa bandang Cubao at nagdalawang isip ako kung susundan ko pa din ba ito o hahayaan ko na lang ba ngunit mas nanaig ang kagustuhan kong makita pa din ang binata kaya naman sinundan ko pa din ito hanggang umakyat ito nang overpass sa naturang lugar, ang agad kong napansin ay ang mga babaeng nagkukumpulan sa isang lugar nang tulay at isa nga dito ay agad lumapit kay Ram.
"Boss babae?" narining kong tanong nang isang may edad na babae na marahil ay bugaw nang mga babaeng nandoon.
"Sorry not interested." masungit na sagot naman nito at akala ko nga ay lalayo na ang naturang babae ngunit nagkamali ako dahil kumapit pa ito sa braso nang binata.
"Sige na boss mura lang batang bata." pangungulit pa din nito na ayaw pa din bitawan ang braso ni Ram.
"Get off me and leave me alone!" narinig kong asar na sinabi ni Ram sabay bawi nang braso nito sa babae, at matapos nga noon ay naglakad na ito palayo sa naturang babae ngunit nakakailang hakbang palang nito ay bigla na itong muntik matumba kaya naman dahil sa pag-aalala ay agad akong lumapit dito para alalayan ang binata.
"Ok ka lang ba?" nag-aalala kong tanong dito lalo na't muntik na itong tuluyang tumumba.\
"Let go off me, I said leave me alone, I'm not inte..." asik nito sa akin but for some reason ay bigla itong natigilan nang tuluyan nitong makita ang mukha ko, bigla tuloy tumibok nang mabilis ang puso ko dahil baka namukhaan ako nito.
"Hmmm I change my mind, come with me." nagulat at naguluhan ako sa sinabi nito dahil ibig bang sabihin ay namukhaan niya talaga ako.
Sandali lang ay nakatayo na itong mag-isa nang walang kinakapitan at sandali itong tumingin sa akin nang hindi pa ako kumikilos.
"Hindi ka ba sasama?" tanong nito sa akin na nakataas ang dalawang mga kilay, ilang sandali lang ay inabot ko ang nanginginig kong kamay dito.
Pagkababa namin sa naturang lugar ay sakto naman na may taxi na napadaan at agad itong nagpahatid sa Shang.
Pagkarating sa Shangrila ay agad itong kumuha nang kuwarto at sa unang pagkakataon ay binigay ko ang sarili sa isang lalaki, at hindi ako nagsisisi na si Ram ang nakakuha nang virginity ko dahil mahal na mahal ko siya.
Kaya naman laking gulat ko nang magising ako sa kuwartong iyon nang nag-iisa at ang masama ay nang makita ko ang perang iniwan ni Ram, I felt so cheap sa nangyari, I felt like a slut sa nangyari dahil lang binigay ko ang pagkababae ko sa taong mahal ko.
Agad akong umalis sa lugar na iyon na gulong gulo ang isip, at imbes na umuwi sa bahay ni Henry ay minabuti ko nang puntahan na lang si Nicole para makahingi na din nang tawad dito.
"Hi." nakangiwing ngiti ko dito ngunit bigla iyong nawala nang pagsaraduhan ako nito nang pinto.
"Look Nicole I'm sorry if I stood you up, something just happened kaya hindi ako natuloy makipag meet sayo." malungkot kong sinabi sa likod nang pinto nito ngunit nang hindi pa din nito binuksan ang pinto ay naglakad na ako palayo dito.
"It's better be a good reason." nakataas ang kilay nito habang hawak hawak ang pinto nang unit nito, agad naman akong pumasok sa unit nito lalo na't baka magbago ang isip nito.
"You did what?!" napatakip ako nang tenga ko sa lakas nang sigaw nito, nasabi ko na kasi ang nangyari kung bakit hindi ko ito nakatagpo kagabi.
"Please lower down your voice Nicole, pero ng pinagtaka ko ay ang perang iniwan niya lalo na't sabi naman nang front desk na bayad na ang kuwarto so bakit niya ako iniwanan nang pera." nagtataka kong tanong dito.
"My God Atilla, you stayed in the US from so many years and yet napakainosente mo pa din, hindi ba obvious kung bakit ka niya iniwanan nang pera?" tanong nito ngunit kahit anong isip ko ay hindi ko pa din mahanap ang sagot.
"The reason why she left you that money is because she's paying you for that one night stand." pinandidilatan pa ako nito na para bang dapat alam ko na ang ibig sabihin non.
"Bakit naman niya ako babayaran eh hindi naman ako....." ngunit parang bigla kong nalulon ang dila ko nang marealized ko ang gustong ipahiwatig sa akin ni Nicole at nang tignan ko ito ay doon ko lang nakumpirma ang totoong dahilan.
"Inisip niyang nagbebenta ako nang katawan, that I'm a prostitute?" hindi ako makapaniwalang inisip nang taong mahal ko na kaya ko binigay ang sarili ko ay dahil sa pera, hindi ko tuloy mapigilang maluha sa masaklap na nangyari sa akin.
"Calm down Atilla, hindi mo naman siya masisising iyon ang isipin lalo na't nasa lugar ka kung saan tumatambay ang mga prostitute na iyon, walang matinong babae ang maglalakad sa overpass nang Cubao nang ganoong oras lalo na't mag-isa kaya hindi nakakapagtakang isipin niyang isa ka sa mga iyon." paliwanag nito ngunit anong gawing paliwanag nito ay hindi pa din nawawala ang sakit sa dibdib ko sa maling akala na iyon ni Ram. I gave myself to him because I love him.
Alam kong kailangan kong kausapin ang binata para maliwanagan ang lahat ngunit nagkataon naman na kailangan kong samahan si Henry sa mga lakad nito sa pakiusap na din nang asawa nitong si Ellaine, pero sa totoo lang ay gusto nitong bantayan ko ang asawa nito hanggang muli kaming nagkita nang binata sa hindi inaasahang pagkakataon, kagagaling lang namin ni Henry sa isa sa mga meeting nito at napag-isipan naming kumain sa Manila Pen, sandali lang kaming kumain at sa dami nang inorder nito at sobrang dami ang natira kaya naman naisipan kong ipatake out ang lahat nang nasa mesa namin.
"Oh come on Atilla kung gusto mo nang pagkain ay puwede naman tayong umorder, hindi mo kailangan ipabalot ang mga hindi natin nakain." naiiling nitong sinabi, ngunit hindi ako pumayag dahil hindi porke't mayaman ito ay basta basta na lang ito mag-aaksaya nang pera, wala na din itong nagawa nang tumawag ako nang waiter para ipabalot na ng mga natira namin.
Nagdecide akong dalawin si Nicole para kamustahin ito sakto naman na may huminto na taxi kay agad sana akong sasakay nang may isang kamay ang humawak sa hawakan nang pinto.
"Sorry nauna po ako..." ngunit agad akong natigilan nang makita ko kung sino ang may ari nang kamay na iyon. "Ram...." bulong ko at kita ko ang pagkagulat sa mukha nito nang marinig nitong bigkasin ko ang pangalan nito.
Katulad nang magkita kami ay sumama ako dito nang walang tanong tanong, nagpahatid ito sa condo unit nito sa BGC at sakto naman dahil ito na marahil ang hinihintay kong pagkakataon para malaman nito ang totoo na hindi ako prostitute.
Dalawang oras din ang biniyahe namin bago kami makarating sa building kung saan naroroon ang unit ng binata.
"Come on." aya nito sa akin nang hindi pa din ako natitinag sa loob nang taxi.
"Do you want anything to drink, o baka gusto mong kuma....." alok nito nang nasa loob na kami ngunit agad ko iyong pinutol para na din malaman ang pakay nito.
"Anong kailangan mo Ram?" medyo iritable kong tanong dito.
"I want you to be my woman." nabibigla nitong sagot at agad tumibok nang mabilis ang puso ko sa narinig dahil ibig sabihin ay gusto din ako nito.
"Gusto mo akong maging nobya?" naguguluhan kong tanong dito, pabilis nang pabilis ang tibok nang puso ko sa mga oras na iyon, ngunit agad naglaho lahat nang iyon nang marinig ko ang kasunod nitong sinabi.
"Hindi pagiging nobya ang inaalok ko sayo kung hindi maging babae ko." hindi ko mapigilang hindi mainsulto sa sinabi nito, mahal ko man ito ay hindi ko papayagan na ibaba ko ang sarili ko.
Kung ano anong bagay ang sinabi nito trying to conviced me, at nang hindi ako nakinig sa mga sinasabi nito ay inabot nito ang calling card nito na kung sakaling magbago man daw ang isip ko ay tawagan ko lang ito.
Nagdecide akong ituloy ang pagbisita kay Nicole, para na din may mapagsabihan ako nang lahat nang sama ng loob ko, mabuti na lang talaga at walang lakad ang bestfriend kong ito ngayong araw.
"So anong sinabi mo nang inalok kang maging babae niya?" tanong nito matapos kong ikuwento ang muli naming pagkikita ni Ram.
"Hindi ako nakapagsalita dahil sobra akong nashock sa naging proposal niya ni hindi ko na nga nasabi sa kanya ang totoo." pagmamaktol ko kasi naman kahit na naiinis ako kay Ram ay mahal ko pa din ang taong iyon.
"Actully this is good." napapapitik pa ito habang sinasabi ang bagay na iyon.
"Paanong magiging good ito eh ang inaalok sa akin ni Ram ay ang maging babae niya at hindi maging girlfriend niya?" maang ko naman na tanong dito.
"Dahil kapag magkasama na kayo sa isang bahay ay makakagawa ka na nang paraan na mapaibig mo siya, gusto mong mainlove siya sayo diba?" nananantiya nitong tanong.
"Oo naman." sang ayon ko dito.
"Kung ganoon hayaan natin na maniwala siyang bayaran ka para mapaibig mo siya, dahil pakiramdam ko mas madali mo siyang mapapaibig kung magkasama kayo sa isang bahay and besides baka mailang pa iyon kapag nalaman niya na kapatid mo lang naman si Henry Cervantes.
"I don't know parang hindi ko kaya Nicole." nag-aalangan ko pa din na sagot dito, minabuti kong magpalipas nang ilang araw hanggang sa ikatlong araw ay napagpasiyahan kong tawagan ito habang nasa unit ni Nicole, ngunit bigo akong makausap ito at ang sabi ay naglunch ito kaya naman iniwan ko na lang ang pangalan ko, mga bandang alas ocho na nang gabi ng magdesisyon ako na puntahan na lang ito sa tinutuluyan nito.
Mabuti na lang natatandaan ko pa ang unit number nito ngunit sandali akong napatigil nang may isang babaeng umiiyak ang lumabas, nilakasan ko na lang ang loob ko at nagpatuloy sa pagdiretso doon, at kahit kinakabahan ay nagawa ko pa din kumatok sa pinto nito.
"What do you want this...." ngunit naputol ang ano mang sasabihin nito nang makita ako marahil ay akala nitong bumalik ang kaaalis lang na babae.
Katulad nang sinabi sa akin ni Nicole humingi ako dito nang limang milyon para hindi ito maghinala na galing ako sa mayamang pamilya.
At matapos magkasunod ay ninais na nga nitong lumipat ako agad, ngunit katulad nang plano ay humingi ako nang limang araw, at mabuti na lang at pumayag ito kailangan ko kasi ang limang araw na iyon para magpaalam kay Henry na sakto namang paalis nang bansa.
Nakalabas na ako nang pinto nang may bigla akong maalala. "And by the way my name is not Jocelyn, my name is Atilla Salvador." iyon lang at agad na akong umalis.
"So uuwi ka na ba sa bahay ni Henry?" tanong nito na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"No, ayokong umuwi dun dahil hanggang ngayon ay masama pa din ang loob ko sa kanya." pagtanggi ko.
"Kapakanan mo lang ang iniisip nang kapatid mo, pero kung ayaw mong umuwi doon ay puwede ka naman mag stay sa unit ko." alok nito.
"No Nicole, babalik ako sa condo unit ni Ram, gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako at para matutunan niya akong mahalin." sagot ko dito sa determinadong boses.
And that's what I'm planning to do.