Normal lang sa akin ang ihatid sundo ni Glen, kasi nga sya ang bantay ko parang bodyguard ba... Sa kanya ako lagi nka angkas sa twing pupunta ako sa school at pauwi ng bahay, paminsan minsan pag napapansin nyang natutulala na ako ay agad nya akong kinakausap at binibigyan ng advice kasi alam nyang iniisip ko na nmn ang bangungot na nangyari sa buhay ko.
Pagka hatid nya sakin sa bahay inalalayan nya ako papasok, sinalubong kmi ni papa at natuwa sya kasi si Glen naghatid sa akin alam nya na safe ako.
Umuwi na rin si Glen pagkatapos nun kasi 2 days lng passes nya kaya nmn hndi nya ito sinasayang. Naging ok nmn pakikitungo ni sir Glen sa akin kasi napakabait nya at napaka galang, lagi sya nka bantay sa harap ng gate namin sa school, minsan nmn ay sa loob ng campus sya tumatambay sa may gym lalo na pag may practice ng basketball. Nahihiya ako minsan kay sir Glen kasi sunod lng sya ng sunod sa akin, nirerespeto ko naman sya kasi pulis sya. Nung minsang nag out of town si papa kasi may sports event sa division office ng DepEd ako lng mag isa sa bahay kasi off din nung time na yun ni sir Glen kaya ako lng naiwan mag-isa wala na rin kasi kaming katulong para maka tipid kami ng konti. Nang may kumatok sa gate at pagsilip ko sa may bintana nanlaki mga mata ko, nung nakita ko si Mark sa harap ng bahay namin, nataranta ako at dali dali kong kinuha phone ko at tumawag kay sir Glen.. dun ko lng nalaman na naka laya pala sya. Pagdating ni sir Glen wala na si Mark umalis na. Kumatok si Glen sa gate namin nung pagsilip ko na sya binuksan ko na ang pinto ng bahay at pumunta sa gate para mka pasok si Glen, napaiyak ako sa sobrang takot nun kaya he comforted me sabay sabing
"Shine dito muna ako matutulog habang wala pa papa mo, binilin ka kasi sa akin ng papa mo na silipin ka daw dito from time to time at ni sir" yung sir na sinasabi nya eh yung ninong ko na CO nila.
"sir bat ganun?! bakit sya nakalabas?? ano yun?! bat sya andito?! baka kidnapin nya ako uli.. baka pumasok sya sa bahay..!" natataranta na ako sa takot nun kasi iniisip ko baka maulit yung dati kaya niyakap ako ni sir Glen at hinihimas likod ko at sinabi nya na nkapag piyansa daw ito. Napakatagal pala na proseso ang hearing ng kaso ko laban kay Mark, ang buong akala ko madali lng... yung halimbawang pag nahuli ma guilty agad at makukulong, hindi pala. Naka piyansa pala si Mark after a month, nag bayad sila ng P150,000 para lng makalaya sya, may kaya rin kasi sila sa buhay kaya naman madali lng pera sa kanila...
Hindi ako pumasok nung week na yun kasi sa sobrang takot ko na baka kunin ulit ako ni Mark at babuyin, halos gabi2 kong napapanaginipan ang nangyari sa akin. Buti na lng at andyan si sir Glen na kino comfort ako... Nung minsang di ako makatulog ay pumunta ako sa sala para manood ng tv, nandun pala si sir Glen nanonood
"Hi sir!" bati ko
ngumiti sya at sabing "sabi ng wag mo na akong tawaging sir"
"ayy.. oo nga pala Glen" sabay ngiti..
Nanood kami nun ng zombie movie kasi mahilig ako nun at si Glen, mga 2 am na ng matapos kami sa panonood.