webnovel

Wedding

Leo's Pov

Kasalukuyang nakatayo ako dito sa harap ng simbahan. Inaantay na lang namin na makarating si Blessy. Kinakabahan ako kasi late na siya. Di ko tuloy maalis sa isip ko na baka napahamak na sya o di kaya umatras sa kasal.

"Tingin mo Chrys darating pa ba si Blessy?" rinig kong tanong ni Vincent.

"Sa tingin ko hindi na kasi baka natauhan na yun. Si Leo kasi hindi nilagyan ng helmet si Blessy eh hahaha!" pang aasar ni Chrys.

"Yan kasi ginulo nya yung party ng mga babae kagabi. Minsan na nga lang yun magparty hahaha!" sabi pa ni Vincent.

"Mga sira ulo kayo! Magsilayas kayo sa tabi ko at baka mahambalos ko kayo. Imbes na palakasin nyo loob ko eh lalo nyo pa akong pinakakaba." sabi ko sa dalawa.

Nagsialis naman ang dalawa. Maya maya ay lumapit sa akin sina mommy at daddy.

"Kinakabahan ka ba Leo?" tanong ni daddy.

"Medyo po. Bakit kasi wala pa si Blessy?" tanong ko.

"Huwag kang mag alala darating din yun. Hindi naman ganung tao si Blessy. Alam naming mahal na mahal ka nun. Kaya relax ka lang." sabi ni mommy.

"Ikakasal ka na kambal. Im very happy for both of you." sabi ni Lala.

"Ikaw din kambal. Gusto ko ako ang una mong sasabihan kapag ikinasal ka. Huwag kang mag alala nandito kami ni Blessy lagi para sayo." sabi ko.

"Salamat, pero kaya ko na. Unahin mong paligayahin at pagsilbihan si Blessy." sabi pa nya.

"Oo naman." sagot ko.

"Sya sige pupwesyo na ako." pagpapaalam nya.

"Malapit na ang bride kaya magsipwesto na kayo." sabi ni Vanna.

Pumwesto na ako. Ako kasi ang unang lalakad papunta sa harap ng altar. Nagsimula nang tumugtog ang banda at ang kumakanta ay si Lala. Naglakad kami nina mommy at daddy papunta sa harap ng altar. Sumunod ang bestman ko na si Lucas. Pagkatapos ay ang mga maliliit na bata na mga napili naming ring bearer at flower girls. Pagkatapos ay ang mga abay at sinundan ng mga sponsors namin. Pagkatapos ay pumasok na ang maid of honor na si Angel.

"Kuya, magpopropose na din ako sa kanya." sabi ni Lucas.

"Dapat lang. Sa tagal na ninyo at sa dami na ng pagsubok na dumating din sa inyo, sa tingin ko ay kayo na talaga ang para sa isat isa." sabi ko.

"Yeah right. Ayan na ang bride mo." sabi ni Lucas.

Lumingon ako at pinagmasdan ang babaeng pinakamamahal ko. Napakaganda nya sa suot nyang wedding dress. Nang makalapit sila ay humarap ako sa mga magulang nya.

"Take good care of my princess. I dont want to see her cry. If that happens, i will take her back to Netherlands. Is that clear, young man?" sabi ng papa ni Blessy.

"Yes sir!" sagot ko.

Humalik muna si Blessy sa mga magulang nya bago kami pumunta sa harap ng altar.

"Ang ganda mo my loves." sabi ko.

"Ikaw din, ang gwapo mo hehehe." sabi nya.

"Dearly beloved, we are gathered here today, in the presence of God, to witness the joining together of Leo and Blessy in the holy covenant of marriage. Leo and Blessy recognize that marriage is an important part of God's plan for mankind. Marriage is not just a social occasion with a religious touch thrown in. It is a service of worship from beginning to end, in which vows are made, prayers are offered, and blessings are given." panimula ni father.

"Leo, do you take Blessy to be your wedded wife, to live together in holy matrimony and forsaking all others, keep yourself only unto her, for as long as you both shall live?" sabi nung pari.

"I do." sagot ko.

"Blessy, do you take Leo to be your wedded husband, to live together in holy matrimony, and forsaking all others, keep yourself only unto her, for as long as you both shall live?" tanong naman ni father kay Blessy.

"I do." sagot nya.

Nagpatuloy ang kasal at wala naman akong naiintindihan sa kasal ko. Panay kasi tingin ko kay Blessy. Lumapit sa amin ang ring bearer at ibinigay ang mga singsing sa amin.

"Blessy, I give you this ring as a symbol of my love and faithfulness. As I place it on your finger, I commit my heart and soul to you. I ask you to wear this ring as a reminder of the vows we have spoken today, our wedding day. This ring is a token of my love. I marry you with this ring, with all that I have and all that I am." sabi ko. Pagkatapos ay isinuot ko na sa kanya ang singsing. Pagkatapos ay sya naman ang nagsalita.

"Leo, I give you this ring to wear with love and joy. As a ring has no end, neither shall my love for you. I choose you to be my husband this day and forevermore." huminto muna sya at huminga ng malalim.

"This ring I give to you as a token of my love and devotion to you. I pledge to you all that I am and all that I will ever be as your wife. With this ring, I gladly marry you and join my life to yours. I give this ring as my gift to you. Wear it and think of me and know that I love you." naluluha nyang sabi.

Nagpatuloy pa ang seremonya. Hindi ko din mapigilang hindi maluha. Ngayong araw ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko.

"Throughout this ceremony, bride and groom have vowed, in our presence, to be loyal and loving towards each other. They have formalized the existence of the bond between them with words spoken and with the giving and receiving of rings. Therefore, it is my pleasure to now pronounce them husband and wife. You may now kiss your bride!" sabi ng pari. Hinalikan ko naman ng buong puso si Blessy.

"Hoy! Mamaya na kayo magkainan! May reception pa tayong pupuntahan!" sabi ni Chrys.

"Tama! Gutom na ang daddy kong alien. Kita mo umiiyak na pati si tito Jimin." sabi ni Vincent. Binatukan naman ito ni tito V.

"Kung alien ang daddy mo ay alien ka din hahaha. Mana ka kaya sa kanya." sabi ni daddy.

"Tsk! Sayo din nagmana si Leo." sabi ni tito V.

"Congrats sa bagong kasal!" sigaw nila tito V at tito Jimin.

Nagtawanan naman kami. Nagkuhanan muna ng pictures kasama ang mga pamilya namin. Nakakatawa nga kasi, lahat ng tito ko na mga kaibigan ni daddy ay present sa kasal ko. Halos hindi kami makapagseryoso dahil sa pagbibiruan nila. Ayun naging wacky lahat.

"Tsk! Ano ba yan alien, kelan ka ba magseseryoso?" tanong ni tito Suga kay tito V.

"Hala pagnagseryoso yan ay magugunaw ang mundo." sabi naman ni tito Jhope.

"Dalian nyo baka magalit na ang panganay natin." sabi ni tito V.

"Sira ulo! Anak ko yan." sabi ni daddy.

"Makaangkin ka naman." sagot ni tito V.

"Baliw ka syempre anak nya yan." sabi ni tito Namjoon.

"Bilisan nyo na gutom na ako!" sabi naman ni tito Jin. Kahit kelan ang takaw pa din nya.

"Hala mahiya kayo kay Blessy." sabi ni tito Jimin.

Napailing na lang ako at si Blessy natawa sa mga ito.

"Thank you po sa inyo!" sabi ko sa kanila. Napatingin naman sila sa akin at ngumiti.

Natapos ang kasal at isa isa namang nagpuntahan sa reception.

"Akin ka na Mrs. Jeon." sabi ko kay Blessy.

"Sayong sayo na ako my loves." sagot nya na ikinangiti ko.

"Tara takas na lang tayo. Skip na natin ang reception." sabi ko.

"Hoy! Mahiya kayo sa amin lalo na aa kapatid kong si Vanna na nagpakahirap sa kasal nyo tapos tatakas kayo?" sabi ni Vincent.

"Panira ka talagang alien ka!" sabi ko.

"Hindi ah. Si daddy lang ang alien." sabi ni Vincent.

"Tara na baka mahuli pa tayo sa reception." sabi ni Blessy. Napanguso na lang ako.