webnovel

Violated

Leo's Pov

Nagkayayaan kami na kumain sa labas kasi successful ang concert. Masaya ang lahat sa kinalabasan ng school anniversary.

Nag iintay kami sa parking lot at nag iintay kay Blessy. Sya na lang ang kulang kanina pa yun.

"Ano Angel nasagot ba?" tanong ni Lala. Mukhang tinatawagan na nila ang mga ito.

"Hindi naman ganito si Blessy. Nag aalala ako parang may mali." sabi ni Angel.

Miski ako nag aalala na kaya naman pumasok na kami ulit sa school. Kami ni Angel, Lucas, Lala at Vincent ang pumasok. Yung iba naiwan sa kotse.

"Dun muna tayo sa locker." sabi nya may kukunin pa sya. Nakarating kamo sa locker pero bukas ito at nandun pa ang P.E. uniform.

"Teka lang parang may sulat." sabi ni Vincent.

Magkita tayo sa gym ang nakalagay. Kahit hindi kami sigurado na kay Bessy yun ay dali dali pa din kaming pumunta ng gym.

Pagpasok namin nagdilim ang paningin ko sa nakita ko. Lumapit agad ako at hinila ko ang nakapatong kay Blessy. Pinagsusuntok ko agad ito ng maraming beses. Sumugod ang dalawa pa pero hindi ako nagpatinag at pinagsusuntok ko rin sila.

"Kuya! Tama na! Mapapatay mo na ang mga yan!" sigaw sa akin ni Lala. Pero galit pa din ako kaya hindi ako nag paawat.

Natauhan ako ng may sumuntok sa akin. Sinuntok pala ako ni Lucas.

"Pasensya na kuya pero nawawala ka na sa tamang pag iisip kaya nasuntok kita." sabi ni Lucas.

Napansin ko na may tinatawagan si Vincent. Si Lucas nakabantay sa mga nabugbog ko at si Angel nakayakap kay Blessy.

Di ako umaalis sa pagkakaupo ko. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Nagulat ako ng sumigaw si Lala. Hinimatay si Blessy. Agad ko itong binuhat at dinala sa parking lot. Inilagaw ko sya sa likod at tinabihan ni Angel. Sumakay naman si Lala sa tabi ko. Nagtataka ang iba naming kasama na nasa parking lot. Sinabi ko na mag intay sila kina Lucas.

Dinala ko si Blessy sa SDR hospital. Tinawagan na ni Lala si tita Rose para masalubong kami sa ospital. Nang dumating kami dun, ipinasok agad sa emergency room si Blessy. Nag antay kami sa labas ng E.r. Nang lumabas si tita Rose, nagsitayuan kami.

"Ano ba ang nangyari? May mga pasa sya sa magkabilang braso at sa pulsuhan. Tapos meron din sa tyan, halatang sinuntok ang bata. Ano bang nagyari?" tanong ni tita Rose. Nang marinig ko yun nasuntok ko ang pader. Nagdugo naman ang kamay ko at ginamot ni tita.

"She almost got raped tita Rose . Buti na lang dumating kami agad, kung hindi baka kung ano na ang nangyari.

"Pasaway ka talaga. Bakit mo sinuntok ang pader. Oh ano napala mo, dumugo pa kamay mo. Ikaw pa ba ang kakambal ko? Hindi ka ganyan kumilos dati." sabi ni Lala.

Nagsidatingan na ang mga kaibigan namin. Nasa mga pulis na daw ang mga sira ulong yon. Kaso yung isa may malakas na kapit. Tinawagan ko si uncle Red.

"Oh Leo, bakit ka napatawag?" tanong ni uncle.

"Uncle Red pakicheck naman ang cctv sa university. Kung sino ang pumasok sa gym around 8 to 9pm. Pati yung cctv sa may locker room the whole day. Alamin mo kung sino ang naglagay ng sulat sa locker ni Blessy." sabi ko.

"Hindi ba agent ka? At hacker ka namin? Bakit kailangan mo pa ako." sabi ni uncle Red.

"Opo alam ko, kaso wala ako sa sarili ko ngayon. Ang gusto ko lang ay bantayan ni Blessy. Please uncle, gusto kong managot ang may gawa nito sa kanya." sabi ko.

"Oh sya sige gagawin ko na. Ibababa ko na ang phone." sabi nya.

"Salamat po." sabi ko at pagkatapos tinawagan ko si uncle Beige.

"Uncle Beige can i ask you a favor? May dinala po sa presinto nyo jan na 3 lalaki. Yung isa daw po may connection. Gusto ko silang pagbayarin sa kasalanan nila. Gusto ko silang makulong." sabi ko.

"Mukhang malaki ang kasalanan ng mga to ah. Connection? Baka nakakalimutan mo General ako. Kakayanin ba nila ako? Ano ba nagawang kasalanan sayo?" tanong nya.

"They almost violated my friend. I want them in jail uncle or else i might do something bad." sabi ko.

"Oh i will put them in jail but please don't do something bad. Magagalit sakin ang Mommy mo nyan eh. Masama ka pa naman magalit. Madali lang yan. Sexual harrasment pala ang case eh." sabi nya.

"Sige po. Thank you po uncle." sabi ko tapos ibinaba ko ang phone. Nagsiuwi naman ang mga kaibigan ko. Ang natira lang ay si Lucas at Angel.

"Alam nyo napapansin ko si Blessy na malungkot nitong mga nakaraang araw. Tingin ko na bubully sya sa school." sabi ni Angel.

"Paano mo nasabi Angel?" tano

ng ni Lucas.

"Nito kasi mga nakaraang araw laging nanghihiram ng books si Blessy. Akala ko nasira lang ang mga books nya kaya nanghihiram sya. Nung makabili sya nung nakaraang araw nanghiram na namansya sakin. Dun ko napansin sa locker nya na basa ang mga libro nya at sira ang lock ng locker nya. Tapos minsan may sugat sya, di ko pinansin kasi clumsy yun. Kaso nakita ko sinadya syang bungguin." paliwanag pa nya.

"Sisiguraduhin ko na mananagot ang mga may kasalanan. Hindi ko papalampasin ang pagbubully nila." sabi ko.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. Parang halos kasing tanda sya ni Mommy.

"Kamusta ang pamangkin ko? Ano ang nangyari sa kanya? Angel ano nangyari sa kaibigan mo?" tanong ng tita ni Blessy.

"Tita muntik na syang marape sa school." sabi ni Angel.

Lumapit ang babae kay Blessy. Hinaplos haplos nya ang buhok nito. Huminga ito ng malalim bago nagsalita.

"Hindi ko sya masyadong maasikaso. Tingin mo Angel kailangan ko na syang ibigay sa daddy nya? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari pang masama sa kanya." sabi ni tita ni Blessy.

"Ti..ta wag nyo...po ako...ibi..gay kay Pa..pa. Parang...awa..mo na tita." nagmamakaawang sabi ni Blessy. Hirap pa itong masalita at umiiyak din.

"Bless, baka mas mapabuti ka pa dun. Baka kailangan ka dun. Alam mo ang kalagayan ko. Paano pag wala na ako?" sabi ng tita nya.

Iyak ng iyak si Blessy. Pati na ang tita nya at si Angel. Naguguluhan ako. Nagpaalam ang tita ni Blessy kasi may trabaho pa ito. Nagprisinta naman kami na mag aalaga. Nakatulog na si Blessy dahil sa epekto ng gamot.

"Ayokong umalis si Blessy. Paano kung kunin sya ng Papa nya. Hindi ko na sya makikita pa huhuhu!" sabi ni Angel.

Ang marinig na aalis si Blessy at ang hindi sya makita pa ang nagpasakit ng dibdib ko. Feeling ko hindi ako makahinga. Paano nga kung isoli sya ng tita nya. Nagring naman ang cellphone ko.

"Leo, nakita ko na ang cctv nito. Nagtataka lang ako kasi parang nakita ko na yung babaeng naglagay ng sulat sa locker nya. Pupunta ako jan para mapakita ang video." sabi nya.

"Cge uncle aantayin kita dito. Salamat po." sabi ko at pinatay ko ang tawag.

Kung kilala ni uncle yung babae, malamang malapit sa amin yun pero sino? Imposible naman na isa sa mga kaibigan ko dahil matutukoy ni Uncle. Imposible din na si Angel dahil laging nakabuntot si Lucas. At makikita mo na parang magkapatid na sila. Pero sino?