webnovel

The New Boss

Leo's Pov

Ano ba naman itong napasukan ko. Gusto lagi ng ka meeting ko makipagkita sa bar. Sa lahat ng ayoko yung pupunta sa ganitong lugar. Nagpupunta lang ako pagkasama ang mga kaibigan ko.

Nagpaalam na ako sa kanila kasi masakit ang ulo ko. Hindi ako nakakatulog simula nung nakita ko na may boyfriend si Blessy. Sabi nya hindi sya ang hinahanap ko pero bakit ayaw tanggapin ng puso ko.

Nung nakaraang araw nag aya na naman itong investor ko na uminom sa bar. Nakita ko ang boyfriend ni Blessy na may kahalikang ibang babae. Gustuhin ko mang suntukin pero naisip ko na kuhanan na lang ito ng picture.

Naiiling na lang ako sa mga nangyari sakin ng mga nakaraang araw. Naglalakad lakad ako papunta sa hotel na tinutuluyan ko. Napansin ko na parang kahawig ni Blessy ang pumasok sa hotel na pagmamay ari ko. Sinundan ko ito hanggang sa makarating sa isang kwarto. Mukhang nag aalangan itong kumatok. Hindi maganda ang nararamdaman kong gagawin nito.

Nilapitan ko sya at hinatak papunta sa elevator. Dinala ko sya sa penthouse ko sa pinakataas ng hotel.

"Teka nga ano bang problema mo?" tanong nya.

"Anong ginagawa mo dun sa labas ng kwarto?" tanong ko naman.

"Ano bang pakialam mo. Makikipagkita ako sa boyfriend ko. Sige aalis na ako, nag aantay na sya sakin." sabi nya.

"Blessy, ayoko sanang makialam na pero nakita ko ang boyfriend mo na may kahalikang iba. Kung di ka maniniwala tignan mo ang picture na to." sabi ko sabay abot sa cellphone ko.

"Ano naman ngaun. Kailangan ko pa rin makipagkita sa kanya." sabi nya pero lumuluha ito.

Nararamdaman ko na may mali eh. Kadalasan magwawala ang isang babae kapag nakita nila ang boyfriend nila na may kahalikan.

"Blessy may problema ka ba? Baka matulungan kita." sabi ko. Tumingin naman ito sakin tapos yumuko ulit.

"Blessy, hindi kita paaalisin hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang problema mo." sabi ko.

Makikipagkita ako sa boyfriend ko para makipagtalik. Yun kasi ang kundisyon nya para matulungan ako sa Lolo at Lola ko. Sabay kasi itong naospital. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Huhuhu!" iyak na sabi ni Blessy. So malaki pala problema nito at dumagdag pa ang boyfriend nito.

Nakayukom ang kamao ko sa galit. Sinasamantala nya ang nangyayari sa girlfriend nya.

"Mahal mo ba ang boyfriend mo?" tanong ko. Umiling naman sya.

"Hindi ko alam kung minahal ko ba sya. Sabi kasi nya sya ang boyfriend ko. Tapos yung dalawang matanda ang lolo at lola ko. Wala kasi akong matandaan eh. May mga papeles na dinala ako sa ospital na sya daw ang gumastos. At meron ding birth certificate ko at mga id. Naniwala ako kasi magsisinungaling ba ang lolo at lola ko?" sabi nya.

Tama nga kutob ko may mali dito. Mukhang tatanggapin ko na ang offer ni Mommy. Kailangan kong malaman ang totoo.

"Halika na puntahan natin ang mga lolo at lola mo. Tutulungan kita sa kanila." sabi ko

"Anong kapalit?" sabi nya.

"Kailangan bang may kapalit? Gago ang boyfriend mo kasi pinagsasamantalahan nya ang kahinaan mo." sabi ko.

"Babayaran na lang kita pero paunti unti. Malaki laking pera ang kailangan ko." sabi nya. Mukhang hindi ito natanggap ng simpleng bigay lang.

"Sige unang kabayaran mo makipagbreak ka sa boyfriend mo. Tapos kung gusto mo sa akin ka magtatrabaho bilang sekretarya ko. Mas malaki ang sahod sa akin kaysa sa pagiging teacher mo." sabi ko. Tumango naman ito. Salamat naman at pumayag na rin ito.

Nagpunta kami sa ospital at sinagot ko lahat ng gastusin nila. Ang lola nya ay nahihirapan na makahinga at kinailangan na itong lagyan ng oxygen. Ang lolo naman nya ay madami na din ang sakit gawa ng katandaan.

Pinalipat ko ang mga ito sa isang private room. Lumabas muna ako ng kwarto at pumunta ng cafeteria. Habang nabili ako ng pagkain namin ni Blessy tumawag muna ako kay Mommy.

"Hello kuya. Bakit ka napatawag?" tanong ni Mommy.

"Mom i think i will accept your proposal." sabi ko.

"Huh? Bakit nagbago isip mo?" tanong ni Mom.

"Mom i found Blessy. Gusto kong masiguro na sya yun at ang nangyari sa kanya. At kung ang pagtanggap sa proposal mo ang paraan para makaaccess ako sa agency ay tatanggapin ko." sabi ko.

"Wow nahanap mo na si Blessy? Dalhin mo dito. Gusto ko syang makasama ulit." sabi ni Mom. Napalapit talaga si Mom kay Blessy. Nalungkot din ang buong pamilya ko nung malaman namin na nawawala ito.

"Mom, hindi nya tayo maalala." sabi ko. Narinig kong napasinghap sya.

"Okay kuya i'll inform all the agents. Pwede mo nang tawagan si uncle Red mo." sabi ni Mom. Nagpasalamat ako at ibinaba ang tawag.

Bumalik ako sa kwarto ng lolo at lola ni Blessy. Pagbukas ko ng pinto nakita ko na nakasandal sa pader si Blessy at pinipilit nyang halikan ng boyfriend nito. Lumapit ako at sinuntok ko ang boyfriend ni Blessy. Hinatak ko naman papunta sa likod ko si Blessy.

"Tarantado ka! Bakit mo ako sinuntok?" tanong ng mokong.

"Sira ulo ka pala eh, pinagsasamantalahan mo na ang tao tapos hindi pa kita aawatin?" sabi ko.

"Wala kang pakialam girlfriend ko yan." sabi nya. Nakaupo pa rin ito sa sahig at hawak hawak ang pisnge nya.

"Huh? Akala ko wala na kayo. Nakita kasi kita sa bar may kahalikan eh." sabi ko.

"Gago! Sinisiraan mo lang ako. Wala ka namang pruweba eh." sabi nya. Tumawa naman ako.

"Pruweba ba? Napakita ko na kay Blessy yun. Hahaha!" sabi ko.

"Blessy sa akin ka naniniwala di ba? Baka sinet up lang ako nyang gago na yan. Hindi ko tatanggapin ang pakikipaghiwalay mo. Ako ang nagligtas sayo kaya akin ka!" sabi nya. Umiling naman si Blessy.

"Umalis ka na Denver! Simula ngang bigyan mo ako ng kundisyon bago mo ako tulungan at ang pananamantala sa akin, nawalan na ako ng respeto sayo. Tanggapin mo man o hindi break na tayo. Hindi ko nga sigurado kung kasintahan nga kita eh." sabi ni Blessy.

"Bakit ano ang pinagmamalaki mo iyang taong yan? Sa kanya ka ba nakipagsex para bayaran ang bill nyo?" sabi nung mokong. Lumapit si Blessy at sinampal ito.

"Hindi ko akalain ganyan pala ang tunay mong ugali. Kahit sinagip mo ako, hindi mo ako pag aari. Napakaliit ng tingin mo sa akin. Tama lang na nakipaghiwalay na talaga ako sa iyo." sabi ni Blessy.

"Tandaan mo ang ginawa mo Blessy. Sisiguraduhin ko na lalapit ka rin sakin. Tignan lang natin kung gaano kayaman yang pinagmamalaki mo. Marami akong koneksyon kaya sisiguraduhin ko na pagbabayaran nyo ang ginawa nyo sakin." sabi nung gago.

"Hahaha! Tignan ko kung kakayanin mo. Maghanap ka na ng marami mong pinagmamalaking kuneksyon. Galingan mo ha. Unahan mo ako. Oh by the way, I'm Leo, Leonard Errol Jeon." sabi ko.

Umalis ang gago. Tinanong ko si Blessy kung ano ang buong pangalan ng mokong na yun. Kinuha ko agad ang cellphone ko. Tinawagan ko si Chrys.

"Chrys. Are you busy?" tanong ko.

"No." sabi nya.

"I need you to do something. Mission." sabi ko.

"Oh tinanggap mo na yung offer ni tita?" tanong ni Chrys.

"Yes and i found Blessy." sabi ko.

"Cool!" sabi ni Chrys.

"Okay sige i need you to find all the details of Denver Samaniego and Blessy Perez." sabi ko.

"Okay give me an hour Boss." sabi ni Chrys.

Simula ngayon dadag na ang magiging trabaho ko. Ako na rin ang bagong Boss ng Rainbow Agency.

Nilapitan ko si Blessy na iyak ng iyak. Naaawa ako kasi alam ko hirap na hirap na sya sa nangyayari sa kanya. Niyakap ko si Blessy hanggang aa makatulog ito.