webnovel

Ninongs

Leo's Pov

Lumipas ang tatlong buwan simula ng nanganak si Blessy at ngayon tatlong buwan na din ang kambal namin. Kambal na lang kasi dalawa na lang sila. Habang inaalagaan ko ang mga anak ko ay kinukulit ako ng mga kaibigan ko sa group chat namin.

The Vadazz Club

AlienVin- @HusbandLeo ano na tuloy na ba ang binyag?

SavageLucas- @AlienVin oo tuloy na at hindi ka imbitado. Lalo namang hindi ka ninong. 😝😝😝

AlienVin- waaaahhh! Hindi maaari yun. @HusbandLeo di ba hindi totoo yun?

HusbandLeo- Naipasa na ni Blessy ang listahan ng mga ninong at ninang eh. Para ngang wala ka dun @AlienVin. 🤔🤔🤔

AlienVin- @HusbandLeo sige wag nyo ko isali, kikidnapin ko ang kambal mo. 😭😭😭

FlowerChrys- @Huwag ka nang umasa. 😝😝😝

AlienVin- @FlowerChrys mang asar ka pa sige sisiguraduhin kong butas butas na ang gulong ni baby Porsche mo.

FlowerChrys- @AlienVin waaaahhh huwag ang baby ko. 😭😭😭

@HungryJustin is now online

SavageLucas- yun oh sasali na sa usapan si @HungryJustin

HungryJustin- Antayin nyo mag oonline din si @AngryRM

FlowerChrys- Eh si @SweetMin nasaan na? Sayang nde sya makakadalo sa binyag.

@AngryRM is now online

@SweetMin is now online

@BabyLiam is now online

SweetMin- Kamusta mga brad?

HusbandLeo- @SweetMin natanggap nyo ba yung imbitasyon para sa binyag ng baby ko?

SweetMin- @HusbandLeo oo natanggap namin. Sinabihan ako ni daddy Suga na umuwi ng Pinas.

FlowerChrys- yun oh! Makukumpleto na tayo.

SavageLucas- @FlowerChrys hindi tayo kumpleto. Hindi kaya kasama yung alien sa binyag.

FlowerChrys- oo nga pala nakalimutan ko. Sorry ka na lang alien

AngryRm- Kinawawa nyo na naman yang si alien. Pero buti na lang at hindi sya imbitado, baka mahawa pa ang kambal mo Leo sa pagiging alien nyan.

AlienVin- @AngryRm bwisit ka kala ko pa naman kakampihan mo ako.

BabyLiam- @SavageLucas kuya samahan mo akong uminom sa bar.

HusbandLeo- @BabyLiam may problema ka ba? Gusto mo din na samahan kita?

BabyLiam- @HusbandLeo okay lang ba kay ate Blessy kung aalis ka?

HusbandLeo- @BabyLiam okay lang yan. Papayag ang ate mo. Oh eto pinayagan na ako. Sa hideout ba?

SavageLucas- @HusbandLeo sabay na ako sayo kuya. Tinatamad ako magdrive. Punta na ako dyan sa inyo.

AngryRm- Pupunta din ako.

FlowerChrys- kami din ni alien, papunta na.

HungryJustin- susunod din ako. Tatapusin ko muna ang pagkain.

AlienVin- @HungryJustin bilisan mo. Ang takaw takaw mo.

SweetMin- eh absent na naman ako 😭😭😭

HusbandLeo- @SweetMin kaya nga bilisan mong umuwi ng Pinas. Alis na kami. Bye!

Pinatay ko na ang cellphone ko at nagbihis.

"My loves, okay lang ba talaga sayo na umalis ako?" tanong ko kay Blessy.

"Oo naman, at isa pa nag aalala din ako kay Liam baka nabigat ang problema nun." sabi nya.

"Ang lakas talaga sayo ni Liam no hahaha. Sige aalis na ako, hindi ako iinom ng marami. Pagnahirapan ka sa kambal tawagan mo ako." sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba, nandyan naman si nanay Rita at sina mommy. Sila na lang ang tatawagin ko. Sya nga pala, hindi daw makakarating sina papa sa binyag. Alam mo na busy sila pero nagpadala na daw sila ng mga regalo. Tingin mo ba pwede tayong makadalaw sa Netherlands?" tanong nya.

"Oo naman love, hayaan mo ikiclear ko ang schedule ko next week para makaalis tayo pagkatapos ng binyag." sabi ko.

"Salamat Leo." sabi ng asawa ko.

Bumaba na ako at naabutan ko na nasa sala si Lucas. Nagpunta kami sa hideout naming magbabarkada. Nadatnan namin na nandun na sina Liam, Vincent at Chrys.

"Oh asan na sina Justin at Rm?" tanong ni Lucas.

"Malapit na daw sila." sagot ni Chrys.

"Oh bunso anong problema mo?" tanong ko.

"May matagal na akong babaeng minamahal kaso hindi nya ako mahal kuya. Lahat ginawa ko sa kanya hanggang sa punto na napagod na akong mahalin sya. Kaso nung umayaw na ako, ngayon sya lumalapit sakin at sinasabing mahal nya ako." kwento nya.

"Oh anong problema? Eh di sagutin mo na." sabi ni Vincent.

"Kaso kuya Vincent nahuhulog na ang loob ko sa ibang babae." sabi ni Liam.

"Oh anong problema? Edi dun ka sa bago mong gustong babae." sabi ni Chrys.

"Ginugulo kasi kami ng dati kong minahal to the point na sinabihan nya yung nagugustuhan ko na buntis sya. Ang masakit may video kaming magkasama sa isang kwarto." sabi ni Liam.

"Saan nakuha ang video?" tanong ko.

"Naalala nyo nung birthday ng isa kong ka teammate sa basketball tapos umuwi ako kinabukasan na?" tanong ni Liam.

"Oo naalala ko yun. Nagalit pa nga si mommy sayo dahil hindi ka man lang tumawag." sabi ni Lucas.

"Dun yun nangyari. Actually wala akong alam sa nangyari. Nakita ko sa video na nakapatong si Olivia sa akin. Pero hindi ko alam kung anong nangyari. Naguguluhan ako, paano ko sasabihin kina mommy at daddy ang problema ko. Buntis daw si Olivia at ako daw ang ama. Anong gagawin ko kuya?" tanong ni Liam habang lumuluha.

"Eh di pakasalan mo." sabi ni Chrys.

"Hindi ko na sya mahal. Ayokong matali sa kanya dahil sa bata. Isa pa mahal ko na ata si Ara." sabi ni Liam.

"Alam na ba ni Ara ang nangyari?" tanong ni Lucas.

"Teka sino si Ara?" tanong ni Vincent.

"Si Ara yung sekretarya nya. Ang babaeng nagugustuhan na ni Liam." sabi ni Lucas.

"Lumayo si Ara kasi pinahiya ni Olivia sa opisina na mang aagaw at sinisira daw ni Ara ang buhay ng bata. Dahil sa sinabi ni Olivia eh nagresign si Ara at lumayo ito." sabi ni Liam.

"Tatanungin kita bunso, ano ang nasa isip mo sa problema mo?" tanong ko sa kanya.

"Naguguluhan ako kuya, kung sakin ang bata pananagutan ko pero ayaw kong magpakasal kay Olivia at isa pa gusto kong sundan si Ara." sagot nya.

"Bago mo sundan si Ara ay ayusin mo muna ang problema mo. Sabihin natin ito kina mommy at daddy. Kung natatakot ka sa sasabihin ng magulang natin ay sasamahan ka namin. Maiintindihan ka nila mommy at isa pa lahat ng magiging desisyon mo ay nakasuporta kami sayo." sabi ko.

"Kuya natatakot ako. Natatakot akong mawala sakin si Ara dahil sa problema ko." umiiyak na sabi ni Liam.

"Huwag kang matakot, tutulungan ka namin ni kuya." sabi ni Lucas.

"Huwag ka ngang umiyak. Hayaan mo iimbestigahan ko ang nangyari sayo. May hindi tama eh." sabi ni Vincent.

"Paano mo nasabi alien?" tanong ni Chrys.

"Mag isip ka nga bulaklak, paano navideohan nung babae kung katalik nya si Liam. Kung sinet up man nya ito ay bakit nya nagawa ito? Isa pa kung walang maalala si Liam sa nangyari ibig sabihin ay lasing na lasing sya. Tingin mo ba kung lasing sya ay may kakayahan syang makipagsex?" sabi ni Vincent.

"Puta! May utak ka din pala alien. Naisip mo yun. Mahahalikan kita talaga." sabi ni Chrys.

"Oh bakit mo hahalikan si alien? Late na ba kami? Sorry traffic eh." sabi ni Rm.

"Umupo na kayo at ikukwento ko." sabi ni Lucas.

Ikinuwento ni Lucas ang lahat ng napag usapan namin kanina. Tulad ng sinabi ni Vincent ay yun din ang naisip nila Rm at Justin.

"Papuntahin mo ang Olivia sa bahay para malaman natin ang motibo nya. Sang ayon ako sayo na huwag ka munang magpakasal at yung sinasabi nyang ipalalaglag nya ang bata ay sabihin natin ito kay mommy." sabi ko.

"Tama. Patay sya kay mommy dahil pati bata pinapain nya. Magbigay ka ng kondisyon na kung gusto nyang panagutan mo sya ay sa bahay sya tumira." sabi ni Lucas.

"Naku patay sya kay tita Lisa hahaha." sabi ni Vincent.

Nagpatuloy kami sa pag inom. Namiss ko itong bonding namin lalo na yung feeling na kuya ka. Nalimutan ko na ito dahil sa mga problema namin ni Blessy.

"Oh pano uwi na kami. Lasing na si Liam at Lucas. Kita na lang tayo sa sunday para sa binyag ng kambal." sabi ko.

"Leo, ninong ako di ba?" nagmamakaawang tanong ni Vincent.

"Oo ninong kayong lahat kaya ihanda mo na Vincent ang mamahaling regalo mo. Hahaha." natatawang sabi ko.

Umuwi na kami ng bahay at hinatid ko sina Liam at Lucas sa kani kanilang mga kwarto. Bukas na namin pag uusapang pamilya ang problema ni Liam.

Pumasok ako ng kwarto namin at nadatnan ko ang mag iina ko na tulog na. Tumabi ako kay Blessy at niyakap sya hangang sa makatulog ako.