webnovel

Nanay Rita (part 2)

Leo's Pov

Naging madamdamin ang pagkikita nila Lala at nanay Rita. Ipinakilala ni Lala ang anak nya at ang ama nito. Nagkakwentuhan pa sila habang si Blessy at si Emil ay inaalagaan ang baby ni Lala.

"Lala, gustuhin ko mang magtagal ay hindi pwede. Check up kasi nya ulit bukas. Medyo abnormal daw ang heartbeat." sabi ko.

"Ganun ba, sige at baka gabihin pa kayo. Siguro sa susunod na linggo ako naman ang pupunta sa inyo para makabonding ko pang lalo si nanay Rita." sabi ni Lala.

"Aasahan ko yan Lala ha. Namiss talaga kasi kita eh." sabi ni nanay Rita.

Si Lala kasi ang pinakamalapit sa kanya. Palibhasa unang anak kami at babae si Lala. Gusto kasi ni nanay ng anak na babae kaya nga itinuring nyang anak si mommy.

Nagpaalam na kami at umalis sa bahay ni Lala sa Antipolo. Habang papauwi na kami ay dumaan muna kami sa gas station. Nagpagasolina ako tapos sina Blessy ay pumunta sa convenience store na katabi ng gasoline station. Habang naghihintay ako sa kanila ay tinawagan ko si daddy.

"Hello?" tanong ni daddy sa kabilang linya. Kita mo tong si daddy hindi na naman tinitignan kung sino tumatawag.

"Hello daddy, nasa bahay po ba kayo ngayon?" tanong ko.

"Oh Leo ikaw pala. Oo nasa bahay ako ngayon." sabi ni daddy.

"Kumpleto po ba kayo ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Oo anak. Nandito kaming lahat maliban sa inyo ni Blessy at syempre wala si Lala. Nandito din ngayon sina tito V at tito Jimin mo. Nag eemote ang alien eh. Nag aya uminom." sagot ni daddy.

"Good! Huwag nyo po sila paaalisin. Malapit na kami makauwi. May supresa ako sa inyo at siguradong mag eemote lalo si tito V hahaha." sabi ko.

"Sige antayin namin kayong makauwi. Mag ingat kayo sa pag uwi." sabi ni daddy.

Ibinaba ko na ang cellphone ko. Saktong sumakay na sina Blessy sa kotse. Nang makarating kami sa bahay ay pumasok ako agad. Sinabihan ko na mamaya na sila pumasok.

"Oh Leo, nandyan ka na pala. Nasaan ang asawa mo? Kumain na ba kayo?" tanong ni mommy. Nakatingin silang lahat sa akin.

"May supresa ako sa inyong lahat." sabi ko.

"Bakit Leo? Nanganak na si Blessy?" tanong ni tito V. Binatukan naman ito ni daddy.

"Bwisit kang alien ka. Ilang buwan pa lang ang tiyan ni Blessy, nanganak kaagad." sabi ni daddy. Umiling iling na lang ako. Nagsalita na ako kasi nde na naman matitigil ang bangayan nila.

"Eto na ang supresa ko!" sigaw ko. Tapos pumasok si Blessy kasama si nanay Rita at Emil.

"Inay! Manang Rita!" sabay sabay na sabi nila mommy at daddy pati na ang dalawang tito namin.

"Nanay Rita!" sigaw din nila Lucas, Liam at Lily.

Agad namang lumapit sila kay nanay Rita. Niyakap ni mommy si nanay ng mahigpit. Umiiyak na din si mommy.

"Inay naman eh, saan ka ba nagpunta? Hinahanap ka namin eh. Pinuntahan ka namin sa bahay mo dati pero iba na daw ang nakatira." sabi ni mommy.

"Manang Rita, sawa ka na ba sa amin at pinagtaguan mo kami?" sabi ni tito V. Hinampas ni nanay Rita si tito V sa braso.

"Hindi ko kayo pinagtaguan at hinding hindi ako magsasawa sa inyo." sagot ni nanay.

"Eh saan po ba kayo nagpunta?" tanong ni daddy.

Lumingon muna sa akin ni nanay Rita at saka yumuko. Nagtakip ito ng kamay at umiyak. Niyakap ulit ito ni mommy tapos sila daddy at mga tito ko ay hinahaplos ang buhok at likod ni nanay.

Nang medyo himinahon si nanay ay pinaupo ko muna sila. Tapos kinuwento ko lahat kung paano ko nakita si nanay at ang nangyari sa kanya. Hindi kasi makapagsalita si nanay sa kakaiyak.

"Manang Rita naman eh, alam mong ikaw na halos ang naging magulang ko nang hindi ako maalagaan ng mga magulang ko. Lalo pa ng maaksidente sila ay ikaw na lang ang pamilya ko tapos nahiya ka pa sa akin. Tayo lang lagi ang magkasama eh. Pera lang yun. Kaya kong kitain lahat ng yun. Ang iba nga ay natutulungan namin kaya bakit ikaw nde?" sabi ni daddy.

"Oo nga naman manang Rita. Babayaran ko utang mo kung nahihiya ka pa kay Jk. Kita mo ang payat payat mo na. Ano ba yang pera sa sakripisyo mo sa pag aalaga sa amin. Si Jk lang ang alaga mo pero pati kaming mga kaibigan nya ay inalagaan at ginabayan mo din." sabi ni tito V.

"Sya nga naman manang Rita. Pati tuloy bata nadamay. Nawalan na ng magulang tapos nahirapan pa." sabi ni tito Jimin.

"Nay alam mong wala na akong ina. Sa pagtanggap mo sa akin at pag aaruga, ano ba naman yung pera na nahiram at nagastos namin. Mas inaruga mo pa nga kami kaysa sa mga anak mo. Gusto mo ba ilabas natin sa kulungan ang anak mo?" sabi ni mommy.

"Huwag na anak, mas gusto ko na nandun sya kasi baka sakaling magbago pa sya. Bibisitahin na lang namin sya ng apo ko ng madalas. Sigurado ba kayong gusto nyo pa akong tumira dito? Hindi ko na kayo maaasikaso ng maayos gaya ng dati. Matanda na ako." sabi ni nanay Rita.

"Manang naman, hindi ka namin patitirahin dito bilang yaya ko. Tumira kayo ng apo mo hanggang gusto nyo." sabi ni daddy.

"Tama yun nanay Rita. Para naman maayos kayo ng apo nyo. Isa pa nanay gusto ko pong pag aralin ang bata kung okay lang po sa inyo." tanong ni Blessy.

"Naku maraming salamat sayo. Hindi ba nakakahiya. Gagastos pa kayo at isa pa magkakababy na kayo dadagdag pa kami sa gastusin nyong mag asawa." sabi ni nanay Rita.

"Nanay, maliit na bagay lang po iyan kapalit ng pag aalaga sa amin simula pa nung bata pa si daddy hanggang sa aming mga anak nya. Nay, tanggapin nyo na ang alok namin." sabi ko.

"Mag iinarte pa ba ako. Kung ikakabuti naman ng apo ko eh bakit hindi. Salamat sa inyo. Salamat talaga." sabi ni nanay.

Niyakap namin ng mahigpit si nanay. Ano ba ang pera kumpara sa sakripisyo nito. Mas inalagaan pa nya kami kaysa sa mga anak nya. Hindi ako magtataka na napariwara ang isang anak nya dahil sa kulang sa gabay. Kaya naman balak kong tulungan si nanay para baguhin ang anak nyang nakakulong. Kaya ko syang pakawalan o magagawan ko ito ng paraan, pero kailangan munang makita syang magbago.

"Nay ipagluluto nyo ba sila Jk ng pagkain?" tanong ni tito V.

"Oo naman. Kaya ko pa naman ang magluto. Namimiss ko nang ipagluto sya ng masasarap na pagkain." sabi ni nanay.

"Yes! Makikikain ulit ako sa inyo Jk ha." sabi ni tito V.

"Ako din! Namiss ko ang pinagsamang luto nila manang Rita at Lisa." sabi ni tito Jimin.

"Mga sira ulo talaga kayo. Ipaggrocery muna nyo kami. Hindi ba kayo ipinagluluto ng asawa nyo? Lagi na lang kayong nakikikain dito." sabi ni daddy.

"Busy ang asawa ko sa ospital eh." sabi ni tito Jimin.

"Ako din busy asawa ko sa business. Tapos nde masarap ang luto ng cook namin." sabi ni tito V.

"Hayaan nyo ipagluluto ko kayo ng masasarap na pagkain. Tawagin nyo na rin sila Jin para naman makita ko ulit. Siya nga pala may suman akong tinda na binili ng asawa ni Leo. Pwede bang ibalik ko na lang yung ibinayad nyo tapos ipapakain ko sa kanila?" tanong ni nanay Rita.

"Sa inyo na yan nanay. Huwag kayong mag alala binili namin yan para ipakain din sa kanila." sabi ni Blessy.

"Siya nga po pala magkano lahat ng kasoy nyong tinda? Love bilihin mo na rin please....." sabi ni Blessy.

"Anak anong gagawin mo sa maraming kasoy?" tanong ni nanay Rita.

"Magluluto po ako ng adobong pusit na may maraming kasoy. Tapos gusto ko po lahat ng kainin ko may kasoy. Liam sabay ulit tayong kumain ha." sabi ni Blessy.

Nakita ko namang namutla si Liam. Kung ako na lang sana ang pinaglilihian ni Blessy ay walang problema sakin kahit ano ang kainin kaso gusto nya si Liam eh.

"Paktay kang bata ka!" sabi ni Lucas.

"Pwedeng makahingi?" tanong ni tito V.

Nagtawanan naman kami lahat. Hindi pala alam ni tito V kung ano ano ang pinakakain ni Blessy kay Liam.

"Sure tito V. Sige kakainin mo din ang niluto ko ha." sabi ni Blessy.

"Paktay kang alien ka hahaha!" sabi ni daddy na tawa ng tawa.