webnovel

My Lady

Leo's Pov

Dumating si uncle Red sa ospital. Nagkita kami sa cafeteria ng ospital. Pinakita nito ang video sa akin. Laking gulat ko nang makita ko ang salarin. Hindi ako makapaniwala na magagawa nya to.

"Uncle may mission ka pa ba?" tanong ko.

"Wala naman. Bakit." sabi nya.

"Pakihanap yung babae at pakidala dito bago dalhin sa pulis. Ibigay mo kay uncle Beige. Make sure hindi sya makakatakas." sabi ko.

"Wag ka mag alala nagawa ko na yan at papupuntahin ko dito. Ihahatid yan dito pagtapos kunan ng statement." sabi ni uncle Red.

"Salamat po, i'll wire you the payment." sabi ko.

"No need, bayad na ni daddy mo lahat. Nabalitaan nya lahat ng nangyari. Sige alis na ako. Antay mo na lang mamaya ang package para sayo hahaha." sabi ni uncle Red. Siraulo talaga.

Bumalik ako sa kwarto ni Blessy. Nandun pa din sina Angel at Lucas. Narinig ko na tinatanong ni Angel si Blessy bakit sya pumunta sa gym. Pumasok ako ng kwarto.

"Ano hindi ka magsasalita? My God Blessy hindi ka naman tanga para pumunta sa gym kung hindi mo kakilala ang nagbigay ng sulat sayo." sabi ni Angel.

"Hayaan nyo na lang baka wala naman sya kinalaman dun." sabi ni Blessy.

"So kilala mo nga kung sino? Sabihin mo na kasi nahuli na nga kung sino maysala. Papunta na nga dito. Gusto ko lang marinig mo ang explaination nya. Nakasalalay sa sasabihin nya kung ano ang mangyayari sa kanya." sabi ko.

Yumuko naman ito. Ayaw pa din magsalita ni Blessy. Tumahimik na din si Angel. Mukhang sumuko na ito sa kakasermon kay Blessy. Bumukas ang pinto at pumasok si Maui kasama ang 2 pulis. Nakita ko na nagtataka si Angel at Lucas pero hindi si Blessy.

"Why Maui? Why?" tanong ni Blessy.

"Ikaw! Ikaw ang may kagagawan nito?" tanong ni Angel kay Maui. Tumayo si Angel at sinampal pa nya ito.

"Maui... Bakit mo nagawa sakin to? May nagawa ba ako sayo na ikinagalit mo para magawa mo sakin ang mga bagay na to?" malumanay na tanong ni Blessy kay Maui.

"Itinuring ka naming parang kapatid. Sobrang kabutihan na ang ginawa sa inyo ni Blessy." sabi ni Angel. Tahimik lang kami ni Lucas napinakakalma si Angel.

"Naiinggit ako! Naiinggit ako sa inyo! Kahit anong gawin ko hindi ako mapansin ni Leo. Ikaw may Lucas ka tapos si Blessy may Leo. Hindi nyo na ako napapansin inagaw pa nya ang gusto ko. Puro na lang kayo ang angat. Sa academic, sa lalaki, pati ba naman sa magulang ko!" sigaw ni Maui.

"Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Blessy.

"Hindi mo alam? Inaagaw mo na sakin si Daddy! Puro ikaw na lang ang bukang bibig nya. Gayahin daw kita. Lahat kayo puro Blessy! Blessy! Blessy!" sigaw pa ni Maui. Sinampal ni Angel ng ilang beses si Maui.

"Tama na Angel!" sabi ni Blessy. Inilayo na din ni Lucas si Angel kay Maui.

"Ano? Ginawan ka na ng mali kakaawaan mo pa?" sabi ni Angel.

"Hindi naman sa ganon." sabi ni Blessy.

"Gaga ka Maui! Gaga ka! Hindi mo ba alam kung saan nanggaling ang pera nung naospital ka?" tanong ni Angel.

"Sa kaibigan ni Daddy. Pinautang sya." sabi ni Maui.

"Tanga! Di ka nakaramdam. Galing lahat kay Blessy yun. Kumuha sya sa perang iniwan sa kanya ng mommy nya. Sobrang pakiusap ang ginawa ni Blessy sa tita nya dahil sayo. Dahil kapatid na turing nya sayo. At gaga ka dahil pinagselosan mo pa sya dahil bukang bibig ng daddy mo. Kung ano ang meron kayo sa parlor nyo gawa din ni Blessy. Ngayon may karapatan ka pa ba mainggit! May karapatan ka pa ba gawin yun sa taong aumagip sa inyong mag ama. Naaawa lang ako kay Papsy. Bakit sya nagkaroon ng anak na gaya mo?" sabi ni Angel.

Iyak ng iyak si Blessy. Niyakap ko sya at hinaplos ang ulo nya. Biglang napaluhod si Maui at napahagulgol. Walang nagsalita sa amin puro iyak lang ang maririnig sa kwarto.

"Sige na po pakidala na sya sa shelter na paglalagyan po sa kanya. At yung mga binayaran mong rapist nakakulong na. Kukuha ka pa ng may kapit ah kapatid ni Major. Akala mo hindi sila makukulong. Pero nagkamali ka. Dahil sayo nasira buhay nila, buhay mo at buhay ng ama mo." sabi ko.

Umalis na ang mga pulis kasama si Maui. Dahil sa inggit nya nakagawa sya ng kasalanan. Di mo akalain na magagawa ng isang kaibigan mo ito.

"Lucas, Angel, pwede na kayong umuwi. Ako na muna ang magbabantay kay Blessy.

"Ok lang dito na muna ako matutulog. Ikaw Lucas, umuwi ka muna." sabi ni Blessy.

"Hindi dito lang din ako." sabi ni Lucas.

Nakatulog kami dahil siguro sa pagod.  Pagkatapos ni Blessy makatulog, sumabay na kami. Nagising ako sa lakas ng pagbukas ng pinto.

"Where' s my daughter?" sigaw ng lalaki. Nagising din si Blessy

"Papa! Why are you here?" sabi ni Blessy.

"Why am i here? You tell me why. My God Emery, i told you to come back home. But your so stubborn. But now no ones gonna stop me from bringing you home." sabi nung Papa ni Blessy.

"Papa, please..." pagmamaka awa ni Blessy.

"I said No! And thats final." sabi ng Papa nya.

"Papa please let me stay." pagmamakaawa ni Blessy.

"I have given you enough time. Your my only daughter and you will inherit my title." sabi pa nung Papa ni Blessy. Inherit and what title?

Lumabas ang Papa ni Blessy. Iyak ng iyak sya. Pumasok si tita nya at isang lalaki.

"Sorry Blessy matagal na nila ikaw natunton. Pinakiusapan ko lang ang Papa mo. Kaso nung malaman nya ang nangyari sayo, wala na akong magawa. Sorry huhuhu!" sabi ng tita nya.

"My lady, im here to accompany you. Your father will return home."

"Noah will you hide me?" tanong ni Blessy.

"Im so sorry my lady, i can't" sabi nung Noah

"Angel im going home huhuhu.." sabi ni Blessy.

"Teka lang Blessy bakit my lady tawag sayo. Sino ba sila?" tanong ko. Hindi makapagsalita si Blessy kaya si Angel ang sumagot.

"Siya si Noah ang servant ni Blessy. Nasa tabi tabi lang yan nagmamasid. Pinagbawalan sya ni Blessy makialam sa buhay nya. Kaso last week nagpaalam yan na uuwi ng Netherlands." sabi ni Angel.

"Gel? Servant?" tanong ni Lucas.

"Oo ang Papa kasi ni Blessy ay isang Count sa Netherland." sabi ni Angel. Di ako makapaniwala. Si Blessy ay isang member ng royal family. Kaya pala medyo may pagkaforeigner ang mukha nya. Alam ko naman may ibang lahi sya.

"Ikaw ba talaga si Blessy? Sino ka ba talaga? tanong ko. Di pa din nagsasalita si Blessy.

"Her name is Lady Blessy Emery Visser. Her father is Count Thomas Julian Visser. The Count of Limburg in Netherlands." sabi nung Noah.

"Im sorry." sabi ni Blessy.